Well, andito na uli ako...medyo natagalan uli ang pagsulat kasi masyado akong naging abala sa trabaho...isang linggo 'ko sa field tapos umattend ng isang seminar tungkol sa ANTHROPOSOPHY at grabe, laking pasalamat ko at 'di ko pinalampas ang pagkakataon na 'yun, lahat ng mga katanungan ko sa buhay ko na matagal ko'ng kinikim, lahat, as in, LAHAT nabigyan ng kasagutan!!
I'm proud to say that i'm beginning to know God again...i did'nt find any religion but what i found is enligthenment, and i'm so very glad that i did. Ibang tao na ako ngayon...pero huwag kayong mag-alala mga kafatid, ako pa rin ang Johnny ninyong kilala, kalog, bastos, green-minded, gwapo, bading, komikero, gwapo....
Eto nga pala ang mga litrato ng office namin, isang office sa kalagitnaan ng gubat...at mga cottages pala, dito kami tumitigil kapag may seminar at training kami...hehehe, kayo na humusga kung okay ang lugar namin, basta, ito lang 'yun, maganda, malinis, tahimik, sariwa ang hangin, malamig, masarap at sagana sa tubig (may malamig at mainit), maraming marang, durian at mangosteen, masarap ang mga pagkain, mababait ang mga tao...in short, paraiso!!
sa malayuang tingin, eto ang office namin...
sa medyo malapitang tingin...sabi nila mukha daw european ang design, pero sabi ng boss namin, holy trinity daw ang design nito...
ito naman ang isa sa mga cottages namin...masarap at malamig matulog diyan!
session hall...medyo malayo ang kuha...at isa pang cottage
cottage na may background ng paanan ng Mt. Apo!
isa pa uling view ng session hall na may Mt. Apo!
ito ang nakikita namin araw-araw dito, masarap dito lalo na sa umaga, may chapel pala kami sa tuktok ng burol namin, ihahabol ko na lang ang picture, nasa chapel ako nito ng kinuhanan ko 'yung lugar namin...grabe dito kapag gabi, napakakapal ng hamog o ulap kapag gabi kaya malamig!!!! niloloko ko nga ang boss ko, sabi ko ang kulang na lang sa lugar namin eh swimming pool at resort na resort na ang dating...actually may resort itong katabi, mga 2 km ang layo, d'un kami ngsi-swimming tuwing umaga, ang resort dito ektarya ang laki, 15 ektaraya ang laki ng resort na 'yun!
tanong ko ngayon sa sarili ko, uuwi pa ba 'ko ng luzon?
Sunday, February 20, 2005
Subscribe to:
Posts (Atom)