Friday, December 03, 2004

haaay....

...haaay, andito ako ngayon sa may Malate, sa tabi nga manila bay...board walk ba tawag dito?...naglalakad...kakatapos ko lang makipag-meeting sa mga bago kong bossing...ngayon, pinag-isa na 'ko, maglakad-lakad daw ako...maggala....magliwaliw....

...pagkakaton ko na sanang makita ang famous sunset, kadalasan kasi sa litrato ko lang 'yun nakikita...kaso, maulap naman, 'ala rin....

...nagpapalipas ng oras...naghihintay ng umaga...mag-isa...malungkot...samantalang ang mga tao rito, partner-partner...ako wala...haaaaay....kakainggit...wala bang lalapit sa akin?...babae?...lalaki?...kahit sino...papatulan ko...maibsan lang ang kalungkutan koh...hehehe, well, kung nakaka-shock, maglaladlad na ako rito...try-sexual po kasi ako...i'll try anything! hehehe....

bukas nga umaga ang flight...papuntang davao...panibagong mundo...masaya...malungkot...excited...haaaay...ano kaya ang kinabukasan ko r'un?

...haaay talaga, buti nakakita ako ng computer shop...para maibsan ng konti ang pangugulila ko...ayan, medyo okay na ako...balik na uli ako hotel...malayo-layo rin 'yun, pero okay lang, para malibang din ako....

....;)

4 comments:

  1. Hay Johnny....dala mo ba ang phone mo? Sana makahanap ka ng Internet sa pupuntahan mo para makapagcommunicate pa rin tayo...

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  3. Oy! Sulatan mo kami! We'll miss u! PAsalubong!

    ReplyDelete
  4. Hoy hitad mag-text ka naman ;)

    ReplyDelete