Friday, January 07, 2011

Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan

Photobucket

Kakatapos ko lang mabasa ang pinakabago sa mga maiikling nobela ni Bob Ong. Pagkabili ko, basa kaagad, as in sa jeep pa lang, hehehe….excited gyud!

Okay naman siya…kaya lang…

Isa lang masasabi ko…NAKAKATAKOT!

So, katatakutan naman ang gusto ni Bob Ong ngayon?

Nagsimula siya sa katatawanan sa mga nauna niyang libro (ABNKKBSNPL Ako, Bakit Baligtad Magbasa ang mga Filipino, Ang Paboritong Libro ni Hudas ), at nang nakakuha na siya ng mga tagasunod, iginiya nya naman ang mga ito sa medyo pa-seryoso (Stainless Longganisa), pambata (e.g., Alamat ng Gubat), aksyon/superhero (Kapitan Sino) at seryosong (e.g., MacArthur) genre, pati estilo ng pagsusulat, at ngayon nga, katatakutan naman.

Hindi ko gusto ‘yung subject nya..medyo iniiwasan ko kasi ang mga ganitong tema, dahil medyo iba ang epekto sa akin…masyadong mabilis pumasok sa utak eh, lalo na sa subconscious. Akala mo lang eh enjoy ka dahil medyo natakot ka, pero sa subconscious mind ang pasok nito eh, d’un maglalaro….

MAHUSAY pa rin ANG PAGKAKASULAT nya, BUHAY NA BUHAY, at LASAP NA LASAP mo ANG BAWAT MGA NANGYAYARI…naalala ko tuloy ang "The Color Purple" ni Alice Walker, well, sa estilo ng pagsususlat...pero ayun nga, sa paniwala ko, medyo negative eh, at binigyan nya ng buhay ang negatibong aspeto eh…parang binibigyan nya ng pagkakataon o lugar para mapalawak ang saklaw nito – sa mga magbabasa nito… medyo nanghihinayang ako…parang, oo, may redemption nga sa bida, pero mas nakakalamang ‘yung negative force eh….

Personally, hindi ko siya irerekomenda na basahin…natakot ako eh…iba eh...sigurado ako na sa mga kaibigan kong medyo bukas ang 3rd eye, kapag nabasa ito, pareho kami ng sasabihin….

Bookmark and Share

No comments:

Related Posts with Thumbnails