Showing posts with label movie. Show all posts
Showing posts with label movie. Show all posts

Sunday, March 13, 2011

Who's that girl?

Eto ang latest movie ni Ms. Eugene Domingo na napanood ko!

Sa totoo lang, pinanood ko lang ang pelikulang ito dahil narito si Ms. Eugene....

Photobucket

Kwela talaga kapag siya, as usual, siya ang nagdala sa pelikula, baliw talaga - she's a genius!

Medyo, okay din naman ang ibang artista pati na rin ang direktor - may mga suking artista ang direktor ha!

At, ahay, andito nga pala si Fafah si Miguel Faustman!

Photobucket
oh say!

Okay lang ang product placement, 'di masyadong garapal...naaayon naman sa eksena.

Nakakatawa din naman, may mga eksena lang na hindi yata akma...pero sa lahat, okay lang.

Tatawa at mag-e-enjoy ka talaga.

Bookmark and Share

Monday, June 28, 2010

Kaye for Komiks

Si Arnold Arre naman...siya naman ang gumagawa ng mga indie film ngayon...at may free film showing, so, punta na!

Photobucket
Paki-click na lang po ang poster para sa detalye....

Bookmark and Share

Wednesday, June 23, 2010

Tin-tin, 15

Mayroon nga palang libreng pagpapalabas ng Tin-tin, 15...

...maganda ito, gawa-gawa ni Direktor Lem Garcia...

..."Bad Guy" dito si fafah Gerry Alanguilan...

...at ehem, extra ako, hehehe...

Photobucket
Paki-click na lang po ang poster para sa detalye.

Bookmark and Share

Sunday, May 23, 2010

Shrek the Final Chapter

Napanood ko na!

Photobucket

Well, maganda, masyado nga lang maigsi...o masyado lang akong nag-enjoy talaga sa pelikula kaya parang mabilis?

Pero ang ganda, enjoy talaga! Tsaka, mas okay yata ang graphics at animation ngayon?

At Da Best talaga si PUSS!!!!

Photobucket

Hahaha, as in kakatawa talaga siya! Sulit ang bayad!

Kaso nga lang...'di mo talaga maiiwasan ang mga katabi sa sinehan na panira ng mood...kinukwento ang nangyayari sa pelikula! Ano 'yan, may kasamang bulag sa sinehan?

Bookmark and Share

Wednesday, May 19, 2010

Here comes the bride...

Here Comes the Bride nga!

Isa na namang kwelang pelikula na kasama si Ms. Eugene Domingo!

Kwela talaga, as in!

Ang kagandahan pa ng pelikulang ito, okay sa olrayt sa mga artistang gumanap. Talaga namang nag-complement at nagpatalbugan ang lahat - 'di pumayag na mapag-iwanan sa pag-arte!

Simple lang ang storya, pero, sa buong daloy ng pelikula eh nakangiti ako. Syempre, special pa rin talaga si Ms. Eugene Domingo, pero gaya ng amga nabanggit ko, OKAY ang ibang mga artista, tulad nina:

  • Tuesday Vargas - kwela at may utak pala siya ha;
  • Jaime Fabregas - well, given na 'yan na talagang magaling siya;
  • John "Sweet" Lapus - well, kwela ang kabaklaan nya rito, hindi naman nakakainis; at
  • Angelica Panganiban - ayos talaga siya ha, at grabeh ang ganda nya...noon ko pa naman siyang nagustuhan sa pelikulang "Santa Santita"!

So, okay panoorin, makakasiguro ka na sulit ang bayad!

Photobucket

Bookmark and Share

Thursday, May 13, 2010

"I am a working girl...."

Kailangan kong mai-post ito ditoh!

Para mabigyan ng hustisya ang pelikulang itoh, WORKING GIRLS 2010!

Photobucket

Nagtataka lang kasi ako, halos lahat ng kaibigan ko, sinasabihan ko na maganda ang pelikulang ito at dapat panoorin nila dahil kwela, aliw talaga!

Lalo na kung fan ka ni
Ms. EUGENE DOMINGO, ahay! (Nakilala ko siya sa pelikulang "Tanging Ina", sidekick siya ni Ms. Ai-Ai Delas Alas dito, at tumatak na talaga siya sa akin d'un - galing kasi eh! Sa isip ko nga siya ang perfect na Didi ng Zsazsa Zaturnnah eh, kaso nga lang tunay siyang babae - pero adaptation naman sa movie eh, so, pwedeng baguhin ang kaunting elements, para lang mag-fit siya, charing!)

Balik tayo sa pag-anyaya...kaso nga naman, kapag yayain na ng mga kaibigan ko ang mga kasama o date nila para manood nito, iisa ang mga sagot - AYAW!

Gan'un?

Masyadong nalason ng ng Holywood ang utak nila at ayaw ng bigyan ng pagkakataong panoorin ang gawang pinoy. Well, 'di mo rin nga naman masisisi, kasi kalimitan nga naman sa mga gawa natin na pelikula eh, wa class, masyado ng lasak o alam mo na ang mga mangyayari o daloy ng kwento, at kalimitan, rip-off o gaya-gaya lang sa gawa ng iba.

Pero, kakaiba ito!

Nagsawa o nadismaya rin kasi akong manood ng ibang pelikula ng Holywood, lalo na nitong mga nagdaan araw...ang gaganda sa trailer, pagdating sa pelikula mismo, walang kwenta! Kaya, sabi ko sa sarili ko, ng makita ko ang trailer, masubukan nga itong WORKING GIRLS 2010, tutal, kapangalan din naman ng naunang pelikula na napanood ko pa n'ung bata ako at nagsiyahan ako, baka kako okay nga!

At OKAY nga!

As in...kung ayaw mo sa ibang artista na kasama dito, okay lang, tiisin mo na lang, dahil ang aabangan mo ay ang bawat eksena ni Ms. Eugene Domingo!

Photobucket

Sa totoo lang, na-save ni Ms. Eugene Domingo ang BUONG pelikulah! Kalokah! As in talagah!

I LOVE YOU Ms. EUGENE DOMINGO, sana ma-meet kita in person!

Bookmark and Share

Saturday, April 25, 2009

...that's Shakespeare in love!

Well, kakapanood ko lang at nagandahan ako, medyo nakakaiyak nga lang, huhuhu...singhot!

Anyways, mas una kong nagustuhan 'yung kanta, then matagal ko ng hinanap 'yung pelikula...at sa wakas, napanood ko na nga!

Okay naman, aliw, wehehehe, gusto ko 'yung role ni Dame Judy Dench, at gusto ko 'yung damit nyah, bonggah!

Oh...at si Fafah Colin Firth, okay pa la siya na villain o lalarkeng-lalarke? Tumatak kasi siya sa akin sa Bridget Jones' Diary, oh well, that's another story...


Photobucket
Wehehe, aliw talaga....

Pero siyempre. eto 'yung kanta na wala naman sa pelikula...remix na ito eh, mas gusto ko 'yung original, kaso wala akong makitang mtv...



...at eto lyrics at kung sino kumanta....

Shakespeare in Love
Layla Kaylif

He's fought and he's fallen
He's on his knees before he's on his feet
A sinister romantic
Oh, he's about to be and she's about to see

Teachin' torches to burn bright
She's hanging on the cheek of night
A snowy dove trooping with crows
He never saw true beauty till tonight

CHORUS:
She'll take him to the brink of deliverance
Show him that much
Oh, don't you know it
Oh, don't you know it
So he falls in love to feel that he's falling
She'll let him know his heart
Oh, don't you know it
Oh, don't you know it
That's Shakespeare in love

He's fought and he's fallen
He's on his knees before he's on his feet
A glittery romantic
Oh, he's about to be and she's about to see

His bounty's boundless like the sea
His love is endless, just as deep
The more he gives the more he has
`Cause both of them are truly infinite

CHORUS:
She'll take him to the brink of deliverance
Show him that much
Oh, don't you know it
Oh, don't you know it
So he falls in love to feel that he's falling
She'll let him know his heart
Oh, don't you know it
Oh, don't you know it
That's Shakespeare in love

That's Shakespeare in love

A sinister romantic
He's on his knees before he's on his feet

CHORUS:
She'll take him to the brink of deliverance
Show him that much
Oh, don't you know it
Oh, don't you know it
So he falls in love to feel that he's falling
She'll let him know his heart
Oh, don't you know it
Oh, don't you know it
That's Shakespeare in love

That's Shakespeare in love

Wednesday, March 25, 2009

OMG, I've been PSYCH'D!!!

May bago akong kinagigiliwan ngayon!

Matagal na rin na may pinanood ako na serye sa tv na naaliw ako ng husto. Ang huli ay "Ally Macbeal" noon...

Photobucket
Batang-bata pa siya dito ah!

...na pinanood ko lang kasi nag-guest 'yung isang paborito (read: crush) ko na artista na si...

Photobucket
John Ritter...gwapo talaga!

Tapos, nagustuhan ko 'yung show...sinundan ko na...pero limited lang...'di ko napanood lahat ng episodes...

Tapos uli, ngayon naman, nakapanood ako ng 2 episodes nitong "PSYCH", courtesy of Mr. Gerry Alanguilan, na baliw na baliw din dito. Una kong reaction okay lang...'di masyadong tumatak....

Photobucket
...aliw 'yung tatay nya, wehehehe!

Tapos uli, nakita ko 'yung isang kaibigan ko na merong dvd n'un, enjoy din daw siya (Jonas), na-curious ako at kung anong meron...hiniram ko ang dvd nya.

Matagal ng isang buwan ng nasa akin ang dvd, hindi ko pinapanood...ika nga eh, walang "urge".

Isang araw, nag-ayos ako ng mga gamit, isasauli ang dapat isauli, nakita ko ang dvd.

Isinaksak sa naglulukong dvd player.

Nanood.

Abah, teka, enjoy nga!

Dvd marathon ng 10 oras!

Kaya naman, sinisigawan na ko ng nanay ko sa galit, wala na nga raw pambayad ng kuryente, maghapon at magdamag pa raw ang panonood ko ng tv...well, totoo nga, pero enjoy eh, hehehe...minsan lang naman....

Kaso...eto ang problema: pirated ang dvd (damn those piates!)...

...KAYA HANGGANG EPISODE 12 LANG AKOHHHH, WAAAAAAH!

FYI: Ang paborito ko eh 'yung tatay nya, lalo na sa simula ng episodes, 'yung mga flashback! Well, baliw din kasi siya at...siyempre, alam nyo na, wehehehe...

Photobucket
...si Corbin Benrnsen, nice name and everything!

Saturday, November 15, 2008

'ganda nitoh! Nindot kaayo!

Naglabas na uli ang WATCHMEN movie ng mga bagong posters nila...hanep sa gandah!!!

Talagang kaabang-abang!

Eto na po...

Photobucket
...ito ang paborito ko sa lahat, ganda ng karakter o pagkakasulat sa kanya sa komiks, sana gan'un din sa movie...

Photobucket
...ang "Captain Atom" ng Charlton Heroes, well, okay din lang naman siya...hubo na superhero, hmmmnnn, hehehe...

Photobucket
...sa komiks eh, mataba dapat siya, at katawatawa ang itsura...ewan ko lang kung ano ang magiging treatment sa kanya sa movie...

Photobucket
...ang ganda ng ilusyon na ginagawa ng costume nya sa movie - ang SEXY!!!...mas maganda sa komiks...

Photobucket
...aaahh, ito ang kaabang-abang! (Well, para sa akin....)

Photobucket
...at ito pa...paano kaya ito sa ending? Matapatan kaya 'yung katulad sa komiks? Hmmmnnn...si Bubastis pala'yung nasa likod...

Wednesday, August 06, 2008

WONDER WOMAN!!!!

Wehey!

Maski animated, ok lang, medyo matatagalan pa ang live action movie eh! Idol ko 'to eh!

Woohooo!

Sa mga hardcore na Wonder Woman Fan, na tulad ko, maraming "mali" sa trailer pa lang na ito, pero, sige lang, mag-enjoy lang ako, hehehe, at aabangan ko talaga ito!



Tuesday, July 08, 2008

Bayeng naay sundang....

Photobucket
Wooohooo, isa pang pelikulang kaaabangan!

...medyo matagal pa nga lang....

Thursday, July 03, 2008

Wednesday, July 02, 2008

Buanga oi!

Huh?

'yan ang katagang parati kong nababanggit ng pinapanood ko na ang pelikulang "Serbis".

Photobucket
okay sana na poster ito...

Excited na excited pa naman akong panoorin 'yun, pero, dalawa (2) sa mga kaibigan ko na nakapanood na, ang nagsabi sa akin na huwag ko na raw panoorin, dahil madidismaya lang daw ako.

Siyempre, lalo akong naintriga...alam mo naman, kapag sinabihang huwag na, saka pa lalong gusto.

Matigas kasi ang ulo ko...anong napala ko?

Ayun! Tama nga sila! Syongets ang "Serbis"!

Sa totoo lang, paano na-nominate 'yun?

Ipinakita nya lang kung ano ang nangyayari na kabaklaan sa loob ng sinehan...nag-e-experiment ang director sa pagkuha sa mga anggulo, hindi naman kailangan, dahil nakakaliyo lang...maraming scene ang binigyan ng focus, eh hindi rin naman kailangan...

...tulad ng sa "kambing"?

Snatcher?

Naliligo na matanda...ano namang sense n'un? Kulubot natural!

Nakalimutan ang pinakamahalagang sangkap ng pelikula..ang kwento o istorya! As in wala talaga!

Sa totoo lang, ang tamang titulo ng pelikula eh hindi "Serbis", dapat eh "Pigsa"!

Photobucket
Oh Pigsa...pisain mo akoh! Winner na titulo 'di vah?

Ay, makalagot oi!

Pakibaba nga ang kilay ko!

Wednesday, June 18, 2008

Astroboy...astroboy...the amazing astroboy....

Meron palang ginagawang pelikula nito....

Whoahoo! Aabangan ko ito!

Photobucket

Friday, June 06, 2008

Naa'y kaspa na!

Napanood ko na!

'daming nanood!

At enjoy!!!

Mas maganda sa unang movie (The Lion, the Witch and the Wardrobe)!

Okey ng umarte ang mga bidang bata!

Medyo dragging sa una, pero kapag lumabas na mga Narnian, okey na pacing sa storya!

Okay si "Reepicheep"! Parang si Puss! Kakatuwa 'yung scene sa may pusa, hahaha!

At si Aslan, parang si...SIMBA...o MUFASA! (Oooops, wrong movie, hehehe!)

Tanong ko lang, SPOILER...kung matagal na panahon na wala ang Pevensie siblings, okay lang na makilala o malaman sila ni Prince Caspian dahil sa history o kasaysayan ng Narnia, pero paano kaagad nakilala ni Peter si Prince Caspian?

Hmmmnnnn....sa tanong na ito, gusto ko na talagang basahin ang mga libro, kaso 'di pa pwede eh, wala pang oras, tsaka, apat (4) na libro pa ang nakalinya para basahin ko....

Oh, at okay 'yung sa "Snow Queen"!

Basta, panoorin nyo, sulit gyud!


Photobucket

Tuesday, June 03, 2008

Sex in the city....

Masarap i-translate sa Tagalog 'yung titulo ng entry na ito, kasi 'yun ang ginagawa ko ngayon, ibig sabihin, dito ako nakatira sa lungsod (city), at siyempre, dito rin ako nag...ehem, alam nyo na 'yun, hehehe....

Napanood ko kagabi 'yung pelikula na "Sex and the City", dati ko na siyang napapanood n'un sa tv, pero hindi gaano kadalas, kasi: (1) kulang sa oras - masyadong busy sa dati kong trabaho (2) walang cable ang tv namin at (3) walang tv - n'ung nasa bundok pa ko n'un...pero, kapag napapagawi ako n'un sa Davao at mag-check-in sa hotel, siyempre pinipili ko 'yung may cable tv, kaya ay'un, napapanood ko naman at enjoy talaga!

N'ung napanood ko na 'yung movie, may realization ako, dati kasi, 'di ko masyadong nagustuhan ang byuti o kagandahan ni Sarah Jessica Parker, gumanap na "Carrie" sa tv, pero sa movie, ang ganda pala nya! Lalo na n'ung, ooops, SPOILER...n'ung nagtina siya ng buhok - parang kamukha nya si Madonna!

Pero siyempre, namumukod tangi ang kagandahan ng Fafah ko, si Fafah Chris Noth, gumanap bilang si "Mr. Big"....haaaaaayyyy...

Photobucket
Oh 'di vah, Fafah siya!

Okay lang, aliw din naman 'yung pelikula, maski 'yung ibang eksena eh alam mo na ang mangyayari (cliche'), medyo tame pagdating sa SEX (d'un pa naging tame eh d'un nga sila sumikat eh), grabeh ang mga product placement o endorsement, maraming Imeldific syndromes or moments...at talagang rampadorah ang mga bidah!
(Isa pang SPOILER, 'di ko lang ma-gets, nagustuhan nila 'yung all white na simpleng damit na parang may tutu? Parang isinuot nya yata iyun ni Carrie sa isang episode sa tv series.)

At, DA BEST pa rin ang character na si SAMANTHA (Kim Cattrall), you go girl!!!!

Photobucket
Hahaha, as usual, ako na naman ang very reactive sa panonod sa loob ng sinehan, hehehe...



P.S.

Salamat pala sa isa ko pang Fafah, si Fafah Gerry para sa artikulong isinulat nya sa blog niya tungkol sa akin...SALAMAT PO!

Tuesday, May 27, 2008

Eerie Indiana Jones...

Ummmm...napanood ko na siya... 'di ako sumabay sa karamihan ng taong gustong manood, kaya medyo maluwag na sa sinehan...

...okay lang din naman... nag-enjoy ako...maski, ako lang 'yung very reactive sa panonood...lalo na sa...ehem, spoiler, 'yung "snake scene", hehehe...kaso ang kasama ko eh deadma lang sa panonood...malamig kasi sa Gateway eh!

Kaya lang... ewan ko ba, pero parang na-cornyhan ako sa bandang huli... ika nga eh "cliche'"?

Totoo nga sabi nila, maraming "crossovers"...

Photobucket

Wednesday, May 07, 2008

But Oz never did give nothing to the Tin-man...

heto, unang pelikula ng Marvel na napanood ko ngayong taon na naaliw ako ng husto...

Photobucket
Sulit gyud!

Saturday, September 15, 2007

Sunday, July 29, 2007

Spider-pig, spider-pig!

Spider-pig, spider-pig!

Does whatever spider-pig does!

Spider-pig...teka, 'di ba si "peter porker, the amazing spider-ham" 'yun?


Hmmnnn, may nakakaalaala ba n'un?

Anyways, okay din naman ang The Simpsons Movie, tawa ako ng tawa, BWAHAHAHAH!

Grabeh talaga si Homer!!!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
The Simpsons Movie
Related Posts with Thumbnails