Friday, August 25, 2006

Sana labingdalawa ang puso ko, este isip ko…

Hey, magkukuwento na uli ako ng mga nangyari sa buhay ko nitong mga nagdaang araw, mga kakaiba na ewan – maraming masaya, at may malulungkot din, pero okay lang, dahil kasama naman ‘yun ng buhay eh. Sobrang haba nga lang nito, parang nobela, dahil ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong makapagsulat at mailagay ito dito sa blog, halos isang buwan din ‘yun eh, kaya pasensiya na.

Nagkaroon uli ako ng pagkakataon na makauwi sa Luzon kasi nasira ‘yung unit namin ng id maker namin, eh walang service center sa Davao kaya wala kaming magawa kundi ang pumunta sa Luzon para ipagawa ito. Malaki na kasi ang nagastos ng opisina namin, kaya nanghihinayang na pabayaan na lang masira, halos hindi pa nga nasasambot ang puhunan para d’un, maski sa bilang ng mga nagawa na nitong ID, kaya ayun!

Siyempre, excited na naman ako, kasi kakauwi ko lang n’ung nakaraang buwan, tapos, ‘eto na naman – pero ang ginawa ko hindi ko masyadong pinagsabi sa mga kaibigan ko ang pag-uwi ko, maski sa pamilya ka, para magulat sila!

So, isang araw bago pumunta, siyempre, Davao muna ako, marami pang ginawa na kasama sa trabaho…magpaalam kay papaRoach (my lover)…kaibigan kong si Jan-jan, at siyempre pa, gimik! Hehehe….

Nakakatawa nga eh, n’ung nagkita kami ni papaRoach, napagkasunduan namin na sa isang café kami magkita. Nauna akong dumating, kaya kumain na muna ako. Tapos merong isang thundercat (mature gay) na may gusto yata sa akin, iba ang mga nagungusap nyang mga mata eh! Ako, wala lang, pangiti-ngiti lang, kung lalapit siya, ie-entertain ko naman siya habang ako ay naghihintay, pero hanggang d’un lang, ‘di ko naman siya type eh. Tapos ‘yun, pasimple talaga siya, pero ‘di siya makalapit…tapos umalis, baka naghanap ng lakas ng loob, tapos, bigla dumating na si papaRoach, naupo na siya sa table ko…tapos bumalik ‘yung thundercat, nakita nya may kasama na ‘ko sa table – nakakatawa ‘yung reaksyon nya eh, ‘laking panghihinayang, napakamot siya ng ulo, hahaha!

Tapos, si Jan-jan naman, bar-hopping kami, kumustahan, kwento sa buhay-buhay, habang umiinom ng iced tea at nilalantakan naming ang masarap na pulutan na sizzling bihod/bagaybay (male sex organ at pancreas ng tuna), bawal pa alak o beer eh, kakagaling lang sa sakit, mahirap na. Ayun, kwento-kwento, sabiko nga sa kanya baka mainggit lang siya sa ikukuwento ko sa kanya, hehehe. Walang masyadong tao sa mga bar, alanganin sa araw, kaya ‘di masyadong masaya…n’ung natapos na kami, nagpaalam na kami sa isa’t-isa at naghanda na ako sa flight ko kinabukasan.

Sa airport, wala masyadong exciting na nangyari, sa eroplano naman, nakakainis lang, kasi may mamang umupo sa dapat upuan ko, ni hindi man lang siya nagsabi, nasa tabi kasi ng bintana eh! Mukhang first time nyang sumakay, at gustong makita ang view, kaso napataon naman sa may pakpak ng eroplano nakaharap, kaya ayun, hindi rin niya masyadong nakita – ‘buti nga!


Pagdating sa airport ng Manila, ay sus, ang hirap makakuha ng taxi! Nananaga sa pamasahe ang mga taxi driver! Pinipili pa ang mga pasahero, kaya no choice, nag-bus na lang ako maski ang bigat ng daladala ko! Hindi ganito sa Davao, tsk, tsk, tsk…lagot kayong mga taxi driver kay ‘pareng Duterte ‘pag gan’un!

Diretso ako sa Makati, sa kaibigan kong si Jonas, sa opisina nya muna, iniwan ko ang mga gamit ko kasi sa pad niya ako makikitulog ng ilang araw sa paglagi ko sa Manila, malapit din lang sa opisina niya, nilalakad lang. Ay’un, mabilisang kumustahan, kasi nagmamadali rin ako at may hinahabol na appointment sa Greenhills pa, malayu-layo rin ‘yun at mabagal ang traffic.

Balik-tanaw muna, bago pala ako dumaan kay Jonas, naka-text ko kaagad ang isa ko pang kaibigan na tutulong sa akin sa pagliliwaliw, este, paglilibot sa Manila, si Ago (nyah, wala akong recent picture niya!). Inihabilin ko muna sa kanya ‘yung unit na ipagagawa, sabi nga niya, akala nya daw durian ang laman n’ung kahon, nangangamoy durian daw! Inamoy ko nga, amoy durian nga, napasabay at napahalo kasi sa ibang kahon na puro durian an laman, kaya ay’un, nangamoy durian din, halatang-halata raw na galing sa Davao!

Byahe na kami ni Ago papuntang Greenhills, ginamit namin ang motor niya para mas madali at mabilis – iwas sa sobrang bagal na traffic! Umabot naman kami sa takdang oras, tapos kinausap ko ng husto ‘yung tao na in-charge d’un kung kailan matatapos ang paggawa ng unit, maayos na usapan. Sabi niya maski raw kinabukasan, pwede ng makuha ang unit, tapos na daw n’un pero hinihilang nila medyo magtagal sa kanila ‘yung unit para raw masiguro ang pagkakagawa. Miyerkules n’un, kaya sabi ko sa biyernes na lang ng hapon ko kuhanin para okey na. Sabi nya okey daw, sa hapon pa nga raw ite-text nya na ako kung okey na ang unit. Nagkasundo kami sa ganitong usapan at umalis na ako para kumain (gutom na kami eh) at may pupuntahan pang iba, isa pang opisina ng NGO sa Quezon City at babalik pa sa Malate, sa Metropolitan Museum para maghatid ng isang sample na gawa ng isang kilalang artist dito sa Davao, si Waway (hindi ko naman siya personal na kilala, ang nakiusap lang sa akin eh ‘yung kaibigan nya na kaibigan ko, si Rosalie).

Photobucket - Video and Image Hosting
My new friend Rosalie, isang eccentric na artist (‘di ba redundant na ‘yun?) – pero super bait naman!


So, pagkatapos kumain, banat na ulit kami ni Ago ng byahe, sanay siya d’un sa lugar pero hindi pa niya nararating ‘yung address na ibinigay ko, kaya tanong pa rin kami ng tanong, pero nakita rin naman. Sa paglilibot-libot namin, pagdaan ko d’un sa isang café, may isang familiar na mukha akong natan-awan, binalikan ko uli, familiar nga, si Lolit Solis! Well, hindi naman pala gan’un nakakatakot ang mukha nya sa personal, ‘di tulad sa telebisyon, mukha rin naman pala siyang tao. Tiningnan ko nga kung may kasamang iba pa na artista, wala, siya lang, may kamiting lang na maraming tao.

Pamula Quezon City, balik kami ng Malate, para sa Metropolitan Museum at hanapin ang mga taong nakalista sa mga pagbibigyan. Nagkataon, puro wala, out of the country daw sabi n’ung secretary, iwan na lang daw. So, iniwan na lang namin at bago kami lumabas ng Museum, siyempre pagkakataon na, nilibot muna namin. Iyon kasi ang isa sa mga libangan ko n’ung nasa Luzon pa ako, ang pumunta sa iba’t-ibang museum, sa Davao kasi kakaunti eh, hanggang art gallery pa lang at mga hotel na may mga exhibit ang nakikita ko, ‘di ko pa masyadong napupuntahan ang mga museum d’un.

N’ung matapos kami sa museum, sabi ko nasa Malate rin lang naman kami, bakit hindi namin galain, eh may sasakyan naman at hindi pa masyadong nakakagala d’un si Ago. So, ginala nga naming, tapos naalala ko na mayroon nga pala akong isang tindahan ng mga sex toy na napuntahan, na balak kong balikan at magandang exposure na rin kay Ago, hehehe! Hinanap naming mabuti kaso, sa kasamaang palad, hindi namin mahanap. Sabi ko kay Ago, maghanap ng mga ladlad na bading at sa kanila kami magtatanong sana para sa direksyon kung nasaan ‘yung tindahan. Kaso, wala kaming makita ni isa, as in! Nahihiya naman kami na magtanong sa mga straight o mukhang straight, baka mapaaway pa kami sabihin nambabastos o nang-iinsulto kami. Sabi ni Ago, kaya raw kami walang makita ni isa na ladlad na bading, kasi may araw pa, pagkagat ng dilim saka pa lang daw maglilipana ang mga ‘yun….oo nga!

So, hindi namin nakita kaya umalis na lang kami, miryenda muna, tapos, naalala ko may makikipagkita nga pala sa akin na bagong kaibigan. Sabi ko may kasama akong kaibigan kung okey lang sa kanya, pumayag naman siya, tapos sabi nya may kasama rin siyang kaibigan, so okay lang talaga. ‘yun nga lang, ang layo pa ng napagkasunduan ng lugar ng pagkikita, sa Marikina pa. So, galing sa Malate, pumunta kami ng Marikina, dito medyo natagalan ang byahe, bukod sa malayo na, sobra pa ang bagal ng traffic, punong-puno ang daan ng mga sasakyan. Kung hindi kami naka-motor at medyo malaki ang aming sasakyan, sigurado na mahuhuli na kami sa usapan. Ang husay sumingit sa kung saan-saan si Ago eh, ako ang malalaglagan ng matris, este puso pala, sa ginawa nyang pagmamaneho. Tapos, n’ung makarating kami sa lugar, nahihiya na akong makipagkita dahil sa itsura namin, halos naligo kami ng pawis, usok at alikabok! Hindi na kaaya-aya ang aming amoy at itsura.

Medyo nauna kami sa pagdating kaya namasyal na muna kami sa Marikina, tapos, n’ung pumunta na kami sa napagkasunduang lugar, at may nakita kaming dalawang tao na medyo hawig nila sa pagkakalarawan, at hindi kami pinansin, tumaas ang kilay, humaba ang nguso ko (Magnum look!) at sumama ang loob. Sabi ko, nagmakahirap kami sa pagpunta rito tapos iisnabin lang kami ng basta ganoon na lang? ‘buti na lang at hindi sila ‘yun, dahil mayamaya, tumawag na ‘yung dapat ime-meet namin at sinabing paparating na sila, haaay….!

Okay naman ang pagkikita, panibago at nadagdagan na naman aking mga kaibigan, kwela silang pareho, nakakaaliw kasama. Okey din naman si Ago sa kanila. Hindi pa kami nakuntento sa pagkukuwentuhan namin habang kumakain ng hapunan – mga 2 oras yata ‘yun, nagyaya pa sa ibang lugar para ituloy ang kwentuhan. Balik kami ng Mandaluyong kasi may maganda raw d’un na coffee shop at malapit sa mga tinutuluyan o inuuwian namin. Natapos kami ng alas-2 ng umaga…eh ako, nahiya na akong manggising d’un sa kaibigan ko, kaya sa hotel na lang ako natulog, d’un lang sa mumurahin – okay din pala ang SOGO, hehehe! Mahal ang mga hotel sa Manila eh, ‘di tulad sa Davao, maraming mura o barato na disenteng hotel.

Photobucket - Video and Image Hosting
Mga bago kong kaibigan, si Doc Dodie at kaibigan nyang si Jun (Domingo tunay na pangalan nya, ‘tinatago pa sa palayaw eh!)


Kinabukasan, maaaga, punta ako sa opisina ni Jonas para kuhanin ang gamit ko, inabutan ko d’un si Laya (nyah, wala pala akong picture n’ya!) na kaopisina at kaibigan ni Jonas, at siyempre, hiniritan ako, kung saan daw ako nagpalipas ng gabi, sabi ko ng nakangiti, wala lang!

Pagdating kina Jonas, kwentuhan, tapos pahinga ng saglit at naligo, byahe naman pa-San Pablo, Laguna. Uuwi ako sa bahay para surpresahin ang pamilya at kaibigan ko na narito uli ako sa Luzon. Sa bus ako nakatulog, muntik ng mapalampas sa sarap ng pagkakatulog. Pagdating ng San Pablo, kina fafa Gerry muna, d’un ako inabot ng pananghalian. Tinawagan ko na rin ang isa pang Komikero na malapit para maka-gimik kahit saglit, si Raipo! Siyempre kwentuhan to the max, kaso saglit lang si Raipo, kasi teacher siya sa isang eskuwelahan na malapit kina Gerry, kaya limitado rin lang ang oras niya para sa amin. Pero nakakagulat, kasi sa unang pagkakataon, nakita ko si Raipo na nakapormal at mukhang kagalang-galang – eh mukhang totoy ‘yan ‘pag nasa mga gimik ng Komikero eh!

Photobucket - Video and Image Hosting
Great teacher Raipo,!


Tapos gumawa pa kami ng video blog ni Gerry – at ako ang bida! Whooooooo!

Komikero Video Blog #3


Hehehe, okay ka talaga fafa Gerry!


Saglit din lang ako kina Gerry dahil kulang na ako sa oras, uuwi pa ko sa amin at pagkatapos sa Los Baños naman, iba pang mga kaibigan. Limitado lang kasi ang oras ko eh, naka-book na ang susunod ko na flight ng sabado ring ‘yun at madaling araw pa alis – 5:00! So, sa ganoong oras ng flight, kailangang magcheck-in ng mga 1-2 oras bago ang flight kaya kailangan kong gumising nga napakaaga o hindi na lang matulog at hintayin ang oras.

Sa bahay, nakakatawa ang nangyari, abala lahat sa mga gawain ng ako ay dumating, ang unang nakakita sa akin eh ‘yung bayaw ko at sinabi sa aking nanay na, "oh, si boy!". Tayo kagad ang nanay ko sa pagkakaupo at dumiretso sa loob ng bahay para hagilapin ang telepono, akala niya tumatawag lang ako, kaya laking gulat n’ung makita na nakatayo ako sa harapang ng gate namin, hahaha, kwela! Ayun, kumustahan, at kailangan ko pang kumbinsihin ang nanay ko ng matagal na ilang oras lang akong magtatagal d’un at kailangan ko na ring umalis sa paghahanda sa Sabado. Tinawagan ko rin ‘yung opisina sa Greenbelt para matiyak na pwede ng kuhanin ‘yung unit naming kinabukasan sa umaga.

Nang matapos sa bahay, diretso sa Los Baños naman. Hindi ko pinagsabi na darating ako, kung sino na lang ang makita ko r’un na kaibigan, at isa pa, kailangan kong kausapin ang isa ko pang kaibigan d’un tungkol sa personal kong buhay, hindi kasi kami nagkaintindihan n’ung huling usap namin eh! Nagkataon, na parang hinihila ang paa ng mga kaibigan ko at nagkatagpo-tagpo pa rin kami kahit papaano. Usap ng bahagya muna hanggang sa dumating ‘yung dapat kong kausapin, at nagkaayos naman kami. Kulang na kulang talaga ang oras! Tapos, ‘yung mga kaibigan ko naman ang hinarap ko at gumimik ng kahit saglit, ang mahalaga, nakapagkwentuhan kami at nakapag-update sa isa’t-isa.

Photobucket - Video and Image Hosting
Si Ma’am Pam, kaibigan na kaibigan!

Photobucket - Video and Image Hosting
Si Lea E!...sa nakakaalam, ibang Lea ‘to, hehehe, kabarkada ko ‘to.

Photobucket - Video and Image Hosting
Si Ate Malou, Mamals kung tawagin namin, na parang big (ehem!) sister ko sa UPLB, marami kaming pinagsamahan nyan!


Nang matapos sa Los Baños, medyo ginabi na ako, dapat mga isang oras lang ang pagtigil ko d’un, naging tatlong oras, kaya pagdating sa Manila, gabing-gabi na at meron pa rin akong kausap na kaibigan, si Jac! Okey lang naman kasi,medyo gabi na rin siya umalis sa opisina nya. Nag-usap kami tungkol sa buhay-buhay, medyo seryoso, pero naging okay naman. Halos ala-una yata kami ng natapos. Punta sa pad ni Jonas at n’un pa lang nakapagpahinga.

Kinabukasan, pinuntahan ko na ‘yung unit na pinagawa. Pagdating d‘un sa opisina nila, ibang technician ang humarap sa akin, dahil nasa field daw ‘yung kausap ko. So, tinesting ‘yung unit, okay naman, tapos mayamaya, medyo naging kakaiba ang tunog, may mga lumalagitik sa loob ng unit. Palpak, lumabas ‘yung tunay na sakit. Sabi tuloy n’ung technician, mukha naman daw na hindi inayos ng mabuti, parang nilinis lang da. Hindi nya daw ipapadala sa akin kasi sira pa rin (duh, obviously!)…n’ung mga oras na ‘yun, gusto kong mainis na matuwa na ewan. Gusto ko ring magreklamo sa manager nila, kaso naisip ko, saka na lang, ‘pag ayos na talaga ‘yung unit, baka lalong hindi gawin, alam mo naman ang pinoy. Tapos, baka raw may palitan na piyesa, na karadagang bayad na naman. Tinanong ko kung magkano, sabi hindi raw lalampas ng 10,000 pesoses, ick, ang mahal, kulang ang dalang kong pera! Sa Lunes na lang daw kuhanin ang unit.

Nainis ako n’un, kasi, ang ayos-ayos ng usapan na okey na ‘yung unit, tapos hindi pa pala. Eh, naghahabol ako sa panahon kasi kailangan kong makauwi kaagad sa opisina namin, may general staff meeting kami at marami pang trabaho na kailanganag matapos. Isa pa, magpapare-schedule pa ko ng flight, eh ang haba parati ng pila d’un!

Natuwa naman ako, kasi, well, extended ang stay ko sa Luzon at pwede ko pang i-meet ‘yung iba ko pang mga kaibigan, hehehe.

So, nagkataon naman na ang isa ko pang kaibigan eh malapit lang, kasi may sakit. Nasa ospital siya na malapit sa Greenhills, kaya ‘di ko na pinalampas ang pagkakataon at pinuntahan ko na. Si Indihra, ang prinsesa ng mga Dimaporo, prinsesa ng Lanao!. Nakow, eh isa pa ito na halos magkadikit ang aming mga bituka, kaso sa pagkakataong ito, huwag muna, may sakit siya eh. Ayan, ang hilig kasing kumain sa kung saan-saan, nagkasakit tuloy sa atay. Pero okay na naman siya…kailangan pang maospital para lang matauhan, um, nakuha mo! Hehehe, pero, super bait ‘yun!

Photobucket - Video and Image Hosting
Indihra ganda! O sey, bongga ha!


Tapos, na-meet ko pa isang bagong kaibigan, si Joey/Zaldy, marami siyang palayaw eh. Kwela rin siyang kasama. D’un kami sa Greenhills nagtagpo. Matagal din kaming nag-usap, tapos may star sightings din kami, si Ronaldo Valdez! Gwapo nga siya sa personal pero maliit lang na tao. Kasama nya asawa niya at apo siguro. Mas maliit ‘yung asawa nya sa kanya pero maganda, kaya pala maliit din lang si Janno. Isa pa nakita ko ‘yung, ‘di ko alam ang pangalan, pero isang comedian na mataba na intsik, nakasalamin, maputi na may nunal sa mukha, malaking lalake, nasa "Sick o’clock News" siya noon eh…’di ko maalala pangalan. Well, gan’un pa rin itsura nya sa personal, malaki talaga siya!

Photobucket - Video and Image Hosting
Zaldy/Joey, June 19 ang birthday kaya ganyan ang palayaw…real name Rizaldy!


Tapos,gabi na rin kami natapos ni Joey, pumunta pa kami sa Makati, sa Glorietta, naggala tapos isa pang artista, si Nancy Castilloney (spelling?), well maganda talaga siya , pero may laman, okey ang pangangatawan, ‘di tulad sa tv na ang payat-payat. Ika nga eh, iba’t-iba talaga ang telegenecity sa bawat tao. D’un na rin ako naghanap ng masasakyan pauwi, kaso ang hirap makahanap ng taxi, ang tagal bago ako nakasakay! Pagdating kila Jonas, usap, kwento, nakakahiya nga eh, ginising ko pa, pero saglit din lang kasi umalis pa rin ako kasi sa iba pa ‘ko nakitulog n’un.

Kinabukasan, gising ng maaga, kumakanta sa isipan ko ‘yung kanta ng eraserheads na "Maling akala - asan nga ba ako/kaninong kwarto ‘to?/Ilang ulit na bang/nagigising sa ibang kwarto". Byahe, at balik kila Jonas, pahinga, paligo, at dahil postponed na ang aking flight, umuwi ako San Pablo. D’un na lang ako magpapalipas ng lingo, magpahinga at saka, medyo sumasama na naman ang pakiramdam ko n’un. Natiis ko na hindi uminom ng alak sa mga gabing nagdaan, dahil umiinom pa ako ng mga gamot – mawawala ang bisa n’un sa alak, sayang din ‘yun at ang mamahal pa man din. Pagdating sa bahay, plasta ang katawan sa kama, tulog maghapon. Medyo nabinat ako, pero nakakakain naman ako, ‘di tulad n’ung nakaraan kong sakit. Tapos sabi ng nanay ko, may magaling daw siya na doctor na kilala, ipapa-check up nya daw ako d’un. Nagpa-check-up nga, at okay naman, magaling ‘yung doctor. Niresetahan nya ako ng mga mumurahin at simple lang na gamot, nagtaka pa nga siya d’un sa mga dati kong iniinom, ‘di ko naman daw kailangan yung mga ‘yun. So, ay’un, sa bahay lang ako nagpahinga ng matagal-tagal at sa paglagi ko d’un, doon ko naisip na parang gusto ko na uling bumalik dito sa Luzon, pero….

Tinawagan ko uli ‘yung sa opisina n’ung id maker, okay na raw (na naman), wala naman raw pinalitan…kaso naubos na pera ko sa mga lakad ko – ang lakas kasing gumasta eh!. (Pero okay lang, enjoy naman eh, minsan lang naman eh). So, tumawag ako sa opisina namin para sa karagdagang pera, sa pamasahe at pag-rebook ng ticket sa eroplano. ‘yun naman ang poproblemahin ko, kuhanin ang unit at ticket sa eroplano.

Sa opisina, masamang balita, nagkaroon daw ng flash flood sa lugar namin. Apat na oras daw na walang humpay ang malakas na ulan, parang may bagyo. Para daw may buhawi, parang may naligaw na bagyo. Wala naman bagyo sa Mindanao eh, kaya sa unang pagkakataon talaga ito. Maraming bahay, kalsada at tulay ang nasira, maraming namatay sa ibang lugar at marami din ang landslide, pero mabuti na lang, wala sa mga kasamahan ko ang napahamak. ‘yun nga lang daw, ang magagandang lugar sa amin, ang hot spring at falls, nasira…nangyari daw ang lahat ng kinabukasan ng gabi ng umalis ako d’un (Miyerkules). Bigla na lang daw ang mga pangyayari at talagang unang pagkakataon sa napakahabang panahon.

Sa balitang, ‘yun, gustong-gusto ko na ring makauwi at tingnan ang nangyari, kaso, may inaayos pa ako. Naghintay ako ng pera na dumating saka ako lumuwas ng Manila. Nakuha ang unit, iba na namang technician ang humarap sa akin, mukhang napahiya na ‘yung una, naroon naman siya pero wala yatang bayag humarap sa akin. Nang matapos ang mga usapan, uwi na ako kila Jonas. Nag-MRT ako naranasan kung paano maging sardinas.

Pagdating sa opisina ni Jonas, iniwan ko ang unit. Nagkataon na may bisita siya, tapos ang nakakatawa, ‘yung bisita na ‘yung nanguna sa pagpakilala sa akin, sabi nya, "you are Mr. Johnny Danganan, the inspiration for Johnny Balbona, hi, i’m ________ (pasensiya na, Jonas, nalimutan ko pangalan nya )!". Icks, sikat na akoh! Ako? Sikat? Bakit? Aaaaahhh, gawa kasi ni fafa Gerry, marami na siyang video kasi na ginawa tungkol sa akin (kapal ha, feeling!) at ina-upload nya sa internet kaya ay’un, medyo sikat na nga ako (talaga lang ha?), hehehe.

Alis din kaagad at pumunta sa ticketing office. Mabuti naman at kakaunti na ang mga tao, kaya medyo mabilis lang. Ang nakuha kong flight eh katulad ng dati, alas-5:00 ng umaga, ‘kapag hindi gan’un oras eh malaking halaga na idadagdag ko, malalagot ako sa opisin ‘pag gan’un. N’ung okay na, uwi na uli ako sa San Pablo, para ayusin ang ibang gamit. Kinabukasan, maaga rin akong umalis, makapag-bonding muna kay Jonas, halos maliliit lang na sandali kami nagkikita at nag-uusap eh! Tapos, nagpaalam na, medyo matagal na pagpapalamanan naming, tinatanong kung kailan ako babalik…hindi ko masagot, kasi pagkakataon lang talaga ang pagkakauwi ko.

Pumunta na muna ako ng Malate, nagcheck-in paghahanda para sa madaling araw na byahe. Mabuti na lang nag-volunteer si Joey/Zaldy na samahan ako, kaya may kasama ako sa pagpapalipas ng oras at paglibot uli sa Malate…at sa pagkakatong ito, nakita namin ‘yung hinahanap ko na tindahan. Nagtanong kami sa mga gwardiya, alam naman nila…nagkataon, may isa pa pa lang tindahan na katulad nito, uy, mabenta!

Tapos, palipas lang ng oras, gala, kain sa labas, kasi sa gabi, nagkasundo uli kami magkikita nina doc, kaso napurnada kasi nagkaroon siya ng emergency, kaya ay’un, kung wala si Joey/Zaldy, siguradong malungkot na naman ang pag-alis ko tulad ng dati. Tapos, ‘yun, naghiwalay kami na okey na okey, para makapagpahinga na ako at makapaghanda sa flight.

Sa airport, ay’un, marami na uling tao, sabik na sabik lahat na makauwi na ng Davao. Okey naman ang flight, hindi masyadong maalog. Maaga akong nakarating sa Davao na medyo mimikat-mikat pa. Hihintayin ko pang magbukas ‘yung isang opisina na pupuntahan ko, mga 3 oras pa, kaya nag-check-in na muna ako sa isang short time na hotel na malapit d’un. Nakakatawa nga eh, sabi n’ung attendant, ubos na raw malinis nilang towel nila (maraming nag-short time!), sabi ko okey lang, matutulog lang ako, katukin lang ako kung labis na ako sa oras. Ay’un, nakatulog ako, walang pakialam kung may mga halinghing sa mga katabing kwarto (ang aga naman n’un!). Nakuha ko rin at nakauwi ako sa amin.

Pagdating sa opisina, nakakagulat nga ang tanawin. Ang laking pagbabago sa paligid. Lumawak ang ilog, nalinis at ang daming malalaking bato. As in, nagbago talaga ang landscape o itsura ng lugar. Siyempre, kuha na kaagad ng mga litrato. Nagkataon naman na may dumating kaming mga bisitang dayuhan at dinal namin sa kung ano pa man ang natira sa may falls at hotspring. Nagbago ang paligid. Ang falls, bumaba, napuno ng bato ang dating parang pool nito. Puwede na ngang mahipo/mahawakan (?) ang bumabagsak at rumaragasang tubig, ‘di tulad ng dati na takot na takot kaming lumapit dito. Kuha ako ng kuha ng litrato para sa dokumentasyon ng opisina namin. Pero sa totoo lang, nakakapanibago lang ang nangyari pero, maganda pa rin naman ‘yung lugar. Parang nag-redesign lang ang kalikasan. Mas maraming maliliit na batya-batyang lugar na may malakas na agos na ligtas pagpaliguan, parang mga jacuzzi!

Photobucket - Video and Image Hosting
Kasama officemate ko, si kumareng Ronnie!

Photobucket - Video and Image Hosting
O, ayan, maliit na lang 'yung falls!

Photobucket - Video and Image Hosting
Habang kumukuha ng mga litrato para sa dokumentasyon!

Photobucket - Video and Image Hosting
Kasama ang mga bisita namin.


Pagkatapos n’un, kumustahan uli, pahinga sa opisina at balik na naman sa trabaho. Nadagdagan pa nga trabaho ko dahil pinaglilibot ako sa mga area na hawak namin. Kinukuhanan ng litrato ang mga farm. Mas okey, mahilig akong maglamyerda eh, marami na naman akong mapupuntahang lugar, RAMPAH GALORE!

Tapos, medyo may malungkot din, sumakit na naman tenga ko, kaya kailangan kong ipa-check up sa doctor. Kailangan kong alagaan tenga ko, dahil kapag nasira ang eardrum ko, tapos ang maliligayang araw ko, hindi na ako makapaglangoy, snorkeling o scuba diving. Bigla siyang sumakit, tapos pakiramdam ko parang may nakaharang. Sabi ng doctor, paga daw eardrum ko na parang may bukol, tapos tiningnan kung may sipon ako, meron nga. Tapos tinanong kung pumunta ako sa mataas na lugar o nagbyahe sa eroplano. Sabi ko oo, nagbyahe ako at ang tinutuluyan ko eh nasa mataas na lugar. Sapul! So, ang nangyari daw eh may sipon ako, tapos sumakay ng eroplano, mataas na attitude, mataas na pressure, kaya ang mga mucus, pumunta sa parteng tenga ko. Kaya ang ginawa nya eh, imagine-nin nyo na lang kung gaano kasakit…siyempre nilinis nya muna tenga ko, tapos, gumawa siya ng maliit na butas (prick) sa eardrum ko at gamit ang isang maliit na parang vacuum hose, sinipsip ang mucus…gaaahhk, halos himatayin ako sa sakit! Tapos niresetahan ako ng gamot…na naman…gamot na naman, ick! Bawal daw akong mag-swimming muna, mga 1 buwan daw, hangga’t hindi pa magaling na magaling tenga ko… sawi!

Hindi pa natapos ang pakikipagsapalaran ko, pero masaya naman, kasi mga ilang araw lang Kadayawan naman sa Davao. Hindi na ako nakakuha ng mga litrato d’un kasi, abala ako sa ibang gawain eh, hehehe…ibang gawain! Masaya pa rin naman ang Kadayawan, ang daming tao!


So ngayon, ‘eto ako, naglalabindalawang-isip na ako sa buhay, ko…ang daming posibilidad, ang daming mga plano. Luzon o Mindanao? Naguguluhan pa rin ako.

2 comments:

jactinglim said...

just be glad you can have both by flying for now ;)

jonasdiego said...

Puwede namang pareho for now, Johnny e. Mukha namang enjoy ka sa Mindanao at saka masaya na rin kami na nakikita ka namin every 3 months or so.

Pag-isipan mo muna at pakinggan at ibinubulong ng matris...este, puk*...este, puso mo pala (naks!). You have time naman. ;)

Related Posts with Thumbnails