Buhay-buhay...
N'ung isang gabi, sa 'di inaasahang pagkakataon, nagkaroon ng aksidente sa tapat ng tinutuluyan naming apartment.
Mag-aalas-dose ng gabi..habang akoy gumuguhit ng isang ekstrang pagkakakitaan (lalim 'no?), bigla na lang may dumaan na motorsiklo (well parati namang may dumadaan na motorsiklo d'un sa lugar namin), kaso bigla may kumalabog! hindi ko muna nilabas, baka kako wala lang, wala namang kumakahol na aso...kaso, sobrang tahimik na ang kasunod tapos, medyo kakaiba yata ang ilaw sa daan, patay-sindi na pula...
So, lumabas na ako ng bahay, tapos, ang nakita ko, lalakeng nakahandusay sa daan...medyo natakot ako, kasi baka may patay, kasi medyo napapadalas ang patayan sa lungsod sa panahong ito eh…agad kong nilapitan, humihinga pa siya! Nakataob ang motorsiklo nya sa malayo, tapos ‘yung lalake, nakahandusay at basag ‘yung helmet nya. Kaagad kong tiningnan kung may dugo sa ulo, mabuti at wala naman…tapos maingat kong inalalayan na huwag magalaw ‘yung leeg nya, kaso gumagalaw siya, dumapa at humagok…natulog pa! Lasing pala ‘yung mama! Well, nangangamoy nga sa alak.
Ang nakakapagtaka, malapit lang naman ang aksidente sa mga bahayan, kaso walang lumabas kundi ako lang. Tulog na yata lahat ng tao at walang nakarinig! Eh, hindi ko naman kayang mag-isa lang, ginising ko ‘yung kasama ko sa bahay, at humingi kami ng tulong sa mga kapit-bahay, sa tapat namin...at saka pa lang silang nagsimulang lumabas at nalamang may aksidenteng nangyari. Well, wala namang nag-panic sa amin, nagamit nga namin ang aming kaalaman eh...huwag mag-panic, tingnan kung humihinga pa, huwag galawin ang leeg at katawan, humanap ng pagkakakilanlan (ID), at tumawag sa 911, oh say!
Hindi namin makausap ‘yung naaksidente, kasi ang lalim ng tulog, feeling nya nasa kwarto na siya at nakikipagbuno na siya sa kama niya! Dumating ang pulis, pati 911...at ang nalaman nila, gamit ang stethoscope – lasing ‘yung lalake kaya naaksidente!
Okay, nang medyo nahimasmasan na ‘yung lalake, nakatayo na siya at sumakay sa patrol, hindi na sa ambulansiya, at inihatid na siya ng mga pulis sa kanila….
Kinabukasan, sabi ng kapit-bahay namin, bumalik daw ‘yung lalake, at hinanap ang kapares ng nawawala nyang tsinelas. Nawala daw sa aksidente nya kagabi…hindi nya raw maalala na naaksidente siya n’ung gabi…ah, okay, ang alak nga naman, nakakawala ng kapares ng tsinelas! Tsk, tsk, tsk….
Tapos, n’ung isang gabi naman, nanood kami ng special screening ng “Harry Potter”. Unnhhhh, medyo okay naman ang sine, pero siguro kung uulitin ko siya, mga huling kinse minutos ng palabas, sapat na….
Bago magpalabas, may mga nakalaang upuan para sa mga espesyal na bisita, mga upuang nakalaan para sa bise mayor, sa mga konsehal, alta de sociedad, at iba pa. Nakaupo na kami ng maayos ng kasama ko, kaso umalis muna ako para dyminggel…at pagbalik ko…medyo natagalan ako, kasi biglang may humarang sa akin na lalake. Tinanong ang pangalan ko, at tinanong din kung isa raw ako sa mga piling panauhin…NAKS NAMAN! Hehehe, napagkamalan akong Special Guest!!! Hwehehehehe!!!!!
Naging tapat naman ako, sabi ko hindi…hehehehe!
...siguro dahil sa balbas ko?
Wala lang, hehehe, enjoy lang!
Friday, July 13, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Tunay na mahiwaga ang balbas mo, Balbona. Gamitin mo ito sa pawang pangkabutihan lang. Pang-mushroom, ika nga.
Kabutihan? Mushroom? Gets?
ONE! :D
sa iyo kuya jonas,
aaaahhhh...okay!
getching!
Post a Comment