Wednesday, July 05, 2006

Ang bagong ako!!

Heps, medyo napatagal nga uli bago ako nakasulat ngayon, at kailangan na dahil maraming pagbabago na nangyari sa buhay ko nitong mga nagdaang araw at gusto kong ibahagi sa mga kaibigan, kakilala, naliligaw o napapadaan na magbasa sa blog na ito. Maraming masaya…mayroon din naming malungkot na mga pangyayari…pero ang mahalaga ngayon, magaan na ang pakiramdam ko, wala na akong dapat ikatakot at malayang-malaya na ako!

Huling linggo ng Mayo, dumating ang kaibigan ko mula sa Los Baños, dati ko siyang kasamahan sa trabaho, si Ate Lucille. Masarap talaga ang pakiramadam kapag may kaibigan kang bumibisita sa iyo, kaya kapag may nag-text o nagsabing may mapapagawi o mapapadaan sa Davao, ‘di ako papayag na hindi kami magkita kahit saglit, maski malayo, talagang pupuntahan ko ‘yan!

Ang nakakainis lang, sa sobrang pagmamadali ko, may dala akong camera kaso naiwan ko naman ang memory card, kaya balewala rin! Kaya ayun, ‘di ko siya nakuhanan ng litrato, pero naka-gimik naman kami kahit simple lang, usap dito, usap doon, kumustahan, balitaan. Sayang nga lang at hindi siya marunong uminom ng alak o kahit beer man lang, kaya nagkasundo na lang kami na mag-usap habang umiinom ng malamig na kape (uhmmn, ‘di ba dapat mainit na kape? Iba na kasi ngayon eh!), halos tatlong oras yata kaming nag-usap. Labasan ng sama ng loob, ang hirit ko nga eh, ang layo naman ng usapan namin, dayo pa hanggang Mindanao! Tsaka nga pala, taga-Davao siya, at doon lang siya sa Los Baños nagtatrabaho, sabi niya, matapos lang daw ang anak nya sa pag-aaral, gusto na nyang bumalik sa Davao, masarap kasing mabuhay sa Davao eh! Taga-Davao nga siya, ‘di naman marunong uminom, eh ang daming magagandang lugar dito sa Davao para mag-inom, sa totoo lang, dito lang akong natutong mag-inom, nainggit kasi sa mga kaibigan kapag nagba-bar hopping!

Pagkatapos n’un, nagpaalam na kami sa isa’t-isa, sabi ko mga ilang linggo lang, ako naman ang pupunta sa Luzon, kasi nakakuha ako ng imbitasyon sa isang training seminar na gaganapin d’un kaya mapapagawi uli ako sa lugar niya. Ayun, balik na uli ako sa lugar namin sa bundok, sa Makilala at naghanda para sa pagkakataong paglipad muli.

Makalipas ang ilang lingo ng paghahanda at pagpaplano kung saan at sino ang mga pupuntahan, natuloy din ako. Pero bago iyon, medyo iba pala muna…nitong mga nagdaang araw o linggo e medyo nalulong ako sa FRIENDSTER, kaya nagbalak ako na kung mapapagawi ako sa Luzon eh balak ko silang lahat makita at higit na makilala ng personal, kaya ayun, kasama rin ‘yun sa plano, hehehe!

…at isa pa, ang pinakamahalagang pakay ko sa Luzon, eh para sabihan ang mga kaibigan ko kung ano ako…ibig sabihin, maglaladlad na ako ng kapah!

At natuloy nga ako. Ang kagandahan pa nito, nagkataon na TOYCON sa Megamall at ‘buti na lang mayroong pwestong kinuha ang mga kaibigan ko, kaya may lugar kaming tambayan sa loob. Pagkagaling sa airport diretso kaagad sa ToyCon at duon, nakita ko uli ang mga KOMIKERO! Siyempre masaya, maski ang layo ng nilakbay ko habang hila-hila ang 23 kilong maleta, tapos pagdating mo pa eh sobra kahaba ang pila, at ayaw ng magpapasok ang management, punong-puno na raw sa loob! Mabuti na lang nadiskartehan namin ng mga kaibigan ko kung paano makapasok ng mabilis. Sa loob, chicka-chicka, kumustahan at siyempre naglibot at pagkakataog makakita ng sandamakmak (daghan kaayo) at murang (barato kaayo) mga komiks at laruan – ‘yun kasi ang tigang dito sa Mindanao eh! Medyo, naparami rin ang nabili ko, pero piling-pili pa iyon, ang dami pang gusto kong bilhin, kaso kulang na datung ko, sa susunod na uli!

Pagkatapos, ayaw ko pang umuwi kasi masaya pa eh, at saka babalik din naman ako kinabukasan, ‘buti na lang nag-unlak ‘yung isa kong kaibigan (si Jonas) na sa kanila na lang ako tumuloy, kaya ayun, hindi ako makahindi, hehehe!

...nagkausap kami ng seryoso, kasi may problema din siya tapos ako, ay’un siya yata ang una kong sinabihan na kaibigan ko dito sa Luzon kung ano ako, medyo nakakatawa pa nga ang pangyayari eh..

“Jonas, I want to tell you something, huwag ka sanang matatakot sa ‘kin.”

“Why Johnny, are you seeing weird in this unit? Please don’t, I like this unit!”

“Hindi, wala akong nakikita, it’s just that I want to say to you that I’m gay…”

“Ha, thank God, akala ko pa naman you’re gonna tell me that you’re feeling something and seeing something in this unit, ang hirap humanap ng magandang unit ha! I’m beginning to like it here!”

“No, Jonas, I’m gay”

“Oh, ‘yun lang pala eh, so?”

“So?”

“So, Johnny, it’s like, you saying you’re gay, is the same thing as saying you’re tall!”

“Oh okay, thanks Jonas!”

Hehehe, medyo gan’un ang nangyari, nakakatawa nga eh! Pero marami pa rin kaming pinag-usapan na iba….

Kinabukasan, iba naman ng set ng a kaibigan ang kinausap ko, sa pagkikita pa lang namin, nagdesisyon talaga ako na sasabihin ko sa kanila, at iisa pa rin ang naging reakyon nila, “SO?”!

Sa totoo lang ako pa ‘yung nagugulat, kasi akala ko o natatakot ako na baka itakwil nila ako o mag-iba na ‘yung pagtingin nila sa kin, at mawala na ‘yung pagkakaibigan namin, hindi pala, kabaligtaran pa nga ang mga nangyari at lalo pang lumalim ang pagkakaibigan namin at biglang nag-iba ang takbo ng buhay ko! Hindi na ako takot ngayon at mas MALAYA na ‘ko, at ang SARAP ng pakiramdam!!

Umuwi na ako sa bahay, kaso ‘di ko masabi sa bahay eh, parang ‘di yata matatanggap ng nanay ko na ang kanyang unico hijo eh hija din pala…siguro hindi pa tama ang panahon, pero balak ko na ring sabihin sa kanya, hindi pa lang talaga panahon…, ewan ko lang sa mga kapatid kong babae…pero nagpahaging na ako eh, sabi ko ayaw kong magkaanak, na hindi sila magkakapamangkin o apo ang nanay sa akin, sawa kasi ako sa bata eh, ang daming bata sa bahay….

Pagdating sa seminar, gusto ng organizer na stay-in ako sa lugar, kaso nakiusap ako, malapit lang naman (isang sakay lang) ako sa amin, kaya sabi ko mag-uwian na lang ako sa amin, para naman medyo matagal-tagal ang pagsasama ng aking pamilya, pumayag naman sila. Tapos ayun, sa seminar, ang nakakatawa pa nito, guest speaker eh ang dati kong employer na dayuhang babae (Swiss), ‘di naman kaila sa mga kaibigan ko kung gaano ang galit at suklam ko sa kanya, n’ung naghiwalay kami ng hindi maganda (sa trabaho ha!). Pero, sa loob yata ng mahabang panahon, isa’t kalahating taon (mahaba na ba ‘yun?), sa pag-iisa at pagninilay-nilay dito sa Mindanao, medyo napatawad ko na siya, maayos na ang pakiramdam ko n’ung nagkita kami, kalmado na ako, medyo kabado lang ng konti (konti talaga!). Sa totoo lang, siya pa ang nagulat na husto, at medyo sa tingin ko eh plastic o peke ang pagngiti, pero problema niya na ‘yun. Binati ko lang siya ng maayos, at gusto pang makipagbeso-beso, ayoko nga! Kaibigan ko lang ang binebeso-beso ko noh!

Sa seminar naman, okay lang naman, pagbabahagi ng mga bagong pag-aaral, pero ang highlight d’un, maaga kaming natatapos sa hapon, kaya nakakatakas ako papuntang UPLB, hehehe! Inisa-isa ko d’un ‘yung mga kaibigan ko, at sinabihan, okay pa rin ang reaksyon nila…para kasing sa ginawa kong ito, dito ko nalaman kung sino talaga ang tunay kong mga kaibigan!

Tapos, nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ng personal ‘yung mga nasa friendster, okay naman, bagong set ng mga kaibigan, bagong mundo! Kalimitan eh, parang mga “BIG SISTER” ang dating, hahaha, malalaki sila eh! Sa kanila ko naitatanong ko ‘yung mga bagay-bagay na gusto kong malaman sa bagong mundo ko…’yung iba naman, nang-iindyan o katawan ko lang ang gusto, hehehe!

Isa sa bago kong kaibigan ngayon eh, si Ago, kamukha nya si Dinky Doo – okay siya, ang gaan ng loob ko sa kanya, para talagang kapatid ang turing ko sa kanya! Natutuwa ako at nakilala ko siya!

Photobucket - Video and Image Hosting
Si Ago, superbait 'yan!


Bago ako umalis, talagang panghuli kong sinabihan ‘yung kaibigan ko na si fafa Gerry at ate Ilyn… takot pa ng ako eh, ‘kala ko baka ‘di nila ako matanggap, tapos ang sagot din nila eh “SO?”. Ay’un, ako na naman ang nagulat, hehehe…mahal ko talaga mga kaibigan ko!!!

Tapos, ito na ’yung medyo malungkot na bahagi…may nakilala ako na medyo nabighani at napaibig ako talaga ng husto, ibang-iba kasi ang expectations ko sa kanya…naging okay ang aming unang pagkikita, masaya, malambing at makulit sa isa’t-isa, kaso n’ung naghiwalay na kami at nagkasundong magkikita uli, naging iba na… halos mapraning ako n’un kakaisip kung bakit, kung ano ang dahilan, may nagawa o nasabi ba ako na ikinagalit o ano man…wala. Ewan, gusto ko lang malaman niya na seryoso ako sa mga binitawan kong salita. Na kaya kong isakripisyo kahit ano para sa kanya! Nasaktan ako ng lubos sa ginawa nya, parang bigla na lang ako binalewala…ang baba ng tingin ko sa sarili ko, ‘ni hindi ko alam ang dahilan kung bakit nya ginawa ‘yun, basta na lang nang-iwan sa ere…masakit…siyet, gan’un pala ang ma-in love! Kaya nga n’ung pauwi na ‘ko dito sa Mindanao, sabi ko, dito na lang talaga ako, ayaw ko na diyan sa Luzon….

Pauwi, ang flight ko eh 5:00 ng madaling araw, kaya kailangan kong mag-check in ng 2 oras bago sa takdang flight ko. Eh sa Malate ako naka-check in na hotel, pagdating ko d’un, naroon ‘yung isa sa dati kong mga boss. Mabuti na lang, eh game at open ‘yun, may nakasama at nakausap ako tuloy ako sa paggimik. Nilibot na lang namin ang Malate at ng nakahanap ng okay na bar, d’un uminom. Natapos kami ng 1:00, tapos gala uli at saka siya bumalik sa hotel. Ako, ‘di na natulog, nagpalipas-oras sa paglakad sa Baywalk, nag-iisip, nagpapalipas ng sama ng loob….

Sa airport, ‘di ko akalain, maski ga’nun kaaga, marami pa lang tao. Sa flight ko nga, halos puno din ang eroplano, daming tao pauwi ng Davao. Malungkot ako sa buong flight, inisip ang mga pangyayari, pero medyo natuwa na rin, iba talaga ang pakiramdam ‘pag pauwi na.

Nakarating ako Davao ng 7:00, at nakasakay kaagad pauwi sa Makilala. Nakarating ako sa amin ng 10:00, pahinga at tulog ng kaunti, kasi 1:00, byahe uli! Outing ng office namin, balik uli kami sa Kisulad, ‘yung magandang beach! Mga 2 oras na byahe, pero pagdating d’un, sulit, tanggal na kaagad ang pagod. Ako ang unang naligo sa dagat, sabik na sabik eh, ang tagal na walang swimming! Tapos n’ung medyo nakapagpahinga na, hinarap na ako ng bosing ko, nagtanong ng nangyari sa Luzon. Alam nya na many nangyari dahil bakas daw nya ang kalungkutan sa mukha ko…sinabi ko na, sabi ko sa sarili ko, napapanahon na para sabihin ko ang totoo…at ayun ako na naman ang nagulat, okay lang sa kanila! Sabi nila, hindi naman daw issue ‘yun eh, nagustuhan nila ako sa pagiging ako at walang magbabago kung ano man daw ako…tanong nga nila (pati na rin ng iba kong kaibigan) na ngayong nagladlad na raw ako, magkikilos ba, magdadamit o mag-iitsurang babae ‘tulad ng iba? Sabi ko hindi ah, inamin ko lang kung ano ako, pero gan’un pa rin ang itsura o pagkilos ko.

Sa mga binitiwan nilang magagandang salita, halos natakpan n’un ‘yung sakit na naramdaman ko, naging masaya na uli ako. Kahit na masakit tanggapin na wala na, nakakapanghinayang pa rin…sana lang magkausap kami ng matino at seryoso…naging parang leksyon na rin sa akin ‘yun…masyado kasi kaagad akong bigay eh, bago pa lang naman ako sa mundong ito. Ayun, nagpakasaya na lang ako sa dagat, sa tubig….

Photobucket - Video and Image Hosting
Oh, mukha bang malungkot 'yan?


Pagkatapos n’un, uwi na kami, bale Huwebes ng hapon kami dumating d’un tapos Biernes ng hapon kami umuwi. Pagkagabi, nilagnat ako sa sobrang pagod, pero naka-schedule pa ko na lumuwas ng davao uli kinabukasan…

Sabado ng umaga, maski may lagnat, kailangan kong pumunta ng Davao, para makausap ang mga kaibigan ko d’un. Check-in lang ako sa hotel para magpahinga at antay kung kalian pwede na ‘yung kaibigan ko. Siyempre, hanap muna ako ng pagkakataon na sabihin, hindi basta-basta, mahirap na…

Nanood muna kami ng sine, eksakto, “SUPERMAN RETURNS”, ‘haba ng nakapila, tapos nasa pinakaunahan pa kami ng sine kaya ang laki-laki! Inokray nga namin bawat eksena, baka naasar na’yung mga katabi naming, kaya n’ung natapos ang sine, ugh, pareho kaming nakasimangot, para sa amin---blech, PANGET!

N’ung naglakad na kami, saka ko sinabi sa kanya ng pabiro kung ano ako. Sabi niya, ay, teka, hanap tayo ng upuan, gusto ko seryoso at matinong usapan. Sabi niya, para daw siyang si Keana Reeves, at malaki ang boobs nya kasi mag-aala-Rustom daw ako. Ay’un, sinabi ko sa kanya, at okay lang sa kanya. Matagal na rin daw niyang gustong itanong sa 'kin, kaso nahihiya lang daw siya, 'buti raw nagsabi ako. Usap kami tungkol sa buhay at posibleng mga mangyari o hinaharap, at sa puntong iyon, lalo pang lumalim ang pagkakaibigan namin. Sa mga ganitong pagkakataon na nasasabi ko na naging napakamapalad ko pala sa mga kaibigan ko....

Pagkatapos naming maghiwalay, 'yung isa namang kaibigan ko, si Jan-jan, ang hinarap ko. Sa totoo lang, siya 'yung unang sinabihan ko rito sa Davao, kasi halos magkadigkit na ang mga bituka namin at para talagang magkapatid kami. Nag-bar at disco na lang kami at habang sumasayaw, d'un ang kwentuhan. Sa totoo lang, nilalagnat pa ako, pero n'ung sumayaw, at yumugyog, pinawisan, nawala ang lagnat, hehehe! Tatlo kasi kami, kasama niya ang kaibigan niya na Malaysian na babae so, maraming nakatingin sa amin habang nagsasayaw at gustong makisama. Tanong ko nga kung sinong gusto nila sa aming tatlo eh, hahaha!


Tapos, ang nakakatawa pa, may half-Filipino, half-Australian na lapit ng lapit sa 'min, tapos 'di namin pinapansin, hanggang napag-tripan na rin naming pansinin, kinausap tapos, napagkamalan pa kaming mag-dyowa ng kaibigan ko. Sabi ko, hindi pwede, she's straight and i'm gay! Gulat siya, sabi niya he's commending me from being honest...tapos, 'di pa rin umalis...natipuhan yata ako, pasensiya na, 'di ko siya type, hahaha!

Alas tres kami natapos at umuwi, balik ako hotel, tulog, gising alas-nuebe, uwi, dating Makilala alas-tres, tulog, gising na kinabukasan...ako eto...okay na uli ;-)

P.S.
'di ko na isusulat kung bakit ako naging ganito, kung gusto nyong malaman, tanungin nyo na lang ako ng diretsahan!


7 comments:

jonasdiego said...

Ninerbyos talaga ako nung sasabihan mo na ako. Akala ko may nakikita kang maligno o masamang espiritu sa bahay ko. Ha ha ha! :D

Anonymous said...

balbona,
sa wakas!!! marunong na akong magbasa ng blog...hehehe...
at sa wakas!!! i was just waiting for you to say it (oh well, hiya akong itanong sa yo no since its not my business and big deal!) kailan ba ang coming out party? did i miss it?

sorry, sooo sooo busy buhay me. i was on leave (!!!!!) for a week.
glad to hear that you had a superb time in elbi. so so sorry i was not able to invite you on a weekend getaway with ilag's housemate at paradise and malagos. nag-bird show ang lola at nag-kayak me sa paradise! we should do it one of these days. i don't want to plan things out kasi mauunsyami lang. lets be impulsive. invitation on december in bukidnon still stands. bring janjan along. we will be one big messy family -- since im planning to adopt elbi kids on holidays. planning to go to a kayak spree too!

here comes the news on my side, ill be transferred temporarily. hindi ko alam ano plano nila sa buhay me, kung saan na lang siguro ako dalhin ng hangin. bahala na si batman.. afterall, i drift as fast as i change the refill of my coffee. but you'll be seeing less less of me na. HUHUHUHU!!!

p.s. going to elbi next week. may habilin ka?
goldust

Anonymous said...

congratzzzzzzzz...at last!!!
hangang sa bawat simula!!! padagos kapatid!

jactinglim said...

Yay! About time ^_^ hugs! chika tayo, kahit landline :D

Arashi-KIshu said...

Pakshet! Yun lang!

Nakakagulat na hindi...sayang wala na ako jan sa Pilipinas...

Gerry Alanguilan said...

Uy, natanggap mo ba yung pinadala ko?

Anonymous said...

Siyempe kung hindi pa sinabi ni Raipo, hindi ko malalaman....

"So?"

Heheheheh.

Related Posts with Thumbnails