Sunday, January 29, 2006

unang hirit!

aaaahhhh, 2006 na pala, medyo napahuli ang aking gising...pero anyways, ano na nga ba ang pinaggagawa ko sa bagong taon?

...una, nag-celebrate kami ng pasko n'ung january 6, hindi dahil sa 3 kings' celebration kundi sa anthroposophy kasi, ito ang date na dapat na celebration. Ito 'yung date na na-baptize si jesus ni john the baptist at nanaog ang holy spirit or christ consciousness (or merging of the soul ni zarathustra) kay jesus, actually ito daw talaga ang christmas ang sine-celebrate pero hindi pa rin malaman kung paano naging december 25 bigla ang celebration...isa trivia lang mga kapatid.

...naging busy kaayo na naman...

...lovelife? naging parang roller coaster at ang masasabi ko na lang ay: uh-oh!

...maraming nabalita sa ibang mga kaibigan na hindi maganda, pero may positive naman siguro sa lahat ng bagay.

...at higit sa lahat, makakabisita na uli ako sa luzon, kaso 5 araw lang, kaya dapat ma-maximize ng husto!

hokey, ayun na muna...abala pa kami ngayon sa feast ni Don Bosco at sa beach na naman kami magse-celebrate, ayooah!

1 comment:

Rene said...

uh-oh?!!!

this says a lot bai. this says a lot.

gerry, the others and i have come up with a theory why you'll be here for 5 quick days. bwehehehehe!

Related Posts with Thumbnails