Hey, tuwang-tuwa ako, kasi sa matagal na panahong nagdaan, ngayon ko lang uli napakinggan at nagkaroon ng kopya ng kantang “Rosas ng digma”. Medyo, mapula (read: rebolusyonaryo) nga lang ang dating nito, pero okay naman sa lyrics! Nakalimutan ko na nga lang kung sinong kumanta nito – may nagsasabi na “Patatag” at may nagsasabi na “Tambisan”, pero alam ko hindi eh…baka may nakakaalam – Jonas, alam ko alam mo ‘tong kanta na ‘to!
Tanda ko pa n’un, 1994 ko yata huling napakinggan ang kanta na ito, kaya ang daming masasayang ala-ala ang nagbalik…nasa college ako n’un, may uhog pa, este, inosente pa, sariwa pa, hehehe.
Tamang-tama rin naman, kasi matagal na akong naghahanap ng panibagong kanta na pampalit sa “Kanlungan” ng Buklod. N’ung una, ‘yun ang paborito kong kanta, kaso n’ung ginamit na sa isang komersyal sa telebisyon, ugh, ayaw ko na! Nababoy ang tunay na kahulugan ng kanta at halos kahit sino na lang ang kumakanta nito, at grabeh pa, may napakinggan pa ako na “dance-mix version” – ick!
Anyways, eto ang lyrics ng kanta (‘di ko alam kung paano i-post ang kanta dito eh), kung sino ang may gustong magkaroon ng mp3 nito, i-email nyo lang ako, buong album pa ang ipapadala ko sa inyo!
Rosas ng Digma
Sumibol sa isang panahong marahas,
bawat pagsubok ay iyong hinarap,
at hanggat laya’y di pa nakakamtan,
buhay mo’y agging laan.
Namumukadkad at puno ng sigla,
tulad mo’y rosas sa hardin ng digma,
at di maiwasan sa iyo ay humanga
ang tulad kong mandirigma
Ako’y nangangarap na ika’y makasama,
taglay ang pangakong iingatan kita.
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa,
hinding-hindi kukupas, ‘di malalanta.
Ang kulay mong angkin, sintingkad ng dugo,
nagbibigay buhay sa bawat puso.
Tinik mo’y sagisag ng tapang at giting,
sa larawa’y kislap ng bituin
Ako’y nangangarap na ika’y makasama,
taglay ang pangakong iingatan kita.
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa,
hinding-hindi kukupas, ‘di malalanta.
Ako’y nangangarap na ika’y makasama,
taglay ang pangakong iingatan kita.
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa,
hinding-hindi kukupas, ‘di malalanta…
…gaya ng pag-ibig, na alay ko sinta.
P.S.
Fafa gerry, natanggap ko na po Elmer 2…SALAMAS KAAYO!!!
2 comments:
Peyboritz ko toh! Grabe 94 pa pala ang kantang toh. Kakadiscover ko lang lately. Pwede ba magrekwes ng album neto? Wala kasi neto sa record bars...
milkybovine02@yahoo.com
Maraming matsala sa iyo!
Available yan sa national bookstore, try nyo. I'm not sure if meron na ang odyssey, ang alam ko nakarating na din sa kanila.
The composers and singers are from different National Democratic organizations, some are from Tambisan, some are UP students, and others. They are not just one group, it's just a collection formed in one album.
Post a Comment