- Ever been so drunk you blacked out? Hindi pa naman, hanggang tipsy pa lang, o medyo lango na nga. Dalwang beses, isa sa bar, una kong naransang umikot ‘yung paningin ko at isa sa beach, talagang umikot ‘yung paningin ko, pero malapit naman sa tent n’un kaya okay lang…errr, lalake pa yata ako n’un kaya, pigil ang sarili, hehehe…
- Missed school coz it was raining? Actually, sa ROTC n’ung college, umuulan sa amin sa San Pablo, pero hindi pala sa Los Baños, eh, naubos na allowed kong absent n’un kaya nakapag-make-up (hindi ‘yung kolorete sa mukha ha!) ako ng ‘di oras…
- Kept a secret from everyone? Ay marami! Kung pababayaran ko ng piso bawat isang sikreto, siguro magkakaroon ako ng…PISO!
- Had an imaginary friend? Wala naman!
- Had a crush on a teacher? May naging crush ba akong teacher? Hmmmnnn….iniisip ko pa….
- Ever thought an animated character was hot? Wala
- Had a New Kids on the Block tape? Wala, pero alam ko mga kanta nila, at nakasimot ako dati ng magazine tungkol s akanila, kaya kilala ko sila! Ahaaay, Jordan Knight! “Step by step, oh baby…..”
- Been on stage? Oo naman, maraming beses…at sa iba’t-ibang pagkakataon…grabe, naging muse ako ng PAROLAN sa Los Baños n’un, hehehe….
- Cut your hair? Hindi, pero ate ko n'un, parati akong pinagpapraktisan, hanggang highschool pa kamo! Sa buhok ko naman sa ibang parte ng katawan, oo, naputol ko na sa sa ilong, sa kili-kili, at dibdib (isang beses lang dati)….
FAVORITES
- Shampoo: Head and Shoulders, kasi malamig sa ulo.
- Soap: Kahit ano, dati pa nga, Perla ng ginagamit ko eh, ngayon naman, mga handcrafted soap na.
- Colors: Ay, rainbow! "Makulay ang buhay, sa sinabawang gulay!"
- Day/Night: Uhmn, pareho, pareho kasi akong may nagagawang maganda sa liwang at dilim eh, hehehe.
- Summer/Winter: Summer, wala namang winter sa Pilipinas eh.
- Lace or Satin: Wala, ‘di ako nagsusuot nyan eh
- Fave Cartoon Characters: Marami…lalo na sa komiks, pero parang si Cheetahra sa Thundercats at Octavia ng Tiger Sharks (parehong babae ah!).
- Fave Food: Gulay, vegetarian eh…pero pwede ang sea foods, lalo na ang tuna at sugpo!
- Fave Ad: Commercial ng Shampoo na laban sa dandruff, lalakeng umiihi tapos tingin ng tingin sa kasabay na lalakeng umiihi din, hehehe…at saka ‘yung “sa bukid walang papel…”
- Fave Movies: “Moulin Rouge”, “Somewhere in Time”, “Mr. Holland’s Opus” at “Pretty Woman”.
- Fave Ice Cream: Rockyroad ang da best!
- Fave Subjects: Filipino, sa Noli at El Fili ni Rizal!
RIGHT NOW
- Wearing: Jeans at T-shirt na katsa ang tela, na maraming bracelets at kwintas na ethnic (trademark kong suot eh).
- Hair is: Maikli na...Roman cut, paunti na ng paunti eh, kaya kailangan ko ng humarap sa katotohanan…marami ngang buhok, sa ibang parte namn ng katawan, suya!
- I'm feeling: Gutom…maski kakameryenda ko lang kanina...pero, craving for something eh!
- Eating: Laway, nakaharap sa compu eh!
- Drinking: Wala, nakaharap nga sa compu eh!
- Thinking about: Love, magkaka-fafah kaya ako?
- Listening to: Wala, naka-turn-off ang windows player eh!
- Talking to: May, kasama ko rito sa store, uuna na raw siya, ako maiiwan dito sa store….
IN THE LAST 24 HRS
- Cried: Medyo, nabasa ko uli kasi ‘yung “After Eden” ni Arnold Arre eh!
- Wearing a skirt: uhmmnn, ‘di ko type, hanggang malong at tapis lang ako.
- Met someone new: Walang bago, dating kakilala meron, kapatid ng sis ko sa Los Baños, narito rin pala siya sa Davao.
- Cleaned your room: Bukas pa naka-schedule uli.
- Done laundry: Kakatapos nga lang, pero marami na uling nakatambak!
- Drove a car: Hindi, wala akong sasakyan at hindi ako marunong!
DO YOU BELIEVE IN
- Yourself: Oo naman, napaka-engots mo naman kung maski ikaw hindi naniniwala sa sarili mo!
- Your friends: Siyempre, panglwang pamilya ko sila eh!
- Santa Claus: Parang maski n’ung bata ako, hindi ako nainwala sa kanya, eh ‘di lalo na ngayon!
- Tooth Fairy: Hindi, gagayahin ko sagot ng kaibigan ko na si Weng, ganoon din ang paniniwala ko n’un eh: tinatapon sa bubong para daw tumubo ulit.
- Destiny/Fate: Masarap paniwalaan…
- Angels: Oo, ‘di pa nga lang ako nakakakita, pero sa anthroposophy, ibang konteksto….
- Ghosts: Oo, maraming beses na, ‘di ko nakikita pero nagpaparamdam…at mga elemental, ‘yun ang marami akong encounter!
- UFO's: Wala pa naman….
FRIENDS AND LIFE
- Do you have a boyfriend/girlfriend? EX-BOYFRIEND, single ako ngayon, hint, hint…..
- Like anyone? Sa ngayon, crush at mga inaasam-asam sa kama (minamanyak sa isipan), hehehe!
- Who's the loudest? Balhatak, hmmmnnnnn, marami sila eh, puro balhatak lahat!
- Who's the shyest? Wala, outcast kapag shy!
- Who's the weirdest? Hmmmnnn….ako ‘yun eh!
- Who do you go to for advice? Wala sa pamilya, kalimitan sa mga kaibigan, komplikado eh…
- When did you cry the most? Bawal kasing umiyak sa pamilya namin eh pamula ng mamatay tatay ko n’un…sa sarili ko lang, sa lovelife, n’ung maghiwalay kami ng BF ko…hikbi!
- What's the best feeling in the world? Madramah ito…kung may nagmamahal sa ‘yo!
- Worst feeling: Kapag pinagplalanuhan ka ng masama…naramramdaman ko eh!
- This email the fastest? Hindi, kaso libre naman eh, Wi-Fi kasi compound ng opisina kay okay lang!
- Who won't reply? Ewan, galling sa e-mail pero ipo-post ko ‘ito sa Blog ko, maganda eh, para masaya!
- Who sent this 2u? Si Wengerts, apat na taon na raw ang nakalipas, bago nya ibinigay ito….
- Do you want all your friends to do this and send it back to you? I-post na lang sa mga may Blog…hmmmn, i-tag ko si Jonas, Gerry, Raipo, Carver at Jeffrey (Banana)!
6 comments:
heheheh kakatuwa yang slum book...naalala ko nung high school ako pinasulat ako sa slum book ng crush ko..tapos nung isusulat ko na yung sagot dun sa "who is your crush" syempre sinulat ko name niya..sampalin ba naman ako!
walang--
Define love:
Define crush:
Motto:
Favorite color:
Favorite music:
boring naman ng slum book na yan.
ching!
hoy! sino yong nasa store kanina ha? medyo cute siya ha. Cynthia?
Ah! ngayon ko lang nakita. Sasagutin ko ito sa next blog post ko!
Dennis,
Oo nga eh, naalala ko tuloy n'ung elementary at highschool...masama pa ang loob mo kapag hindi ka nakasulat sa slumbook ng kaklase mo...mas enjoy talaga n'un!
Jepoy,
Ikaw ha! Hehehe, Fafah ko 'yun, si Fafah Jonas! Cute ba siya? 'yaan mo, makakarating, hehehe....
Fafah Gerry,
Uy! Ayos! Katuwa nga mga sagot mo eh, hehehe!
I-post ko din ito sa multiply ko, meron akong mga photos natin dati sa tambayan, parolan at finals namin ni retch. I-scan ko muna, padala ko sa'yo, magaganda tayo don, payat pa at makapal ang buhok sa ulo.
Bigla ko lang naaalala, si Bien din nagsisimula na ring mapanot (kakasabunot!?!) he he.
Weng,
"Kakasabunot"? Hahahaha!
Sa unahan o sa tuktok napapanot?
Diyan mo malalaman kung mahaba o maikli ang dila ng isang tao, hehehe....
Post a Comment