Hokey, balita tungkol sa akin, mga bagay-bagay na pinaggagawa ko dito sa Mindanao...
Una, hep! Medyo rarampa muna ako, ipapakita ko lang ang aking bagong swimming trunks, well, ito kasi ang napagkakaabalahan ko ngayon dito. Lingo-lingo eh nagswi-swimming kami at hindi ko akalain na mahal pala ang mga swimming gear, 'kala ko mura lang, hindi pala! But, anyway, enjoy pa rin naman, kaya, hala, eto ako ngayon!
o 'di ba? stolen shot pa!
Pangalawa, naimbitahan akong mag-donate ng dugo. Matagal din naman akong hindi nag-donate kaya pinatulan ko na. Nakakapanibago lang sa una, pero pagkatapos ng ilang minuto, okay na, halos lumukso palayo ang mga dugo ko sa katawan. Ilang minuto lang puno na 'yung bag.
habang hinahanap ang ugat sa aking braso...
medyo nahirapan at nagtatago daw sa mga buhok at taba ko!
eto na ang pagtutusok ng karayom, enjoy!!!
o di ba, nakatawa pa!
ayan, ambilis mapuno ng dugo!!!
Pangatlo, nakasama ako sa sayaw na prinesent namin sa foundation day ng Makilala, North Cotabato. May panibagong career na ako dito, una pole dancer (tinikling), ngayong naman eh sweetener (maglalatik, gets? corny 'no? tama na at baka mabilangan ako dito....). Ang nakakatawa pa nito, nabuyagan (read: nausog, "u" 'yung nasa gitna, hindi "a") pa ako, kasi ako 'yung pinakamalaki at pinakamabuhok sa aming manananayaw kaya ayun, pagkatapos ng sayaw, ang sama ng pakilasa ko, hanggang gabi, as in kinabukasan lang umayos ang pakiramdama ko...sabi kasi nila, kakaiba daw itsura ko, hindi daw sanay 'yung mga manonood, kaya pansinin, gan'un?
sa unang formation, tagal matapos para makauwi na!
kaharap ang ka-partner!
hahaha, tumitingin sa katabi para malaman kung ano isusunod na galaw!
seryoso 'to 'day!
patapos na, kaya pa-easy-easy na lang!
exit ng grupo!
Ah, well, kung ano-ano na lang ang pinaggagawa ko rito, kung kailan ako tumanda, tsaka pa ako sumasayaw sa public ng ganito...buhay nga naman!
Saturday, October 15, 2005
Subscribe to:
Posts (Atom)