Saturday, November 04, 2006

Marajao, Karajao, Surigao!!!

Hokay, marami ako kwento ngayon…nanggaling kasi ako sa Surigao City at namalagi ako d’un ng halos isang lingo. Ngayon lang ako medyo okay na ang pakiramdam at nagkapanahon na magsulat. Well, sa totoo lang, magkahalong, saya, pagod, lungkot, kaba at kung anu-ano pa ang naramdaman o naranasan ko sa Surigao - kakaiba na naman!

Actually, naimbitahan lang naman akong pumunta d’un. Ibinigay ang imbitasyon sa bosing ko ng isang partner naming organisasyon, tapos nakasulat d’un na kung pwede raw akong mahiram para sa Mining Conference na gaganapin sa Surigao City. Ako raw ay magiging isang dakilang tagapagsulat o documentor ng conference at magiging G.R.O. o escort service para sa mga delegado na galing pa sa Luzon at ibang bansa (Austria) – language barrier, kaya ako ang interpreter. Hehehe, natuwa yata sa akin ng minsan may mga Austrian na bumisita sa opisina namin at ako ang nag-entertain sa kanila.

So, preparasyon, marami pang mga trabaho sa opisina na medyo tinapos, para kaunti na lang pagbalik galing sa Surigao. ‘tapos, Surigao na…hey!

Sa Davao na muna ako natulog n’ung gabi bago ang araw na aalis kami kasi, masyadong maaga o sa madaling araw ang pag-alis namin dahil mahaba ang oras ng byahe, sampung (10) oras o higit pa, depende sa sasakyan. Eh ‘pag sa Makilala pa ako maghihintay, medyo mahihirapan ako, mahirap ang Skylab sa oras na 'yun - kaya, ay'un, sa Davao na! Siyempre, kapag nasa Davao, gimik na muna, tinawagan ko na naman ang aking partner in crime, si Janjan, at nag-barhopping na naman kami.

N’ung kasama ko si janjan, nagulat pa ko, abah, at nagra-Ramadan ang bruha! Panglimang taon na raw niyang ginagawa ‘yun kahit hindi siya Muslim, wala lang, feel lang nya. Okay, pero tanong ko sa kanya, bawal uminom ng alak (maski beer) kapag Ramadan ah, bakit siya kasama ko? Sabi niya, okay lang daw, gabi naman eh, pwede mong gawin kahit ano kapag gabi na, lumalabas pa rin daw ang sungay nya kapag gabi – bruha ka talaga Janjan!

Kinaumagahan, naghanda na ako sa pag-alis, maski medyo maliyo-liyo pa ako dahil kulang sa tulog – ewan ko ba, hirap pa rin akong matulog kapag hindi ko sariling kwarto, namamahay ang tawag d’un. Maski ilang beses ko ng matulog sa mga hotel, bihira lang ang nakakatulog ako ng husto….

Anyways, balik sa byahe – talagang mahaba nga ang byahe. Pribadong sasakyang ang ginamit namin, nakisabay lang ako sa isa sa mga convenors ng conference. Ang naging ruta namin ay via Mati, kaya sa Davao ako dinaanan. Okay naman ang byahe, kaso sobrang layo nga lang, tapos may mga daan pang ginagawa pa lamang kaya medyo baku-bako. Lalo na sa bahaging Agusan, medyo hindi umasenso ang lugar, may mga plantasyon ng oil palm at mina ng samento na nagpadagdag pa sa kahirapan ng mga tao rito.

Nadaanan din namin ang bantog na Surigao Lake. Malaki nga at maganda. Hanap kami ng restaurant na nagtitinda sana ng inihaw na tilapia, pero nakapagtataka, wala kaming ni isang nakita. Hindi ko alam kung mabuti o masama…nasanay kasi ako sa Luzon na kapag may magandang tanawin sa isang lugar, lalo na kapag may lawa, tiyak na may mga restaurant sa paligid, pero dito wala!

At nagpatuloy ang byahe, maski naglalaway kami sa inihaw na tilapya, at nakarating kami ng Surigao City ng medyo takip-silim na at siyempre, maski nakaupo ka lang sa byahe eh nakakapagod pa rin. Naturingan palang Barbers Country ang lugar na ito dahil dinastiya sa pulitika ng pamilyang Barbers ang lugar na ito. Kilala nga pala ang Surigao City bilang “Gateway of Mindanao” at ang mga beach dito, lalo na ang Siargao.

Gateway dahil kung gusto mong pumunta ng Mindanao ng nakasakay sa Bus eh ito ang lugar na dinadaungan ng mga barge o barko na may karga-kargang mga sasakyan galing sa Leyte, na galing ng Bicol at Luzon. (Kaya totoo pala ‘yung mga signaboard ng bus nakita ko dati sa Davao na “Cubao” at “Pasay”.) Kilala naman ang Siargao dahil sa malalakas na alon nito na tinaguriang “Surfing capital” ng Filipinas. Malimit itong puntahan ng mga turista at parating naipapalabas sa telebisyon.

Sa sobrang pagod namin sa byahe, kumain lang kami ng hapunan pagdating at namahinga sa mga kwarto na itinalaga sa amin. Hindi pa muna namin nagawang maglibot sa paligid, maski excited ang lahat na puntahan ang mga beach dito. Kinaumagahan, as usual, ako ang unang bumangon dahil hindi masyadong nakatulog, naligo kaagad at lumabas ng building. Naisipan kong maglakad-lakad sa labas at nagtanong-tanong kung saan ang magandang lugar, lalo na kung saan ang mga beach. Umarkila ako ng tricycle at sinabihan ko ‘yung driver na ilibot nya ako sa City at dalhin ako sa pinakamalapit na beach at bantog na lugar na malimit puntahan ng mga turista – feeling turista eh! Medyo nga nagkaproblema sa pag-intindi kasi medyo nakakawindang ang lenggwahe sa Surigao – lantay na Bisaya, pero ang “L” o “R” eh ginagawang “Y” at ang “Y” eh ginagawang “G” o “J” at marami pang iba – hence, “buyakyak”, “payopayo”, “waya”, “uyo” – ick, ang hirap!

Iginala naman ako ng driver at kinausap ko na rin siya kung ano pa ang kilala o bantog sa Surigao – medyo aloof nga lang siya, pero okay na rin, para na rin siya ang naging guide ko. Saglit lang kami sa mga lugar, talagang tinandaan ko lang ang pagpunta, para ako naman ang magiging guide ng mga kasama ko. Pagkalipas ng isang oras, balik na uli ako sa lugar namin at kumain ng agahan. Nagtaka sila at nagtanong kung saan ako nagpunta. sabi nila, parang sanay na sanay raw ako sa Surigao ah. Sabi ko, hindi ah, first time ko rin lang, nagkataon lang na mahilig akog maglayas eh - anong gagawin ko eh maaga akong nagising, kaya naggala na lang ako? At sabi ko, ako na ang magiging guide nila. Nagkasundo kami na sa hapon na mag-meeting ang grupo at maggala na muna kami sa umaga.

At ‘yun nga, ako ang naging guide nila at n’ung nasa beach kami nagkataon na dumaong ‘yung mga mangingisda dala-dala ang kanilang mga huli. Nakakatuwa kasi ang dami nilang huli at ang lalaki! SAILFISH ang mga huli nila! Mahigit singkwenta (50) piraso yata ‘yun tapos mga apat hanggang lima (4-5) talampakan (foot) ang laki ng bawat isda. Nagulat ako kasi pwede pa lang kainin ‘yun! Nalimutan ko lang kung ano ang tawag nila d’un, tapos ang mura pa, P65.00 ang bawat kilo! Ang isang isda, wa’y apiy ang uyo (hindi kasama ang ulo) eh tumitimbang ng 3-4 kilos! Sariwang-sariwa! Kaya ang ginawa namin, pinasugba (inihaw) namin at pinakilaw.

Well, masarap ang sinugba pero sa kinilaw, hindi ako nasiyahan, y’ung mga kasama ko lang. Hindi naman ako kumakain n’un eh! Ewan ko, ‘yun ang hindi ko natutuhang kainin. Durian, okay pa, pero kinilaw, hindi kaya ng powers ko. Hindi ko kayang tiisin na nguyain at lunukin ang hilaw na isda eh, ick!

At siyempre, beach ‘yun, kaya rumapa ako, y’un nga lang, walang nagdala ng camera kaya hindi tuloy nakuhanan ang mga pangyayari – suya!

Pagkatapos sa beach, balik na uli sa tinutuluyan namin…kaso ‘di namin makita yung iba naming kasamahan, kaya dumiretso na lang kami sa City mismo para maggala pa at mamili ng mga kailangan pang gamit. Nakakapagtaka, naturingang City, pero kakaunti ang mga establishamento, walang sinehan o mall, kakaunti ang malalaking hotel o inn, may malalaking grocery store, pero kalimitan sarado, kasi Linggo n’ung araw na ‘yun. Parang hindi masyadong na-develop ang lugar, hindi siya mukhang syudad….

N’ug matapos kami sa pagrampah sa syudad, balik nasa tinutuluyan namin at nag-meeting na, tapos sinabi ng isa sa mga convenors ang mga problema. Sa paghahanda pa lamang pala ng pagpunta namin ng Surigao, nagkaroon na ng maraming problema: hindi ma-contact ang mga resource speaker, mga contact person at nagkaproblema pa sa iba logistics. Tapos ang isang medyo kahindik-hindik eh nakatanggap pa kami ng death threat! Sa totoo lang medyo natakot ako. First time kong makabasa at maging isa sa mga recipient ng isang death threat! Eto ang nakasulat…

“God am sir rmnders lang: LAHAT NG ANTI Sa MINING NGAUN PINAPATAY, KAYA KUNG AKO SA INYO I KANCL MUNA ANG INUNG CNFRENCE S SURIGAO CITY ALAM NAMIN ANG LAHAT NG KILOS NINU PARA MAIWASAN WAG MUNA NGAYN. Kung hndi kau maninwla bhala kau wlang cchan bka mag ka PROBLEMA KAU S UMPISA PA LANG sasampulan namin kayo ipasa m s mga kasama m bgo ma huli ang lahat naaawa lang ako slamat CNCRN CITIZEN” – 09067198479

Well, baka kilala nyo ang number na nasa itaas. Isang beses lang naman pinadala ito, kaya alam namin na hindi siya masyadong seryoso, nananakot lang talaga. Tapos, ayun, balik lang kami sa normal sa paghahanda sa conference – registration, ID, training kit, etc.

Kinabukasan, okay naman ang naging daloy ng conference, maski n’ung umaga pa lang eh w’ay klaro ang mga kausap ko na maligo sa beach – ako lang ang gumising ng maaga, kaya hindi natuloy!

Naalagaan naman ang mga pangangailangan ng mga kalahok at imbitadong speakers (MARAMING SALAMAT TALAGA KAY Ms. NETH DAÑO!!!), ‘yun nga lang, hindi maiiwasan ang mga panggulo sa conference – hindi naman nawawala eh, parating mayroon. Mga taong feeling eh matalino sila, mga skeptic, at hinahamon ang kakayahan ng mga resource speaker. Pero naging maayos din naman, bruha lang talaga ‘yung bading na participant na ‘yun – CHAKA siya!

Sa kinabukasan, bumawi naman ‘yung mga kausap ko sa pagpunta sa beach. Natuloy naman kami at rampah galore…at sa pagkakataong ito, handa ang lahat, may baon na camera!

Photobucket - Video and Image Hosting
Hala, rampah…feeling mga model!

Photobucket - Video and Image Hosting
…rampah pah…

Photobucket - Video and Image Hosting
..at isa pah! Maganda ‘yung mga bato eh!


Pagkatapos sa beach, balik na uli sa venue at naghanda para sa trip sa mga mining site sa Surigao. Kami ‘yung maliit na grupo na sight-seeing lang, kasi medyo malayo ang pupuntahan namin at delikado. Limitado lang ang bilang nga tao na pwedeng sumama, samantalang ‘yung isang grupo, sa isang community na apektado ng ibang pagmimina sila pumunta, mas marami silang exposure at nakausap nila mismo ang mga tao d’un.

Pumunta kami sa isang lugar na nagminina ng mineral na bakal (iron mineral) – sa Claver, Surigao del Norte. Hindi kami pwedeng kumuha ng mga litrato ng lantaran dahil maaring ikumpiska o kuhanin ang aming mga camera ng mga armadong tauhan ng kumpanya – patago at palihim lang dapat ang pagkuha. Isa pa, hindi kami dapat magmukhang nagmanman sa lugar, dapat parang dumaan lang dahil medyo sensitibo ang isyu ng mining sa lugar, baka pa kami mapahamak – nagkataon kasi na nasa tabi ng highway ang operasyon nila kaya medyo madaling makita.

Photobucket - Video and Image Hosting
Eto ‘yung nakabandera sa unahan ng municipality nila.


Pagkatapos ng medyo makapanikip-dibdib at makaubos-hiningang paglalakbay sa minahan, dumiretso kami sa isang lokal na port o daungan ng mga bangka papuntang Siargao Islands at d’un medyo nagpahinga. Siargao ang ng pinakabantog na lugar sa Surigao, tt siyempre, rumampah na naman ang lolah!

Photobucket - Video and Image Hosting
Ako at si Cris, bago kong nakilalang kaibigan!

Photobucket - Video and Image Hosting
Ako, Cris, Sister Anne (tunay na sister!) at Kenneth


Tapos, n’un, balik na sa venue at namahinga ng kaunti at nagpatuloy pa uli ang conference. Nagkaroon pa nga ng problema para sa kinabukasan na aktibidad dahil hindi pwedeng dumating ang isang resource person na inanyayahan. Napag-isipan ng solusyon, napagtakpan ang mga pagkukulang at naging maayos naman ang plano para sa susunod na araw. Okay naman kasi ang mga kasama ko, kahit pagod na eh, bigay-puso pa rin sa pagtratrabaho – saluhan na lang kapag medyo alanganin. Kaya bilang pakunswelo, sa halip na mag-solidarity night na lang ang grupo na nakasaad sa programa ng conference, napagkasunduan na dalhin ang lahat ng mga kalahok sa pag-a-island hopping sa Surigao!

At siyempre, dito na kami rumampah ng husto!

Photobucket - Video and Image Hosting
Ang lugar na aming pinuntahan, ‘di ko lang alam ang pangalan niya, pero kilala siya dahil sa mahabang tulay na gawa sa kahoy na nagdudugtong sa dalawang (2) isla!

Photobucket - Video and Image Hosting
At eto na nga ‘yung tulay!

Photobucket - Video and Image Hosting
May mining company din kasi d’un sa lugar, akala namin ‘yung kompanya ang nagpagawa ng tulay na kahoy, ‘yun pala, hindi rin, ‘yung mga tao rin lang ang gumawa nito!

Photobucket - Video and Image Hosting
Pose muna…

Photobucket - Video and Image Hosting
Malalayo ang agwat ng dadaanan mo sa tulay, kaya kailang nakatingin ka talaga sa dadaanan mo, kung hindi, laglag ka!

Photobucket - Video and Image Hosting
May nadaanan kaming nanghuhuli ng isda – pangkain nya lang daw ang huli niya!

Photobucket - Video and Image Hosting
Ewan ko kung anong uri ng isda ito, mahaba ang nguso eh, parang “Gar” na isda na pang-aquarium!

Photobucket - Video and Image Hosting
N’ung una, hanggang tingin lang ako…

Photobucket - Video and Image Hosting
…eh, makakatiis ba naman ako ng hanggang tingin lang? Siyempre hindi, kaya nakipamingwit na rin ako – kaso nakawala ‘yung nabingwit ko!


Pagkatapos n’un, balik na uli sa pagpunta sa iba pang isla…

Photobucket - Video and Image Hosting
Tahimik, malinis at ang ganda ng dagat eh…actually, karagatan, dahil Pacific Ocean na ‘yan!

Photobucket - Video and Image Hosting
Pose muna sa Zaragoza island…(cue music here: “parang ‘di ko yata kaya…”)

Photobucket - Video and Image Hosting
…kasama ang iba pang mga kalahok sa conference!

Photobucket - Video and Image Hosting
Isa sa mga isla na nadaanan namin…

Photobucket - Video and Image Hosting
…at dito kami naligo!

Wala pa ‘yung iba ko pang litrato sa pagrampa ko sa beach eh, hinahanap ko pa…pero nag-enjoy talaga ako ng husto! Nakaka-relax ang tubig at nagbibigay lakas (energizing)!


Pagkatapos ng happenings, balik sa venue pahinga ng saglit at kailangan ng tapusin ang conference. Ako, medyo nakulong ako sa kwarto sa admin, kasi inayos pa ‘yung certificates para sa mga kalahok. Tapos, ‘yung ibang kasamahan naman ang nagpatakbo para tapusin na ang conference.

D’un biglang may naging problema. Hindi namin inaasahan, bigla na lang. Parang napasok kami ng PAW na grupo (Pasukin, Agawin at Wasakin)! Isa pala sa kasamahan namin eh medyo mapula ang paninindigan (read: revolutionary), kaya n’ung siya ang naghawak sa programa, medyo nagkagulo na. Pilit nyang siya ang masunod sa plano para sa grupo, eh umalma ‘yung mga kalahok sa ideya nya. Gusto nyang imaniobra ang grupo at dalhin sa katulad ng pinaggagawa ng grupo nila – rally, sa lansangan, etc. (medyo, iba na kasi ang pananaw ko rito). Hanggang sa nawala na, nasira na ang mga diskusyon sa conference. Kulang na sa oras at pagod na ang lahat – ang ilang araw naming pinagpaguran na maging maayos na conference, nasira na lamang bigla! Napagtakpan namin ang mga pagkukulang n’ung mga nagdaang araw, tapos sa isang iglap, nawala lahat!

Kulang na kami sa oras para ayusin ang lahat, pagod na at pauwi na ang mga tao (may kanyakanyang pang mga appointment) kaya dumiretso na lang sa evaluation ng conference – at lumabas sa evaluation, nagkaisa ang mga kalahok sa pagsulat laban sa isa naming kasamahan, nakasulat ang pangalan niya, ayaw sa kanya ng mga kalahok!

Sumama ang loob ko (at pati na rin ang iba kong kasamahan, bakas sa mukha nila eh!), nagpakapagod kami ng ilang araw, sa byahe pa nga lang eh, tapos, basta gan’un na lang? Ngayon lang ako nakaranas ng gan’un…okay na sana eh, kaso, medyo pumalpak! Walang kaalam-alam ang grupo na gan’un ang kakahinatnan.

Kaya ay’un, kinabukasan, mabigat ang damdamin na umuwi na kami…diskusyon sa sasakyan kung anong nangyari…napagkasunduan na lang na sa susunod na meeting na lang ayusin ang lahat. Kinakailangan na magpahinga at magpalamig muna ang lahat. Sa pag-uwi namin, via Butuan City at Cagayan de Oro naman kami dumaan. Kasi, mas mabilis ng isang oras ang byahe at mas maganda ang daan. Totoo nga at nakakatuwa, kasi coastal ‘yung dinaanan namin, kaya talagang nasa gilid o edge kami ng Mindanao n’ung panahon na ‘yun!

Pagdating sa opisina, report kaagad sa boss ko ng mga pangyayari, ayu'n, okay lang daw, pinayuhan ako na huwag masyadong isipin. Basta ang mahalaga, nagawa ko raw ang parte ko, sapat na 'yun. Hindi naman daw sa akin nanggaling ang problema eh. Well, totoo nga...ang problema ko na lang ngayon eh paano tapusin ang documentation ng buong conference...hehehe, mahirap-hirap din 'yun..

Kaya a’yun, ‘yun ang naging karanasan ko sa Surigao City…ewan ko kung babalik pa ko d’un…ang hirap magbyahe eh, ang layo!

Monday, October 16, 2006

Balibalita…

Ano mga balita?

Marami!

Buhay pag-ibig?

Buhay?

Okay, isa-isahin natin, buhay pag-ibig muna…excited ako eh!

Masaya na ko parati ngayon, dahil pumasok na ako sa isang seryosong relasyon! Ah, ang saya! Gan’un pala ang pakiramdam, hehehe…kaso nga lang, medyo malayo siya at hindi pa kami nagkikita ng personal, hanggang webcam, chat at text pa lang – pero ang mahalaga, mahal namin ang isa’t-isa. Bawat araw ay binibilang at gustong matapos kaagad, sabik dumating ang pagkakataon na kami ay magkita! Ewan ko na lang kung anong mangyayari kapag kami nagkita na – ay siya, grabeh siguro! Isa pa, naging iba na ang takbo ng buhay ko ngayon, may mga plano na ako sa buhay at iba na rin ang pananaw, haaaay…

…LAB YU ‘GA!!!

Sa buhay, naman…marami rin! Sa mga balibalita na lumabas sa telebisyon at pahayagan, eto ang mas klarong bersyon, galing mismo sa nakatira dito – medyo sikat kami ngayon eh!

October 3 sa umaga, nakatanggap kami ng text galing sa aming mga kaopisina na nakatira sa may bukid sa Mt. Apo, na nakarinig daw sila ng malalakas na putok ng baril sa may bundok…so, alert lang kami lahat sa ibaba, tapos mayamaya lang, ang dami ng sundalo ang lumabas d’un sa may kampo na nakatalaga d’un sa may baryo namin. Tapos, mayamaya uli, dalawa (2) namang army truck (wrangler/hammer) ang dumating at dumiretso sa bundok …tapos nabalitaan namin, nagkaroon daw ng engkwentro. Wala naman daw namatay mula sa hanay ng mga army pero may sugatan daw sa kabilang panig. Ayon sa balita, mga amasona (babaeng NPA) raw ang nakaengkuwentro ng army at may nasugatan daw sa mga ito dahil sa mga patak ng dugo na nakita sa lugar. Tinanong ko lang kung paanong nalamang amasona ang nakapalitan ng putok, sagot nila, kasi daw may nakita na nakasampay na bagong labang panty sa mga sampayan – ah okay, mmmmm. May panty…kaya mga babae raw. Eh, kung gusto nga mga lalake na magsuot ng panty?

Tapos, n’ung October 10 naman ng umaga, may balita na kumalat na nagkaroon daw ng massacre sa isang kampo na nakatalaga sa isang kalapit baryo sa lugar namin. Massacre daw, nilusob daw ng mga NPA ang kampo. So, medyo nakakatakot ang balita…. N’ung hapon, nakuha namin ang totoong balita, isa lang ang patay at namatay siya kasi binaril siya ng isang sniper. Okay, massacre nga.

Pero, ang talagang nakakalungkot, kinagabihan, ginulantang kami ng isang kalunoslunos na balita – binomba raw ang kapitolyo ng Makilala. Kasalukuyang ipinagdiriwang nito ang araw ng kanyang ika-52 pagkakatatag (52nd foundation) ng may sumabog na malakas na bomba (8MM) na ikinasawi ng anim (6) at ikinasugat ng 29 na katao. Grabe nga, n’ung umaga pa lang, may kumalat na balita sa text na may papasabugin daw na mga bomba sa iba’t-ibang lungsod sa Mindanao. (Sa Tacurong City, may sumabog daw n’ung tanghali, pero mabuti naman at walang namatay, kasi nakita kaagad ang bomba at nailayo, kaya n’ung sumabog ito, may nasugatan lamang. Sa Cotabato City, may sumabog din daw, ‘di ko lang alam kung may namatay o nasugatan – wala naman sana!) Naging alerto naman ang kapulisan at militar buong araw, kahit saan, maraming nakatalaga. Kaso, n’ung gabi na, sa sobrang dami talaga ng tao sa may kapitolyo, mahirap na talagang malaman kung sino ang may dalang bomba at madali ng makasalisi ang kahit sino – kaya ay’un, may nakasalisi nga! Kinaumagahan, napabalita pa na may nakuha pang apat (4) na bomba na hindi pumutok sa lugar. Mabuti na lamang at hindi pumutok, dahil kung pumutok ‘iyon, grabe talaga ang kahahantungan n’un. Loose connection daw ang naging sanhi, kaya hindi pumutok ang bomba. Nakakabit sa bomba ang cellphone (5110) na ginamit na triggering device. Labing-isang (11) missed calls ang nakatala d’un sa cellphone!

Pakunswelo sa amin, wala naman sa mga kaibigan namin o kasamahan sa trabaho ang nakasama sa mga namatay o nasugatan. Kaya kami ngayon, medyo iwas na muna sa mataong lugar at baka kung ano pa ang mangyari. Tapos, binalaan kami ng bosing namin, na anumang oras eh may baka may pumunta sa aming opisina na mga militar at magtanong, o magka-engkwentro sa malapit sa amin. Ang payo nya, maging kalmado lamang, huwag matakot, ‘pag may mga putok ng baril na malakas – dapa lang kami! Ingat lang parati.

Sa mga balita, "critical alert" daw sa lugar namin…huh, critical alert? Eh parang normal o ordinaryong araw lang dito eh! Tahimik pa rin! Well, balita nga naman…minsan, medyo sobra na, sensationalized ika nga!

Isa pang pag-iingat sa amin.. balibalita, kasi, medyo, sensitibo ito na isyu – ngayong wala na o nabuwag na ang "Peace talk" sa pagitan ng gobyerno at MILF, baka maging magulo raw sa mga lugar na maraming Muslim sa susunod na araw. Hinihintay lang daw na matapos ang Ramadan (October 24)…pagkatapos n’un, bahala na raw!

Well, sa akin, okay lang, sanay na rin kahit papano…tsaka kung oras ko na, eh, ‘di oras ko na! Maski nasaan ka man, at gaano kaligtas na lugar ka man – ‘pag oras mo na, eh oras mo na – ‘yun lang!

Saturday, September 16, 2006

gimik na sad...!

hehehe, alas-dos ng madaling araw, naglalakad ako sa lansangan ng davao...kakatapos lang gumimik eh!

Nakakuha ako n pagkakataon na makatakas sa opisina namin, kaya ayun, nakagimik ako! Mabuti na lang naroon ang kaibigan ko na si Jan-jan, may nakasama tuloy akong gumimik. Dapat kasi kasama ko sa gimik ang mga kasama ko sa trabaho, kaso WA'Y KLARO silang kausap, kaya ayun, ako na lang ang gumimik.

Medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakapag-bar hopping, kaya sabik na sabik, tuloy, naparami ang inom!

Hahaha, mabenta pa pala ako sa mga babae, may gustong pumick-up sa akin, dalawa (2) pah! Kaso hindi ko na pinatulan kasi, baka mapaaway pa ako, may isang grupo kasi ng mga tigulang na gustong pumick-up sa kanila, kaso ayaw naman sa kanila n'ung mga babae. Ay'un n'ung sa akin na lumapit, at nakikipagsayaw, 'di ko na lang muna pinansin. Ang sama ng tingin sa akin nung grupo eh...isa pa,medyo iwas na rin ako sa mga ganitong pagkakataon, ika nga eh, celebating, kasi, loyal na ako sa magiging partner ko ngayon...may usapan kasi kami na kami lang talagang dalawa, wala ng iba, wala ng mga "extra-curricular activities" sa aming pareho - okay lang naman sa akin 'yun!

'eto, medyo tipsy ako habang sinusulat ko ito...dito na muna....

Thursday, August 31, 2006

Gusto kong magswimming....

Hehehe, masaya ako ngayon, kasi nakapag-swimming na ako kaninang umaga! Ang sarap ng pakiramdam at pwede na uling ulit-ulitin pa!

Isa o dalawang beses sa isang linggo, nagswi-swimming kami, ito ang pampaalis ng aming mga lungkot, pagod at nagiging pinakaehersisyo na rin namin. May malapit kasing resort sa amin na may flowing water ang swimming pool, galing sa batis, kaya siguradong malinis ang tubig...'yun nga lang, sobra nga lang lamig! Kadalasan, alas-sais sa umaga (6am) kami nagsisimulang mag-swimming kaya imaginenin nyo na lang kung gaano kalamig 'yun!

Heto mga kuha namin, kasama na rin ang mga bosing at dormmate ko - halah, RAMPAH!

Photobucket - Video and Image Hosting
Group shot muna, Giselle, Lucia, Romano, Ako, at Lanie

Photobucket - Video and Image Hosting
Siyempre, ako muna...

Photobucket - Video and Image Hosting
'yung wala sa group picture kanina (kumuha ng litrato), si Maribel!

Photobucket - Video and Image Hosting
Getting ready to swim...

Photobucket - Video and Image Hosting
Yebah, ang lamig!

Photobucket - Video and Image Hosting
Me and Maribel

Photobucket - Video and Image Hosting
Lucia and Maribel

Photobucket - Video and Image Hosting
Patapos na sa laps...

Photobucket - Video and Image Hosting
Pahinga muna...kapoy!

Hehehe, 'yan lang muna gusto kong ipakita sa inyo!

Friday, August 25, 2006

Sana labingdalawa ang puso ko, este isip ko…

Hey, magkukuwento na uli ako ng mga nangyari sa buhay ko nitong mga nagdaang araw, mga kakaiba na ewan – maraming masaya, at may malulungkot din, pero okay lang, dahil kasama naman ‘yun ng buhay eh. Sobrang haba nga lang nito, parang nobela, dahil ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong makapagsulat at mailagay ito dito sa blog, halos isang buwan din ‘yun eh, kaya pasensiya na.

Nagkaroon uli ako ng pagkakataon na makauwi sa Luzon kasi nasira ‘yung unit namin ng id maker namin, eh walang service center sa Davao kaya wala kaming magawa kundi ang pumunta sa Luzon para ipagawa ito. Malaki na kasi ang nagastos ng opisina namin, kaya nanghihinayang na pabayaan na lang masira, halos hindi pa nga nasasambot ang puhunan para d’un, maski sa bilang ng mga nagawa na nitong ID, kaya ayun!

Siyempre, excited na naman ako, kasi kakauwi ko lang n’ung nakaraang buwan, tapos, ‘eto na naman – pero ang ginawa ko hindi ko masyadong pinagsabi sa mga kaibigan ko ang pag-uwi ko, maski sa pamilya ka, para magulat sila!

So, isang araw bago pumunta, siyempre, Davao muna ako, marami pang ginawa na kasama sa trabaho…magpaalam kay papaRoach (my lover)…kaibigan kong si Jan-jan, at siyempre pa, gimik! Hehehe….

Nakakatawa nga eh, n’ung nagkita kami ni papaRoach, napagkasunduan namin na sa isang café kami magkita. Nauna akong dumating, kaya kumain na muna ako. Tapos merong isang thundercat (mature gay) na may gusto yata sa akin, iba ang mga nagungusap nyang mga mata eh! Ako, wala lang, pangiti-ngiti lang, kung lalapit siya, ie-entertain ko naman siya habang ako ay naghihintay, pero hanggang d’un lang, ‘di ko naman siya type eh. Tapos ‘yun, pasimple talaga siya, pero ‘di siya makalapit…tapos umalis, baka naghanap ng lakas ng loob, tapos, bigla dumating na si papaRoach, naupo na siya sa table ko…tapos bumalik ‘yung thundercat, nakita nya may kasama na ‘ko sa table – nakakatawa ‘yung reaksyon nya eh, ‘laking panghihinayang, napakamot siya ng ulo, hahaha!

Tapos, si Jan-jan naman, bar-hopping kami, kumustahan, kwento sa buhay-buhay, habang umiinom ng iced tea at nilalantakan naming ang masarap na pulutan na sizzling bihod/bagaybay (male sex organ at pancreas ng tuna), bawal pa alak o beer eh, kakagaling lang sa sakit, mahirap na. Ayun, kwento-kwento, sabiko nga sa kanya baka mainggit lang siya sa ikukuwento ko sa kanya, hehehe. Walang masyadong tao sa mga bar, alanganin sa araw, kaya ‘di masyadong masaya…n’ung natapos na kami, nagpaalam na kami sa isa’t-isa at naghanda na ako sa flight ko kinabukasan.

Sa airport, wala masyadong exciting na nangyari, sa eroplano naman, nakakainis lang, kasi may mamang umupo sa dapat upuan ko, ni hindi man lang siya nagsabi, nasa tabi kasi ng bintana eh! Mukhang first time nyang sumakay, at gustong makita ang view, kaso napataon naman sa may pakpak ng eroplano nakaharap, kaya ayun, hindi rin niya masyadong nakita – ‘buti nga!


Pagdating sa airport ng Manila, ay sus, ang hirap makakuha ng taxi! Nananaga sa pamasahe ang mga taxi driver! Pinipili pa ang mga pasahero, kaya no choice, nag-bus na lang ako maski ang bigat ng daladala ko! Hindi ganito sa Davao, tsk, tsk, tsk…lagot kayong mga taxi driver kay ‘pareng Duterte ‘pag gan’un!

Diretso ako sa Makati, sa kaibigan kong si Jonas, sa opisina nya muna, iniwan ko ang mga gamit ko kasi sa pad niya ako makikitulog ng ilang araw sa paglagi ko sa Manila, malapit din lang sa opisina niya, nilalakad lang. Ay’un, mabilisang kumustahan, kasi nagmamadali rin ako at may hinahabol na appointment sa Greenhills pa, malayu-layo rin ‘yun at mabagal ang traffic.

Balik-tanaw muna, bago pala ako dumaan kay Jonas, naka-text ko kaagad ang isa ko pang kaibigan na tutulong sa akin sa pagliliwaliw, este, paglilibot sa Manila, si Ago (nyah, wala akong recent picture niya!). Inihabilin ko muna sa kanya ‘yung unit na ipagagawa, sabi nga niya, akala nya daw durian ang laman n’ung kahon, nangangamoy durian daw! Inamoy ko nga, amoy durian nga, napasabay at napahalo kasi sa ibang kahon na puro durian an laman, kaya ay’un, nangamoy durian din, halatang-halata raw na galing sa Davao!

Byahe na kami ni Ago papuntang Greenhills, ginamit namin ang motor niya para mas madali at mabilis – iwas sa sobrang bagal na traffic! Umabot naman kami sa takdang oras, tapos kinausap ko ng husto ‘yung tao na in-charge d’un kung kailan matatapos ang paggawa ng unit, maayos na usapan. Sabi niya maski raw kinabukasan, pwede ng makuha ang unit, tapos na daw n’un pero hinihilang nila medyo magtagal sa kanila ‘yung unit para raw masiguro ang pagkakagawa. Miyerkules n’un, kaya sabi ko sa biyernes na lang ng hapon ko kuhanin para okey na. Sabi nya okey daw, sa hapon pa nga raw ite-text nya na ako kung okey na ang unit. Nagkasundo kami sa ganitong usapan at umalis na ako para kumain (gutom na kami eh) at may pupuntahan pang iba, isa pang opisina ng NGO sa Quezon City at babalik pa sa Malate, sa Metropolitan Museum para maghatid ng isang sample na gawa ng isang kilalang artist dito sa Davao, si Waway (hindi ko naman siya personal na kilala, ang nakiusap lang sa akin eh ‘yung kaibigan nya na kaibigan ko, si Rosalie).

Photobucket - Video and Image Hosting
My new friend Rosalie, isang eccentric na artist (‘di ba redundant na ‘yun?) – pero super bait naman!


So, pagkatapos kumain, banat na ulit kami ni Ago ng byahe, sanay siya d’un sa lugar pero hindi pa niya nararating ‘yung address na ibinigay ko, kaya tanong pa rin kami ng tanong, pero nakita rin naman. Sa paglilibot-libot namin, pagdaan ko d’un sa isang café, may isang familiar na mukha akong natan-awan, binalikan ko uli, familiar nga, si Lolit Solis! Well, hindi naman pala gan’un nakakatakot ang mukha nya sa personal, ‘di tulad sa telebisyon, mukha rin naman pala siyang tao. Tiningnan ko nga kung may kasamang iba pa na artista, wala, siya lang, may kamiting lang na maraming tao.

Pamula Quezon City, balik kami ng Malate, para sa Metropolitan Museum at hanapin ang mga taong nakalista sa mga pagbibigyan. Nagkataon, puro wala, out of the country daw sabi n’ung secretary, iwan na lang daw. So, iniwan na lang namin at bago kami lumabas ng Museum, siyempre pagkakataon na, nilibot muna namin. Iyon kasi ang isa sa mga libangan ko n’ung nasa Luzon pa ako, ang pumunta sa iba’t-ibang museum, sa Davao kasi kakaunti eh, hanggang art gallery pa lang at mga hotel na may mga exhibit ang nakikita ko, ‘di ko pa masyadong napupuntahan ang mga museum d’un.

N’ung matapos kami sa museum, sabi ko nasa Malate rin lang naman kami, bakit hindi namin galain, eh may sasakyan naman at hindi pa masyadong nakakagala d’un si Ago. So, ginala nga naming, tapos naalala ko na mayroon nga pala akong isang tindahan ng mga sex toy na napuntahan, na balak kong balikan at magandang exposure na rin kay Ago, hehehe! Hinanap naming mabuti kaso, sa kasamaang palad, hindi namin mahanap. Sabi ko kay Ago, maghanap ng mga ladlad na bading at sa kanila kami magtatanong sana para sa direksyon kung nasaan ‘yung tindahan. Kaso, wala kaming makita ni isa, as in! Nahihiya naman kami na magtanong sa mga straight o mukhang straight, baka mapaaway pa kami sabihin nambabastos o nang-iinsulto kami. Sabi ni Ago, kaya raw kami walang makita ni isa na ladlad na bading, kasi may araw pa, pagkagat ng dilim saka pa lang daw maglilipana ang mga ‘yun….oo nga!

So, hindi namin nakita kaya umalis na lang kami, miryenda muna, tapos, naalala ko may makikipagkita nga pala sa akin na bagong kaibigan. Sabi ko may kasama akong kaibigan kung okey lang sa kanya, pumayag naman siya, tapos sabi nya may kasama rin siyang kaibigan, so okay lang talaga. ‘yun nga lang, ang layo pa ng napagkasunduan ng lugar ng pagkikita, sa Marikina pa. So, galing sa Malate, pumunta kami ng Marikina, dito medyo natagalan ang byahe, bukod sa malayo na, sobra pa ang bagal ng traffic, punong-puno ang daan ng mga sasakyan. Kung hindi kami naka-motor at medyo malaki ang aming sasakyan, sigurado na mahuhuli na kami sa usapan. Ang husay sumingit sa kung saan-saan si Ago eh, ako ang malalaglagan ng matris, este puso pala, sa ginawa nyang pagmamaneho. Tapos, n’ung makarating kami sa lugar, nahihiya na akong makipagkita dahil sa itsura namin, halos naligo kami ng pawis, usok at alikabok! Hindi na kaaya-aya ang aming amoy at itsura.

Medyo nauna kami sa pagdating kaya namasyal na muna kami sa Marikina, tapos, n’ung pumunta na kami sa napagkasunduang lugar, at may nakita kaming dalawang tao na medyo hawig nila sa pagkakalarawan, at hindi kami pinansin, tumaas ang kilay, humaba ang nguso ko (Magnum look!) at sumama ang loob. Sabi ko, nagmakahirap kami sa pagpunta rito tapos iisnabin lang kami ng basta ganoon na lang? ‘buti na lang at hindi sila ‘yun, dahil mayamaya, tumawag na ‘yung dapat ime-meet namin at sinabing paparating na sila, haaay….!

Okay naman ang pagkikita, panibago at nadagdagan na naman aking mga kaibigan, kwela silang pareho, nakakaaliw kasama. Okey din naman si Ago sa kanila. Hindi pa kami nakuntento sa pagkukuwentuhan namin habang kumakain ng hapunan – mga 2 oras yata ‘yun, nagyaya pa sa ibang lugar para ituloy ang kwentuhan. Balik kami ng Mandaluyong kasi may maganda raw d’un na coffee shop at malapit sa mga tinutuluyan o inuuwian namin. Natapos kami ng alas-2 ng umaga…eh ako, nahiya na akong manggising d’un sa kaibigan ko, kaya sa hotel na lang ako natulog, d’un lang sa mumurahin – okay din pala ang SOGO, hehehe! Mahal ang mga hotel sa Manila eh, ‘di tulad sa Davao, maraming mura o barato na disenteng hotel.

Photobucket - Video and Image Hosting
Mga bago kong kaibigan, si Doc Dodie at kaibigan nyang si Jun (Domingo tunay na pangalan nya, ‘tinatago pa sa palayaw eh!)


Kinabukasan, maaaga, punta ako sa opisina ni Jonas para kuhanin ang gamit ko, inabutan ko d’un si Laya (nyah, wala pala akong picture n’ya!) na kaopisina at kaibigan ni Jonas, at siyempre, hiniritan ako, kung saan daw ako nagpalipas ng gabi, sabi ko ng nakangiti, wala lang!

Pagdating kina Jonas, kwentuhan, tapos pahinga ng saglit at naligo, byahe naman pa-San Pablo, Laguna. Uuwi ako sa bahay para surpresahin ang pamilya at kaibigan ko na narito uli ako sa Luzon. Sa bus ako nakatulog, muntik ng mapalampas sa sarap ng pagkakatulog. Pagdating ng San Pablo, kina fafa Gerry muna, d’un ako inabot ng pananghalian. Tinawagan ko na rin ang isa pang Komikero na malapit para maka-gimik kahit saglit, si Raipo! Siyempre kwentuhan to the max, kaso saglit lang si Raipo, kasi teacher siya sa isang eskuwelahan na malapit kina Gerry, kaya limitado rin lang ang oras niya para sa amin. Pero nakakagulat, kasi sa unang pagkakataon, nakita ko si Raipo na nakapormal at mukhang kagalang-galang – eh mukhang totoy ‘yan ‘pag nasa mga gimik ng Komikero eh!

Photobucket - Video and Image Hosting
Great teacher Raipo,!


Tapos gumawa pa kami ng video blog ni Gerry – at ako ang bida! Whooooooo!

Komikero Video Blog #3


Hehehe, okay ka talaga fafa Gerry!


Saglit din lang ako kina Gerry dahil kulang na ako sa oras, uuwi pa ko sa amin at pagkatapos sa Los Baños naman, iba pang mga kaibigan. Limitado lang kasi ang oras ko eh, naka-book na ang susunod ko na flight ng sabado ring ‘yun at madaling araw pa alis – 5:00! So, sa ganoong oras ng flight, kailangang magcheck-in ng mga 1-2 oras bago ang flight kaya kailangan kong gumising nga napakaaga o hindi na lang matulog at hintayin ang oras.

Sa bahay, nakakatawa ang nangyari, abala lahat sa mga gawain ng ako ay dumating, ang unang nakakita sa akin eh ‘yung bayaw ko at sinabi sa aking nanay na, "oh, si boy!". Tayo kagad ang nanay ko sa pagkakaupo at dumiretso sa loob ng bahay para hagilapin ang telepono, akala niya tumatawag lang ako, kaya laking gulat n’ung makita na nakatayo ako sa harapang ng gate namin, hahaha, kwela! Ayun, kumustahan, at kailangan ko pang kumbinsihin ang nanay ko ng matagal na ilang oras lang akong magtatagal d’un at kailangan ko na ring umalis sa paghahanda sa Sabado. Tinawagan ko rin ‘yung opisina sa Greenbelt para matiyak na pwede ng kuhanin ‘yung unit naming kinabukasan sa umaga.

Nang matapos sa bahay, diretso sa Los Baños naman. Hindi ko pinagsabi na darating ako, kung sino na lang ang makita ko r’un na kaibigan, at isa pa, kailangan kong kausapin ang isa ko pang kaibigan d’un tungkol sa personal kong buhay, hindi kasi kami nagkaintindihan n’ung huling usap namin eh! Nagkataon, na parang hinihila ang paa ng mga kaibigan ko at nagkatagpo-tagpo pa rin kami kahit papaano. Usap ng bahagya muna hanggang sa dumating ‘yung dapat kong kausapin, at nagkaayos naman kami. Kulang na kulang talaga ang oras! Tapos, ‘yung mga kaibigan ko naman ang hinarap ko at gumimik ng kahit saglit, ang mahalaga, nakapagkwentuhan kami at nakapag-update sa isa’t-isa.

Photobucket - Video and Image Hosting
Si Ma’am Pam, kaibigan na kaibigan!

Photobucket - Video and Image Hosting
Si Lea E!...sa nakakaalam, ibang Lea ‘to, hehehe, kabarkada ko ‘to.

Photobucket - Video and Image Hosting
Si Ate Malou, Mamals kung tawagin namin, na parang big (ehem!) sister ko sa UPLB, marami kaming pinagsamahan nyan!


Nang matapos sa Los Baños, medyo ginabi na ako, dapat mga isang oras lang ang pagtigil ko d’un, naging tatlong oras, kaya pagdating sa Manila, gabing-gabi na at meron pa rin akong kausap na kaibigan, si Jac! Okey lang naman kasi,medyo gabi na rin siya umalis sa opisina nya. Nag-usap kami tungkol sa buhay-buhay, medyo seryoso, pero naging okay naman. Halos ala-una yata kami ng natapos. Punta sa pad ni Jonas at n’un pa lang nakapagpahinga.

Kinabukasan, pinuntahan ko na ‘yung unit na pinagawa. Pagdating d‘un sa opisina nila, ibang technician ang humarap sa akin, dahil nasa field daw ‘yung kausap ko. So, tinesting ‘yung unit, okay naman, tapos mayamaya, medyo naging kakaiba ang tunog, may mga lumalagitik sa loob ng unit. Palpak, lumabas ‘yung tunay na sakit. Sabi tuloy n’ung technician, mukha naman daw na hindi inayos ng mabuti, parang nilinis lang da. Hindi nya daw ipapadala sa akin kasi sira pa rin (duh, obviously!)…n’ung mga oras na ‘yun, gusto kong mainis na matuwa na ewan. Gusto ko ring magreklamo sa manager nila, kaso naisip ko, saka na lang, ‘pag ayos na talaga ‘yung unit, baka lalong hindi gawin, alam mo naman ang pinoy. Tapos, baka raw may palitan na piyesa, na karadagang bayad na naman. Tinanong ko kung magkano, sabi hindi raw lalampas ng 10,000 pesoses, ick, ang mahal, kulang ang dalang kong pera! Sa Lunes na lang daw kuhanin ang unit.

Nainis ako n’un, kasi, ang ayos-ayos ng usapan na okey na ‘yung unit, tapos hindi pa pala. Eh, naghahabol ako sa panahon kasi kailangan kong makauwi kaagad sa opisina namin, may general staff meeting kami at marami pang trabaho na kailanganag matapos. Isa pa, magpapare-schedule pa ko ng flight, eh ang haba parati ng pila d’un!

Natuwa naman ako, kasi, well, extended ang stay ko sa Luzon at pwede ko pang i-meet ‘yung iba ko pang mga kaibigan, hehehe.

So, nagkataon naman na ang isa ko pang kaibigan eh malapit lang, kasi may sakit. Nasa ospital siya na malapit sa Greenhills, kaya ‘di ko na pinalampas ang pagkakataon at pinuntahan ko na. Si Indihra, ang prinsesa ng mga Dimaporo, prinsesa ng Lanao!. Nakow, eh isa pa ito na halos magkadikit ang aming mga bituka, kaso sa pagkakataong ito, huwag muna, may sakit siya eh. Ayan, ang hilig kasing kumain sa kung saan-saan, nagkasakit tuloy sa atay. Pero okay na naman siya…kailangan pang maospital para lang matauhan, um, nakuha mo! Hehehe, pero, super bait ‘yun!

Photobucket - Video and Image Hosting
Indihra ganda! O sey, bongga ha!


Tapos, na-meet ko pa isang bagong kaibigan, si Joey/Zaldy, marami siyang palayaw eh. Kwela rin siyang kasama. D’un kami sa Greenhills nagtagpo. Matagal din kaming nag-usap, tapos may star sightings din kami, si Ronaldo Valdez! Gwapo nga siya sa personal pero maliit lang na tao. Kasama nya asawa niya at apo siguro. Mas maliit ‘yung asawa nya sa kanya pero maganda, kaya pala maliit din lang si Janno. Isa pa nakita ko ‘yung, ‘di ko alam ang pangalan, pero isang comedian na mataba na intsik, nakasalamin, maputi na may nunal sa mukha, malaking lalake, nasa "Sick o’clock News" siya noon eh…’di ko maalala pangalan. Well, gan’un pa rin itsura nya sa personal, malaki talaga siya!

Photobucket - Video and Image Hosting
Zaldy/Joey, June 19 ang birthday kaya ganyan ang palayaw…real name Rizaldy!


Tapos,gabi na rin kami natapos ni Joey, pumunta pa kami sa Makati, sa Glorietta, naggala tapos isa pang artista, si Nancy Castilloney (spelling?), well maganda talaga siya , pero may laman, okey ang pangangatawan, ‘di tulad sa tv na ang payat-payat. Ika nga eh, iba’t-iba talaga ang telegenecity sa bawat tao. D’un na rin ako naghanap ng masasakyan pauwi, kaso ang hirap makahanap ng taxi, ang tagal bago ako nakasakay! Pagdating kila Jonas, usap, kwento, nakakahiya nga eh, ginising ko pa, pero saglit din lang kasi umalis pa rin ako kasi sa iba pa ‘ko nakitulog n’un.

Kinabukasan, gising ng maaga, kumakanta sa isipan ko ‘yung kanta ng eraserheads na "Maling akala - asan nga ba ako/kaninong kwarto ‘to?/Ilang ulit na bang/nagigising sa ibang kwarto". Byahe, at balik kila Jonas, pahinga, paligo, at dahil postponed na ang aking flight, umuwi ako San Pablo. D’un na lang ako magpapalipas ng lingo, magpahinga at saka, medyo sumasama na naman ang pakiramdam ko n’un. Natiis ko na hindi uminom ng alak sa mga gabing nagdaan, dahil umiinom pa ako ng mga gamot – mawawala ang bisa n’un sa alak, sayang din ‘yun at ang mamahal pa man din. Pagdating sa bahay, plasta ang katawan sa kama, tulog maghapon. Medyo nabinat ako, pero nakakakain naman ako, ‘di tulad n’ung nakaraan kong sakit. Tapos sabi ng nanay ko, may magaling daw siya na doctor na kilala, ipapa-check up nya daw ako d’un. Nagpa-check-up nga, at okay naman, magaling ‘yung doctor. Niresetahan nya ako ng mga mumurahin at simple lang na gamot, nagtaka pa nga siya d’un sa mga dati kong iniinom, ‘di ko naman daw kailangan yung mga ‘yun. So, ay’un, sa bahay lang ako nagpahinga ng matagal-tagal at sa paglagi ko d’un, doon ko naisip na parang gusto ko na uling bumalik dito sa Luzon, pero….

Tinawagan ko uli ‘yung sa opisina n’ung id maker, okay na raw (na naman), wala naman raw pinalitan…kaso naubos na pera ko sa mga lakad ko – ang lakas kasing gumasta eh!. (Pero okay lang, enjoy naman eh, minsan lang naman eh). So, tumawag ako sa opisina namin para sa karagdagang pera, sa pamasahe at pag-rebook ng ticket sa eroplano. ‘yun naman ang poproblemahin ko, kuhanin ang unit at ticket sa eroplano.

Sa opisina, masamang balita, nagkaroon daw ng flash flood sa lugar namin. Apat na oras daw na walang humpay ang malakas na ulan, parang may bagyo. Para daw may buhawi, parang may naligaw na bagyo. Wala naman bagyo sa Mindanao eh, kaya sa unang pagkakataon talaga ito. Maraming bahay, kalsada at tulay ang nasira, maraming namatay sa ibang lugar at marami din ang landslide, pero mabuti na lang, wala sa mga kasamahan ko ang napahamak. ‘yun nga lang daw, ang magagandang lugar sa amin, ang hot spring at falls, nasira…nangyari daw ang lahat ng kinabukasan ng gabi ng umalis ako d’un (Miyerkules). Bigla na lang daw ang mga pangyayari at talagang unang pagkakataon sa napakahabang panahon.

Sa balitang, ‘yun, gustong-gusto ko na ring makauwi at tingnan ang nangyari, kaso, may inaayos pa ako. Naghintay ako ng pera na dumating saka ako lumuwas ng Manila. Nakuha ang unit, iba na namang technician ang humarap sa akin, mukhang napahiya na ‘yung una, naroon naman siya pero wala yatang bayag humarap sa akin. Nang matapos ang mga usapan, uwi na ako kila Jonas. Nag-MRT ako naranasan kung paano maging sardinas.

Pagdating sa opisina ni Jonas, iniwan ko ang unit. Nagkataon na may bisita siya, tapos ang nakakatawa, ‘yung bisita na ‘yung nanguna sa pagpakilala sa akin, sabi nya, "you are Mr. Johnny Danganan, the inspiration for Johnny Balbona, hi, i’m ________ (pasensiya na, Jonas, nalimutan ko pangalan nya )!". Icks, sikat na akoh! Ako? Sikat? Bakit? Aaaaahhh, gawa kasi ni fafa Gerry, marami na siyang video kasi na ginawa tungkol sa akin (kapal ha, feeling!) at ina-upload nya sa internet kaya ay’un, medyo sikat na nga ako (talaga lang ha?), hehehe.

Alis din kaagad at pumunta sa ticketing office. Mabuti naman at kakaunti na ang mga tao, kaya medyo mabilis lang. Ang nakuha kong flight eh katulad ng dati, alas-5:00 ng umaga, ‘kapag hindi gan’un oras eh malaking halaga na idadagdag ko, malalagot ako sa opisin ‘pag gan’un. N’ung okay na, uwi na uli ako sa San Pablo, para ayusin ang ibang gamit. Kinabukasan, maaga rin akong umalis, makapag-bonding muna kay Jonas, halos maliliit lang na sandali kami nagkikita at nag-uusap eh! Tapos, nagpaalam na, medyo matagal na pagpapalamanan naming, tinatanong kung kailan ako babalik…hindi ko masagot, kasi pagkakataon lang talaga ang pagkakauwi ko.

Pumunta na muna ako ng Malate, nagcheck-in paghahanda para sa madaling araw na byahe. Mabuti na lang nag-volunteer si Joey/Zaldy na samahan ako, kaya may kasama ako sa pagpapalipas ng oras at paglibot uli sa Malate…at sa pagkakatong ito, nakita namin ‘yung hinahanap ko na tindahan. Nagtanong kami sa mga gwardiya, alam naman nila…nagkataon, may isa pa pa lang tindahan na katulad nito, uy, mabenta!

Tapos, palipas lang ng oras, gala, kain sa labas, kasi sa gabi, nagkasundo uli kami magkikita nina doc, kaso napurnada kasi nagkaroon siya ng emergency, kaya ay’un, kung wala si Joey/Zaldy, siguradong malungkot na naman ang pag-alis ko tulad ng dati. Tapos, ‘yun, naghiwalay kami na okey na okey, para makapagpahinga na ako at makapaghanda sa flight.

Sa airport, ay’un, marami na uling tao, sabik na sabik lahat na makauwi na ng Davao. Okey naman ang flight, hindi masyadong maalog. Maaga akong nakarating sa Davao na medyo mimikat-mikat pa. Hihintayin ko pang magbukas ‘yung isang opisina na pupuntahan ko, mga 3 oras pa, kaya nag-check-in na muna ako sa isang short time na hotel na malapit d’un. Nakakatawa nga eh, sabi n’ung attendant, ubos na raw malinis nilang towel nila (maraming nag-short time!), sabi ko okey lang, matutulog lang ako, katukin lang ako kung labis na ako sa oras. Ay’un, nakatulog ako, walang pakialam kung may mga halinghing sa mga katabing kwarto (ang aga naman n’un!). Nakuha ko rin at nakauwi ako sa amin.

Pagdating sa opisina, nakakagulat nga ang tanawin. Ang laking pagbabago sa paligid. Lumawak ang ilog, nalinis at ang daming malalaking bato. As in, nagbago talaga ang landscape o itsura ng lugar. Siyempre, kuha na kaagad ng mga litrato. Nagkataon naman na may dumating kaming mga bisitang dayuhan at dinal namin sa kung ano pa man ang natira sa may falls at hotspring. Nagbago ang paligid. Ang falls, bumaba, napuno ng bato ang dating parang pool nito. Puwede na ngang mahipo/mahawakan (?) ang bumabagsak at rumaragasang tubig, ‘di tulad ng dati na takot na takot kaming lumapit dito. Kuha ako ng kuha ng litrato para sa dokumentasyon ng opisina namin. Pero sa totoo lang, nakakapanibago lang ang nangyari pero, maganda pa rin naman ‘yung lugar. Parang nag-redesign lang ang kalikasan. Mas maraming maliliit na batya-batyang lugar na may malakas na agos na ligtas pagpaliguan, parang mga jacuzzi!

Photobucket - Video and Image Hosting
Kasama officemate ko, si kumareng Ronnie!

Photobucket - Video and Image Hosting
O, ayan, maliit na lang 'yung falls!

Photobucket - Video and Image Hosting
Habang kumukuha ng mga litrato para sa dokumentasyon!

Photobucket - Video and Image Hosting
Kasama ang mga bisita namin.


Pagkatapos n’un, kumustahan uli, pahinga sa opisina at balik na naman sa trabaho. Nadagdagan pa nga trabaho ko dahil pinaglilibot ako sa mga area na hawak namin. Kinukuhanan ng litrato ang mga farm. Mas okey, mahilig akong maglamyerda eh, marami na naman akong mapupuntahang lugar, RAMPAH GALORE!

Tapos, medyo may malungkot din, sumakit na naman tenga ko, kaya kailangan kong ipa-check up sa doctor. Kailangan kong alagaan tenga ko, dahil kapag nasira ang eardrum ko, tapos ang maliligayang araw ko, hindi na ako makapaglangoy, snorkeling o scuba diving. Bigla siyang sumakit, tapos pakiramdam ko parang may nakaharang. Sabi ng doctor, paga daw eardrum ko na parang may bukol, tapos tiningnan kung may sipon ako, meron nga. Tapos tinanong kung pumunta ako sa mataas na lugar o nagbyahe sa eroplano. Sabi ko oo, nagbyahe ako at ang tinutuluyan ko eh nasa mataas na lugar. Sapul! So, ang nangyari daw eh may sipon ako, tapos sumakay ng eroplano, mataas na attitude, mataas na pressure, kaya ang mga mucus, pumunta sa parteng tenga ko. Kaya ang ginawa nya eh, imagine-nin nyo na lang kung gaano kasakit…siyempre nilinis nya muna tenga ko, tapos, gumawa siya ng maliit na butas (prick) sa eardrum ko at gamit ang isang maliit na parang vacuum hose, sinipsip ang mucus…gaaahhk, halos himatayin ako sa sakit! Tapos niresetahan ako ng gamot…na naman…gamot na naman, ick! Bawal daw akong mag-swimming muna, mga 1 buwan daw, hangga’t hindi pa magaling na magaling tenga ko… sawi!

Hindi pa natapos ang pakikipagsapalaran ko, pero masaya naman, kasi mga ilang araw lang Kadayawan naman sa Davao. Hindi na ako nakakuha ng mga litrato d’un kasi, abala ako sa ibang gawain eh, hehehe…ibang gawain! Masaya pa rin naman ang Kadayawan, ang daming tao!


So ngayon, ‘eto ako, naglalabindalawang-isip na ako sa buhay, ko…ang daming posibilidad, ang daming mga plano. Luzon o Mindanao? Naguguluhan pa rin ako.

Friday, July 21, 2006

Nagkasakit ako….

Medyo kakaiba ang naging karanasan ko nitong mga nagdaang araw…kakaiba, kasi na-confine ako sa hospital! Matagal-tagal rin ang taong nakalipas ng huli akong na-confine sa hospital…ang huli yata eh, n’ung high school o college ako, sa tagal na ultimo ako hindi na sigurado kung kailan!

Bale, nilagnat ako ng Lunes, tapos akala ko, simple lang ‘yun at gagaling kaagad ako sa madaling panahon. May mga anthroposophical/homeopathic medicine (alternative medicine) naman, kaya hindi ako nangamba – kaso, 3 araw na, ayaw humupa ng lagnat ko! Nagpadala ako sa isang alternative hospital, at doon, sa unang pagkakataon eh sinaksakan ako ng marami, maliliit at mahahabang karayom sa iba’t-ibang part eng katawan (acupuncture). Hindi naman ako takot sa karayom, kaso, iba ‘yun eh, kaya medyo takot ako habang sinasaksakan! Sabi n’ung nag-asikaso sa akin, kung hindi bababa ang lagnat ko, dumiretso daw ako sa conventional clinic, magpatingin ng dugo at baka raw dengue ang sakit ko! Gan’un pala ang pakiramdam kapag inacupuncture ka, sa takot ko na baka lumalim pa ang pagkakabaon ng mga karayom eh hindi ka gagalaw, pero h1ndi ka mangangawit! May mga parte na parang wala kang pakiramdam, meron naman na maling galaw mo eh, para kang pupulikatin!

Mabuti na lang, pagkatapos ng aming session, bumaba ang lagnat ko at medyo nagkaroon ako ng lakas, kaya balik na uli ako sa amin. Tapos, nagpa-turniquet test ako para sa dengue, negataive naman! Kaso nung gabi, nilagnat na naman ako…tapos medyo masakit na ‘yung lalamunan ko at nahihirapan na akong lumulon maski laway ko!

Kinabukasan, nagpadala na ako sa conventional doctor, at duon lumabas ang sakit ko, fungal infection sa lalamunan. Puro singaw daw ang lalamunan ko kaya ako nilalagnat. Humina o bumaba ang resistensya ko at inatake ng fungus ang lalamunan ko.

Teka, ano bang pinaggagawa ko at humina ang resistensya ko? Aws, oo nga pala, halos isang buwan akong kulang sa tulog! ‘yung pag-uwi ko diyan sa Luzon ng 2 linggo, tapos mga activity (gimik) dito sa Mindanao, ay’un, bagsak ang katawan ko!

Niresetahan ako ng doctor ng maraming antibiotics at gusto akong ipa-confine sa hospital. Nakiusap ako na huwag na lang i-confine at medyo kaya pa ng katawan ko…no choice tuloy ako na uminom ng mga antibiotics, ungh!

Pagdating uli sa ‘min, pahinga tapos, medyo ramdam ko eh humihina pa lalo ang katawan ko, pahirapan sa pag-inom ng gamot, tapos ang hirap pang kumain, puro sabaw lang ang kaya kong kainin. Kinabukasan, balik uli sa acupuncture session, at du’n pinag-usapan kung ano ang iba pang gamot na pwede para sa akin (para makaiwas sa antibiotics), kaso kailangan lahat lunukin at medyo matagal ang paggaling. Medyo mahirap na desisyon pero sa tingin ko eh, nararapat na akong magpa-admit sa hospital kasi medyo lumalala na ang mga nararamdaman ko.

Pagdating sa hospital, check-up ng doctor (na medyo suplado, ‘di naman siya guwapo), sinaksakan ako ng dextrose at mga antibiotics, at isinailalim ako sa iba’t-ibang test tulad ng blood test (ayaw ko talaga ng kukuhanan ng dugo sa dulo ng daliri – mahapdi!), urine test, allergy test (bwisit, wala akong ideya na gan’un pala kasakit ‘yun!) at maski nga sa puso (ECG), isinama na rin kasi medyo, sumusikip parati ang dibdib ko ‘pag lumululon at sa paghinga lalo na sa gabi.

Sa mga pagsusuring ginawa, lumabas na nagkaroon daw ako ng slight pneumonia at urinary tract infection (may mga dugo raw sa ihi ko), dulot daw ng komplikasyon sa karamdaman ko.

Naka-10 dextrose at 8 heringilya (syringe) ng antibiotics ako sa 4 na araw kong pagtigil sa hospital. Naranasan ko ang magnebulizer na nakakaliyo pala ang kumakapit sa balat na amoy ng gamot (hormones) at naging parang manika ng mangkukulam sa dami ng butas sa magkabilang braso dahil sa maling pagtusok ng karayom ‘pag maglalagay ng dextrose, ‘di mahanap ang ugat eh! Kapag namaga na ‘yung ugat ko at kailangan ng humanap ng iba, siyet, masakit na, pumipikt na lang ako, pinagpraktisan ako ng mga nurse d’un, ang bibigat ng kamay!

Photobucket - Video and Image Hosting
Maysakit na nga, nakangiti pa...


Photobucket - Video and Image Hosting
Ick, eto pala 'yung nebulizer!


Ngayon, nakalabas na ‘ko, at bulsa ko naman ang duguan, MAHAL NGA ANG MAGKASAKIT!! Pakunswelo na lang, medyo natanggal ang taba ko sa tiyan, at siguro, ime-maintain ko na ang ganitong laki, para daw medyo sexy! Tsk, tsk, medyo matatagalan na uli ako bago makagimik nito!

Bad trip pa, nakisabay pa ‘yung cell phone ko, bigla na lang nasira! Ayan, hanap pa tuloy ako ng gagawa, kakainis!


P.S.

Salamat nga pala sa mga officemate ko na nag-aruga at nagbantay sa akin...as in grabeh, SALAMAT PO TALAGA!!!




Wednesday, July 05, 2006

Ang bagong ako!!

Heps, medyo napatagal nga uli bago ako nakasulat ngayon, at kailangan na dahil maraming pagbabago na nangyari sa buhay ko nitong mga nagdaang araw at gusto kong ibahagi sa mga kaibigan, kakilala, naliligaw o napapadaan na magbasa sa blog na ito. Maraming masaya…mayroon din naming malungkot na mga pangyayari…pero ang mahalaga ngayon, magaan na ang pakiramdam ko, wala na akong dapat ikatakot at malayang-malaya na ako!

Huling linggo ng Mayo, dumating ang kaibigan ko mula sa Los Baños, dati ko siyang kasamahan sa trabaho, si Ate Lucille. Masarap talaga ang pakiramadam kapag may kaibigan kang bumibisita sa iyo, kaya kapag may nag-text o nagsabing may mapapagawi o mapapadaan sa Davao, ‘di ako papayag na hindi kami magkita kahit saglit, maski malayo, talagang pupuntahan ko ‘yan!

Ang nakakainis lang, sa sobrang pagmamadali ko, may dala akong camera kaso naiwan ko naman ang memory card, kaya balewala rin! Kaya ayun, ‘di ko siya nakuhanan ng litrato, pero naka-gimik naman kami kahit simple lang, usap dito, usap doon, kumustahan, balitaan. Sayang nga lang at hindi siya marunong uminom ng alak o kahit beer man lang, kaya nagkasundo na lang kami na mag-usap habang umiinom ng malamig na kape (uhmmn, ‘di ba dapat mainit na kape? Iba na kasi ngayon eh!), halos tatlong oras yata kaming nag-usap. Labasan ng sama ng loob, ang hirit ko nga eh, ang layo naman ng usapan namin, dayo pa hanggang Mindanao! Tsaka nga pala, taga-Davao siya, at doon lang siya sa Los Baños nagtatrabaho, sabi niya, matapos lang daw ang anak nya sa pag-aaral, gusto na nyang bumalik sa Davao, masarap kasing mabuhay sa Davao eh! Taga-Davao nga siya, ‘di naman marunong uminom, eh ang daming magagandang lugar dito sa Davao para mag-inom, sa totoo lang, dito lang akong natutong mag-inom, nainggit kasi sa mga kaibigan kapag nagba-bar hopping!

Pagkatapos n’un, nagpaalam na kami sa isa’t-isa, sabi ko mga ilang linggo lang, ako naman ang pupunta sa Luzon, kasi nakakuha ako ng imbitasyon sa isang training seminar na gaganapin d’un kaya mapapagawi uli ako sa lugar niya. Ayun, balik na uli ako sa lugar namin sa bundok, sa Makilala at naghanda para sa pagkakataong paglipad muli.

Makalipas ang ilang lingo ng paghahanda at pagpaplano kung saan at sino ang mga pupuntahan, natuloy din ako. Pero bago iyon, medyo iba pala muna…nitong mga nagdaang araw o linggo e medyo nalulong ako sa FRIENDSTER, kaya nagbalak ako na kung mapapagawi ako sa Luzon eh balak ko silang lahat makita at higit na makilala ng personal, kaya ayun, kasama rin ‘yun sa plano, hehehe!

…at isa pa, ang pinakamahalagang pakay ko sa Luzon, eh para sabihan ang mga kaibigan ko kung ano ako…ibig sabihin, maglaladlad na ako ng kapah!

At natuloy nga ako. Ang kagandahan pa nito, nagkataon na TOYCON sa Megamall at ‘buti na lang mayroong pwestong kinuha ang mga kaibigan ko, kaya may lugar kaming tambayan sa loob. Pagkagaling sa airport diretso kaagad sa ToyCon at duon, nakita ko uli ang mga KOMIKERO! Siyempre masaya, maski ang layo ng nilakbay ko habang hila-hila ang 23 kilong maleta, tapos pagdating mo pa eh sobra kahaba ang pila, at ayaw ng magpapasok ang management, punong-puno na raw sa loob! Mabuti na lang nadiskartehan namin ng mga kaibigan ko kung paano makapasok ng mabilis. Sa loob, chicka-chicka, kumustahan at siyempre naglibot at pagkakataog makakita ng sandamakmak (daghan kaayo) at murang (barato kaayo) mga komiks at laruan – ‘yun kasi ang tigang dito sa Mindanao eh! Medyo, naparami rin ang nabili ko, pero piling-pili pa iyon, ang dami pang gusto kong bilhin, kaso kulang na datung ko, sa susunod na uli!

Pagkatapos, ayaw ko pang umuwi kasi masaya pa eh, at saka babalik din naman ako kinabukasan, ‘buti na lang nag-unlak ‘yung isa kong kaibigan (si Jonas) na sa kanila na lang ako tumuloy, kaya ayun, hindi ako makahindi, hehehe!

...nagkausap kami ng seryoso, kasi may problema din siya tapos ako, ay’un siya yata ang una kong sinabihan na kaibigan ko dito sa Luzon kung ano ako, medyo nakakatawa pa nga ang pangyayari eh..

“Jonas, I want to tell you something, huwag ka sanang matatakot sa ‘kin.”

“Why Johnny, are you seeing weird in this unit? Please don’t, I like this unit!”

“Hindi, wala akong nakikita, it’s just that I want to say to you that I’m gay…”

“Ha, thank God, akala ko pa naman you’re gonna tell me that you’re feeling something and seeing something in this unit, ang hirap humanap ng magandang unit ha! I’m beginning to like it here!”

“No, Jonas, I’m gay”

“Oh, ‘yun lang pala eh, so?”

“So?”

“So, Johnny, it’s like, you saying you’re gay, is the same thing as saying you’re tall!”

“Oh okay, thanks Jonas!”

Hehehe, medyo gan’un ang nangyari, nakakatawa nga eh! Pero marami pa rin kaming pinag-usapan na iba….

Kinabukasan, iba naman ng set ng a kaibigan ang kinausap ko, sa pagkikita pa lang namin, nagdesisyon talaga ako na sasabihin ko sa kanila, at iisa pa rin ang naging reakyon nila, “SO?”!

Sa totoo lang ako pa ‘yung nagugulat, kasi akala ko o natatakot ako na baka itakwil nila ako o mag-iba na ‘yung pagtingin nila sa kin, at mawala na ‘yung pagkakaibigan namin, hindi pala, kabaligtaran pa nga ang mga nangyari at lalo pang lumalim ang pagkakaibigan namin at biglang nag-iba ang takbo ng buhay ko! Hindi na ako takot ngayon at mas MALAYA na ‘ko, at ang SARAP ng pakiramdam!!

Umuwi na ako sa bahay, kaso ‘di ko masabi sa bahay eh, parang ‘di yata matatanggap ng nanay ko na ang kanyang unico hijo eh hija din pala…siguro hindi pa tama ang panahon, pero balak ko na ring sabihin sa kanya, hindi pa lang talaga panahon…, ewan ko lang sa mga kapatid kong babae…pero nagpahaging na ako eh, sabi ko ayaw kong magkaanak, na hindi sila magkakapamangkin o apo ang nanay sa akin, sawa kasi ako sa bata eh, ang daming bata sa bahay….

Pagdating sa seminar, gusto ng organizer na stay-in ako sa lugar, kaso nakiusap ako, malapit lang naman (isang sakay lang) ako sa amin, kaya sabi ko mag-uwian na lang ako sa amin, para naman medyo matagal-tagal ang pagsasama ng aking pamilya, pumayag naman sila. Tapos ayun, sa seminar, ang nakakatawa pa nito, guest speaker eh ang dati kong employer na dayuhang babae (Swiss), ‘di naman kaila sa mga kaibigan ko kung gaano ang galit at suklam ko sa kanya, n’ung naghiwalay kami ng hindi maganda (sa trabaho ha!). Pero, sa loob yata ng mahabang panahon, isa’t kalahating taon (mahaba na ba ‘yun?), sa pag-iisa at pagninilay-nilay dito sa Mindanao, medyo napatawad ko na siya, maayos na ang pakiramdam ko n’ung nagkita kami, kalmado na ako, medyo kabado lang ng konti (konti talaga!). Sa totoo lang, siya pa ang nagulat na husto, at medyo sa tingin ko eh plastic o peke ang pagngiti, pero problema niya na ‘yun. Binati ko lang siya ng maayos, at gusto pang makipagbeso-beso, ayoko nga! Kaibigan ko lang ang binebeso-beso ko noh!

Sa seminar naman, okay lang naman, pagbabahagi ng mga bagong pag-aaral, pero ang highlight d’un, maaga kaming natatapos sa hapon, kaya nakakatakas ako papuntang UPLB, hehehe! Inisa-isa ko d’un ‘yung mga kaibigan ko, at sinabihan, okay pa rin ang reaksyon nila…para kasing sa ginawa kong ito, dito ko nalaman kung sino talaga ang tunay kong mga kaibigan!

Tapos, nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ng personal ‘yung mga nasa friendster, okay naman, bagong set ng mga kaibigan, bagong mundo! Kalimitan eh, parang mga “BIG SISTER” ang dating, hahaha, malalaki sila eh! Sa kanila ko naitatanong ko ‘yung mga bagay-bagay na gusto kong malaman sa bagong mundo ko…’yung iba naman, nang-iindyan o katawan ko lang ang gusto, hehehe!

Isa sa bago kong kaibigan ngayon eh, si Ago, kamukha nya si Dinky Doo – okay siya, ang gaan ng loob ko sa kanya, para talagang kapatid ang turing ko sa kanya! Natutuwa ako at nakilala ko siya!

Photobucket - Video and Image Hosting
Si Ago, superbait 'yan!


Bago ako umalis, talagang panghuli kong sinabihan ‘yung kaibigan ko na si fafa Gerry at ate Ilyn… takot pa ng ako eh, ‘kala ko baka ‘di nila ako matanggap, tapos ang sagot din nila eh “SO?”. Ay’un, ako na naman ang nagulat, hehehe…mahal ko talaga mga kaibigan ko!!!

Tapos, ito na ’yung medyo malungkot na bahagi…may nakilala ako na medyo nabighani at napaibig ako talaga ng husto, ibang-iba kasi ang expectations ko sa kanya…naging okay ang aming unang pagkikita, masaya, malambing at makulit sa isa’t-isa, kaso n’ung naghiwalay na kami at nagkasundong magkikita uli, naging iba na… halos mapraning ako n’un kakaisip kung bakit, kung ano ang dahilan, may nagawa o nasabi ba ako na ikinagalit o ano man…wala. Ewan, gusto ko lang malaman niya na seryoso ako sa mga binitawan kong salita. Na kaya kong isakripisyo kahit ano para sa kanya! Nasaktan ako ng lubos sa ginawa nya, parang bigla na lang ako binalewala…ang baba ng tingin ko sa sarili ko, ‘ni hindi ko alam ang dahilan kung bakit nya ginawa ‘yun, basta na lang nang-iwan sa ere…masakit…siyet, gan’un pala ang ma-in love! Kaya nga n’ung pauwi na ‘ko dito sa Mindanao, sabi ko, dito na lang talaga ako, ayaw ko na diyan sa Luzon….

Pauwi, ang flight ko eh 5:00 ng madaling araw, kaya kailangan kong mag-check in ng 2 oras bago sa takdang flight ko. Eh sa Malate ako naka-check in na hotel, pagdating ko d’un, naroon ‘yung isa sa dati kong mga boss. Mabuti na lang, eh game at open ‘yun, may nakasama at nakausap ako tuloy ako sa paggimik. Nilibot na lang namin ang Malate at ng nakahanap ng okay na bar, d’un uminom. Natapos kami ng 1:00, tapos gala uli at saka siya bumalik sa hotel. Ako, ‘di na natulog, nagpalipas-oras sa paglakad sa Baywalk, nag-iisip, nagpapalipas ng sama ng loob….

Sa airport, ‘di ko akalain, maski ga’nun kaaga, marami pa lang tao. Sa flight ko nga, halos puno din ang eroplano, daming tao pauwi ng Davao. Malungkot ako sa buong flight, inisip ang mga pangyayari, pero medyo natuwa na rin, iba talaga ang pakiramdam ‘pag pauwi na.

Nakarating ako Davao ng 7:00, at nakasakay kaagad pauwi sa Makilala. Nakarating ako sa amin ng 10:00, pahinga at tulog ng kaunti, kasi 1:00, byahe uli! Outing ng office namin, balik uli kami sa Kisulad, ‘yung magandang beach! Mga 2 oras na byahe, pero pagdating d’un, sulit, tanggal na kaagad ang pagod. Ako ang unang naligo sa dagat, sabik na sabik eh, ang tagal na walang swimming! Tapos n’ung medyo nakapagpahinga na, hinarap na ako ng bosing ko, nagtanong ng nangyari sa Luzon. Alam nya na many nangyari dahil bakas daw nya ang kalungkutan sa mukha ko…sinabi ko na, sabi ko sa sarili ko, napapanahon na para sabihin ko ang totoo…at ayun ako na naman ang nagulat, okay lang sa kanila! Sabi nila, hindi naman daw issue ‘yun eh, nagustuhan nila ako sa pagiging ako at walang magbabago kung ano man daw ako…tanong nga nila (pati na rin ng iba kong kaibigan) na ngayong nagladlad na raw ako, magkikilos ba, magdadamit o mag-iitsurang babae ‘tulad ng iba? Sabi ko hindi ah, inamin ko lang kung ano ako, pero gan’un pa rin ang itsura o pagkilos ko.

Sa mga binitiwan nilang magagandang salita, halos natakpan n’un ‘yung sakit na naramdaman ko, naging masaya na uli ako. Kahit na masakit tanggapin na wala na, nakakapanghinayang pa rin…sana lang magkausap kami ng matino at seryoso…naging parang leksyon na rin sa akin ‘yun…masyado kasi kaagad akong bigay eh, bago pa lang naman ako sa mundong ito. Ayun, nagpakasaya na lang ako sa dagat, sa tubig….

Photobucket - Video and Image Hosting
Oh, mukha bang malungkot 'yan?


Pagkatapos n’un, uwi na kami, bale Huwebes ng hapon kami dumating d’un tapos Biernes ng hapon kami umuwi. Pagkagabi, nilagnat ako sa sobrang pagod, pero naka-schedule pa ko na lumuwas ng davao uli kinabukasan…

Sabado ng umaga, maski may lagnat, kailangan kong pumunta ng Davao, para makausap ang mga kaibigan ko d’un. Check-in lang ako sa hotel para magpahinga at antay kung kalian pwede na ‘yung kaibigan ko. Siyempre, hanap muna ako ng pagkakataon na sabihin, hindi basta-basta, mahirap na…

Nanood muna kami ng sine, eksakto, “SUPERMAN RETURNS”, ‘haba ng nakapila, tapos nasa pinakaunahan pa kami ng sine kaya ang laki-laki! Inokray nga namin bawat eksena, baka naasar na’yung mga katabi naming, kaya n’ung natapos ang sine, ugh, pareho kaming nakasimangot, para sa amin---blech, PANGET!

N’ung naglakad na kami, saka ko sinabi sa kanya ng pabiro kung ano ako. Sabi niya, ay, teka, hanap tayo ng upuan, gusto ko seryoso at matinong usapan. Sabi niya, para daw siyang si Keana Reeves, at malaki ang boobs nya kasi mag-aala-Rustom daw ako. Ay’un, sinabi ko sa kanya, at okay lang sa kanya. Matagal na rin daw niyang gustong itanong sa 'kin, kaso nahihiya lang daw siya, 'buti raw nagsabi ako. Usap kami tungkol sa buhay at posibleng mga mangyari o hinaharap, at sa puntong iyon, lalo pang lumalim ang pagkakaibigan namin. Sa mga ganitong pagkakataon na nasasabi ko na naging napakamapalad ko pala sa mga kaibigan ko....

Pagkatapos naming maghiwalay, 'yung isa namang kaibigan ko, si Jan-jan, ang hinarap ko. Sa totoo lang, siya 'yung unang sinabihan ko rito sa Davao, kasi halos magkadigkit na ang mga bituka namin at para talagang magkapatid kami. Nag-bar at disco na lang kami at habang sumasayaw, d'un ang kwentuhan. Sa totoo lang, nilalagnat pa ako, pero n'ung sumayaw, at yumugyog, pinawisan, nawala ang lagnat, hehehe! Tatlo kasi kami, kasama niya ang kaibigan niya na Malaysian na babae so, maraming nakatingin sa amin habang nagsasayaw at gustong makisama. Tanong ko nga kung sinong gusto nila sa aming tatlo eh, hahaha!


Tapos, ang nakakatawa pa, may half-Filipino, half-Australian na lapit ng lapit sa 'min, tapos 'di namin pinapansin, hanggang napag-tripan na rin naming pansinin, kinausap tapos, napagkamalan pa kaming mag-dyowa ng kaibigan ko. Sabi ko, hindi pwede, she's straight and i'm gay! Gulat siya, sabi niya he's commending me from being honest...tapos, 'di pa rin umalis...natipuhan yata ako, pasensiya na, 'di ko siya type, hahaha!

Alas tres kami natapos at umuwi, balik ako hotel, tulog, gising alas-nuebe, uwi, dating Makilala alas-tres, tulog, gising na kinabukasan...ako eto...okay na uli ;-)

P.S.
'di ko na isusulat kung bakit ako naging ganito, kung gusto nyong malaman, tanungin nyo na lang ako ng diretsahan!


Thursday, May 11, 2006

Na-OP akoh!!

Last week, a friend of mine from UPLB, Jhoana Lawas (Jolaw – oooops, she’s married na nga pala, don’t know her husband’s surname eh) visited me here in Mindanao. Apparently, her research won the best thesis in her batch who graduated this year, and she was required to present her thesis here in Davao – for her to redeem the accompanying cash prize. She was having second thoughts of coming here, because she just wanted to keep the cash prize and to use it for a better purpose (she has a family), but to her dismay, the organizer (a society of rich chemical companies) stated that she couldn’t claim her prize unless she go to Davao to present her thesis. The odd thing was, plane fare going to Davao was inclusive of the cash prize, so only a little was left for her to enjoy…huh? For a rich organizer, a plane fare is a meager amount for them and they included it in the cash prize? Worst, her accommodations were also not provided.

So, she contacted me to organize for a place where she could stay, so she could save some money and to have some gimik as well with other friends who reside here in Davao. I contacted my close friend in Davao, Janjan, and arranged for place where Jolaw could stay, as well as a meeting place for other friends for gimik. Unfortunately, the date for Jolaw’s stay here in Davao coincided with other activities of our friends to their respective offices, so Jan and I decided to just take turns in touring Jolaw in Davao. A week before, day by day, we communicated through text, to iron things up, instructions on how will we see each other, oh, it was her first time here in Davao as well.

The day came, and she bombarded me with texts like: she was in the airport and very excited…her flight leaves at …we have landed…we’re in the hotel now…first time for everything eh! We met the day after, and boy, I was surprised, “mukha siyang tao” (she looks decent)! She said she had to blend in with the organizers and participants who were mostly from the academe, private companies and some from the government (research institutes). Accompanying her was also a friend, who I haven’t seen for such along time, She used to be named as Cha Pangga, but she’s married now, uh-oh, I don’t know again her husband’s surname, icks…and oh, she’s changed too – and I am VERY, VERY HAPPY for her! Well, to both of them actually. Seeing them made me remember my college days, the CRAZY and well, SERIOUS things we did, hahaha! Anyways, good thing Cha was with her, because she’s one of the organizers (not the bitchy ones) and she took care of Jolaw’s accommodations, they were roommates in the hotel. One of the advantages of having friends, someone will take care of you in times of need.

Photobucket - Video and Image Hosting

We fondly call her JOLAW!

Photobucket - Video and Image Hosting

She’s Cha – and she’s soon to be a mom!

Photobucket - Video and Image Hosting

…when two become one….

Photobucket - Video and Image Hosting
…a girl to girl pose!

Photobucket - Video and Image Hosting

She’s claiming she gained a lot of weight na daw – its me who gained actually!

Photobucket - Video and Image Hosting

…and of course, moi!

So, I toured them in the city, souvenir shops, famous landmarks, bars – and we had so much fun in limited time. By dinner time, we had to go to “The Venue”, their organizer rented the place exclusively for them (participants), and they invited me to go there. As usual, with gatherings like that, food was plenty, but nothing for me…there were bananas, but courtesy of LAPANDAY, ick, no thanks! So instead, I settled for a cold glass of beer.

We socialized with the other participants, and saw acquaintances, former classmates and former teachers which made me very happy and helped me reminisce my time in UPLB. But, the crowd was different - well actually, I’m the one who was different. It was a gathering of what we call them, “chemical people”. People involved in chemical companies, the likes of BAYER, MONSANTO (not Gilbert!), SYNGENTA, which, by my profession and philosophies, are considered my enemies, or the other way around, I’m their enemy!

Photobucket - Video and Image Hosting
…with one of the enemies – no he’s my former blockmate in college!

Hehehe, it’s like I was a spy for a night! I was almost discovered when my former teacher asked me to where I am affiliated, for which I simply answered NGO, and immediately I retreated and dispersed in the crowd to avoid further interrogations. Non-government organizations (NGOs), to which I belong, are noted to be the opposite of what they’re advocating.

I was a spectator, and boy, I felt odd…I realized that I’m glad with my decision, to what path to follow with my line of work. I am very happy now with my work, I really can’t imagine now, what would make me work with them. Well, honestly, there came a time, when I almost decided to work with these chemical companies, I was a bum then, desperate to have any job, and good thing I met someone and offered me job with my line of work. It was like destiny wouldn’t allow me to change course with my life!

Photobucket - Video and Image Hosting

Me and the mouth of my dinner…the beer!

Photobucket - Video and Image Hosting

Pose for the camera....

Anyways, we just waited for the program to be finished, they announced that after that, a local band was hired to perform for them – for which after the program, most of them, if not all of the participants, flee back to their hotel…ick, KJs, old possums!

So, no crowd to mingle with, Jolaw and I decided to change venue (pardon the pun), Cha couldn’t accompany us because of her condition (she’s pregnant). We went to my favorite hangout, the place is called Rizal Promenade, where series of bars are located, and we looked for one where we could dance the night away.

Photobucket - Video and Image Hosting
Me, being a little bit tipsy….

We ended at 12am, still too early to party-goers or bar-hoppers standard – but my friend didn’t want to further disturb her roommates, so she insisted to go back to the hotel. We parted ways, and I know for sure, she really enjoyed her stay here in Davao with me…if only we had more time, a trip to the beaches should have been scheduled, but alas, no….so, I told her that by the next days/nights, Its was Jan-jan’s turn to entertain her.

Hey, to my friends, who wish to visit me here in Mindanao, this is an open invitation. I can play host and definitely you will enjoy cumming, I mean, coming here!

Saturday, April 29, 2006

I'm coming out!

Okay, this time,i have to write in English for others (read: new friends, mostly foreigners) requested this blog, or are interested to know what i'm thinking and to have a peek of my adventures. Well so far, its almost a month that i didn't update my blog, so i guess, i have no choice....

I'm in an internet cafe right now, after checking my e-mails and reading other blogs, i was inspired to update mine, so here goes...I had fun last night with my good friend and now having a...what the locals call it, "overhang", slept at 3am today and woke up by 9am.

Last time i saw my good friend was December, and yesterday, i texted her, that i'm in town and I want to go out with her. She replied yes, and said that she was organizing a farewell party for an officemate and she invited me to join them...which I did, free booze and food, how can I decline such offer? So we met, and she introduced me to her officemates as one of her boylets or flings, i didn't know if they bought that.

I only joined them for a time and later, decided to have a table of my own - but with all my orders charged to them, they insisted eh. So i was afraid that i may drink alone, but it turn out, my friend wanted to be with me than to her officemates, so she spent most of the times with me, she was my GRO, hahaha! We talked a lot, news about each other, whos is her current boyfriend, sex...until we talked about a topic on being sexually molested, we shared some views regarding it until, we found out that we both experienced such, GASP! My oh my! We talked about it, but not the details. We talked what we felt and feel right now...and good thing we did that, 'coz after that, it lightened our feelings/burdens. Now we are more friends than before, she is more like a sister to me, aaaaay sister!

After that, we went to another bar, where we could dance - we felt suddenly the urge to dance eh! We found a place to dance, jampacked with people, mostly good-looking men (yuppies) who were not dancing, just drinking their booze and talking. We danced and the funny thing was, she was seducing this guy to dance with her, she even asked him formally, but the guy declined...odd...and I joked to her, "snubbed and byuti ng lolah!" (her beauty was snubbed). Later in the night, when all had their too much drinks and were showing their true colors, we understood why the guy declined in the first place, it turned out, there were no real men after all, they were all "happy all the time"....ahahahahaha! No mocking here, we were just dumbstruck...they were all straight-looking eh, as in. My friend was very disappointed, as in...cue song here by Jeremiah, "Nanghihinayang......"! Hahahaha, we had such fun!

p.s.

Next time na lang revelations ko!
Related Posts with Thumbnails