Thursday, May 29, 2014

China Crisis

 photo poster_chinacrisis.jpg

Click the poster for details.

Bookmark and Share

Monday, May 26, 2014

Wednesday, May 14, 2014

Monday, January 06, 2014

Bagong KOMIKERO video!

Unang video ng taon!  

Enjoy!



Bookmark and Share

Friday, January 03, 2014

Do You Hear the People Sing?

May concert ulit si Ms. LEA SALONGA!

 photo lea-1.jpg

Paki-click na lang po poster.

Bookmark and Share

Thursday, December 26, 2013

Whilce's Signing

BISHOP IS COMING....BE PREPARED!

 photo x_whilce.jpg

Bookmark and Share

Friday, November 29, 2013

LEA SALONGA PLAYLIST: A Celebration of 35 Years

May concert si Ms. LEA SALONGA....must watch this!

 photo lea.jpg


Bookmark and Share

Monday, November 25, 2013

KOMIKON Charity Auction Financial Report

Eto na, sa wakas, nakumpleto ko ng ipunin ang mga collectibles at nai-deposit na kaagad sa mga recipient.   Eto po muna naging timeline ng auction at mga koleksyon.

November 16 (Saturday): KOMIKON auction, nakangalap po tayo ng P57,305.05 na cash at may lilikomin pa na P45,000.00 sa artwork (P27,000.00 + P18,000.00), P8,000.00 na pledge at pahabol na P500.00.  TOTAL COLLECTIBLES: P53,500.00.

November 19 (Tuesday): Pumasok na at pwede ng ma-withdraw ang P8,000.00 na pledge.

November 20 (Wednesday): Lumuwas para kuhanin ang artwork ni Mico na worth P27,000.00.

November 21 (Thursday): Deposited P6,000.00 para kay Vergil.

November 22 (Friday): Inayos at ipinadala sa Cebu ang artwork ni Mico, at natanggap ang bayad na P27,000.00.

November 23 (Saturday): Natanggap ang bayad sa artwork ni Manix na P18,000.00.

November 25 (Monday): Nag-deposit ng P27,500.00 para kay Vergil at P20,000.00 para sa mga taga-Bohol.  TOTAL DEPOSITED: P6,000.00 + P27,500.00 + P20,000.00 = P 53,500.00.

 photo vergil.jpg

November 21 deposit for Vergil.

 photo vergil2.jpg
November 25 deposit for Vergil.

 photo aer.jpg
November 25 deposit para sa Bohol.

Ayos na!  Antay ko na lang acknowledgement receipt para sa Bohol at documentation para d'un!

SALAMAT PO ULIT NG MARAMI SA LAHAT! 

Bookmark and Share

Wednesday, November 20, 2013

The Art of Breathing

An invitation....

 photo breathe.jpg
Please click poster for details.

Bookmark and Share

Monday, November 18, 2013

KOMIKON 2013 aftermath!

Wohoooh, kakatapos lang ng KOMIKON...at GRAVEH talaga!

Siyempre, mega-excited dahil KOMIKON, maraming comics, pero mas excited kasi gawa ng CHARITY AUCTION para sa kapatid nating si VERGIL ESPINOSA at mga nasalanta ng lindol sa BOHOL.  Sa paghahanda pa lang, super-busy na...follow-up dito..follow-up doon... meeting dito...meeting d'un...trabaho dito...trabaho d'un...kaya ng dumating ang araw, hay sus, 'buti kaya pa ng powers koh!

Sa preparasyon, eto po 'yung naging poster namin.  MARAMING SALAMAT nga pala kay JONAS DIEGO at NEIL AMIEL CERVANTES sa panahong inukol para dito.

 photo Charity-Poster0__final2.jpg
Poster ng magigiting, PINOY KOMIKS ASSEMBLE!

Tapos, dito na sumunod ang mga mas busy na gawain...pangungulit sa mga artist para makakuha ng mga original work para sa auction...at ito po ang mga naging resulta!

 photo 1_k1.jpg

 photo 2_k2.jpg

 photo 3_k3.jpg

 photo 4_k4.jpg

 photo 5_k5.jpg

 photo 6_k6.jpg
Mga kagilagilalas na katha! Huwaaaaw!

At pagdating ng itinakdang araw, KOMIKON na nga.  Umaga pa lang super excited na, at pagdating sa venue, mega-prepare.  Galit-galit muna.  Seryoso sa pag-aayos ng set-up.  At ng makatapos, takbo kaagad kila Sandy ng COMICS ODYSSEY, tradisyun na 'yun eh, unahan ang mga exhibitor!  benefit ng pagiging exhibitor, tira-tira na lang sa mga parokyano!

Lagi ko kaaway d'yan si GERRY ALANGUILAN at ANDREW VILLAR!  Tradisyun na rin 'yun!

 photo 7_prepare-1.jpg
Seryoso!  Galit-galit muna....

Tapos, mayamaya lang, dumating na si SUPERSTAR MANIX ABRERA at ibinigay ang gawa nya.  Grabeh, sabi ko, pa-pix na muna dahil hindi ko na ulit siya makakausap, dahil SIGURADONG PILA-BALDE na naman siya...at TOTOO nga, grabeh ang pila maghapon!

 photo 8_manix.jpg
Kasama ang THE GREAT MANIX ABRERA!  Pila-balde master!

At habang naghihintay para sa mga suki...prepare...chika...gala...tapos ng magkaroon ng free stage time, tawag ang mga kakosa, si JONAS at GERRY, at mega-promote kami!

 photo 9_promo_stage-1.jpg
Promote-promote ang peg! Jonas, ako, at si JUSTINE BIEBER!

Tapos, eto na ang mga suki...nakakatuwa, mga aaligid-aligid talaga! Pbalik-balik at binabantayan ang mga bid nila!

 photo 11_suki.jpg
Mga suki, balik-balik lang!

 photo 12_suki_2.jpg
Pwede po tumawad...pero pataas ang tawad! ^_^

At pagdating nga alas singko y media, ang itinakdang oras...ayan nah!  Dagsa na ang mga suki at nagsimula na ang labanan!  As in kakatuwa talaga!  'buti and'un 'yung boss ko para tumulong, at nakita nya kung paano ang auction ng mga comics mangyari!

 photo 13_auction.jpg
Eto 'yung kay CARLO PAGULAYAN na donation...at naibenta namin ito sa halagang P6,000.00!

 photo 14_auction2.jpg
Eto naman kay MANIX ABRERA, at naibenta namin ito ng tumataginting na P18,000.00!

 photo 15_auction3.jpg
Eto kay EDGAR TADEO, at naibenta sa halagang P10,000.00!

 photo 16_auction4.jpg
At kay POL MEDINA, Jr, sa halagang P2,100.00!

Whohooh, grabeh talagah! At nakapag-raise kami ng P54,700.00 in cash, tapos may isang bag ng mga barya at alkansya, at may nag-donate ng mga relief goods.  Tapos, may collectibles na P44,000.00 at $200.00 pa.  

MARAMING, MARAMING SALAMAT PO sa LAHAT ng artist na naging bahagi at nag-donate ng kanilang mga gawa para maging MATAGUMPAY ang auction na ito.  Hindi po mapapantayan ang kabutihang ito na nagawa nyo.   SALAMAT PO!  

Pagkatapos ng auction, accounting kaagad, tapos may reporter, MARK NAVARRO  na naroon at nakakuha kaagad siya ng mga impormasyon para sa isusulat nya.  Maayos din naman para sa dokumentasyon.

 photo 17_reporter.jpg
At eto na nga, accounting, preparasyon at reporting na.

Siyempre, takbo kaagad sa stage para i-announce sa madlang pipol ang nakuhang pera at mga donasyon!  Maraming nagulat at nasiyahan!

 photo 18_announcement.jpg
It's showtime!

At pagkatapos i-report, diretso na ang pera sa mga recipients ng auction.. Ang mga relief goods, binigay namin sa Red Cross.  Tapos 'yung pera, hinati namin para kay VERGIL ESPINOSA at mga taga-BOHOL.

 photo 20_vergil.jpg
Ang tumangap para kay VERGIL ESPINOSA ay ang kanyang nakakatandang kapatid, sa halagang P28,600.00...

 photo 21_bohol.jpg
...at para sa mga taga-BOHOL naman, P26,100.00, ay tinanggap ng representative ng R1 o (Rice Watch and Action Network) na si Ms. Aurora Regalado.

 photo 22_recipients.jpg
At siyempre, kasama dapat ang magiting na si LUI ANTONIO!

At pagkatapos ng KOMIKON, uwian na...nakakapagod pero NAPAKASAYA!  Resibo naman ang dapat atupagin.

Unang resibo, para sa mga taga-BOHOL, eto 'yung organization na nakatanggap.  Bale, P26,100.00 na cash n'ung KOMIKON at isang bag na barya (ang hirap bilangin dun mismo), sa TOTAL na P28,705.05!  Hihingan ko na lang sila ng picture documentation para sa activity nila para sa mga taga-BOHOL.

 photo recepit.jpg
Eto po ang OFFICIAL RECEIPT na para sa mga taga-BOHOL...P28,705.05.

At nakakatuwa, pati mga kaibigan eh nagawan pa ko ng parang photo album...heheheh, nakakataba naman ng puso, SALAMAT kay ERICUS SORIANO para dito!

 photo 23_ericus.jpg
'di ba VONGGAH!

At sa nagbigay ng mahalagang relief goods, MARAMING MARAMING SALAMAT po!

Salamat sa mga kinuhanan ko ng pix para sa blog entry na ito.

At muli, SALAMAT PO sa LAHAT!

Bookmark and Share

Sunday, November 17, 2013

ELMER Signing in San Pablo City

Si KOMIKERO may signing sa San Pablo City....TARAAAAHHHHHH!!!!

 photo elmer-1.jpg

Bookmark and Share

Wednesday, November 13, 2013

Bagong KOMIKERO ANTHOLOGY!

Sa wakas, nakapaglabas ulit kami ng bagong isyu!

Abangan ngayong KOMIKON!

 photo anthology.jpg
Komikero Anthology Vol. 2 Issue 3

Bookmark and Share

Tuesday, November 12, 2013

Action for Yolanda Victims

Para sa mga biktima ng Yolanda....punta po tayo!

 photo yolanda-1.jpg

 photo yolanda2.jpg

 photo art.jpg

 photo yolanda.jpg

Bookmark and Share
Related Posts with Thumbnails