Saturday, May 26, 2007

okay na ba ako?

ang tanong sa itaas, totoo na ba 'yun?

nagkaroon uli ako ng pagkakataon na umuwi, ay bisita pala diyan sa luzon (dire na nga pala ako sa davao nagapuyo karon, hehehe)...at medyo mahaba-haba nga (mahigit 1 linggo) pero loaded naman sa gawain kaya hindi rin masyadong nakapagliwaliw! well, ang masasabi ko lang, mixed emotions na naman…masaya, malungkot, exciting, at emosyon ba’to - NAKAKAPAGOD! Eh halos, unang araw pa lang ng pagdating ko diyan, hataw na kaagad sa gawain, nag-exhibit kasi kami, kaya ayun, dami ang gawa…

sa exhibit, nakakapagod talaga, maghapon kang nakatayo, tapos ie-entertain mo mga potential buyer…siyempre, hindi mawawala ang mga bitch na buyer, tapos dadagdagan pa ng isang bitch na kasama mo sa booth, ay sus, imbyerna talaga! Pero ako, siyempre,nagpakatotoo ako, bitch din ako, kaya hindi siya nakapengal sa akin, WARLAH!

enjoy din naman kahit paano, star-sightings: Recah Trinidad and Hans Montenegro…tinanong ako ng mga kasama ko, kung saan daw lumalabas si Hans, sabi ko, ‘di ko alam, basta alam ko, nakilala ko siya as, isa sa mga victims ng jojo veloso scandal, hehehe…

tapos, sa liwaliw, nakita ko uli ang iba kong kaibigan na nasa manila, malapit lang kasi, kaya ayun…una, ang aking sis na kaibigan, si AGO, kasama nya si Shog-he, isa pa niyang kaibigan, sa wakas nakita ko rin siya, kaso iba ang inaasahan ko sa itsura nya…’kala ko, daddy o bear ang dating, ‘di pala, hehehe…at pinag-usapan naman namin ang lovelife ng bawat isa, haaay, ayan na naman…

tapos, isang kaibigan pa na isang taon din kaming hindi nagkita, si Joey/Zaldy, okay naman siya, parati ko ngang hinihiritan eh, TABACHOY na siya, hehehe! Miss you na kaagad!

tapos, isa pa, nakatagpo ko na rin sa wakas ‘yung isa pa…si Abe! Isang taon din ang nakalipas bago kami nagkita…okay naman siyang kausap at kasama…

…at siyempre, dream come true, isang tao na crush na crush ko talaga eh nagkita kami at…hehehe, yun na! kaya parati akong nakangiti na ngayon, hehehe…

…at, oo nga pala, si Joey pa pala, isang masayang kwentuhan sa ibabaw ng kape, hehehe, okay ba ‘yun?

sa totoo lang, masaya nga, pero may mga pagkakataon na kapag ako’y nag-iisa, naiisip ko pa rin siya…at parang buwang na umaasa na makikita pa siya…ah, tama na!

sa pamilya ko…himala, nag-reach out na sila, open na kami sa isa’t-isa at pati tungkol sa lovelife ko eh may lakas ng loob silang pag-usapan, ‘yun nga lang n’ung sinabi ko na single na uli ako, natuwa sila, haaayyyy….kinabuhi!

…at masasabi kong medyo nakakantig ng puso…pumunta ako ng los baños, at nakausap ko ang kaibigan ko, si ate Lissa, dati kasi, magkaibigang magkaibigan kami, kaso may nangyaring ‘di maganda at naging magkaaway kami. Nag-sorry naman kami sa isa’t-isa pero hindi na naibalik ang dati…kapag magkikita kami, plastikan lang o civil, o parang magkakilala lang na walang maganda o mainit na pinagsamahan. Nitong huling bisita ko, maayos ang naging usapan namin…at natuwa ako, nung nagpaalam na ako, ako na ang lumapit, kinamayan ko siya at sinabing, “its been a long time na nag-usap tayo ng ganito”, tapos niyakap ko siya at nagpasalamat. Gan’un din siya, at nasabi nya na sayang ang mga nagdaang panahon, halos 10 taon din ang nakalipas…sayang talaga, ang tagal din pala ‘yun! Kaya ayun, maluhaluha ako, ‘di lang ako nagpahalata….emosyonal talaga ako…

No comments:

Related Posts with Thumbnails