Tuesday, June 29, 2010

The Philippine Graphic Design Awards

Uy, may bagong contest...kaya...

...sali na!

Photobucket
...paki-click na lang po ang poster para sa detalye.



Bookmark and Share

Monday, June 28, 2010

Kaye for Komiks

Si Arnold Arre naman...siya naman ang gumagawa ng mga indie film ngayon...at may free film showing, so, punta na!

Photobucket
Paki-click na lang po ang poster para sa detalye....

Bookmark and Share

Friday, June 25, 2010

...gusto kong mag-swimming...

Well, medyo huli na ito, pero ipo-post ko lang mga kuha o pictures namin n'ung nagkaroon ng oras (sa wakas!) ang mga Komikero na mag-swimming.

Totoo nga na sa mga gala o happening, kapag plinano ng maigi, ayaw matuloy, pero kapag basta-basta lang, natutuloy...well, game kasi naman ang lahat at SABIK na SABIK sa paglangoy.

Mas maganda sana kung sa beach ang happening, pero sa malapit na muna (sa palagay ko eh sa mga nalalapit na araw eh may part 2 ito at siguradong sa beach na nga hane...), kaya sa Villa Greogoria sa Nagcarlan, Laguna. Okay naman ang resort, maganda, malinis, maayos at higit sa lahat mura! 'yun nga lang, medyo may kalamigan...lalo na sa shower room, mapapahiyaw ka sa lamig ng tubig nila.

Photobucket

...group shot muna pagkarating...medyo nakakapagod ang byahe maski malapit lang...

Photobucket
...tapos, siyempre, kainan na!

Photobucket
...maski umiinom, gustong naka-pose pa (rampadorah talaga!)...

Photobucket
...ako at si fafah Gerry...ang lakih!

Photobucket
...si Kevin 'yung nasa likod...na medyo balot na balot...

Photobucket
...eto nga pala 'yung pool, medyo marami kaming naging kasabay n'ung panahon na 'yun, pero enjoy pa rin naman...kasi sa medyo malalim na parte, kakaunti lang ang mga tao...

Photobucket
...group shot uli habang namamahinga, second round na ito ng kainan...

Photobucket
...kasama ang Super Machong si Neil...

Photobucket
...well, focus pa...nagpakita na si Kevin...

Photobucket
...kain pa...

Photobucket
...at kain pa...

Photobucket
...close-up..oh, ha, marunong akomg magkamay!

Photobucket
...at ito pa, kasama sina Hazel at Geoff...

Well, naka-dalwang set lang yata kami ng paglusong sa pool, pagkatapos n'un, ayaw na...malamig nga kasi...pero super enjoy naman...can't wait para sa susunod!

...dito nga pala galing ang mga litrato, pakibisita na lang at marami pang iba....:D

Bookmark and Share

Wednesday, June 23, 2010

Tin-tin, 15

Mayroon nga palang libreng pagpapalabas ng Tin-tin, 15...

...maganda ito, gawa-gawa ni Direktor Lem Garcia...

..."Bad Guy" dito si fafah Gerry Alanguilan...

...at ehem, extra ako, hehehe...

Photobucket
Paki-click na lang po ang poster para sa detalye.

Bookmark and Share

Friday, June 18, 2010

Fully Booked Book Grab Contest

Hmmmnnnn, mukhang interesado ah!

Photobucket
...paki-click na lang ng poster para sa detalye....

Bookmark and Share

Wednesday, June 16, 2010

Cebu Comics Convention

Hey, hey, hey!

Comics Convention sa Cebu!

Excited na gyud ko!


Big Ape Design Studio and JONASDIEGO.COM in cooperation with Super Debil Robot Comics and Kawalo Concepts and Designs presents: The 1st Cebu Comic Book Convention happening on the 25th of September 2010, 10:00 AM to 7:00 PM at the Activity Center in Ayala, Cebu.



Check out the details here.


Bookmark and Share

Wednesday, June 09, 2010

Cats in Manila!

Gusto kong manood nito!!!!!!

Photobucket

...and for additional details, pwede nyong i-check dito (paki-click na lang po):

Photobucket


Bookmark and Share

Sunday, May 23, 2010

Shrek the Final Chapter

Napanood ko na!

Photobucket

Well, maganda, masyado nga lang maigsi...o masyado lang akong nag-enjoy talaga sa pelikula kaya parang mabilis?

Pero ang ganda, enjoy talaga! Tsaka, mas okay yata ang graphics at animation ngayon?

At Da Best talaga si PUSS!!!!

Photobucket

Hahaha, as in kakatawa talaga siya! Sulit ang bayad!

Kaso nga lang...'di mo talaga maiiwasan ang mga katabi sa sinehan na panira ng mood...kinukwento ang nangyayari sa pelikula! Ano 'yan, may kasamang bulag sa sinehan?

Bookmark and Share

Thursday, May 20, 2010

Ang Hari!

Alam ko may kanta ang bandang Ethnic Faces noon na "Ang Hari" ang pamagat, bagay siguro na soundtrack 'yun dito.

Isang nakakaaliw na gawa-gawa ni Andrew Villar, ang gumawa ng "Ambush" at "Grinder"!

Katulad ng sinasabi ko noon, BIHIRA akong magandahan sa mga indie komiks ngayon (masyadong suplado eh), at ito nga, isa ito sa pumasa sa panlasa ko, wehehehe....

Enjoy talaga, SALUDO ako sa 'yo ANDREW VILLAR!

Padayon!


Photobucket
... paki-click na lang po ang picture para mabisita ang website nila at mabasa ang buong kwento...at sana ma-print na ito, mas masarap pa ring basahin na hawak mo ang bawat pahina eh...tsaka, dapat UNCENSORED!



Bookmark and Share

Wednesday, May 19, 2010

Here comes the bride...

Here Comes the Bride nga!

Isa na namang kwelang pelikula na kasama si Ms. Eugene Domingo!

Kwela talaga, as in!

Ang kagandahan pa ng pelikulang ito, okay sa olrayt sa mga artistang gumanap. Talaga namang nag-complement at nagpatalbugan ang lahat - 'di pumayag na mapag-iwanan sa pag-arte!

Simple lang ang storya, pero, sa buong daloy ng pelikula eh nakangiti ako. Syempre, special pa rin talaga si Ms. Eugene Domingo, pero gaya ng amga nabanggit ko, OKAY ang ibang mga artista, tulad nina:

  • Tuesday Vargas - kwela at may utak pala siya ha;
  • Jaime Fabregas - well, given na 'yan na talagang magaling siya;
  • John "Sweet" Lapus - well, kwela ang kabaklaan nya rito, hindi naman nakakainis; at
  • Angelica Panganiban - ayos talaga siya ha, at grabeh ang ganda nya...noon ko pa naman siyang nagustuhan sa pelikulang "Santa Santita"!

So, okay panoorin, makakasiguro ka na sulit ang bayad!

Photobucket

Bookmark and Share

Friday, May 14, 2010

OUR LADY OF THE ABANDONED: The First Marian Fluvial Procesion

Iniimbitahan ko kayong lahat, kung sino mang makakabasa nito na interesado.

Kahapon kasi naimbitahan kami ng DOT sa isang press conference ng isang nalalapit nilang activity kasama ang ibang mga parokya at ito nga 'yun.

Naligaw pa ako papunta d'un, ang engot ko kasi, pero okay lang, pagdating ko naman hindi pa nagsisimula, nagkaroon pa ako ng panahon para makapagpahinga at sosyalan sa iba.

Chicka at kwentuhan ng nakaraan eleksyon - 'yun ang IN na topic eh!

Tapos, nagsimula na ang programa.

Sa simula pa lang, o pagpapakilanlan sa mga nagsidalo, ay okay naman ang nangyari - ang sarap namang pakinggan ang sinabi ng DOT o ang pagtingin nila sa mga blogger. Sana huwag masira o mabahiran ang respeto o pagtingin/relasyon na ito.

Naging maganda naman ang daloy ng diskusyon o presscon para sa nalalapit na activity. Nagpakilala ang mga kinatawan ng mga parokya galing sa Mandaluyong, Marikina at Sta. Ana, at nagbigay sila ng kaunting kwento ukol sa mga patron nila.

Sa Mandaluyong, basically, simple o payak na inilarawan nila ang kanilang Birhen.

Photobucket
Ang Mahal na Ina ng mga Inabandona ng Mandaluyong

Sa Marikina naman, binigyan nya ng tuon ang kwento sa likod ng Azucena na hawak ng Birhen nila (ginagamit na pamalo raw ng Mahal na Birhen sa mga taong hindi tumutulong sa mga abandonado.)

Photobucket
Ang Mahal na Ina ng mga Inabandona ng Marikina.

Sa Sta. Ana naman, medyo bongacious ang patron nila, magta-tatlong daan (300 years) na ang imahen nila at ang kakaiba rito ay siya lang ang imahe na may Camarin o parang dressing room, at gawa pa ito sa mga labi ng Galleon na nagdala nito sa Pilipinas.

Photobucket
Ang Mahal na Ina ng mga Inabandona ng Sta. Ana...

Photobucket
...at ang Camarin.

Nang matapos ang pag-uulat o pagsasalita ng mga bisita, binigyang diin din ang magiging daloy ng programa para sa nalalapit na piging o fiesta...sa Mayo 15 nga pala nila gagawin ito.

Sa diskusyon, hindi maiiwasan ang pag-uusap sa kasaysayan ng Pilipinas na nakakabit sa pagiging relihiyoso nating mga Filipino. Aliw naman, hindi nakakaantok ('di tulad ng diskusyon ng kasaysaya sa eskwelahan na talaga namang nakakantok).

Ang kagandahan pala sa fiestang ito ay ang balak nilang Fluvial Procession o ang pagparada ng mga santo sa Ilog Pasig - na naging maganda rin ang diskusyon dito. Muling binubuhay ang Ilog Pasig sa pagtutulungan ng iba't-ibang sektor ng lipunan, at ayon sa bisitang kasama mula saPasig River Ferry Service, maganda na raw ang hinaharap ng Ilog Pasig sa mga susunod na taon at magiging sentro na uli ng komersiyo ito tulad ng dati.

Nabanggit sa diskusyon ang pagre-rehabilitate ng Ilog Pasig, ang patuloy na dredging na ginagawa rito at pag-alis ng mga basura dito. Okay inaalis, pero saan tinatapon uli? 'yan ang tanong ko at ng iba pa...pero naitanong ko naman sa engineer d'un ng personal at ito ang naging sagot.
Italic
Itinatapon raw ang mga nakukuhang dumi o basura (toxic man o hindi) sa isang ginawang malaking container unit sa isang parte sa Manila Bay. Selyado at nakalubog sa tubig. Kapareho daw ito bg teknolohiya na ginagamit sa USA, kung saan ang Hudson Bay sa New York ay dine-dredge din at itinatapon naman ang mg anakukuha sa isang container unit na nasa may Liberty Island.

Okay. parang hindi ako nakumbinsi ah.

Anyways, balik tayo sa prusisyon...sana maging matagumpay ang activity nila, at masundan pa ang ganitong klaseng activity na nakaugat sa kultura natin.



Bookmark and Share

Book Signing!

Photobucket

Bookmark and Share

Thursday, May 13, 2010

"I am a working girl...."

Kailangan kong mai-post ito ditoh!

Para mabigyan ng hustisya ang pelikulang itoh, WORKING GIRLS 2010!

Photobucket

Nagtataka lang kasi ako, halos lahat ng kaibigan ko, sinasabihan ko na maganda ang pelikulang ito at dapat panoorin nila dahil kwela, aliw talaga!

Lalo na kung fan ka ni
Ms. EUGENE DOMINGO, ahay! (Nakilala ko siya sa pelikulang "Tanging Ina", sidekick siya ni Ms. Ai-Ai Delas Alas dito, at tumatak na talaga siya sa akin d'un - galing kasi eh! Sa isip ko nga siya ang perfect na Didi ng Zsazsa Zaturnnah eh, kaso nga lang tunay siyang babae - pero adaptation naman sa movie eh, so, pwedeng baguhin ang kaunting elements, para lang mag-fit siya, charing!)

Balik tayo sa pag-anyaya...kaso nga naman, kapag yayain na ng mga kaibigan ko ang mga kasama o date nila para manood nito, iisa ang mga sagot - AYAW!

Gan'un?

Masyadong nalason ng ng Holywood ang utak nila at ayaw ng bigyan ng pagkakataong panoorin ang gawang pinoy. Well, 'di mo rin nga naman masisisi, kasi kalimitan nga naman sa mga gawa natin na pelikula eh, wa class, masyado ng lasak o alam mo na ang mga mangyayari o daloy ng kwento, at kalimitan, rip-off o gaya-gaya lang sa gawa ng iba.

Pero, kakaiba ito!

Nagsawa o nadismaya rin kasi akong manood ng ibang pelikula ng Holywood, lalo na nitong mga nagdaan araw...ang gaganda sa trailer, pagdating sa pelikula mismo, walang kwenta! Kaya, sabi ko sa sarili ko, ng makita ko ang trailer, masubukan nga itong WORKING GIRLS 2010, tutal, kapangalan din naman ng naunang pelikula na napanood ko pa n'ung bata ako at nagsiyahan ako, baka kako okay nga!

At OKAY nga!

As in...kung ayaw mo sa ibang artista na kasama dito, okay lang, tiisin mo na lang, dahil ang aabangan mo ay ang bawat eksena ni Ms. Eugene Domingo!

Photobucket

Sa totoo lang, na-save ni Ms. Eugene Domingo ang BUONG pelikulah! Kalokah! As in talagah!

I LOVE YOU Ms. EUGENE DOMINGO, sana ma-meet kita in person!

Bookmark and Share

Wednesday, May 12, 2010

...at natupad rin!

Naging kakaiba ang naging karanasan o mga pinaggagawa ko nitong mga nagdaang araw, at kabilang na rito ang matagal ko ng inaasam-asam na gawin...ang aking simpleng pangarap - ang maging EXTRA sa isang pelikula!

Gan'un pala 'yun!

'yan ang katagang namutawi sa aming mga bibig ng matapos ang shooting. Kakaiba talaga. Kalimitan kasi, sa mga simpleng produksyon lang ang ginagawa namin, ngayon, medyo may basbas ng pormal, documentaries na pelikula na indie film ang dating!

Maaga kaming pumunta sa lugar, kasama ko nga pala si Jonas, Gerry at Neil, at 'buti malapit lang sa amin ang shooting site, sa San Pablo City din lang - sa bahay ni James Cooper. Maaga kaming pumunta kasi excited na excited kami. Excited na makakita ng kung ano-anong ginagamit sa isang professional na shooting...baka may sikat na artista...itsura ng set...at sino ang direktor!

Nakuha namin ang gig na ito sa tulong o pakiusap ng isa naming kaibigan na si Laya, tatay nya pala 'yung direktor, si Tito Lem Garcellano. Grabeh, galing, saludo talaga ako sa 'yo Tito Lems!

Grabeh, halos 24 oras kaming gising...antay ng antay sa oras ng pagshu-shoot...dapat kasi naroon ka sa loob ng set o compound para anumang oras na kailanganin ka ng direktor, and'un ka kaagad! Akala namin, simple lang ang pagsho-shoot, na pagkatapos ng isa o dalawa, okay na...hindi pala.

Marekotitos ang direktor, maraming shoot ang ginagawa sa isang scene pa lang. Kaya matagal, pero okay lang...marami kamng natutunan at higt sa lahat nakilalang bagong mga kaibigan.

So, habang naghihintay, kunga no-ano ang mga ginagawa namin...tambay, ikot sa lugar, kuwentuhan, makiaalam sa mga gamit, at kung ano-ano pa!

Photobucket

Kami ni Gerry, habang naghihintay ng oras, nagsasaulo naman siya ng mga linya nya! Bosing nga pala siya ng isang bar...bagay na bagay!

Photobucket

Ngayon lang ako nakakita na malapitan ng tunay na clapper!

Photobucket

Nagpapalipas ng oras sa set...bonggah, parang dalagang Pilipina!

Photobucket

Kalandian si Neil!

Photobucket

At siyempre, Magnum look kasama si Neil at Jo-Anne!

Oh, working title pala ng pelikula ay Tin-tin, 15 at gumanap akong isang STRAIGHT GUY na customer sa isang beerhouse (minamanyak o harass ang mga babae d'un!)...ack, naging LESBIANA akoh!

At marami pang mga picture dito.

P.S.

May nagawang video pala si Fafah Gerry...kwela ito!




Bookmark and Share
Related Posts with Thumbnails