Wednesday, February 22, 2006

ako ay nagbalik...

hep, kakagaling ko lang airport, galing luzon...at grabeh, iba ang pakiramdam ng umuwi na ako dito!

Saka na lang muna ang mga pictures at kwentuhan, basta, napatunayan ko na dito na talaga sa mindanao ang buhay ko!!!

Tuesday, February 07, 2006

Boscolympics 2006!!!

Hey, hey, hey! Summer na naman at simula na uli ng mga sportsfest. Sa office namin, itinataon namin ang sportsfest sa piyesta ni Saint John Bosco (January 31-February 1), dahil iyun ang santong inspirasyon ng organization namin, kaya ang tawag namin sa sportsfest namin ay BOSCOLYMPICS!

Nakadalawang taon na ako sa pagsali sa masayang okasyong ito. Datirati sa malapit lang na resort kami nagpipiyesta pero ngayon, dumayo kami sa medyo malayo pero grabe kaganda na lugar, sa Sta. Maria, Davao del Sur!!! Grabeh, daig ang Baguio sa zigzag na daan na may bangin! Mapapahiyaw ka sa takot sa daan, ang taas ng babagsakan mo kung maaksidente ka, pero may pakunswelo, maganda naman ang tanawin.

Ayun nga lang, hindi lang paglalaro ang ginawa namin d’un, dahil assistant ako ng executive director namin (read: julalay), marami pa ring trabahong ginawa – ang mag-organize nga mga laro, monitor sa scoring at bantayan ang lahat ng staff, kaya ayun, kakaunti lang ang nakuha kong litrato ng lugar. Sa pagbalik ko na lang uli doon ako mangunguha ng maraming litrato.


Okay naman ang Boscolympics namin, hinati sa iba’t-ibang grupo (kulay) at nakasama na naman ako sa grupong nag-champion (kami na nga ‘yung pinakamaunti, nanalo pa)! Ubod ng saya! Nagkaroon ng dry at wet-lympics, at kingabihan, nagkaroon ng mga presentation, meaning, sumayaw na naman kami, para makita ng lahat ng staff ‘yung sinayaw namin sa foundation day ng Makilala.

Nang matapos ang Boscolympics, lahat masaya, lalo na sa kantyawan, at lahat kami, talagang inaabangan ang sportsfest na ito.


Image hosting by Photobucket
Ako, pagkatapos maayos ang aming stage – ala-extra challenge!


Image hosting by Photobucket
Kasama ang aking grupo, The Mighty Manggagarab Team!


Image hosting by Photobucket
Sersyoso sa pagsayaw, hehehe (medyo madilim nga lang ang kuha)!


Image hosting by Photobucket
Dapat ako ang aayusan, kaso ng makita nila ang mga balahibo ko sa katawan, huwag na lang daw!


Image hosting by Photobucket
Pagkatapos ng extra challenge, nag-pose kami!


Image hosting by Photobucket
N’ung kami na ang nag-champion!


Image hosting by Photobucket
At siyempre, kailangan kong rumampa – halah, rampah!!!


Image hosting by Photobucket
Kasama si Lucia (Lotlot), isama ko daw kasi siya dito sa blog ko, pero huwag daw ‘yung mahalay!

Pahabol…may natutunan rin pala akong bago sa Boscolympics na ito, HUWAG MAGPALINIS NG KUKO (manicure at pedicure) BAGO PUMUNTA SA BEACH! Bakit kanyo? Hehehe, gawin nyo na lang para malaman nyo kung bakit.
Related Posts with Thumbnails