Heps, medyo naging abala ako nitong nagdaang araw (‘lagi naman eh!), umuwi kasi, naiwan ang ibang trabaho, kaya pagbalik, doble na ang trabaho….
Sige na nga, ibabahagi ko na ang mga nangyari sa buhay ko, medyo sinipag akong magsulat at para mainggit, este ma-update ko pala ang mga naliligaw magbasa sa blog na ito!
Okay, una, nabanggit ko na umuwi (nag-uli sa Bisaya) ko ng Luzon n’ung Feb. 10, mabilisan lang, originally, isang lingo lang, pero maswerte’t napahaba ng kaunti naging 13 na araw, naudlot kasi ‘yung isang activity naming kaya okey lang dawn a medyo madgdagan ng araw ang bakasyon ko.
Pinatos ko na ‘tong bakasyon na ito, kasi, ‘pag hindi ko pinatulan, tiyak sa December na ako makakauwi…n’ung mga nagdaang araw nga bago ako umalis, nagpapahiwatig pa ang bosing ko na ayaw akong pauwiin, pero, nahilot ko rin at napapayag ko rin siya!
Grabeh, siyempre, sabik na sabik na makauwi dahil medyo napatagal ang pagtigil ko dito sa Mindanao, ito na ‘yung pinakamalayo kong narating at pinakamatagal na panahon na napahiwalay ako sa amin. Isang gabi bago umalis, pumunta na akong Davao para maghanda sa pag-alis, mga huling minuto sa pagbili ng mga pasalubong at ‘pag nasa Davao ako, makakalimutan ko ba naman ang nightlife? Siyempre hinde!
Kinaumagahan, hangover, huling minutong paghahanda at lumarga na papuntang airport, check-in ng maaga, at nakakagulat – ang terminal fee dito P40.00 lang, ang ganda, malinis at tahimik pa! ‘di tulad diyan sa Manila, P200.00 tapos ang pangit, mainit, at maingay pa!
Sakay sa eroplano, at nag-isip kung anong gagawin sa Luzon, planado ang bawat araw, kung saan at sino ang pupuntahan kasi kakaunti lang ang araw – ang ibang pupuntahan ‘pag hindi napuntahan, baka magtampo. Nakalingat ako, Luzon na pala, malapit na kaming lumapag, tapos ewan, ko imbis na matuwa ako at malapit na eh, nalungkot pa ko! Na-miss ko kaagad ang Mindanao, tapos n’ung nakita ko na naman ang mga nagtataasang gusali, lalo lang akong nalungkot kasi naalala ko ‘yung buhay ko bago ako tumulak papuntang Mindanao. Sa dati kong trabaho na nagpakaputa ako, naging isa akong bayaran, laspag na laspag! Ay, ang dramah!
Pagsakay sa taxi, papuntang terminal papuntang San Pablo, banding huli na n’ung magkwento ‘yung driver, taga – Mindanao pala siya, sabi ko nga, ako na taga-Luzon, nagpasyang mamuhay sa Mindanao, tapos siya, dito naman sa Luzon – nakakatawah!.
Sa Bus, ‘di mapigil ang pag-iisip, text pa ng text ang mga kasahan ko sa opisina, nangungumusta o tila nangungutya, pinababalik na kaagad ako! Sa bus, binibilang ang minuto o oras…ayan malapit na…ilang minuto na lang…nakakapanibago nga eh, kasi ‘yung daan, biglang ang lumiit sa paningin ko! N’ung una, malapad na siya para sa akin, pero ngayon, kumpara sa mga daan sa amin sa Makilala, ay sus! Walang binatbat, mas malalapad d’un!
Nakarating din sa wakas, nakita ko pa ang ate ko (panganay) sa terminal, pauwi na siya sa Lucena, ako pa-San Pablo, konting chicka lang, tapos paalam na…pagdating sa bahay, nanay ko naman, buti na lang medyo maaga, nakasalubong ko siya – siyempre, yakap at halik, tapos paalis pala siya, mamalengke raw siya, tinanong ako kung ano ang gusto ko, sabi ko simple, ginisang mungo at pritong tinapa! Ayun ang mga pinanabikan kong pagkain, ang kanyang mga lutong bahay. Sabay na kaming pumunta sa bayan kasi may pupuntahan din ako, sa isang kaibigan ko, kay Fafa Gerry! Ayun, pagdating d’un, kumustahan to the max! Na-miss ko ‘yung bahay niya, tambayan kasi ng mga komikero, museum at library ng komiks! Masaya, ubod ng saya, nakalingat nanaman ako sa oras, tapos nagpaalam na, kinabukasan na uli kasi nagkataong may exhibit ang mga komikeros sa isang school na kalapit.
Kumustahan to the max!! (ako, gerry, ate ilyn, edjee at zarah – sino ‘yung natakpan?)
Naninabago, balot na balot daw ako at walang balbas!
Uwi sa bahay, tapos a’yun, kumustahan uli, sa pamilya naman. Inaasahan daw nila ako na payat at maitim, kabaligtaran daw lahat, lalong tumaba (nyah!) at namuti. Sabi ko nga nangitim pa ako ng lagay na ‘yan kasi kakagaling ko lang at madalas sa beach, hehehe, at nang-inggit pa!
Kinabukasan o kinaumagahan, maaga akong nagising, ‘di na naman makatulog, namamahay. Tulad ng dati, naglakad na lang ako papuntang Sampalok lake at nilibot na rin ‘yun. Matagal na rin ng huli kong nilibot ‘yun, marami na ring pagbabago, mga naglalakihang mansyon ang tinatayo sa paligid ng lawa. Tinanggal nga nila ‘yung mga squatters, pero pinalitan naman ng mga naglalakihang rest house ng mga mayayaman, hmmmnnn….
Sa hapon, pumunta ako d’un sa school na may exhibit ang komikero – ay’un ang na-miss ko, mga exhibit na gan’un! Tapos, ang ibang komikero, dumating din si Jonas at Raipo.
Ako, si raipo (ala janet jackson cover), jonas at fafa gerry!
Fair kasi d’un sa school, kaya maraming mga booth at tindahan ng pagkain, ayun, nilantakan naming mga pagkain d’un, maski simple okay pa rin!
Sarap nyan!
Pagkatapos ng fair, dumiretso kami d’un sa isang café sa may labas ng San Pablo – Café Curio ang pangalan. Okay naman ang mga pagkain nila, kaya lang kulang ang araw para pagpiyestahan ang mga menu nila, the usual, kung alin ‘yung walang karne, ayun ang pwede sa akin, okay naman at medyo Italian dish ang menu nila. Kumustahan na naman, tapos pinaglaruan ang mga mind games o brain busters na naroon sa café, may mga komiks pa, Neil Gaiman at Bill Watterson (Calvin and Hobbes!) kaya okay. Tapos, nagpaalam saglit si fafa Gerry, may susunduin daw siya.
Pagkatapos ng medyo mahaba-habang sandali, dumating na siya, may kasamang dayuhan (foreigner), isang comic artist din, isang French! (Ooooohhh, French, ang matrix ko nag-eelisi!) Pero sa totoo lang, parang familiar ‘yung pangalan nya, parang nabasa ko na sa Heavy Metal magazine ang pangalan niya…hahalungkatin ko na lang ang mga magazine ko. Tapos, ‘yun, magaling siya…at medyo sa linya ko ‘yung mga pinaggagawa nya, erotic art, kaya okey siya!
Komikeros with a new member, Ivan Brun!
Pagkatapos d’un, kinabukasan, mga kaibigan ko naman ang ka-gimik ko…d’un na lang kami nagkita-kita sa Filinvest, Alabang, common ground para sa amin. Dumaan muna ako ng Los Baños para kaunin ‘yung isa pang kaibigan para sabay kaming lumuwas. Aysus, sa bus pa lang, daldal na kami ng daldal, ang tagal namin kasi n’ung huling magkita, kaya lumipas ang oras nasa Alabang na pala kami. Siyempre, excited din na Makita ‘yung iba pa, at ‘yun nga, grabeh! Chika to the max, tungkol sa buhay, at napagtanto ko (…ang lalim!), iba na talaga, puro buhay at mga plano na ang mga pinag-uusapan, ‘di tulad nu’n college na puro gimik lang at walang pakialam sa buhay-buhay. Kain ng pananghalian, at kwentuhan, tapos n’ung medyo napatagal kami d’un sa restaurant, lumipat na kami ng ibang puwesto, sa Starbucks naman. Ako, sa sarili ko, ayaw ko talaga sa Starbucks na ‘yan, sobra kamahal ang presyo, ‘di naman masarap ang mga produkto nila…pero pumayag na rin ako, mapilit sila eh…at saka libre!
N’ung nakaupo na kami d’un, kwentuhan na naman, at siyempre palagi ko silag kinukumbinsi na tumira sa Mindanao…tapos may dumating na artista, si Val Sotto! Gwapo siya, tinuod gyud (sa totoo lang), kaya lang tigulang na gyud (matanda na), naalala ko bigla ang VST, gusto ko ngang lumapit kaso, nahiya ako…okay lang, pinagpiyestahan ko na lang siya sa tingin habang tumutugtog sa isipan ko ang mga kanta ng VST…”We are the Disco Kings, Rockin’ from the Philippines, Saan man makarating, Sayaw ninyo’y, Awitin naming…”. Tapos, ‘yun, balik kwentuhan, at n’ung medyo pagabi, may kanya-kanya pa kasing mga meeting o responsibilidad kaya nagpaalam na kami ng mga kaibigan ko sa isa’t-isa, hindi namin alam kung kailan uli kami magkikita…hikbi!
Lunes, sa Los Baños naman ako pumunta. Grabeh, ang laki ng pinagbago ng Grove (daan papuntang UPLB)! Pero ang campus, gan’un pa rin, nagkataon FebFair, kaya medyo abala ang mga estudyante. Pinuntahan ko ang mga kaibigan ko d’un, tapos, d’un sa dati kong boss na kaibigan ko rin. Nag-lecture ng kaunti sa klase nya, inilahad ang mga karanasan at natutuhan ko dito sa Mindanao (wholesome ha!), pagkatapos n’un, ‘di pa rin kami nagkausap ng husto kasi may naghihintay na iba pa, kaya nagmadali na rin akong nagpaalam, sabi ko, sa susunod na araw na lang uli!
Martes, lumuwas ako para asikasuhin ang pinagagawa sa opisina, papunta ako Greenhills, pero mabuti na lang sinabayan ako ni Gerry kasi, paluwas din siya, at pagkakataon na makita ko ang ibang komikeros. Pumunta kami sa Makati Cinema Square…Cinema square ang pangalan na wala namang sinehan…para bumili ng mga lumang isyu ng Liwayway para sa museum ng Komikeros. Hinanap namin d’un tapos pinuntahan kami ni Jonas, malapit kasi ‘dun ang opisina nya.
Kami sa tapat n’ung second hand store na binilhan namin n’ung mga Liwayway
Tapos, binisita namin ‘yung office ni Jonas, and’un kasi ‘yung iba pang komikeros…at saka, may kakaibang eraser akong nabalitaan d’un na lubos na kinagigiliwan daw nila.
Ala-Star Wars na background!
Me jonas ger
Oo nga, nakakagiliw nga!
Tapos n’un, lumabas at nagpaniudto (lunch) kami, tapos ginala naming ‘yung Cinema square kasi daghan kaayo (plenty) ang mga pirated na DVD! Sila, tingin sila ng gusto nila, ako, isa lang ang laging tinatanong, “’asan ang mga X?” hehehe, bihira kasi dito sa Mindanao eh…tanong nga din ako ng mga magazine, kaso wala talaga, bawal daw eh – sawi!
Tapos, balik na naman sa opisina ni Jonas, at nagpaturo na rin ako ng papuntang Greenhills, baka maligaw eh, nabalitaan ko nga na binago na ‘yun! Tapos, nagkasundo kami na manood ng Zsa zsah Ze Muzical, kaso sold out na ‘yung ticket, y’ung sa Marso na lang daw ang meron…sayang talaga, itinapat ko nga ang pag-uwi ko para mapanood ‘yun, kaso ‘di na puwede, balik na ako sa Mindanao n’un eh…kaya, mang-iingit na lang ako. Ipo-post ko na lang dito ‘yung isang drawing ni Fafa Carver na ibinigay nya sa akin, at AKO LAMANG SA BUONG PILIPINAS ANG MERON NITO, HAHAHAHAHA!
Ganda ‘di ba?
N’ung sa Greenhills na, grabeh, nakakaligaw nga, ‘di ko na makita ‘yung dating mga tindahan na pinupuntahan ko, kung saan-saan na napapwesto, kaya ayun, ang tagal kong nagpalibot-libot, nakakapagod! Ayaw ko ng pumunta d’un ng mag-isa lang, dapat may kasamang alam na alam ang lugar para hindi ka mapagod sa kalalakad. Gabi na rin ako ng makauwi – kaya sa bus, n’ung pauwi na, naalala ko na naman ang naging buhay ko n’un, hahhhh, ayaw ko na n’un!!!
Ayun, sa araw-araw kong pag-alis sa bahay, nagtampo nanay ko, umuuwi lang daw ako para matulog, tapos alis na naman, sabi niya umuwi pa raw ako! Eh sabi ko, marami kasing pupuntahan, masyadong in-demand, minsan lang ako umuwi kaya gustong mapuntahan lahat.
Nakakatawa pa pala…n’ung isang gabi na pumunta ako sa Los Baños, dumalaw ako sa kaibigan kong professor na babae. Habang nagkekwentuhan kami, tinatagayan kami n’ung asawa nya (foreigner) ng red wine – ang taas magtagay! N’ung una ‘di ko gusto ang lasa pero n’ung nagtagal, masarap pala. Isang baso lang ‘yung kaibigan ko pero ‘yung asawa nya, tuloy-tuloy sa pagtagay, eh ako, inom-naman ng inom. Kaya a’yun, namalayan ko na lang, nakalamapas na kami ng dalawa (2) bote, ibig sabihin naka- isang (1) bote ako ng red wine, hitit ng hangin!! Ako na hindi marunong mag-inom, eh…marunong na ngayon, hehehe!
Ay’un, nakalipas ang halos dalawang (2) linggo na puro layas ako sa amin, puro gastos, pero okey lang – kaya ayun, nagmadali na ring umuwi ng Mindanao, mauubusan na ako eh! Tapos n’ung pauwi na ako ng Mindanao, nakasabay ko pa ‘yung kaibigan kong malimit kong tinutuluyan sa Davao, kaya ayos, may ka-chika ako sa eroplano!
Kwentuhan kami, nauna lang pala ako sa kanya ng isang (1) araw na umalis ng Mindanao. Tapos reklamo, ang mahal ng terminal fee na ‘di naman maganda ang serbisyo. Antay kami ng flight namin, tapos n’ung umakyat na kami ng hagdan papasok sa eroplano, pareho pala kaming masaya at sabik na sabik makauwi sa Mindanao. Pareho kami ng saloobin, na ang buhay namin eh sa Mindanao na talaga. Pareho kaming taga-Luzon, pero ngayon, dito na sa Mindanao, mas okey ang buhay dito eh. Sabi ko nga, ‘pagpasok naming ng eroplano, “tara, pasok na tayo, at huwag ka ng lumingon at aka maging bloke ka pa ng asin! Hehehe”.
Pagdating ng Davao, ang sarap ng pakiramdam, tahimik na masaya. Nakisakay na lang ako sa kanila, sinundo kasi siya ng asawa nya. Tumuloy muna sako sa isang hotel para magpahinga, malayo pa kasi ang Makilala eh. Tapos, medyo gumimik lang ng mag-isa n’ung gabi, pampatulog lang, hehehe.
Kinabukasan, umuwi, pagdating sa opisina, syempre, iisa ang kantyaw, PASALUBONG! Okey lang naman, handa ako, nagustuhan naman nila, puro mga unang pagkakataon nilang makakita at makakain ng mga dala ko (uraro, panotsa, ube balls), kaya okey!
Tapos, pahinga uli kasi kailangan ng lakas para sa kinabukasan – gimik na naman…sunod-sunod ang gimik eh. Bumalik uli kami ‘dun sa Kisulad, Sta. Maria, Davao del Sur. Kaarawan ng anak ng director namin, d’un nag-celebrate! Sa pagkakataong ito, may kasama na kaming tagakuha ng mga litrato, kaya okey na!
Dito ‘yung lugar, isang cove siya!
Sign sa kalsada, mga 17 km ang layo bago marating ang beach!
Ang daanan kapag low tide, high tide kami nakarating kaya sumakay na lang kami ng bangka!
Ang Wow Kiss beach resort na pag-aari ni Ricardo Gloria, dating DepED Secretary!
Siyempre, ballot muna ako sa simula!
…at rumampa ang lolah!!!
“yun na muna…marami pa uling nangyari…at babalik na naman kami sa Kisulad, aguy, mangingitim na naman ako niyan, hehehe!
Tuesday, March 14, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Bakat na bakat! :D
Akala ko safe na. Pag dating sa pinakahuling pic... HINDI PA PALA!!
Mata ko!
Ay, nakalimutan ko na may drowing ako sa yo! :-) Best in trunks ka pala! :-)
What a great site » » »
Post a Comment