Sa wakas ay nakuha ko rin! Well, actually, n’ung isang linggo pa ito, pero ngayon lang ako nagkaroon ng oras na isulat ito. Ang tinutukoy ko eh ang bagong libro ng isa sa mga bago at paborito kong manunulat, si G. BOB ONG!
Eto siya...
Ang "Macarthur"...bakit kaya 'yang ang titulo? Basahin nyo na lang!
Ilang linggo rin akong nagpabalik-balik sa National Bookstore sa SM-Davao (uy, plugging!), at ilang linggo ko rin silang pinepeste ng pagsusuplado at tanong kung kailan darating ang kopya nito, at ngayon nga eh meron na ako. Kaya abot-tenga ang ngiti ko ngayon, hehehe. Grabeh, sabi ng attendant d’un, n’ung unang dating, 10 kopya (sampo???!!!), eh ubos daw kaagad. (Siyempre ba naman noh, sa dami ng naghahanap eh, di mauubos kaagad ‘yun!) Kakaunti kasi ang dumating kasi maski daw sa Manila, eh nagkakaubusan…hmmmnnn, gan’un na ba kasikat si G. Bob Ong ngayon?
N’ung makuha ang kopya, habang naghihintay sa linya sa pagbabayad, eh sinimulan ko ng basahin, dahil sa sobrang atat na talaga! At…
Well, kakaiba siya sa mga nauna nyang sinulat, at medyo may pagka-seryoso na siya ngayon…gan’un pa rin ang estilo ng pagkakasulat na nakatawag pansin sa akin n’ung una.
Sa pangkalahatan, ng matapos ko ang pagbabasa, ang masasabi ko eh ito:
1. Maayos pa rin naman ang estilo ng pagkakasulat, sa dating paraan/estilo kung paano siya nakilala.
2. Naging seryoso na (as in seryoso), na ang kwento.
3. Mayaman ang pagkagamit ng mga salita, at talagang, mapapabigkas ka ng mga katagang “shit” at “eeewwww”, habang binabasa mo ang nobela. (Meaning, gan’un siya kalakas humatak ng imahinasyon!)
4. Para sa akin, merong isang bahagi ng kwento na medyo nakalimutan ng manunulat na medyo palawigin o bigyan ng pansin. Maaari sana itong maisama na lamang sa banding hulihan ng kwento na parang tagong kabanata (“lost chapter”). Ika nga eh, mala-“Noli Me Tangere” na estilo, tulad sa kabanata ng buhay ni “Elias”. Medyo “spoiler”, ang binabanggit ko eh, tanong ko lang naman, “Bakit naging paboritong anak?”
5. Sa pangkalahatan, okay naman. Ika nga eh, “worth it” ang paghihintay.
Ito pa pala ang masasabi ko, sa aking pag-aanalisa, wala akong sinisilip na kung ano pa man, ito lang ang nasa isip ko, hindi ako naninira o kung ano man.
Magaling ang ginawang mga hakbangin ng manunulat na si G. Bob Ong sa kanyang career, inuna nya na maglabas ng mga kwentong medyo kakatawanan, base sa mga nangyari sa kanyang buhay, sa mga kaibigan o likhang-isip (malay natin kung alin), bago ang medyo seryoso na kwento. Dito ay nakakuha siya ng mga mambabasa na nakaka-relate sa kanya, at madamdaming sinubaybayan o inabangan ang mga sumunod pa niyang mga likhain.
(Sabagay, para sa akin, kung maglalabas ka ng isang libro sa panahong ito na medyo seryoso kaagad ang tono, medyo mahihirapang makakuha kaagad ng mga debotong mambabasa, dahil sa dami na ng ganitong klase na sa merkado. Ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon ng mga mambabasa kung ang unang librong inilabas ni G. Bob Ong eh ang “Macarthur” sa halip na "ABNKKBSNPL Ako", ganoon pa rin ba ang magiging takbo nito sa popularidad?)
Habang tumatagal, nagiging seryoso, malikhain at higit na may laman na ang kanyang mga sinulat, nagpapatunay lamang sa pagiging henyo ng manunulat. Iba’t-ibang klase ng porma o estilo, ng nilalaman, pero alam mo pa rin na may tatak-Bob Ong!
At sa pinakahuling aklat niya, talagang, seryoso na ang tono. Ewan ko lang sa ibang mambabasa kung ano ang magiging reaksyon nila. Baka kasi mag-expect sila na magiging katawa-tawa uli ang bagong libro, at maging dismayado. Parang katulad ko, akala ko gan’un pa rin, pero laking gulat ko n’ung mabasa ko – pero hindi ako nadismaya, lalo pa nga akong humanga eh!
Para sa akin kasi, bihira ang mga manunulat na nababasa ko na kayang gumawa ng iba’t-ibang estilo ng pagsusulat (Jessica Zafra, Lualhati Bautista, Amado V. Hernandez , Allan Moore), kaya inilalagay ko na si G. Bob Ong sa mga hanay nila (well, actually, matagal na nga eh…).
Kaya, eto na naman ako, aabangan ko na naman ang bago nyang gawa, at kung lumabas na, siguradong kawawa na naman sa akin ang mga tindahan ng libro sa pamemeste o pangungulit ko sa kanila kung kailan sila magkakaroon ng bagong libro ni G. Bob Ong!
Wednesday, July 25, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hay. nabwisit ako dahil walang available sa gmall. nagpabili nalang ako sa fully booked sa manila. buti naman meron.
it was a good read. medyo confused lang ako sa 1st part, particularly sa pag introduce sa characters. nami- mix up ko kasi sila. andun parin ang humor and wit ni bob ong pero sa seryosong pamamaraan. medyo dark (pero ganun naman talaga ang tunay na buhay diba.), pero tulad ng ibang libro ni bob ong, may pag- asa parin sa end ng story.
about the title, angkop na angkop ang title sa storya.
Post a Comment