Friday, July 21, 2006

Nagkasakit ako….

Medyo kakaiba ang naging karanasan ko nitong mga nagdaang araw…kakaiba, kasi na-confine ako sa hospital! Matagal-tagal rin ang taong nakalipas ng huli akong na-confine sa hospital…ang huli yata eh, n’ung high school o college ako, sa tagal na ultimo ako hindi na sigurado kung kailan!

Bale, nilagnat ako ng Lunes, tapos akala ko, simple lang ‘yun at gagaling kaagad ako sa madaling panahon. May mga anthroposophical/homeopathic medicine (alternative medicine) naman, kaya hindi ako nangamba – kaso, 3 araw na, ayaw humupa ng lagnat ko! Nagpadala ako sa isang alternative hospital, at doon, sa unang pagkakataon eh sinaksakan ako ng marami, maliliit at mahahabang karayom sa iba’t-ibang part eng katawan (acupuncture). Hindi naman ako takot sa karayom, kaso, iba ‘yun eh, kaya medyo takot ako habang sinasaksakan! Sabi n’ung nag-asikaso sa akin, kung hindi bababa ang lagnat ko, dumiretso daw ako sa conventional clinic, magpatingin ng dugo at baka raw dengue ang sakit ko! Gan’un pala ang pakiramdam kapag inacupuncture ka, sa takot ko na baka lumalim pa ang pagkakabaon ng mga karayom eh hindi ka gagalaw, pero h1ndi ka mangangawit! May mga parte na parang wala kang pakiramdam, meron naman na maling galaw mo eh, para kang pupulikatin!

Mabuti na lang, pagkatapos ng aming session, bumaba ang lagnat ko at medyo nagkaroon ako ng lakas, kaya balik na uli ako sa amin. Tapos, nagpa-turniquet test ako para sa dengue, negataive naman! Kaso nung gabi, nilagnat na naman ako…tapos medyo masakit na ‘yung lalamunan ko at nahihirapan na akong lumulon maski laway ko!

Kinabukasan, nagpadala na ako sa conventional doctor, at duon lumabas ang sakit ko, fungal infection sa lalamunan. Puro singaw daw ang lalamunan ko kaya ako nilalagnat. Humina o bumaba ang resistensya ko at inatake ng fungus ang lalamunan ko.

Teka, ano bang pinaggagawa ko at humina ang resistensya ko? Aws, oo nga pala, halos isang buwan akong kulang sa tulog! ‘yung pag-uwi ko diyan sa Luzon ng 2 linggo, tapos mga activity (gimik) dito sa Mindanao, ay’un, bagsak ang katawan ko!

Niresetahan ako ng doctor ng maraming antibiotics at gusto akong ipa-confine sa hospital. Nakiusap ako na huwag na lang i-confine at medyo kaya pa ng katawan ko…no choice tuloy ako na uminom ng mga antibiotics, ungh!

Pagdating uli sa ‘min, pahinga tapos, medyo ramdam ko eh humihina pa lalo ang katawan ko, pahirapan sa pag-inom ng gamot, tapos ang hirap pang kumain, puro sabaw lang ang kaya kong kainin. Kinabukasan, balik uli sa acupuncture session, at du’n pinag-usapan kung ano ang iba pang gamot na pwede para sa akin (para makaiwas sa antibiotics), kaso kailangan lahat lunukin at medyo matagal ang paggaling. Medyo mahirap na desisyon pero sa tingin ko eh, nararapat na akong magpa-admit sa hospital kasi medyo lumalala na ang mga nararamdaman ko.

Pagdating sa hospital, check-up ng doctor (na medyo suplado, ‘di naman siya guwapo), sinaksakan ako ng dextrose at mga antibiotics, at isinailalim ako sa iba’t-ibang test tulad ng blood test (ayaw ko talaga ng kukuhanan ng dugo sa dulo ng daliri – mahapdi!), urine test, allergy test (bwisit, wala akong ideya na gan’un pala kasakit ‘yun!) at maski nga sa puso (ECG), isinama na rin kasi medyo, sumusikip parati ang dibdib ko ‘pag lumululon at sa paghinga lalo na sa gabi.

Sa mga pagsusuring ginawa, lumabas na nagkaroon daw ako ng slight pneumonia at urinary tract infection (may mga dugo raw sa ihi ko), dulot daw ng komplikasyon sa karamdaman ko.

Naka-10 dextrose at 8 heringilya (syringe) ng antibiotics ako sa 4 na araw kong pagtigil sa hospital. Naranasan ko ang magnebulizer na nakakaliyo pala ang kumakapit sa balat na amoy ng gamot (hormones) at naging parang manika ng mangkukulam sa dami ng butas sa magkabilang braso dahil sa maling pagtusok ng karayom ‘pag maglalagay ng dextrose, ‘di mahanap ang ugat eh! Kapag namaga na ‘yung ugat ko at kailangan ng humanap ng iba, siyet, masakit na, pumipikt na lang ako, pinagpraktisan ako ng mga nurse d’un, ang bibigat ng kamay!

Photobucket - Video and Image Hosting
Maysakit na nga, nakangiti pa...


Photobucket - Video and Image Hosting
Ick, eto pala 'yung nebulizer!


Ngayon, nakalabas na ‘ko, at bulsa ko naman ang duguan, MAHAL NGA ANG MAGKASAKIT!! Pakunswelo na lang, medyo natanggal ang taba ko sa tiyan, at siguro, ime-maintain ko na ang ganitong laki, para daw medyo sexy! Tsk, tsk, medyo matatagalan na uli ako bago makagimik nito!

Bad trip pa, nakisabay pa ‘yung cell phone ko, bigla na lang nasira! Ayan, hanap pa tuloy ako ng gagawa, kakainis!


P.S.

Salamat nga pala sa mga officemate ko na nag-aruga at nagbantay sa akin...as in grabeh, SALAMAT PO TALAGA!!!




6 comments:

Rene said...

pagaling ka, pare!

Gerry Alanguilan said...

Ang nagagawa talaga ng pag-ibig. Hay Johnny. Ingat! Pagaling ka!

jactinglim said...

da best yung nebulizer pic mo a ;)

jonasdiego said...

Kaya ka pala hindi nasagot. Pagaling ka, Johnny! :)

johnny yambao danganan said...

sa lahat,

salamat...

Gerry, 'di ako nagtatampo, may sakit lang ako kaya incommunicado...yeap, natanggap ko na po, salamat kaayo!

Azrael Coladilla said...

awwww

wawa naman johnny!!

pagaling ka dude..

and welcum back!

Related Posts with Thumbnails