Tumatawid ako para sumakay sa jeep, tapos may paparating na ibang jeep sa kabila, malayo pa lang, mabilis na ang takbo! Crossing 'yun, dapat magmemenor siya at alam nyang tumatawid ako, abah eh hindi bumagal at talagang sasapulin ako!
Bigla tuloy akong napakilos ng mabilis at tumalon para makaiwas. Saka pa lang tumigil 'yung jeep.
N'ung nagkaharap kami ng driver, sabi ko ng galit na galit, "gago kang driver ka ah, babanggain mo ako!" (Lumabas tuloy ang pagka-amasona ko.)
Well, fan nga kasi ako ni Powergirl eh, kaya ilalagay ko siya dito...
...tapos, paborito ko pang artist 'yung nag-drawing kaya okay na okay (Adam Hughes = AH!).
May isa pang magaling na artist sa pag-drawing kay Powergirl, si Ed Benes, iba naman style niya, medyo mas detalyado o maraming linya (medyo hawig sa style ni Jim Lee o Mike Deodato, Jr. n'ung unang mga gawa niya, pero nag-evolve at nakagawa na siya ng sarili niyang style - ikwento ko na lang sa susunod na post), kabaligtaran naman nitong kay Hughes, na simple lang, minimalism kung baga.
Bagama't magkaiba sila ng style, si Powergirl pa rin ang umaangat o pinakasikat parati sa mga iginuguhit nila. Siya ang kalimitang ipinapaguhit ng mga fanboy sa kanila.
Bakit kanyo?
Dahil sa: sexy na posing, minimalist na costume (ito na 'yung pinakasikat na costume nya, well, actually, original na design pa nga ito - nagkaroon pa siya ng 3 costume, pagkatapos nito, pero ibinalik pa rin sa original, ito kasi pinakambenta eh) at higit sa lahat, malalaking boobs. Malaki na nga 'yung boobs, may butas pa sa lugar na 'yan - ang rason daw, kasi hindi nya alam kung anong logo o symbol ang ilalagay kaya blangko na lang. Ayun, mabenta tuloy siya sa mga fanboy.
Tungkol naman sa karakter o pagkatao (sa komiks), mas sikat siya sa counterpart nya na si Supergirl. Nakilala at nagustuhan siya sa serye ng Justice League Europe, at sumikat siya ng husto sa Kingdom Come - maskulado at kanang kamay ni Superman!
Ewan ko lang pero, parang may anggulo yata sa istorya na apo rin siya ni Don Tiburcio (lesbian), pero may nabasa naman ako na kinalantari nya si Hawkman, hmmmnnn....
Ah basta, kahit na ano pa siya, gusto ko siya!
Sa susunod, 'yung version ni Benes ang ipo-post ko dito, pero sa pansamantala, at sa susunod pang mga araw, 'yung kay AH! na muna ang malimit kong ipo-post dito.
Nice pose and smile, naaala ko mga ngiti o tawa ng mga taga-Pugad Baboy, hehehe...
...at nakita ko na sa Megamall, may naka-display na na Pugad Baboy XX, aaaahhhrrggghhh, dapat meron na ako n'un!!!
Nakuha ko sa e-mail....magandang i-share sa makakabasa.... pagbibigay-linaw sa napapanahong isyu!
________ Pakibasa po ng malaman nyo electric bill natin!
Bilib ako sa commercial ni Juday, biro mo naipaliwanag niya in 30sec ang masalimuot na system loss na 'yan...:)
Tama si Juday sa kanyang paliwanag ng system loss, pero kung tayo ang bibili ng yelo at ayaw talaga nating mabawasan ang yelong binili, siyempre magdadala tayo ng styrofoam ice box o Coleman….
Ang tawag diyan ay increase the efficiency. Kung baga sa mga distribution utilities ayusin nila nang husto ang electrical network, pati na ang mga substation and step-down transformers para nag-o-operate sila sa maximum efficiencies. Kung lumang-luma na, palitan o 'di kaya i-maintenance. Tapos, i-reduce, at kung maaari ay alisin, ang mga administrative inefficiencies, tulad ng wrong meter readings, pilferage, at kung ano ano pa!
At alam ba ninyo na hindi lang MERALCO ang nagpapasa ng system loss? Pati ang TRANSCO na government owned at siyang nagme-maintain ng power grid. Balak ipasa or naipasa na ng TRANSCO ang 2.98% ng system loss nya sa MERALCO.. at siyempre kanino pa ba naman iyan sisingilin ng MERALCO?
Ngayon alam na natin kung bakit natunaw ang yelong binili ni Juday.. pero part pa lamang yan ng equation kung bakit mataas ang singil ng ating koryente, kunin ang electric bill... at heto ang component ng ating electric bill...
Generation charge
Tax on Generation charge
Transmission charge
Tax on Transmission charge
System loss
Tax on System Loss
Distribution, Metering and Supply charges
Lifeline rate subsidies
Tax on distribution, metering and supply charges and lifeline rate subsidies
Local franchise tax
Universal charges
I-add mo lahat yan at yan ang total electric bill mo... pero napansin nyo ba sa isang electric bill, 5 tax ang babayaran natin?
Para lalo nating mapansin, ganito ang flow ng kuryente bago dumating sa bahay naten....
Ang NAPOCOR or IPP ang magpo-produce ng koryente...bago pa makaalis ng planta ang koryente, magabayad na tayo ng tax na 51 centavos/kwh.
Ang kuryenteng iyan ay padadaanin ngayon sa TRANSCO, papunta sa distribution utility natin gaya ng MERALCO... muli tayong bubuwisan ng gobyerno, this time 11 centavos/kwh.
'pag nakarating sa MERALCO ang kuryente, muli sisingilin tayo ng buwis ng gobyerno, ng distribution tax at franchise tax....
At dahil magbabayad tayo ng system loss muli na naman tayong bubuwisan ng gobyerno... ng system loss tax....
At eto pa ang kwela sa lahat, after i-total ang iyong electric charges... papatawan kang muli ng tax... this time 'yung 12% e-vat. Imagine 5 tax na binayaran mo, yung tax na yun eh bubuwisan pang muli ng isa pang tax!
Ang alam ko po sa batas bawal ang double taxation... pero sa ginagawang ito ng gobyerno... siguro naaayon na sa batas kase lampas na sa doble eh (sarcastic lang po)!
At upang madagdagan pa ang sama ng loob nating mga filipino... ang NAPOCOR, ayon sa batas ay kinakailangan mag-imbak ng supply ng coal na tatagal ng 5 taon... pero ano ginagawa ng napocor? Sasairin nila yung supply nila ng coal upang tumagal lamang ng isang taon, at dahil paubos na, mapipilitan silang mag-conduct ng emergency purchase na 'di na dadaan sa bidding... or kung dumaan man, dahil sa ikli ng time table, walang makakapag-bid.
So, si NAPOCOR bibili ng coal, hindi sa lowest bidder, kundi sa kanilang preferred supplier... ang masaya pa neto, anlaki na ng patong... higit pa sa doble ng actual price ng coal sa market... idagdag pa d'yan ang arkila ng mga barko na gagamitin sa pagta-transport ng coal... na siyempre muling pagkakakitaan ng mga NAPOCOR executives....
Sobra na nga pinapataw na tax sa atin ninanakawan pa tayo ng gobyerno natin... (ansaya ng buhay sa Pilipinas no?)
Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber). Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan. Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang..") Malulupit na katangian at kakayahan:
Masarap isuot.
Shock-absorbent.
Malambot ngunit matibay.
Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy.
Maaaring isuot sa loob ng Starbucks.
Mainam na pang-japorms.
Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato.
Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa.
Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan.
Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy.
Olats na mga katangian: Mahal! Mahal! Mahal!
VERSUS
Pangalan: Spartan Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila, Philippines Pagbigkas:
spar-tan (American English)
is-par-tan (Filipino).
Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber). Presyo: Wala pang 50 pesos. Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco. Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista) Malulupit na katangian at kakayahan:
Maaring ipampatay sa ipis
Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
Pwedeng ipamalengke
Mainam gamitin sa tumbang-preso
Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.
Olats na mga katangian:
Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas...
Wala lang, narinig ko kasi 'yung version na ito ni Sitti... at paulit-ulit na naman siyang tumutugtog sa isip ko... na-LSS na naman ako! Last Song Syndrome! Hehehe...
(Isinama ko na rin 'yung orihinal na si Bb. Celeste Legazpi)
Well, maayos din naman ang pagkakanta nya, maski sumablay siya sa ilang titik o lyrics ng awit (unang stanza pa lang eh...), pero nabigyan nya naman ng hustisya ang awit para sa makabagong panahon....
Sa totoo lang, ngayon ko rin lang nalaman ang mga titik ng awit na ito... n'ung bata ako, madalas ko siyang marinig, pero hindi ko saulo ang mga titik... ngayon na lang talaga...salamat sa internet!
Haaay... naaalala ko tuloy ang kabataan ko n'ung narinig ko ang awit na ito...
... naliligo sa ulanan ng hubo't-hubad...
... naglalangoy sa sanaw ng tubig-ulan mula sa malalakas na tulo sa mga bubong ng bahay...
... puro gasgas at sugat ang paa, lalo na ang pisngi ng mga binti dahil nagsisimulang mag-aral kung paano sumakay o umangkas sa bisikleta (BMX!)...
... ayaw matulog kapag tanghali, iiyak dahil ayaw matulog, pero makakatulog na rin dahil sa mapapagod sa kakapalahaw...
... may poster pa kami ng Menudo n'un sa may sala namin (bata pa si Ricky Martin at kinababaliwan si Robby Rosa!)...
... sikat na sikat sina Kuya Bojie! Ate Sienna! Si Pong Pagong at Kiko Matsing (asan na kaya sila?)! Ang Batibot!
...nag-aaway kami parati ng ate ko kapag 4:00 na dahil gusto nya "Dear Diary" (sino nga 'yung dalagang bida d'un na anak ni Tina Loy?) sa channel 9 at "That's Entertainment" naman pagkatapos sa channel 7, eh ako naman eh natural, cartoons ang gusto!
Sikat na sikat din ang "Bazooka Joe Bubble Gum", ang unang kong kinolekta na mini-comics, hehehe...
... at sebenti-payb sentimo pa n'un ang arkila ng komiks!
Ako ang nagpapaarkila sa lugar namin... ang daming nakasabit na iba't-ibang klaseng komiks sa isang sampayan sa may tarangkahan namin... nakakatawa, kailangan pang alisin ang mga nakasabit na komiks para lang may makapasok sa looban namin, hehehe... paborito ko n'un ang Funny Komiks (na ayaw naman akong ibili ng nanay ko dahil hindi nya gusto, Pinoy komiks ang sinusubaybayan namin n'un eh!) ... nakikibasa lang tuloy ako sa mga kalaro, kapitbahay o mga pinsan ko...
... talagang haaaay, ang simple ng buhay....
Pero ngayon?
Well, may internet....
Saranggola ni Pepe Nonoy Gallardo
Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe, Matayog ang pangarap ng matandang bingi… Umihip ang hangin, nawala sa paningin, Sigaw ng kahapon, nilamon ng alon, Malabo ang tunog ng kampanilya ni padre, Maingay ang taginting, rosaryo ng babae… Nay, nay, nay, nay…nay, nay, nay, nay… Nay, nay, nay, nay…naaayyy…
Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe Matayog ang pangarap ng matandang bingi… Hinuli ang ibon, pinagsuot ng pantalon Tinali ng pisi, hindi na nagsinturon Dumaan ang jipney at gumuhit pa sa kalye, Mauling ang iniwan, hindi na ‘tinabi… Nay, nay, nay, nay…nay, nay, nay, nay… Nay, nay, nay, nay…naaayyy…
Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe Matayog ang pangarap ng matandang bingi… Pinilit umawit, ang naglaroy isang ingit, Lumuha ang langit at ang mundo ay nanliit, Kumakaway sa bakod ang anghel na nakatanod, Sumusuway sa utos, puso’y sinusunod… Nay, nay, nay, nay…nay, nay, nay, nay… nay, nay, nay, nay…naaayyy…
'yan ang katagang parati kong nababanggit ng pinapanood ko na ang pelikulang "Serbis".
okay sana na poster ito...
Excited na excited pa naman akong panoorin 'yun, pero, dalawa (2) sa mga kaibigan ko na nakapanood na, ang nagsabi sa akin na huwag ko na raw panoorin, dahil madidismaya lang daw ako.
Siyempre, lalo akong naintriga...alam mo naman, kapag sinabihang huwag na, saka pa lalong gusto.
Matigas kasi ang ulo ko...anong napala ko?
Ayun! Tama nga sila! Syongets ang "Serbis"!
Sa totoo lang, paano na-nominate 'yun?
Ipinakita nya lang kung ano ang nangyayari na kabaklaan sa loob ng sinehan...nag-e-experiment ang director sa pagkuha sa mga anggulo, hindi naman kailangan, dahil nakakaliyo lang...maraming scene ang binigyan ng focus, eh hindi rin naman kailangan...
...tulad ng sa "kambing"?
Snatcher?
Naliligo na matanda...ano namang sense n'un? Kulubot natural!
Nakalimutan ang pinakamahalagang sangkap ng pelikula..ang kwento o istorya! As in wala talaga!
Sa totoo lang, ang tamang titulo ng pelikula eh hindi "Serbis", dapat eh "Pigsa"!
Oh Pigsa...pisain mo akoh!Winner na titulo 'di vah?
Nakuha ko ito galing sa kaibigan at dati kong bosing na si Ms. Neth Daño ng Third World Network (TWN), i-share ko lang sa inyo...
Pesticide Found Inside Ferry; Search Stopped
As per radio reports on DZRH just now, the ill-fated M/V Princess of theStars was carrying a container-full of Endosulfan (manufacturer: BayerCropScience) - a neurotoxic organochlorine insecticide, one of the "DirtyDozen" banned for some years now in many countries, including ours. If youwill recall, Endosulfan was banned in the Philippines in 1994. If the pesticide cargo is owned by Del Monte, then it will not be used in Cebu, but most likely in Bukidnon/Northern Mindanao where their thousands of hectares of pineapple plantations are located. The M/V Princess of the Stars disaster has now exposed that a "reputable corporation" like Del Monte is using tons of a banned pesticides (if radio report were true that it is indeed Endosulfan - and we can expect massive cover ups) on their pineapples meant for export. Radio interview with divers say that they have difficulty breathing underwater from the first time they started the search-and-rescue operations early this week, which made it very hard to recover bodies inside the upside-down ship. Tragic to think about the long-term effects of such a highly toxic and endocrine-disrupting pesticide on corals, water and the entire marine ecosystem off Sibuyan Island and adjacent water bodies...
(;-)Neth
Hmmmnnn....
Tone-toneladang "endocrine-disrupting pesticides"... ginagamit sa mga pinya ng Del Monte - popular pa man din ang mga de lata nito... tapos kasama pa sa lumubog na barko, so, napahalo sa tubig... mapapunta sa isda at iba pang lamang-dagat... tapos makakain o makakabot na sa mga tao... isa lang ang ibig sabihin nito...
...DADAMI NA NAMAN ANG MGA BADING SA PILIPINAS!!!!
...ilang buwan na 'tong tapos, pero ngayon ko lang mai-post dito...pero marami pa rin....
8" X 10" ang laki, oil on canvass...unang pagsubok sa paggamit ng oil na pintura, ginawa ko ito habang meeting ng Komikero...ang titulo...uhmmmn, "Inner dance series 1"!
...eto naman, "Inner dance Series 2", 20cm X 30cm ang laki, oil on canvass din...sa isip ko "Garden of Eden" ito eh!
...tapos, ito naman ang serye sa mga iginuhit ko na medyo kinaaliwan ko, pero nakakapagod din...mga serye naman ng hayop ito. Magsisimula sa pag-doodle lang, tapos may mabubuo ng pigura...kalimitan mga hayop sa dagat ang lumalabas na iba't-ibang uri ng pagong o pawikan, o mga lumba-lumba o dolphins...
...ahas na nakapulupot, Cobra pa nga...
...butiki o bayawak, basta sa pamilya ng mga lizard/reptile...sa mga katutubo o indigenous peoples (IP), ang butiki ay simbol ng buhay o creation (kaya malimit itong nakikita na kasama o nakapasaloob sa kanilang mga disenyo)...
...at ang pawikan!
Ewan ko, nahihilig ako ngayon sa mga pawikan, kahit hindi pa ako nakakita ng buhay o sa malapitan, kalimitan kasi sa mga litrato, sa t.v. o 'yung mga pinatuyo na nakumpiska o stuffed (taxidermy) na....
Kaninang umaga, itong awiting ito ang nasa isip ko, tuloy-tuloy o paulit-ulit ang pag-awit sa isipan ko....
Isinalpak ko na nga ang cd sa player para lang maibsan ang utak ko, pero patuloy pa rin...
...tapos naalala ko, n'ung mga nakaraang buwan, nakilala ko nga pala 'yung sumulat at umawit nito....at inawit nya ito sa harapan ko, siyempre pa, para akong nasa langit na parang hinaharana, hehehe!
Tapos, sabi niya, kumpleto na raw 'yung titik ng "Tugon", ang pangalawang bersyon o tugon sa awiting "Rosas ng Digma" - inawit nya rin sa harapan ko siyempre (haba ng long hair ko 'day)!
Eto siya, si Danny Fabella ng Musika ng Bayan
Tapos ngayon, naghanap ako sa youtube, 'buti na lang meron na pala nito...huwag nyo na lang pansinin 'yung sayaw (interpretative dance daw...), medyo corny eh...hinihintay ko na nga pangatlo nilang album eh....
Rosas ng Digma Musika ng Bayan
Sumibol sa isang panahong marahas Bawat pagsubok ay iyong hinarap At hangga’t laya’y di pa nakakamtan Buhay mo’y laging laan...
Namumukadkad at puno ng sigla Tulad mo’y rosas sa hardin ng digma At di maiwasang sa’yo ay humanga Ang tulad kong mandirigma...
Ako’y nangangarap na ika’y makasama Taglay ang pangakong iingatan kita Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa Hinding-hindi kukupas, 'di malalanta...
Ang kulay mong angkin, sintingkad ng dugo Nagbibigay-buhay sa bawat puso Tinik mo’y sagisag ng tapang at giting Sa langara’y kislap ng bituin...
Ako’y nangangarap na ika’y makasama Taglay ang pangakong iingatan kita Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa Hinding hindi kukupas, di malalanta...
Ako’y nangangarap na ika’y makasama Taglay ang pangakong iingatan kita Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa Hinding hindi kukupas, di malalanta...
...gaya ng pag-ibig na alay ko sinta
Ang tugon Musika ng Bayan
Ika’y paru-parong nangahas lumipad Sa dilim ng gabi pilit na umalpas Pagkat hanap mo’y ningning at laya ng bukas Sa aking mundo’y napadpad...
Katulad ng iba ay nagmamahal din Kahit malayo ay liliparin Upang pag-ibig mo’y iparating Sa rosas ng iyong paningin...
Ako’y nagagalak na tayo’y nagkasama Sa bawat pangarap sa piling ng masa Magkahawak-kamay sa pakikidigma Para sa isang lipunang malaya...
Ako’y nagagalak na tayo’y nagkasama Sa bawat pangarap sa piling ng masa Magkahawak-kamay sa pakikidigma Para sa isang lipunang malaya... ...para sa pag-ibig, tunay at dakila
...sanga pala, ito na ang awit na ipinalit ko sa "Kanlungan"...bwisit kasi 'yung Mcdo na 'yan eh!
Ang on-line diary ng pakikipagsapalaran sa buhay ng isang taong medyo kakaiba, o kalimitang taliwas sa normal na taga-Luzon, na nagkaroon ng pagkakataon na mapapunta at manirahan ng maikli, ngunit makabuluhang panahon, sa bagong daigdig at lupang pinagpala na kapuluan ng Mindanao...at ngayo'y muli na namang napabalik sa Luzon, para sa mga panibagong pagkakataon o oportunidad, at ipamahagi o ibalita sa lahat ang likas na kagandahan ng buhay. Sa kasalukuyang buhay na ito, ang may akda ay hindi kailanman makakalimutan ang kapuluang Mindanao!
Para sa madaliang pagkuha sa atensyon ng may akda (naks naman!), eto ang address ng sulat na pang-dagitab: johnny_danganan@yahoo.com
...at para naman sa gustong mapudpod ang daliri sa pagpindot ng mga letra sa selulang telepono: (0927) 531-1680!
Kaibugturan na Bayle/Pangniloloob na sayaw (innerdance)
Unsa man na Kaibugturan na Bayle?
Ang Pangniloloob na Sayaw, base sa mga nabasa, ayon sa mga nakasalamuha na may kaalaman sa nasabing paksa, at sa personal na kaalaman (na nagmula sa isang kolektibong mataas na kamulatan - na nakuha buhat sa malimit na pagsayaw), ay isang limot na kagawian, o isang uri ng sayaw ng ating mga ninuno. Ito ay pinangunahang sayawin ng mga Babaylan, at ginamit na panggamot o pang-ayos ng mga may karamdaman sa katawan (sa porma ng pagmamasahe - acupressure), panglinis o pampakalma sa naguguluhan o masamang isipan o damdamin (pagninilaynilay o meditasyon), at maging panlaban sa mga masamang enerhiya o elemento sa kapaligiran (exorcism).
Ang sayaw na ito ay maiuugat pa sa kapanahunan ng mga Mayan na sibilisasyon.
Mga Gibuhat nga Kaibugturan na Bayle (Gallery)
wala lang, ito lang ang nasa isip ko ngayon....
Well, magkakaroon na naman ako ng panibagong mundo... malapit na 'yun... at sana okay na talaga ito...ito na nga siguro 'yun....7/8/2008
Graveh...inaantok akoohhhh, 'di naman pwede matulog dito...dito sa opis mga sipsep, ick...pero excited na 'kong panoorin ang pelikulang "Serbis"....6/27/2008
Nami-miss ko na mga kaibigan ko sa Mindanao, lalo na sa Davao...kaso hindi pa panahon....6/17/2008
Medyo alam ko na...alam ko na kung bakit ako ganito ngayon...sana tama ako....6/16/2008
Ewan ko ba, bakit naman ganito? 'di ko na talaga alam sarili ko ngayon...'di ko na talaga maipaliwanag...6/11/2008
Mga Komento
Gibasa ko karon...
Wala na si J'Onn... ang paborito kong martian... okay ang pagkakasulat ni Mr. Tomasi sa kanya sa Final Crisis: Requiem....7/14/2008
Final Crisis no. 2 na! Medyo okay na ang daloy ng istorya...7/4/2008
May nakuha akong bagong libro ni Bb. Lualhati Bautista, ang "Bulaklak sa City Jail"...well, dati na naman 'yun, pero ngayon ko lang nakuha eh...sisimulan ko ng basahin 'yun...6/16/2008
Kagabi, sa pagtambay ko sa National Bookstore sa Cubao (malapit lang kasi sa tinutuluyan ko, ika nga eh "walking distance", may nakita ako! May bago pa lang libro si Bb. Lualhati Bautista! Desarpe... desaperace... "Desaparesidos", 'yun ang titulo! Parati na lang ako nabubulol sa salitang 'yun! Aha, pag-iipunan ko 'yun! 6/12/2008
Libro, wala pa...pero apat (4) pa ang nakapila (Lord of the Rings: The Two Towers, Lord of the Rings: Return of the King, A Prayer for Owen Meany at Daluyong)...sa kasalukuyan (meaning kapag umuupo ako sa trono, hehehe o bago matulog - nagpapantok!), komiks pa rin...Trinity No. 1 at Final Crisis No. 1 ng DC comics! 6/11/2008
Mga napili ni Balbona...
Mga Rebyu sa daan nga salida...
Bago ko lang napanood ang pelikula na "Borat: Cultural Learnings of America for Make Benefit Glorious Nation of Kazakhstan", na pinagbibidahan ni Sacha Baron Cohen, aliw ang pelikula, at okay ang mga isyu na pinakita. Napakatapang ng gumawa o sumulat nito at nabalot nga ng kontrobersiya. Napansin ko kasi sa takbo ng pelikula, genuine o napaka-totoo ang pagkakaganap o arte ng mga kasama o "extra/talent"sa pelikula, parang wala silang alam sa script at natural ang mga pangyayari - 'yun pala totoo nga! Grabeh, okay ang pagkakagawa! 6/16/2008