Ipinakikilala ko po ang bago kong katauhan o persona....
LINGKOD-SAYAW po!
Ito po ang bago kong persona ngayon...mula po kasi ng matuto ako ng pangniloloob na sayaw o inner dancing, naging iba na ang takbo ng buhay ko. So, ito po ýung side ng pagkatao ko na medyo kakaiba (well, parati naman akong kakaiba)...
...kakaiba po na medyo seryoso, o may kinalaman sa usaping paranormal!
Ito po ang napili kong pangalan, kasi...LINGKOD tagalog na salita para sa serbisyo o kawang-gawa (service), kaso sa Bisaya naman, UPO (sit) ang ibig sabihin nito, pero mas panindigan ko sa serbisyo, tapos, SAYAW, kasi po ng inner dance.
So, dito po sa blog na ito, (http://lingkod-sayaw.blogspot.com) isusulat ang mga mga karanasan ko sa aspetong ito, sana mabisita nyo po.
SALAMAT po!
Isang mapagpalayang pangniloloob na sayaw sa lahat!
Showing posts with label inner dance. Show all posts

Thursday, February 19, 2009
Saturday, October 04, 2008
...at marami pang iba....
Matagal ko na itong mga nagawa, pero ngayon ko lang mailalagay dito...

...tanda ko, napadaan ako sa Fully Booked sa Gateway Mall, tapos nakita ko larawan nya sa mga pabalat ng libro, sabi ko sa sarili ko, i-drawing ko kaya? Eto kinalabasan...ewan ko kung kamukha nya....
Tapos, napapa-drawing pa ko ng isa, eto naman ang kinalabasan...di ko nga lang kilala kung sino siya...o sila...

Sino kaya siya?

...at ito pa...pero nag-enjoy naman ako sa pagguhit sa kanila...
...tapos...

...sabi ko uli sa sarili ko, eh kung si Jose Rizal naman kaya? Ewan ko kung bakit ganito itsura nya ang lumabas, pero sa palagay ko, kung tumanda si Rizal, eto magiging itsura nya....
Tapos, siyempre, sabi ko uli sa sarili ko, sa komiks naman...ito naman ang nahagip ko na gaw'an ng pin-up...

...isa siya sa mga pangunahing bida ni Arnold Arre sa "Mythology Class"!
...tapos uli (panghuli na 'to!), d'un sa mga nagdaang entry, parang obsessed ako sa "egyptian culture", pero sa tingin ko, hindi naman talaga mukhang egyptian 'yung mga drawing ko eh...bilang pagsubok o pag-confirm, inisip ko na gumawa ng "sphinx"...at eto ang kinalabasan...

...at ang naging verdict? Hindi nga Egyptian! Mayan ang mga drawing Ko!

Wednesday, August 27, 2008
"Walk like an Egyptian" redux!
Tuesday, August 26, 2008
Walk like an Egyptian....
Thursday, August 21, 2008
Si Ninoy at ang mga butil ng pag-asa....
Well, dalwampu't-limang taon (25 years) na pala ang nakakaraan ng pinatay si Ninoy.
Isang mahalagang araw sa kasaysayan ng Pilipinas...
... at hanggang ngayon, hindi pa rin alam kung sino ang may sala....
Anim na taon pa lang ako n'un at wala pang muwang sa mundo.
Ngayon namang may isip na, well, okay, may alam ako sa kanya, pero hindi gan'un kagloryoso....
Naisip ko lang makiisa sa paggunita ngayon, at isang paraan eh, iginuhit ko siya - base sa alaala....

Kamukha ba? Kasalukuyang wala akong P500.00 kaya wala akong reference eh, hehehe....
At para naman sa mga "Butil ng Pag-asa", ilan ito sa panibagong serye ng mga guhit ko. One eight (1/8) ng bond paper ang sukat nito eh.

Butil ng Pag-asa Series 1:a

Butil ng Pag-asa Series 1:b

Butil ng Pag-asa Series 1:c

Wednesday, August 20, 2008
Si Darna, Musika ng Bayan at "Sabi nila"....
So, medyo sinipag uli ako sa pagdro-drawing, kaya eto, isa sa mga haligi na karakter sa mundo ng komiks dito sa Pilipinas naman, si Darna!

Pasensiya na uli, malabo ang kuha...pero, isa ito sa mga paborito kong gawa.
Tapos, n'ung nakaraang mga araw, may nag-text sa akin na hindi ko kilala, pero maganda naman ang approach at intensyon, kaya pinatos ko na rin. Nakuha nya number ko sa isang kaibigan, Nagpapagawa siya ng study para sa pabalat o cover daw ng susunod nilang album, at kung pwede raw ako gumawa para sa kanila, napili nya daw ako kasi nabalitaan nya daw na nagpe-paint din daw ako - whoah, stir!
Ayun, siyempre nabigla ako, kaso mas nabigla ko kasi sabi nya para daw sa "Rosas ng Digma Vol. 2" na album ng "Musika ng Bayan", muntik na kong mapatili (actually, napatili na nga, ahhhaaaaay!), habang naglalakad, este, rumarampa pala ako sa may Shopwise sa Cubao, habang binabasa ko ang mensahe nya sa akin!
Kaya ay'un, ginawan ko nga ng study. Tinanong ko muna kung anong concept ang gusto nya, tapos makahingi ng kopya maski lyrics lang ng kanta na main feature ng album para sa cover design, ilang kulay, tapos bahala na rawa ako - kaya ayun, 'bili kaagad ako ng illustration board, at binulungan ko na uli ang aking mga kamay na para sa album ang gagawin at iyun na nga!
Eto ang kinalabasan...

Kakaiba na naman siyempre, lumabas na ang aking estilo, at 'yan ang rendition o impression ko sa "rosas ng digma"... may collage pa sa background, oh say!
Tapos nagkita kami n'ung nag-text, si G. Danny Fabella nga pala, at ibinigay ko na 'yung study. Ewan ko kung magugustuhan nya 'yun, pero sabi niya, tatlo (3) daw kaming sinabihan nya na gumawa ng cover at pipili sila d'un....
Para sa akin naman, okay lang maski hindi mapili, basta ang mahalaga, nakagawa ako para sa album nila, sapat na 'yun, hehehe.
Tapos, medyo nagkakwentuhan kami ng kaunti, tapos nabanggit nya na nakagawa na rin daw siya ng awit o lovesong para sa mga homosexual (bading o tibo), at kasama daw sa album na ito. Humingi ako ng kopya ng lyrics at nagbigay ako ng komento. Okay naman ang kanta, kaso hindi ko pa nga lang naririnig dahil ire-record pa nila, pero tiyak na aabangan ko ito at siyempre, nakahingi na ako ng permiso at ia-upload ko kaagad sa i-meem kapag meron na, para marinig nyo rin.
Eto ang kopya ng kanta... sabi ko, medyo palitan dapat ang titulo, kasi may kaparehong titulo na siya ng ibang awitin. Ang awitin ng bandang "Agaw Agimat", ang "Sabi nila"....
Sabi nila
Musika ng Bayan
Sabi nila’y ‘di tayo para sa isa’t-isa
Dahil pareho lang tayong dalawa
Walang patutunguhan mula sa umpisa
Ang pagsasama daw na ‘di tugma
Ito ang tinuran ng nagkukunwang banal
At tunay na kapos sa pagmamahal
Ito ang tinuran ng nagkukunwang matuwid
Na ang puso’t damadami’y manhid
Ngunit tayong dalawa’y nagmamahalang lubos
Hangarin sa isa’t-isa’y tapat
Ipaglalaban nati’t panlalait bibiguin
Mapanghusgang mundo’y babaguhin
Sabi nila’y ‘di tayo magiging masaya
Suyuan nati’y ‘di raw tanggap nila
‘di raw kaaya-aya sa mata ng may-likha
Kasalanan daw ating ginagawa
Ito ang tinuran ng nagkukunwang banal
At tunay na kapos sa pagmamahal
Ito ang tinuran ng nagkukunwang malinis
Na puno ng dumi ang isip
Aaaaargh, 'di na ako makapaghintay, sana may kopya na koh!!!!

Saturday, August 16, 2008
Zaturnnah, ZsazsaHHHH!
Whops, sinipag uli akong mag-drawing kagabi at kanina, kaya eto uli. Sa isip ko, si Zsazsa Zaturnnah naman kaya? Ano kayang kalalabasan?
At eto nga!

Medyo malabo lang kuha ko (sa cellphone kasi, masyadong malaki para sa scanner), pero, gustong-gusto ko itong lumabas na ito! Natakot pa nga ako n'ung sa mukha na 'yung parteng dinodrawing ko, baka iba ang lumabas, kaso, iba nga! Hehehe....
Tapos, sa isip ko uli, 'yung iba kayang tauhan sa komiks, kaya ko kaya? Lalo na 'yung mga gawa ng 'kano? Hmmmnnnn, at sinubukan ko nga, at unang pumasok sa isipan ko eh si Phoenix, kaya eto siya...

Well, okay din naman, hehehe....
Whoah, nag-e-enjoy na talaga ako ngayon sa pagdro-drawing!
Lalo nang nag-e-evolve!
Salamat talaga sa INNER DANCING!

Friday, August 15, 2008
Trese at Elmer
Well, kagabi, pumasok lang sa isip ko na mag-drawing ako, tapos nasa isip ko eh Trese ni Budjette Tan, kaya kinuha ko mga gamit ko at pumwesto na ako sa may maliit na lamesa namin. Sa isip ko, ano naman kaya ang kakakalabasan?
Kaya, ayun, walang lapis, diretso na kaagad, brush at poster color na black, at nagsimula ng gumalaw ang mga kamay ko, at ito ang kinalabasan!

Well, natuwa talaga ako sa Trese, kaya mas lalong tuwang-tuwa ako ng ito na 'yung lumabas sa drawing ko!
Tapos, sabi ko, kung 'yung kay Gerry naman kaya na Elmer? Ano naman kayang kalalabasan? At ito nga, kaninang umaga, bago pumasok sa opisina, nag-drawing uli ako, 'di ako tumayo sa pagdro-drawing hangga't hindi tapos, kaya na-late ako, hehehe...sulit naman!

Well, medyo kakaiba, may itsurang manok pa rin naman, pero nag-enjoy pa rin ako!
Sana magustuhan nina Budjett at Gerry....

Friday, June 20, 2008
Orig naman!
Eto na uli mga sample ng gawa ko...
...ilang buwan na 'tong tapos, pero ngayon ko lang mai-post dito...pero marami pa rin....

8" X 10" ang laki, oil on canvass...unang pagsubok sa paggamit ng oil na pintura, ginawa ko ito habang meeting ng Komikero...ang titulo...uhmmmn, "Inner dance series 1"!

...eto naman, "Inner dance Series 2", 20cm X 30cm ang laki, oil on canvass din...sa isip ko "Garden of Eden" ito eh!
...tapos, ito naman ang serye sa mga iginuhit ko na medyo kinaaliwan ko, pero nakakapagod din...mga serye naman ng hayop ito. Magsisimula sa pag-doodle lang, tapos may mabubuo ng pigura...kalimitan mga hayop sa dagat ang lumalabas na iba't-ibang uri ng pagong o pawikan, o mga lumba-lumba o dolphins...

...ahas na nakapulupot, Cobra pa nga...

...butiki o bayawak, basta sa pamilya ng mga lizard/reptile...sa mga katutubo o indigenous peoples (IP), ang butiki ay simbol ng buhay o creation (kaya malimit itong nakikita na kasama o nakapasaloob sa kanilang mga disenyo)...

...at ang pawikan!
Ewan ko, nahihilig ako ngayon sa mga pawikan, kahit hindi pa ako nakakita ng buhay o sa malapitan, kalimitan kasi sa mga litrato, sa t.v. o 'yung mga pinatuyo na nakumpiska o stuffed (taxidermy) na....

Monday, May 26, 2008
Kompitensiya!
Sa loob ng matagal na panahon, ngayon lang uli ako nagkaroon ng lakas ng loob, at pagkakataon na sumali muli sa isang kompetisyon sa pagguhit. Armas ng Sayaw na Pangniloloob, sumali ako.
3ft. X 4ft. ang dapat sukat ng isasaling entry, at dapat isang uri lamang ng medium o materyales ang gagamitin - oil, acryic o watercolor. Bawal ang pinaghalo-halo o mix media. Kaya ayun, medyo na-challenge ako at na-excite ng husto, natapos ko ang entry ko sa loob ng 24 oras!
Nakakatuwa nga eh, wala akong iniisip kung ano ang ipipinta ko, hinayaan ko lang ang kamay kong pumili ng kulay na gagamitin at kung ako ang ipipinta nya - nagsayaw ang aking mga kamay sa canvass, kulang na nga lang nakapikit ako eh!

eto, medyo nangangalahati na dito...

ako, in action...gulagulanit pa ang suot kong damit niyan, at puro pintura na rin ang damit ko niyan...wala pang ligo at kain! Nag-leave ako sa opisina namin para lamang matapos ito...

...at ng matapos!!!
...ano nga bang titulo nito? At anong ibig sabihin nito? Aaaahhh, siyempre, "Sayaw na Pangniloloob", kung makikita mo sila, ito ang itsura ng mga enerhiya involved habang nagsasayaw ng innerdancing.
Pagkatapos ng ilang araw, pinatuyo ko at pina-frame...ang mahal nga eh, kaso, kailangan para sa kompetisyon, investment o pamumuhunan na rin 'yun, minsan lang naman...

...at sa araw ng submission, ito naman ang bumulaga sa 'kin...

...mahabang pila! Ibig sabihin, maraming sumali!

...mahaba gyud!

...taas kaayo!

...at sa wakas! No. 203 po ako...

...203 out of 649! 'di ko rin akalain na ganito karami ang sumali, inaabangan pala talaga ang patimpalak na ito!
Kaya ngayon po, ako naghihintay, kung ako ay papalarin...sana naman!

Sunday, April 27, 2008
Sayaw na Pangniloloob...
Mga ilan sa mga napinta ko habang nag-i-inner dance...mga serye ito, kalahati ng bond paper na short (letter size) ang laki ng bawat isa, at bawat serye ay may 21 klase o variation ng mga dibuho....
Nakakatuwa na na nakakapagtaka nga eh, biruin mo, kapag ibang kulay ang ginamit ko (poster color nga pala ito), ibang guhit ang lumalabas. Kapag natapos na kong gumuhit na itim ang ginamit na kulay at napili naman ng kamay ko ang kulay na pula, ibang klase naman ng guhit ang kalalabasan....
Pag-asa (Hope)

Hossana

Mga Pakpak (Wings)

Monday, February 04, 2008
Powder o Lotion?
Heps, unang entry ko...nakalipas na pala ang buwan ng Enero eh hindi ko namalayan (Happy Chinese New Year o Kung Hei Fat Choy!) at hindi man lamang ako nakapagsulat dito ng mga nangyari sa akin – masyado kasing abala eh…kung datirati eh nagugulat ako sa takbo ng mga pangyayari sa buhay ko, ngayon naman eh nagugulat naman ako sa mga pinaggagawa ng mga kamay ko! Kakaiba na talaga at parang may sariling pag-iisip, hehehe…
Marami talaga kong nais ikwento, mga mabubuting nangyari, kasayahan, kababalaghan, at meron pa ring kalungkutan – sana sa mga susunod na araw, maisulat ko lahat ito…
Sa mga nakaraang araw naman, ang kalimitan kong ginagawa ay ang gumuhit, magpinta, sumayaw, at magmasahe. Gumuhit at magpinta – okay pa sa nanay ko, pero ang magmasahe medyo bago ito sa kanya kaya, niloloko nya tuloy ako na “Saryong Albularyo” kasi, kahit sino, kapag may pagkakataon, gusto kong mamasahe.
Sa pagpipinta, sa tuwina na lamang na gagawin ko ito, iba parati ang pinaggagagawa ng mga kamay ko – kaya naman nawiwili ako ng husto, at lampas na ng 200 piraso ang naiguhit ko…sa susunod talaga, ipapaskil ko dito ang mga gawa ko. Mga serye ang mga naiguguhit ko at sa kasalukuyan, mga mahahalagang pangyayari, bagay, at mga tao sa bibliya ang ginuguhit ko – kakaiba ang itsura ng iginuhit ko si Lucifer, nagsisimula na tuloy akong maniwala sa bibliya ngayon…
Bukod sa nawiwili ako sa pagguhit at pagpipinta, sa prosesong ito, pakiramdam ko eh, nag-iinit ang kamay ko (powered up or energized ika nga), kaya kapag mainit na mainit na ang pakiramdam ng mga kamay ko, eh kailangan ko itong pakawalan sa pamamagitan ng pagmamasahe, d’un na papasok ‘yung biro ng nanay ko…n’ung una, ayaw maniwala sa akin, pero n’ung nakita nila ako na magmasahe sa 10 katao na sunod-sunod, at pare-pareho ang sinasabi na guminhawa ang pakiramdam nila o nawala ang mga sakit nila sa katawan, eh saka pa lang naniwala sa akin. Datirati, ako pa ang nagmamakaawa na magmasahe sa kanila, ngayon eh, sila na, hehehe…
Iisa ang sinasabi ng mga namamase ko, para daw may karayom or pako ang mga daliri ko kapag lumapat na o nagsayaw na ang mga kamay ko sa likod nila (ito ang tawag ko, “innerdance healing massage”, bagama’t itsurang masahe ang ginagawa ko, pero para sa akin, nagsasayaw lang ang mga kamay ko sa likod nila), pero pagkatapos naman n’un, nawawala ang mga sakit at gumiginhawa o bumubuti ang pakiramdam nila. Iba’t-ibang tao, iba’t-ibang sayaw, iba’t-ibang sakit, iba’t-ibang sayaw. Mas malala na sakit, mas kakaiba ang ginagawa kong sayaw…at ramdam ko, na lalo pang nag-iiba o lumalakas ang epekto habang mas marami akong namamasahe.
Ang medyo kakaiba pa, imbis na manghina ako pagkatapos ng masahe/sayaw, mas lalo pang gumagaan ang pakiramdam ko. Kapag mabuti ang pakiramdam ng minsahe ko, mabuti rin ang pakiramdam ko…at saka nga pala, sabi nila, ang himbing daw at ang sarap daw ng tulog nila kapag namasahe ko sila, hmmmnnnn….
Eto pa ang nakakatawa, may namasahe ako na masahista, para kasing hinamon ako eh, ang pagkakaiba pa niya, nagpapabayad siya, ako, hindi ako nagpapabayad…n’ung namasahe ko siya, parang natulala, ninamnam ng husto ‘yung ginawa ko sa kanya, ngayon lang daw siya nakaranas ng gan’un, hehehe…
Kung medyo nakukuha ko na atensyon nyo, tingnan nyo na lang ‘tong ginawa ng kaibigan ko (si fafa rene), medyo nai-video nya isang session namin…kaya, huwag kayong mahiyang magpamasahe sa akin kapag nakita nyo ako, okay lang sa akin!

Monday, December 17, 2007
Nagsimula ang lahat sa isang sayaw!
Whoah, disyembre na pala, at oo nga pala, pasko na!
Masyado po kasing naging abala ang buhay ko nitong mga nagdaang araw, at sa dami ng mga pangyayari, nawalan naman ako ng panahon na isulat lahat dito.
Patawad po.
Sa buwan ng Nobyembre, nagsimula ang saya at luha, well, hindi naman luha talaga, lungkot lang...so, eto na!
Tuwa, dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na umuwi ng Luzon at makadalo sa KOMIKON. Unang KOMIKON ko at da best po ito! Kakaibang karanasan, at ubod talag ng saya! Kahit kakaunting panahon lang ang inilagi ko sa Luzon, naging makabuluhan at sobrang saya, hehehe, talagang SAYA 'yung malimit ko na isinusulat, kasi MASAYA nga eh!
Eto po ang pruweba!

Mico (mahaba buhok, kamukha ni Dian Zubiri), Gerry, Jonas, Raipo (sa likod), ako at Henry...salamat kay Fafah Gerry para sa litrato!
Ang nakakatawa pa, kapag pumunta ako sa mga lamesa ng mga indie comics creator, kilala nila ako at sinasabing, "kayo po si JOHNNY BALBONA 'di ba? "...wehehehe, nahipuan ako d'un ah! errr, ibig pong sabihin, ay "touched" po ako...tapos, may mga nagpapirma pa! Sabi ko, hindi po ako comics creator, pero sabi nila, okay lang, kasi ako naman daw si johnny balbona...wehehehe, asteeeg!
Marami akong nakilalang mga comics creator, tapos si Pol Medina Jr, tapos si Mang Hal Santiago! Tapos, nakapagpapirma pa ko kay Manix, asteeeg nga!
Ayan po ang medyo makahabag-damdaming kasayahan, wehehehe!
Punta naman tayo sa medyo...malungkot, ewan ko nga kung malungkot nga....
Well, malungkot, kasi naging daan itong mga kasayahang nangyari ng muling pagbabalik ko sa Luzon ng pangmatagalan, ibig sabihin, dito na po uli ako sa Luzon!
Haaay, nananabik na uli ako sa Davao, pero, wala akong magagawa, ito ang daloy ng buhay ko eh, pero pinangako ko sa sarili ko, na babalik at babalik ako sa Davao!
Ngayon, bakit naman kaya "nagsimula ang lahat sa isang sayaw" ang titulo ng entry na ito? Kasi po...
Ilang buwan na po ang nakakaraan ng medyo, may nakilala akong tao, at talagang nabago ng husto ang takbo ng buhay ko. Isa munang pahapyaw na introduksyon, panoorin nyo muna ito...
...ito ang "inner dancing"
Ito ang nagpabago sa buhay ko, at ito ang nagiging gabay ko ngayon. Maraming salamat kay Kali Pi Mu para dito. Naging tatlong klase ang manifestation ng inner dancing sa akin: sayaw, pagpipinta at paggamot.
Sayaw: kahit anong awit nasasayaw ko na, maliban nga lang sa mga pamaskong awit...at kapag ginagawa ko ito, lubos na kapayapaan at ganda o gaan ng katawan ang aking nararamdaman, para akong nag-e-energize ika nga.
Pagpinta o guhit: masasabi ko ngayon na ganap na akong isang artist, kasi ngayon lang ako nakaguhit ng walang tinutularan, well, magaling akong MANGGAYA ng iguguhit, pero kung mula lamang sa akin, hindi ko kaya. Pero ngayon, kakaiba na, nagsasayaw ang aking kamay sa pagpinta o pagguhit! At ang nakakagulat pa, nasa gitna ng canvass ang aking nalilikha, eh hindi ako nakakaguhit sa gitna kung walang grid eh!
Sa pagpipinta ko ngayon, parang hindi ako ang gumagawa, may lakas o enerhiya na gumigiya sa akin, isa lamang akong ika nga eh conduit para sa ganitong proseso. At talagang nakaka-addict, ang sarap ng pakiramdam, sa bawat pagguhit ko, parang ika nga eh, magic!
Eto po ang medyo mga nauna kong gawa...

Ito 'yung pangatlo sa mga iginuhit ko (una ay manok, hehehe at pangalawa eh saka ko na ipapakita), na medyo kinilabutan ako ng matapos...

...dito, medyo natakot ako dito...

...pangalawa sa paborito ko...

...medyo, kakaiba ito...

sabi nila, medyo mabalasik daw ito...

...naging ganito...

...at ito, ang pinakapaborito ko...

..tapos ito...

...naghanap ang kamay ko ng lapis na asul, at ito ang ipininta nya...

...at ito pa...

...at ito pa...marami ito, variation ng ganitong disenyo...ng maubos ang asul na lapis, pula naman ang hinanap ng kamay ko...

...at ito ang lumabas, maraming klase pa na ganito...naubos uli, at violet naman na lapis ang pinili...

...at ito ang kinalabasan!
Kakaiba talaga...at tapos, ang pinakakakaiba sa lahat, bumisita ang bago kong kaibigan na si Steven Pabalinas, ilang beses ko na siyang nakwento dito, 'yung gumagawa ng comic strip na "DIVINE COMEDY", at iginuhit nya ako, wehehehe!

Hahaha! Kamukha ko ba? SALAMAT PO Steven!
Paggamot: Well, medyo, hindi ko pa napapatunayan 'to ng husto, at gusto kong mapatunayan ko ito, pero kasi, isang uri pa ng pagsasayaw na ginagawa ng kamay ko eh magpipindot-pindot o tuldok-tuldok sa likod ng kahit sino, na parang acupuncture o masahe ang dating nito. Nalalaman ko kung saan may problema ang "ginagamot" ko, 'di nila sinasabi sa akin pero tinatanong ko sila kung may problema sa bahaging iyun ng katawan nila, kasi d'un namamalagi o nagko-concentrate ang pagsayaw ng mga kamay ko. At medyo, nagiging tama naman ang mga obserbasyon ko. Tapos sabi nila, para daw may karayom ang daliri ko.
So, ayun! Talagang kakaiba ang mga pinaggagawa ko ngayon!
Dito na muna, marami pa akong maisusulat dito, pero sa susunod na 'yun!

Subscribe to:
Posts (Atom)