Thursday, December 31, 2009

Pahabol sa taong 2009

Hey, medyo napatagal ang pagpo-post ko rito, masyado kasing naging abala masyado at kasalanan ng FACEBOOK! Heheheh....

Anyways, sa susunod na taon, which is mga ilang sandali na lang ngayon, babalik na uli ako rito at aayusin ko na ito.

At sa tradisyon ng mga bagong taon, eto ang aking TOP 10 New Year's Resolution (kinopya ko lang ito sa Facebook ko - kitams, Facebook na naman!):

1. Yayaman na ako next year!
2. PIPILITIN ko ng HINDI na MANGUTANG!
3. Magbabayad na ng mga kautangan (yayaman na kasi eko eh, hehehe....)
4. Tatapusin ang mga sinimulan...seryoso na talaga ito!
5. Inner dance pa, marami pa dapat...medyo humina eh at naging busy - sinisingil na ako ng katawan ko....
6. Inner dance pa, DAPAT makapag-exhibit na ako ngayong taon!
7. Mag-work out na talaga aketch! John Lloyd help meeeeehhh!
8. Inner dance pa uli - dapat sasali na uli ako sa mga painting competition!
9. Magpaparami pa ng mga kaibigan at tunay na kaibigan!
10. Ipapakitang mahal rin ang mga nagmamahal at minamahal - oooh, say!

Oh, 'di ba? Bonggah!

MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT!!!!

Bookmark and Share
Related Posts with Thumbnails