Tuesday, December 12, 2006

Balita Part 1

Hokey…medyo matagal-tagal akong nawala…kasi, abala sa pahinga, trabaho, lamyerda, at hada! Hehehe…

Pahinga, trabaho, lamyerda at hada kanyo? Halos magkakasamang nangyari eh, nagkasunod-sunod pa! Puro kasayahan pero…sa bandang huli, may kaunting hinagpis…pero okay naman sa pangkabuuan…gan’un naman ang buhay eh, hindi naman puro kasayahan na lamang.

Una, dumating ‘yung isa sa mga funder namin kaya kailangan naming i-entertain siya sa pagtigil nya dito, kaya ayun, napagkasunduan na ang pinakamabilis na paraan eh swimming! Game din naman siya kaya enjoy kami lahat. Ang pangalan nya nga pala eh Sonja (read: Sonya), isang Austriyanong mataas at magandang babae. Dinala muna namin siya sa conventional na swimming pool sa Le Reve kung saan kami eh lingo-lingo na lumalangoy, at duon, kasama siya ay nag-enjoy (nakakatawa nga eh, sa tangkad niya, ‘yung malalim para sa amin na malunod-lunod kami, samantalang sa kanya, nakatayo lang siya!)…

Photobucket - Video and Image Hosting

Okay, ang grupo muna, roster...Bangbang, Lanie, Lucia, Sonja, Kuya Nono, Ate betsy... at ako (behind camera, 'yung kumukuha ng pix!)

Photobucket - Video and Image Hosting
Si Sonja, ang bisita...

Photobucket - Video and Image Hosting
Siyempre, ako...

Photobucket - Video and Image Hosting
...at kami ni Lucia!


Ang sumunod naman eh sa pinagmamalaki naming hot spring at waterfalls kami pumunta, na talaga namang ikinasaya ng lahat (n’un rin na lang kami nakabalik d’un, kaya pati kami nagulat sa pagbabago – abah, at maganda na ulit!)…

Photobucket - Video and Image Hosting

Ako, si kuya Nono at Sonja...enjoy gyud!

Photobucket - Video and Image Hosting
...okay reaction ni Bangbang!

Photobucket - Video and Image Hosting
...rumampah kami ni kuya!

Photobucket - Video and Image Hosting
...kuyaw!

Photobucket - Video and Image Hosting
...medyo relax...mainit...halos maging balut ang...;-)



At panghuli eh, sa beach naman, snorkeling lang sa mga kakaunting korales…hindi na kami nakapag-SCUBA diving dahil kulang na sa oras – sayang talaga! D’un kami nagpalipas ng gabi sa Punta del Sol, isa sa mga magandang resort sa isla ng Samal. Mga 15 minutong paglalakbay sa barge galing sa Davao papunta sa Samal – abot-tanaw nga lang ang isla eh!

Dumating kami sa resort ng medyo madilim na, malakas ang alon sa dagat kaya medyo mahirap maligo kaagad, naghanda lang ng pagkain at kwentuhan…well, ‘yung mga kasama ko, n’ung kati na at medyo okay na ang mga alon, naligo pa rin sila…ako, wala sa mood eh, sabi lang ako ng sabi ng “don’t take chances”, kaso wala namang nakinig, kaya nahiga na lang ako at nagbasa. D’un lang ako naglagi sa veranda ng cottage, okay na sana kaso, mali pala, kasi sa madaling araw, dumadaan ‘yung mga nanghuhuli ng alimasag, kaya dinig ko ang lakas ng mga huntahan nila habang nanghuhuli ng mga alimasag…tapos dumadaan din ang mga motorboat ng mga mangingisda, kaya para ka pa ring nasa highway!!!

Kinabukasan, maaga akong gumising para tingnan ang dagat, pati na rin ang lugar, ‘di kasi makita sa gabi eh…maganda pala, at maraming isda! Tapos, ‘yun, buong umaga lang kami langoy at kuha ng mga litrato, okay na okay…may dumaan pa ngang mga Badjao na nagbebenta ng mga tunay at iba’t-ibang perlas pati na rin malalaki at mamahaling mga kabibe at iba pang klaseng seashells – aliw talaga! A’yun, bago magtanghalian, umalis na rin kami, kasi may iba pang skedyul ‘yung bisita namin….

Photobucket - Video and Image Hosting

Eto 'yung sa barge na sinakyan namin...

Photobucket - Video and Image Hosting
...maski sa barge pa lang, rumarampah na...

Photobucket - Video and Image Hosting
...kami ni Lucia, kasama sa pagrampah...

...at eto na ang pagrampah sa tubig...

Photobucket - Video and Image Hosting
si Bangbang muna...

Photobucket - Video and Image Hosting
...si 'ter Lanie

Photobucket - Video and Image Hosting
...si Sonja...

Photobucket - Video and Image Hosting
...ehem...ako....

Photobucket - Video and Image Hosting
...si Lucia...'di pa marunong sumisid eh...

Photobucket - Video and Image Hosting
...si ate Betsy...

Photobucket - Video and Image Hosting
...si kuya Nono at 'ter Lanie...

...at ang mga susunod na litrato eh mga pagrampah ko (na naman!)...

Photobucket - Video and Image Hosting
...smile!

Photobucket - Video and Image Hosting
me, sa harap ng resort...

Photobucket - Video and Image Hosting
...nanghiram muna ng mga seashell sa mga Badjao...

Photobucket - Video and Image Hosting
...abala sa pagpili ng mga perlas...

Photobucket - Video and Image Hosting
...oy, mga tunay 'yan!

Photobucket - Video and Image Hosting
...at siyempre, group picture naman!


Hokey, pangalawa, pagkatapos ng kasiyahan, sa ‘di inaasahang pangyayari, nakaiskedyul naman na operahan ang butihin naming bosing, si Ate Betsy. Nakakainis nga kasi, napataon naman na may trip ako sa Dumaguete, kaya hindi rin ako nakapaglagi sa ospital para sana siya pagsilbihan…pero ‘buti naman at okay na siya ngayon.


Pangatlo, sa trip ko naman sa Dumaguete…nakakatawa nga eh, ilang beses akong nagplano na pumunta rito, kaso laging napupurnada, nakakasama lang ng loob, kaya ipinasya ko na huwag na lang, tapos bigla pa dumating ang pagkakataon na makapunta ako d’un! Medyo kinabahan pa nga ako sa byahe eh, kasi unang pagkakataon na magbyahe lang ako mag-isa papuntang Dumaguete. Tapos, ‘yun nga lang, medyo nakakapanghinayang din kasi wala akong mahiraman ng camera sa opisina, lahat nasa field, ginagamit – sayang, wala tuloy ako mga litrato sa lugar!

Dati na akong nakapunta sa Dumaguete, kaso saglit lang at grupo kami n’un, kaya medyo pampered, eh ngayon, ako na lang! Ngayon, ang ginawa kong paghahanda, nag-text ako sa lahat ng mga kaibigan ko na nakapunta na d’un, at nagkataon naman, may isang tagaroon mismo, kaya madaling nakakuha ng mga impormasyon ng mga gagawin sa byahe. Byaheng Davao-Cebu-Dumaguete ang naging ruta ko, gan’un na rin pabalik. Sumakay ako eroplano papuntang Cebu, pagbaba sa airport, hanap ng barato na taxi, sa labas na mismo ng airport, maski medyo malayo, kasi kapag d’un ka mismo sa airport kumuha ng taxi, marami din daw nanaga sa presyo na mga taxi driver tulad sa Manila…okay naman ‘yung nakuha ko, bootan si manong.

Habang nagbyabyahe papunta sa terminal ng Bus papuntang Dumaguete, kwento si manong na parang guide ko – kwento siya sa magandang puntahan at iwasan na lugar. Pagdating naman d’un sa terminal, naiwan ako ng bus papuntang Dumaguete, hindi ko kasi alam ang skedyul ng trip kaya ay’un, nalaman ko kakaalis lang. Sa sumunod na trip na lang ako pwede sumakay, walang magawa, kinailangang maghintay ng dalawang (2) oras – ‘buti nalang may malapit na Mall, maski maliit at kakaunti ang makikita, kahit paano nakapagpalipas din ng aliw, este ng oras pala!

Pagbyahe ko sa bus, medyo matagal-tagal na paglalakbay – tatlong (3) oras, malayo pala! Nadaanan ko uli ‘yung mga nadaanan ko n’ung huling punta ko d’un. Pareho lang ang ruta, kaya nagbalik sa akin ang mga magagandang alaala, naks! Isa pa, medyo mabait ‘yung naging katabi ko, medyo chika kami at okey na pagtanungan ng mga direksyon. Tatlong oras ang aming naging byahe papunta sa pier na papuntang Dumaguete. Isinakay sa barge ang bus at naglakbay pa ito ng 45 na minuto. Pagdating naman ng pier sa Dumaguete, mga 15 minuto pa na byahe nasa syudad ka na mismo. Pagdating sa terminal, byahe ng tricycle papunta sa hotel na tutuluyan ko.

Sa hotel naman, na-bad trip pa ako pagdating ko, kasi puno na ang mga kwarto! Extra bed na lang daw ang tutulugan ko, tapos naubusan din ng pagkain…ack, pagod, gutom at inis, ‘di ko pa makita ‘yung organizer, wala akong makausap na matino…suya talaga!

Sa gutom ko, pumunta na lang ako sa café n’ung hotel, kaso puno naman, wala akong maupuan kaya hindi rin ako maka-order, (inis na naman!) kaya lumabas na muna ako ng hotel at naghanap ng makakainan. Kaso wala naman akong makita, halos lahat ng restaurant na malapit, puro karne ang tinitinda, inihaw, lechon, liempo, etc. – icks, wala choice, tubig na lang ang pwede, kaya balik ako sa hotel, balak magpahinga na lang at naisipang magpa-reserve at umorder sa café nila. Mabuti na lang, pagdating ko sa lobby ng hotel, and’un na ‘yung organizer, Hazel ang pangalan niya, at nakapag-usap kami…medyo nabawasan ang inis ko (mabait at sweet kasi siya eh) kahit pagod at gutom pa rin ako. Pasok na ako sa kwarto namin, eksakto kakababa ko lang ng gamit ko, tumawag ang café, pwede na raw at ready na ‘yung pagkain ko…haay, saka ko pa lang nakuhang ngumiti.

N’ung gabi naman, hindi pa rin okey, grabeng humilik ang mga kasama ko kwarto, hindi rin ako nakapagpahinga ng husto, waaaaahhhhh!

Kinabukasan, dating gawi (maagang nagising dahil kulang sa tulog), punta sa reception area at nagtanong, saan ang pinakamalapit na beach at balak rumampah! Mayroon daw, mga isang (1) kilometro ang layo, pwedeng lakarin. Handa ako sa lahat ng gamit, trunks at goggles, naglakad ako, alas-5 ng umaga, medyo madilim pa at medyo walang tao…n’ung medyo malayo na ang nalakad ko at tahimik talaga ang lugar, saka ko pa lang naiisip na baka maholdap ako o kung anuman – hindi nga pala Davao ‘yung lugar, masyadong kampante eh! May napagtanungan din naman ako kahit papa’no, maski nag-aalangan pareho, ‘buti na lang mabait sila, kahit nagkandligaw-ligaw ako sa direksyon!

Pagdating naman sa beach, Silliman Beach ang tawag nila d’un…turn-off, malapit mismo sa mga komunidad kaya, medyo ‘di okey, may naabutan pa akong naglilinis ng koral nya at diretso sa dagat ang dumi….ick!

Lakad-lakad na lang ako, tapos nakasalubong ko pa ‘yung isa sa mga kasama ko sa kwarto, rampah din pala sa beach ang trip niya, at katulad ko, ‘di rin naingganyong maligo, lakad-lakad na lang. N’ung pauwi na kami, nagsakay na kami sa tricycle at nagtanong pa rin ako sa driver kung saan ‘yung mga dinarayong beach. Meron naman daw, at sabi ko pagkahatid sa hotel n’ung kasama ako, dalhin nya ako d’un, ‘di ako makukumpleto ang araw ko kung hindi ako makakapaligo sa beach!

Pagdating sa hotel, kasama ko pala sa activity namin ang mga dati kong kasamahang magsasaka at kaibigan sa Los Baños, kaya parang naging reunion namin. Pero maaga pa rin n’un kaya pumunta pa rin ako d’un sa beach, sumama ‘yung isang kaibigan ko at kwento na lang kami papunta d’un sa beach. Sa beach na pinuntahan namin, okay naman, low tide...maraming sea grass kaya medyo nakakatakot. May phobia na kasi ako sa mga seagrass, malimit sea snakes ‘yung nakikita ko eh, takot pa naman ako d’un!

Ako lang ang rumampah at naligo talaga, ‘yung kaibigan ko, sa beach lang mismo, palakad-lakad at patanaw-tanaw lang, samantalang ako sa dagat talaga at naghanap ng mga korales. Okay naman kahit paano, kaso n’ung umahon na ako, saka ko pa lang napansin, marami ‘nung mga parang ahas o bulate sa dagat, mahaba na may stripe tapos sa bandang dulo eh, may mga galamay na maliliit…natakot na naman ako, pero okay lang, nag-enjoy din naman!

Pagdating sa hotel, naligo, nag-ayos at naghanda para sa seminar, trabaho na muna. Okay naman ang naging takbo, ako na naman ang pinutakte ng mga tanong, pero nasagot ko naman – o ayan ha, sulit naman para sa organizer ang pagpunta ko d’un, hindi na sila lugi! Pagkatapos ng oras ko, umalis na muna ako, nagpalipat ng skedyul sa eroplano. Ang orihinal kasi eh dalawang (2) araw ako maglalagi sa Dumaguete, kaso nagmamadali ang lahat ng participants kaya natapos ang activity ng isang araw lang. Gusto ko mang maglagi sa Dumaguete kaso, nag-text na sa opisina sa amin at pinaaalalahanan ako sa mga trabahong naiwan at deadline, wala kasi si Ate, kaya medyo kailangan ako sa opisina.

Inubos ko lang ang oras ko sa pag-ikot at gala sa syudad mismo kahit kainitan dahil ‘yun lang ang oras ko…at du’n ko masasabi, bihira lang akong humanga eh, sa Dumaguete ko nakita ang pinakamagandang tindahan o branch ng Jollibee! Kakaiba siya, pinagsamang luma (karaan) at makabagong disensyo ng gusali, pero mas lamang pa rin ang makalumang estilo. (Tiningnan ko lang naman sa labas, hindi na ako pumasok, tama na hanggang tingin lang – binoboykot ko kasi ang mga ganitong uri ng establisyamento eh!) Sabagay, sa Dumaguete naman kasi, okay ang ibang gusali dahil pinahahalagahan nila ang mga luma o sinaunang gusali, lalo na sa mga hotel at restaurant. Isa pang nakakapagtaka sa Dumaguete eh, mahilig yatang magbasa ang mga tao rito. Kasi naman, sa bawat kanto o eskinita na madaanan ko eh hindi nawawalan ng tindahan ng mga magazine, dyaryo, libro at pocketbook! Kakaiba, as in…bukod pa sa mga convenience shop o malalaking tindahan na nagtitinda nng mga babasahin, marami talaga kahit saan – y’un nga lang, WALA pa rin akong nakitang KOMIKS!

N’ung natapos na ang paglilibot ko at medyo naliliyo na ako sa init ng araw, nagpasya na akong umuwi sa hotel at nagpahinga. ‘yun nga lang, mainit sa labas, aircon sa kwarto, nahiga ng basa ang likod at natulog – kaya ay’un, pagkagising, mabigat ang katawan, engots! Pero, kinaya pa rin, sa labas kasi kami nakaeskedyul maghapunan at gimik…kaya medyo okay lang. Okay ang naging mga pagkain, seafoods galore! ‘yun nga lang, medyo mahal na rin, parang Manila price na rin – iba pa rin talaga sa Mindanao! Pagkatapos ng medyo mahabahabang hapunan, habang ang iba (read: mga tigulang!) eh nagpasyang umuwi na sa hotel at magpahinga (mga KJ gyud!), kami naman na medyo bata-bata pa eh nagpasyang gumimik – siyempre!

Libot muna sa may “baywalk” nila, hanap ng magandang café at napagkasunduang disco ang maging tirada! Hanap kami ng lugar at may nakuha naman, mga game lahat eh, kaya pagpasok pa lang, hanap lang ng lamesa, order at rampah na kaagad! Maraming tao sa loob, pero kakaunti lang ang mga sumasayaw, kalimitan eh mga nagtratrabaho (read: buring or fokfok) – marami kasing mga dayuhan (foreigner) eh! Pero wala kami paki, sayaw lang kami ng sayaw! Natapos kami, mag-a-alas-tres, enjoy kaayo! Hah, masama pa ang pakiramdam ko n’un ha!

Kinabukasan, a’yun, nilalagnat at sira ang tiyan! Ang masama pa nito, nalimutan kong magbaon ng mga anthromed (anthroposophic medicine – ‘yun na ang gamot ko nga ‘yun!), kaya no choice, napainom na naman ako nga mga conventional na gamot – ick!

Nagpasya na lang ako na ibang ruta pabalik sa Cebu, dahil hindi pwede sa bus, matagal na nga ang byahe, wala pang C.R. na mapupuntahan kahit anong oras, mahirap na, sira ang tiyan ko! Nagpasya na lang ako na Fastcraft (barko na maliit) ang sakyan ko, byahe ng Tagbilaran (Bohol), saka mag-Cebu. Halos kapareho lang ang haba ng byahe kung mag-bus ako, pero ang kahalagahan may C.R. naman at tsaka, mas relax, masama na nga ang pakiramdam ko eh. Medyo may kamahalan nga lang (halos doble ang presyo ng pamasahe), pero kailangan eh, tsaka…at least, makakadaan ako sa Bohol, hindi pa ako nakakapunta d’un eh!

Okay din naman ang byahe kasi may mga kasabay ako na participants kaya may ka-chicka…tapos n’ung dumaong na sa Tagbilaran, maski saglit, bumaba ako at bumili ng pasalubong…at tsaka officially, nakaapak ako ng Bohol, hehehe…in fairness, ang ganda ng pier nila ha!

Saglit lang ang stopover, nagbababa at nagkarga lang ng pasahero, tapos byahe na uli, papunta na sa Cebu. Gabi na ng dumating ako sa Cebu at tsaka masama pa rin ang pakiramdam kaya diretso na lang sa hotel. Sabi ko d’un a driver, sa downtown at sa medyo barato na hotel o pension house. Okay naman ang pinagdalhan sa akin n’ung driver. Sa hotel, kain lang at tulog na diretso ang ginawa ko, medyo nagkasala na naman ako kasi napilitan akong uminom ng sleeping pills, kaso hanggang alas-tres lang ang naging epekto ng gamot, maaga pa rin akong nagising, well, at least nakapagpahinga ng kaunti.

N’ung umaga, medyo okay-okay na pakiramdam ko, ginala ko kaagad ang downtown, at pinagplanuhan kung saan-saan pupunta pagbukas ng mga mall. Sakay ako ng taxi at nagpalibot sa downtown, mga simbahan, pati na nga Magellan’s cross, at kapitolyo…tapos sa Tabuan, sikat na lugar kung saan ang bilihan ng mga danggit at iba pang bulad (daing)! Pagkapamili, balik sa hotel dahil mahirap bitbitin ang nangangamoy na bulad.

Labas ng hotel at sa pagkakataong ito, nilakad na lang ang downtown, mas okey eh, para matingnan maigi ang paligid. Okay din naman ang downtown, marami pa ring makalumang gusali, pati mga sinehan nila, mga luma pa rin pero malalaki at maayos pa. Sa mga mall naman, Gaisano pala ang marami sa Cebu, well tagarito nga pala ang may-ari n’un. Hanap ako ng mga makakainan, kaso puro fastfood at food court lang, wala akong makita na mga tunay na restaurant. Ang gusto ko kasi eh ‘yung mga restaurant na kung kailan ka lang umorder eh saka pa lang lulutuin ang pagkain mo, para mainit talaga ang pagkain at hindi pinainit lang.

Wala akong makita, at mag-a-alas-diyes na n’un, nagpasya na lang ako sa Ayala Center pumunta, alam ko maraming restaurant d’un, at hindi nga ako nabigo, kaso kalimitan sa kanila, alas-onse nagbubukas – ick, antay na naman ako! Naglibot-libot muna ako, hanap ng libro at komiks, may nakita namang komiks, kaso kakaunti na, mahal pa – ‘di na lang. N’ung nakakita ako ng bukas na restaurant, saka palang ako nakakain at medyo nakuntento.

Pagkakain, balik sa hotel at naghanda para sa flight pauwing Davao, maski nagmamadali at kulang ang oras sa Cebu, nag-enjoy din naman ako kahit papaano, balak kong bumalik dito.

Pagdating sa terminal ng Cebu, medyo mahal din ang terminal fee, kapareho sa Manila, pero maganda naman ang facilities, ‘di tulad sa domestic airport sa Manila. Tama lang ang pagdating ko, dahil saglit lang ako naghintay, boarding na. Maaga akong nakarating sa Davao, kaso byahe pa ng dalawang (2) oras sa van para makarating sa amin, well, kahit papaano, nakatulog at pahinga din naman ako ng mahabahaba sa sa van.

Pagdating sa opisina, balik na naman sa trabaho…at nakapagpahinga na uli…hindi na masyadong nagkasakit tulad ng huli kong byahe na talagang naospital pa ‘ko…


Pang-apat, pagkalipas ng isang lingo, nagkaroon na naman akong makapagbyahe…sa Luzon naman! Nakakatawa uli, kasi natanggap ko na sa sarili ko na hindi ako makakuwi ngayong taon dahil hindi ako nakapag-ipon ng pamasahe, tapos eto na naman ang pagkakataon. Siyempre, tuwang-tuwa ako, makakabisita ako sa amin at magkikita na rin kami ng aking…’LAB YU ‘GA!!


Wait…ang haba na…tigil na muna..

No comments:

Related Posts with Thumbnails