Sa wakas, napanood ko na rin ang Maximo!! Grabeh, hindi ako na-disappoint, okay naman ang pagkakagawa...halos walang nasayang na shots sa camera, okay na okay! Maraming nakakatuwang eksena!
Tama nga 'yung isang nabasa kong review, hindi siya isang kuwento ng isang bakla o kabaklaan, kundi isa siyang kwento ng buhay, pagpapahalaga sa pamilya, pagpapakita sa bulok na sistema, at ang tunay na katayuan sa buhay ng nakakarami.
Mahusay sa pagkakagawa at pati na rin sa mga nagsiganap...kaso, nagulat lang ako (medyo spoiler!)...si Kuya Bojie, gumanap ng medyo sa evil side? Naglaro sa isipan ko ang mga alalaa ko sa kanya n'ung kabataan ko, sa mga panahon nya nu'n sa BATIBOT, kasama si Ate Shenna, na nagkukuwento ng mga magagandang asal...parang...kung updated na: "Mga bata, ang ikukukwento ko sa inyo ngayon ay kung paano pumatay ng tao!"
Anyways, sana, simula na ito ng paggawa ng magagandang pelikula, kaso sa line-up ng mga pelikula sa paparating na Metro Film Fest, parang hindi yata....
Pero maiba muna, nitong nakaraang mga araw eh talaga namang naging abala ako ng husto, nakakapagod at nag-enjoy din naman kahit papaano...nagiging tunay na nga akong Mindanaoan!
Nag-organize kasi kami (grupo ng mga NGO dito sa Davao) ng isang symposium at ang mga naging bisita namin ay mga international scientist. Naging masalimuot ang paghahanda pero sa simula ng aming activity eh, nagkaroon ng maikling pagsasalo para maka-bonding namin sila pati na rin ang iba't-ibang miyembro sa kanikaniyang NGO.
Siyempre, dinala na naman namin sa Talikud Island at sa pagpunta namin d'un, habang tumatakbo ang aming bangkang sinasakyan, dinaanan kami ng isang pulutong nga mga lumba-lumba (dolphins!!!). Mga 15 sila at grabeh, n'ung mapalapit sila sa aming bangka, nagpakitang gilas pa 'yung pinakapinuno, talun ng talon sa ere! Grabeh!!!
Simula pa lang, enjoy na, kaya pagdating namin d'un sa diving area, lalo na! Marami uli akong nakilalang mga bagong kaibigan, international at lokal!
Nagkaroon na uli ako ng rason para maging masaya...ewan ko...masaya na uli ako....
my special new-found friend....si Sarah
...kasama namin si Anne
...kasama namin ang magkapatid na presentor na Malaysian, sina Lin Li Lin (kaliwa) at Lin Li Ching (kanan)
...kasama ang Ethiopian volunteer na si Edlam (Edlap ang pagbigkas ng pangalan niya) at si YokYok, isang Chinese Malaysian.
...at si Mae Wan Ho, ang aming main speaker (katabi ni Sarah), Tita Jo (may bandana) at Tita Cory (naka-white na damit)!
Haaay...basta...masaya na uli ako!
Advance Merry Christmas sa lahat, lalo na sa mga KOMIKEROS!!!
Friday, December 16, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
oh my gulay !!!!
skin!!!!!!!!!!!!
and
hair!!!!!!!!
ahahahahahaa
go johnny!!!!!
meri xmas!!!!!
merry christmas din! hintayin mo yung balikbayan box para sa'yo na nakasakay ako!!!
Letse kah! Kaya pala ayaw mo nang umuwi gn San Pablo! Andami mong magagandang chiks dyan! Syet kaaaaa! XD
hehehe! Sige, mag-enjoy ka na lang dyan! ;) gaga, ansaya-saya mo na nga!
Masayang-masaya ka ah! Ha ha ha! :D
Anyway, tama ka kay Maxi per mas natuwa ako na tanggap na tanggap siya ng kanyan pamilyang puro sanggano. In fact, ipinagtatanggol pa siya.
Ang galing! :)
Post a Comment