Monday, May 26, 2014
Wednesday, May 14, 2014
Monday, January 06, 2014
Monday, November 18, 2013
KOMIKON 2013 aftermath!
Siyempre, mega-excited dahil KOMIKON, maraming comics, pero mas excited kasi gawa ng CHARITY AUCTION para sa kapatid nating si VERGIL ESPINOSA at mga nasalanta ng lindol sa BOHOL. Sa paghahanda pa lang, super-busy na...follow-up dito..follow-up doon... meeting dito...meeting d'un...trabaho dito...trabaho d'un...kaya ng dumating ang araw, hay sus, 'buti kaya pa ng powers koh!
Sa preparasyon, eto po 'yung naging poster namin. MARAMING SALAMAT nga pala kay JONAS DIEGO at NEIL AMIEL CERVANTES sa panahong inukol para dito.
Poster ng magigiting, PINOY KOMIKS ASSEMBLE!
Tapos, dito na sumunod ang mga mas busy na gawain...pangungulit sa mga artist para makakuha ng mga original work para sa auction...at ito po ang mga naging resulta!
Mga kagilagilalas na katha! Huwaaaaw!
At pagdating ng itinakdang araw, KOMIKON na nga. Umaga pa lang super excited na, at pagdating sa venue, mega-prepare. Galit-galit muna. Seryoso sa pag-aayos ng set-up. At ng makatapos, takbo kaagad kila Sandy ng COMICS ODYSSEY, tradisyun na 'yun eh, unahan ang mga exhibitor! benefit ng pagiging exhibitor, tira-tira na lang sa mga parokyano!
Lagi ko kaaway d'yan si GERRY ALANGUILAN at ANDREW VILLAR! Tradisyun na rin 'yun!
Seryoso! Galit-galit muna....
Tapos, mayamaya lang, dumating na si SUPERSTAR MANIX ABRERA at ibinigay ang gawa nya. Grabeh, sabi ko, pa-pix na muna dahil hindi ko na ulit siya makakausap, dahil SIGURADONG PILA-BALDE na naman siya...at TOTOO nga, grabeh ang pila maghapon!
Kasama ang THE GREAT MANIX ABRERA! Pila-balde master!
At habang naghihintay para sa mga suki...prepare...chika...gala...tapos ng magkaroon ng free stage time, tawag ang mga kakosa, si JONAS at GERRY, at mega-promote kami!
Promote-promote ang peg! Jonas, ako, at si JUSTINE BIEBER!
Tapos, eto na ang mga suki...nakakatuwa, mga aaligid-aligid talaga! Pbalik-balik at binabantayan ang mga bid nila!
Mga suki, balik-balik lang!
Pwede po tumawad...pero pataas ang tawad! ^_^
At pagdating nga alas singko y media, ang itinakdang oras...ayan nah! Dagsa na ang mga suki at nagsimula na ang labanan! As in kakatuwa talaga! 'buti and'un 'yung boss ko para tumulong, at nakita nya kung paano ang auction ng mga comics mangyari!
Eto 'yung kay CARLO PAGULAYAN na donation...at naibenta namin ito sa halagang P6,000.00!
Eto naman kay MANIX ABRERA, at naibenta namin ito ng tumataginting na P18,000.00!
Eto kay EDGAR TADEO, at naibenta sa halagang P10,000.00!
At kay POL MEDINA, Jr, sa halagang P2,100.00!
Whohooh, grabeh talagah! At nakapag-raise kami ng P54,700.00 in cash, tapos may isang bag ng mga barya at alkansya, at may nag-donate ng mga relief goods. Tapos, may collectibles na P44,000.00 at $200.00 pa.
MARAMING, MARAMING SALAMAT PO sa LAHAT ng artist na naging bahagi at nag-donate ng kanilang mga gawa para maging MATAGUMPAY ang auction na ito. Hindi po mapapantayan ang kabutihang ito na nagawa nyo. SALAMAT PO!
Pagkatapos ng auction, accounting kaagad, tapos may reporter, MARK NAVARRO na naroon at nakakuha kaagad siya ng mga impormasyon para sa isusulat nya. Maayos din naman para sa dokumentasyon.
At eto na nga, accounting, preparasyon at reporting na.
Siyempre, takbo kaagad sa stage para i-announce sa madlang pipol ang nakuhang pera at mga donasyon! Maraming nagulat at nasiyahan!
It's showtime!
At pagkatapos i-report, diretso na ang pera sa mga recipients ng auction.. Ang mga relief goods, binigay namin sa Red Cross. Tapos 'yung pera, hinati namin para kay VERGIL ESPINOSA at mga taga-BOHOL.
Ang tumangap para kay VERGIL ESPINOSA ay ang kanyang nakakatandang kapatid, sa halagang P28,600.00...
...at para sa mga taga-BOHOL naman, P26,100.00, ay tinanggap ng representative ng R1 o (Rice Watch and Action Network) na si Ms. Aurora Regalado.
At siyempre, kasama dapat ang magiting na si LUI ANTONIO!
At pagkatapos ng KOMIKON, uwian na...nakakapagod pero NAPAKASAYA! Resibo naman ang dapat atupagin.
Unang resibo, para sa mga taga-BOHOL, eto 'yung organization na nakatanggap. Bale, P26,100.00 na cash n'ung KOMIKON at isang bag na barya (ang hirap bilangin dun mismo), sa TOTAL na P28,705.05! Hihingan ko na lang sila ng picture documentation para sa activity nila para sa mga taga-BOHOL.
Eto po ang OFFICIAL RECEIPT na para sa mga taga-BOHOL...P28,705.05.
At nakakatuwa, pati mga kaibigan eh nagawan pa ko ng parang photo album...heheheh, nakakataba naman ng puso, SALAMAT kay ERICUS SORIANO para dito!
'di ba VONGGAH!
At sa nagbigay ng mahalagang relief goods, MARAMING MARAMING SALAMAT po!
Salamat sa mga kinuhanan ko ng pix para sa blog entry na ito.
At muli, SALAMAT PO sa LAHAT!
Wednesday, November 13, 2013
Bagong KOMIKERO ANTHOLOGY!
Thursday, October 31, 2013
Thursday, October 20, 2011
GTMACCON na!
Monday, February 28, 2011
FREE COMIC BOOK DAY
Monday, February 07, 2011
Wednesday, January 19, 2011
SULYAP SIGNING!
Featuring:
Rommel Estanislao Jr.
Macoy
Gio Paredes
Tepai Pascual
Mel Casipit
Josel Nicolas
RH Quilantang
Ian Olympia
Brought to you by Powerbooks and Komikon, Inc.
Tuesday, January 18, 2011
THE COURAGEOUS PRINCESS
Grabeh, pinahanga na naman ako ni ROD ESPINOSA ang may katha (sulat at guhit) ng komiks na COURAGEOUS PRINCESS, ang galing! Sobra talagang galing!
Tama nga ‘yung sabi ng kaibigan ko (Andrew Villar), dito nga si Rod nagsimula, medyo kasi bitin pa, pero okay lang din naman…tapos kung babasahin mo ‘yung kasunod na ginawa nya sa komiks na NEOTOPIA, grabeh naman ang pagkabaliw o development nya d’un. LAHAT ng kakulangan sa COURAGEOUS PRINCESS, ibinuhos nya naman sa NEOTOPIA.
Ang COURAGEOUS PRINCESS ay kwento ng pakikipagsapalaran ng isang hindi masyadong maganda ngunit ubod ng bait na prinsesa (Mabelrose) sa pagtakas sa pagkakadukot sa kanya ng isang higanteng dragon (Shalathrumnostrium). At dahil hindi nga sa hindi siya masyadong maganda, wala raw “prince charming” na magliligtas sa kanya sa kamay ng higanteng dragon, kaya tumakas siya. Marami siyang nakilalang mga kaibigan sa kanyang pakikibaka at medyo kakaiba kung ano ang naging daloy at kung paano tinapos ang kwento – hindi ito tulad ng ibang kwento na alam mo na kung ano ang kalalabasan o mangyayari. Napakayaman sa ideya ng mga tauhan, lugar o setting ng kwento.
Grabeh, ang galing talaga!
Kaya tuloy ngayon, naghahanap pa uli ako ng mga nagawa ni Rod Espinosa!:D
Wednesday, January 12, 2011
Hey, Baby Signing!
Tuesday, September 14, 2010
Thursday, May 20, 2010
Ang Hari!
Isang nakakaaliw na gawa-gawa ni Andrew Villar, ang gumawa ng "Ambush" at "Grinder"!
Katulad ng sinasabi ko noon, BIHIRA akong magandahan sa mga indie komiks ngayon (masyadong suplado eh), at ito nga, isa ito sa pumasa sa panlasa ko, wehehehe....
Enjoy talaga, SALUDO ako sa 'yo ANDREW VILLAR!
Padayon!
... paki-click na lang po ang picture para mabisita ang website nila at mabasa ang buong kwento...at sana ma-print na ito, mas masarap pa ring basahin na hawak mo ang bawat pahina eh...tsaka, dapat UNCENSORED!
