Wednesday, December 07, 2005

anib time!!!

Hey, hey, hey!

Sa bilis ng panahon, 'di ko napansin na naka-isang taon na pala ako dito sa Mindanao, grabeh!

Mapagbiro pa yata ang tadhana, kasi, kasabay ng pagdaos ko nito n'ung linggo, napalagay pa sa dyaryo ang pangalan ko (sa PDI- wala akong krimen ha!)! Na-feature 'yung office namin tapos n'ung nag-presscon kami, medyo ako, ehem, 'yung napansin ng mga reporter...well, iba na talaga, hehehe..., kaso nga lang, mali naman ang pangalan ko d'un: Johnny Panganan ang nakasulat, haaaay...okay lang;-)

Tapos, bukas, may radio interview naman, sa martes, presentation kaharap ang iba't-ibang mukha galing sa buong Mindanao...nagbubunga na ba ang mga dugo at pawis na ibinigay ko sa organization namin? hmmmn...well, bunga lang naman ng pagkakataon ang lahat..pero "there's no such thing as coincidence, everything else is connected to everything else" - first insight y'un sa "Celestine Prophecy" ni James Redfield! Ah ewan, magsasaya na lang muna ako....

Well, medyo masaya nga, pero hindi pa rin maitatago na medyo malungkot pa rin ako, kasi wala dito 'yung mga kaibigan ko...ang hirap makahanap ng mga kaibigan na ka-level mo o karugtong ng utak mo - miss ko na talaga ang mga KOMIKEROS! Haaay...tiis pa, 'pag nakaipon na ako...ang mahal kasi ng pamasahe eh!

Tapos, pasko pa! iba kasi ang pasko dito, oo nga't hindi kasing garbo diyan sa Luzon, pero sa totoo lang, medyo okay-okay pa, tahimik at nagagawa ko ang gusto ko....kayo na mag-isip kung ano 'yun, kung ano man ang iniisip nyo, ayun na 'yun!

Teka, maiba naman ako...usapang komiks naman...'buti na lang merong National Bookstore dito, ayun ang source ko ng comics dito, medyo limited nga lang pero at least meron! N'ung nakita ko 'yung shelf nila sa pambata, nagulat ako, abah, may mga graphic novels, tapos ang mura pa!

Nakakuha ako ng Elf Quest tpbs (digest size, nos. 1-8), Bone na hardcover, Kiko Machine, Pugad Baboy 18!

'eto ang masasabi ko...

Image hosted by Photobucket.com
Sa wakas, nakabasa na rin ako nito! okay na okay, ang galing nga pagkakasulat at drawing! Isa na rin ako ngayon sa mga sumisigaw ng AYOOOOAAAAHHH! Ang sarap basahin ng mga pakikipagsapalaran ng mga wolfriders!!

Ooops, wala pala akong picture n'ung Bone, pero ang galing ni Jeff Smith! Hahanapin ko pa ngayon ang mga kasunod nito, 9 books daw, kaso sabi ng National Bookstore, 2 pa lang daw ang meron sila, aaawwwww...hinihintay ko na lang 'yung book 2...

Image hosted by Photobucket.com
Dito naman, okay na okay basahin, isang henyo si Manix Abrera, ang sarap basahin at ay'un nga lang, n'ung binasa ko eh nakasakay ako sa pampasaherong van pauwi at wala akong ginawa kundi tumawa ng tumawa. Naalala ko kasi 'yung buhay ko n'ung estudyante pa ako, 'yung mga hirit na ewan, mga gimik, at mga karanasan, okay na okay! Pinagtinginan nga ako ng mga kasabay ko sa van, pero okay lang, hindi naman nila ako kilala at hindi ko rin sila kilala! basta, nag-enjoy ako!

Ewan ko lang ha, pero, bakit yata walang pangalan ang mga pangunahing bida at saka... sa kalagitnaan ng serye, umayos 'yung pagkaka-drawing sa mga karakter, lalo na 'yung babaeng naka-skin head, pero n'ung bandang huli, medyo hindi na maganda. Sa paningi ko eh d'un sa mata nagkaproblema, okay na y'ung dati eh, pero n'ung naging bilog, medyo, 'di ko gusto...


...at ang PUGAD BABOY 18...okay, walang kamatayan pa rin ang mga hirit ni Polgas, kaso medyo walang adventure ngayon...nakaka-miss na ang mga adventure, 'kala ko eh isasama 'yung kay Igno na naging bounty hunter siya, siguro sa 19 na lang...sana!


Tapos, 'nung minsan napadaan ako sa oddyssey, pinapalabas nila 'yung "Phantom of the Opera" ni Andrew LLoyd Webber at Joel Schumacher...'di ko kasi napanood sa sine, kaya bilis-bilis akong bumili ng VCD. N'ung napanood ko na, nakow...palpak! Meron kasi ako ng soundtrack ng play kaya saulo ko 'yung mga kanta, at meron na kong idea ng mga scene, kaso sa ginawa ni Schumacher...ewan ko lang ha, pero hindi sinaunang Paris ang nakikita ko, kundi Gotham City! Ang gumanap na Carlotta eh payat na babae? Ang nasa isip ko eh dapat matabang babae...at ang Phantom eh pa parang si Batman, kulang na lang eh ngumiti siya at magpakilala (ala-George Clooney na "Hello Freeze, I'm Batman!" - ugh!). Tapos, d'un sa production number para sa "Masquerade", ito pa naman ang hinihintay ko, hindi siya masyadong tumatak sa akin...may kulang! Mas tumatak pa nga sa akin 'yung sayaw ni Roland Orzabal ng Tears for Fears d'un sa kanta nila na "Mad World"! The best pa rin talaga ang Moulin Rouge!

Image hosted by Photobucket.com
'di ko siya gusto, mahal pa naman ang bili ko, sana hinintay ko na lang mag-sale!

Hep, ang hinihintay kong ipalabas dito eh 'yung "Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros", ang ganda ng mga review para dito, intriga tuloy ako!

5 comments:

komiksmanila said...

masaya ako sa yo at enjoy ka jan at happy anib! isang taon ka na din naming namimiss.

yun nga lang ay sana, sana lang naman. kung magpopost ka e maglagay ka ng pic ha? yung nakabikini kung maaari!

di na kasi kami sanay na wala nun e.. hehehe... ;)

Rene said...

dyan ka ba magpapasko, pare?

johnny yambao danganan said...

jrld,

miss ko na rin kayo kaayo.

hehehe gihapon...


Rene,

dire bai ako magpasko, dili pa mag-uli, adto ako bukidnon;-)

jonasdiego said...

Come home, Johnny! :D

Raipo said...

oi johnny uwi ka na!!! hinahanap ka na ng madir mo! we miss u!!!!!!!!

Related Posts with Thumbnails