Kadayawan na naman pala, ang bilis ng panahon ah! Patatlo ko na palang Kadayawan ito, kaya medyo excited na naman ako! Masaya kasi kapag Kadayawan eh!
Noong una, sa Makilala ako nakatira, lumuluwas pa ako ng Davao (2 oras na byahe) para lang panoorin ang Kadayawan, kaya ubod ako ng saya kapag dumarating ang araw na ito. Pero ngayon, iba na, dahil dito na ako nakatira sa Davao ngayon, inaasahan ko na magiging mas masaya ito para sa kin nitong mga nagdaang Kadayawan.
Pero parang kakaiba yata ngayon, parang hindi ko yata ramdam ang saya ng Kadayawan. Hindi mabongga tulad ng mga nagdaang Kadayawan. Kakaunti ang mga gayak sa lansangan, kakaunti ang mga establishimento na may gayak patungkol sa Kadayawan, kakaunti ang "hype"...ewan ko lang, parang tahimik, parang balewala lang, parang ordinaryong araw lang...ewan ko lang ha, pero ito ang nararamdaman ko eh...'di tulad ng dati. Well, sanay kasi ako, lalo na sa Luzon na kapag fiesta eh,mabongga! Na-miss ko tuloy bigla ang "Mardi Gras" ng San Pablo City - d'un, talagang masaya at mabongga 'yun!
Eh ngayon, dito ako sa lungsod mismo, pero 'di ko ramdam ang kasayahan, ang tagline pa naman nila eh "mother of all festivals", parang hindi yata kayang panindigan....
Ang pinakaaabangan ko lang ngayon eh, ang pagbubukas ng PTA grounds, na inayos at pinaganda nilang mabuti at maraming mga rebulto ngayon d'un na nakagayak na gawa ng isang kilalang esklutor dito sa Davao, si KUBLAI! Kapag ganap ng tapos at okay na 'yun, kukunan ko ng litrato at ipapakita ko dito...
No comments:
Post a Comment