Monday, October 16, 2006

Balibalita…

Ano mga balita?

Marami!

Buhay pag-ibig?

Buhay?

Okay, isa-isahin natin, buhay pag-ibig muna…excited ako eh!

Masaya na ko parati ngayon, dahil pumasok na ako sa isang seryosong relasyon! Ah, ang saya! Gan’un pala ang pakiramdam, hehehe…kaso nga lang, medyo malayo siya at hindi pa kami nagkikita ng personal, hanggang webcam, chat at text pa lang – pero ang mahalaga, mahal namin ang isa’t-isa. Bawat araw ay binibilang at gustong matapos kaagad, sabik dumating ang pagkakataon na kami ay magkita! Ewan ko na lang kung anong mangyayari kapag kami nagkita na – ay siya, grabeh siguro! Isa pa, naging iba na ang takbo ng buhay ko ngayon, may mga plano na ako sa buhay at iba na rin ang pananaw, haaaay…

…LAB YU ‘GA!!!

Sa buhay, naman…marami rin! Sa mga balibalita na lumabas sa telebisyon at pahayagan, eto ang mas klarong bersyon, galing mismo sa nakatira dito – medyo sikat kami ngayon eh!

October 3 sa umaga, nakatanggap kami ng text galing sa aming mga kaopisina na nakatira sa may bukid sa Mt. Apo, na nakarinig daw sila ng malalakas na putok ng baril sa may bundok…so, alert lang kami lahat sa ibaba, tapos mayamaya lang, ang dami ng sundalo ang lumabas d’un sa may kampo na nakatalaga d’un sa may baryo namin. Tapos, mayamaya uli, dalawa (2) namang army truck (wrangler/hammer) ang dumating at dumiretso sa bundok …tapos nabalitaan namin, nagkaroon daw ng engkwentro. Wala naman daw namatay mula sa hanay ng mga army pero may sugatan daw sa kabilang panig. Ayon sa balita, mga amasona (babaeng NPA) raw ang nakaengkuwentro ng army at may nasugatan daw sa mga ito dahil sa mga patak ng dugo na nakita sa lugar. Tinanong ko lang kung paanong nalamang amasona ang nakapalitan ng putok, sagot nila, kasi daw may nakita na nakasampay na bagong labang panty sa mga sampayan – ah okay, mmmmm. May panty…kaya mga babae raw. Eh, kung gusto nga mga lalake na magsuot ng panty?

Tapos, n’ung October 10 naman ng umaga, may balita na kumalat na nagkaroon daw ng massacre sa isang kampo na nakatalaga sa isang kalapit baryo sa lugar namin. Massacre daw, nilusob daw ng mga NPA ang kampo. So, medyo nakakatakot ang balita…. N’ung hapon, nakuha namin ang totoong balita, isa lang ang patay at namatay siya kasi binaril siya ng isang sniper. Okay, massacre nga.

Pero, ang talagang nakakalungkot, kinagabihan, ginulantang kami ng isang kalunoslunos na balita – binomba raw ang kapitolyo ng Makilala. Kasalukuyang ipinagdiriwang nito ang araw ng kanyang ika-52 pagkakatatag (52nd foundation) ng may sumabog na malakas na bomba (8MM) na ikinasawi ng anim (6) at ikinasugat ng 29 na katao. Grabe nga, n’ung umaga pa lang, may kumalat na balita sa text na may papasabugin daw na mga bomba sa iba’t-ibang lungsod sa Mindanao. (Sa Tacurong City, may sumabog daw n’ung tanghali, pero mabuti naman at walang namatay, kasi nakita kaagad ang bomba at nailayo, kaya n’ung sumabog ito, may nasugatan lamang. Sa Cotabato City, may sumabog din daw, ‘di ko lang alam kung may namatay o nasugatan – wala naman sana!) Naging alerto naman ang kapulisan at militar buong araw, kahit saan, maraming nakatalaga. Kaso, n’ung gabi na, sa sobrang dami talaga ng tao sa may kapitolyo, mahirap na talagang malaman kung sino ang may dalang bomba at madali ng makasalisi ang kahit sino – kaya ay’un, may nakasalisi nga! Kinaumagahan, napabalita pa na may nakuha pang apat (4) na bomba na hindi pumutok sa lugar. Mabuti na lamang at hindi pumutok, dahil kung pumutok ‘iyon, grabe talaga ang kahahantungan n’un. Loose connection daw ang naging sanhi, kaya hindi pumutok ang bomba. Nakakabit sa bomba ang cellphone (5110) na ginamit na triggering device. Labing-isang (11) missed calls ang nakatala d’un sa cellphone!

Pakunswelo sa amin, wala naman sa mga kaibigan namin o kasamahan sa trabaho ang nakasama sa mga namatay o nasugatan. Kaya kami ngayon, medyo iwas na muna sa mataong lugar at baka kung ano pa ang mangyari. Tapos, binalaan kami ng bosing namin, na anumang oras eh may baka may pumunta sa aming opisina na mga militar at magtanong, o magka-engkwentro sa malapit sa amin. Ang payo nya, maging kalmado lamang, huwag matakot, ‘pag may mga putok ng baril na malakas – dapa lang kami! Ingat lang parati.

Sa mga balita, "critical alert" daw sa lugar namin…huh, critical alert? Eh parang normal o ordinaryong araw lang dito eh! Tahimik pa rin! Well, balita nga naman…minsan, medyo sobra na, sensationalized ika nga!

Isa pang pag-iingat sa amin.. balibalita, kasi, medyo, sensitibo ito na isyu – ngayong wala na o nabuwag na ang "Peace talk" sa pagitan ng gobyerno at MILF, baka maging magulo raw sa mga lugar na maraming Muslim sa susunod na araw. Hinihintay lang daw na matapos ang Ramadan (October 24)…pagkatapos n’un, bahala na raw!

Well, sa akin, okay lang, sanay na rin kahit papano…tsaka kung oras ko na, eh, ‘di oras ko na! Maski nasaan ka man, at gaano kaligtas na lugar ka man – ‘pag oras mo na, eh oras mo na – ‘yun lang!

3 comments:

hxero said...

Hi johnny, I'll be selling some copies ng indie ko sa Kidapawan avail sya sa store namin by monday (10/23/06)... 3 copies na lang daw naiwan... asko mo kapatid ko nagbabantay dun... bili ka ha

Anonymous said...

Johnny... Ingat lagi, okee? :-)

johnny yambao danganan said...

Henry,

yeap..will check it out...nagpabili yata ako kay jonas sa komikon

Papa Carver,

Uy, salamat sa concern...yeap will do...miss na kita!

Related Posts with Thumbnails