Monday, February 04, 2008

Naglahong Paraiso

Gusto ko lang ibahagi ang awitin na ito...ang ganda eh!


Naglahong Paraiso
Titik at musika: Levy Abad Jr./Danny Fabella (Musikang Bayan)
Boses: Arlene Pabroquez

Album: Anak ng Bayan

Ako’y nanabik sa mga huning kay lambing,
ng mga mayang sa umaga sa akin ay gumigising
Di ko na masaksihan ang paghalik ng paruparo,
sa mga rosas na kayganda at kaybango

Ako’y nanabik na umidlip sa ilalim,
ng punong nara na malabay na datirati’y kapiling
Ibig kong maramdaman, sariwang ihip ng hangin,
mula sa kinagisnang bukirin

Nais kong manumbalik ang dating makulay na paligid
Sa puso ay muling pausbungin ang luntiang daigdig

Ako’y nanabik sa hiyaw at halakhak,
ng mga batang naglalaro sa damuhan
Pagka’t pumanaw na ang sigla nila’t galak,
sa pagkasira ng paraisong kinagisnan

Nais kong diligin ng pag-ibig ang nalalanta nang kalikasan
Ipamana sa kabataan ang kanyang mga biyaya’t kagandahan

Nais kong manumbalik ang dating makulay na paligid
Sa puso ay muling pausbungin ang luntiang daigdig…

9 comments:

  1. Anonymous3:51 PM

    hi john, Sweet things of freedom yata ang title ng first song. I don't know ha, pero may cd kasi ako ng musikang bayan eh. I also like the song (see my friendster profile)

    wengerts

    ReplyDelete
  2. Hi Wengerts!

    yeap, paborito ko rin 'yun..."I could have said" po ang titulo n'un, hehehe...

    ReplyDelete
  3. Anonymous2:14 PM

    hello! how did you get a cd copy of the song? nawala kasi yung kopya ko..

    ReplyDelete
  4. anonymous,

    uhmmnnn...ako naghahanap din, pero dito yata sa manila, marami pa...i-try mo sa IBON Fdn., meron pa yata d'un...or download na lang, pwede rin namang i-download buong album...


    john

    ReplyDelete
  5. salamat John sa pagpost mo ng mga awitin ng Musikangbayan

    ReplyDelete
  6. pahingi naman po chords. :/

    ReplyDelete
  7. Anonymous9:24 PM

    Sana di makalimutan ng anak ko ang lyrics kakantahin nya o ito sa buwan ng wika sa kanilang paaralan. Napunta ako sa blog na ito para kopyahin ang lyrics...

    ReplyDelete