Hey, balita uli, oras na muling ibalandra ang aking pagmumukha dito, oh well, medyo may pagka-exhibitionist din naman ako eh...
Nagkaroon uli kasi kami ng bisita galing Austria at bago siya umalis, eh dinala namin siya sa Talikud Island para magsaya...at mag-scuba!
Panibagong karanasan para sa akin ito kaya n'ung nagplano sila, sabi ko sa sarili ko, hindi ko dapat palampasin...at hindi nga ako nagsisi sa aking desisyon, okay na okay nga ang scuba diving! N'ung una kasing punta namin d'un, natakot ako kaya hanggang snorkeling lang ako, eh ngayon, parang may lakas na ako ng loob kaya, ayun!
siyempre, with my all white get-up (dati kong boss 'yung nasa likod ko!)
pati na rin ang aking bosing ngayon eh nahawa na sa aking attire
hinihintay ang oras para sumisid, actually kabado na ako nito...
...at ito na nga, habang sinusuotan ng mga harness para sa scuba diving...
...feeling okay, para kabado na ako rito...
...ang antipara (bow!)...
...eto pah...
..at etoh na nga...wala ng balikan pa!
...at grabeh, ang galing! Ang sarap palang mag-scuba diving! Iba ang pakiramdam kapag nasa ilalim ka, mga 30ft 'yung pinuntahan namin, intro diving pa lang kasi eh. Pero okay na okay, as in! Kapag nasa ilalim ka pala ng dagat, hindi mo ramdam ang oras at para ka na ring nasa ibang daigdig. Akala ko nga saglit lang kami, 'yun pala naka 30 minutes na sa ilalim, nabitin tuloy...sayang nga lang, kasi nagpa-picture din kami sa ilalim kasi nasira 'yung camera, kaya next time na lang...siguradong uulitin ko ito kasi okay na okay!
N'ung matapos ako, 'yung kayaking naman ang pinagtripan ko, eh n'ung una takot din ako eh, hindi pa kasi ako masyadong marunong lumangoy n'un eh, ngayon okay na...
...o, nag-pose pa...
...at isa pah...
At n'ung matapos na kami...medyo trip lang, feeling model..ayun, rumampa sa bangka!
...hehehe!
Wednesday, November 23, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
tapos na halloween hoy! nananakot ka pa rin ha. hahaha!
Mukhang enjoy na enjoy ka na talaga dyan, Johnny! Kaya hirap ka rin makabalik dito siguro. Pero OK lang yun! Kung saan ka masaya pare! :)
Shet, naiiskandalo ako! Felix Bacat! Ha ha ha! :D
Basta talaga sisiran...
Gusto ko ring makapuntang Mindanao...
I just read your blog entry - Gusto kong mag-swimming... -- my partner and I are planning on setting up a review website – it will live on the home page of our site scuba gear review. I am looking for all kinds of scuba products and setup a comparison site. If you can help with any insight or direction that would be great. I am also would like to hear about Academy's courses with hands-on embroidery that people have taken.
Post a Comment