isa pang awitin na medyo kakaiba ang dating mula sa isang kakaiba ring mang-aawit!
una kong narinig ang awiting ito sa pelikulang "Meet Joe Black", sa bandang huli o end credit part na ng palabas, n'ung 2001. Una ko pa lang dinig sa kanya, nabighani na kaagad ako at pinilit kong kinuha kung anong magandang impormasyon tungkol kung sinong umawit. Mabuti na lamang at may internet na noon, kaya madali kong nahanap at laking gulat ko sa aking nalaman.
simple lang kasi ang pagkakalapat at pagkakaareglo sa musika pero hanep naman sa husay ang boses ng kumanta! Sa tuwing maririnig ko ang awiting ito, lalo na ang bersyong ito (mas lalo pa 'yung may kasama na "its a wonderful world" - http://youtube.com/watch?v=Pe5p1BXNCQM&mode=related&search=), parati na lamang akong napapaiyak, dahil damang-dama ang melodya at titik ng awiting ito...
ang kumanta nga pala nito ay si ISRAEL KAMAKAWIWO 'OLE o sikat sa palayaw na IZ, isang Hawaiano na sobrang galing, mabuting tao (base sa tribute sa kanya)...at medyo may konting katabaan, pero grabe naman sa GALING! 'yun nga lang naging balakid ang kanyang katabaan sa paghaba ng kanyang buhay, dahil maaga siyang nagpaalam sa mundong ibabaw...sana marami pa siyang nalikha na mga awitin...at sana, nakilala ko ang mga gawa/kinanta niya n'ung buhay pa siya...well, gan'un talaga ang buhay...
nakakiyak din panoorin 'yung tribute sa kanya, grabeh......
sana magustuhan nyo rin itong awiting ito...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment