Wednesday, November 08, 2006

Sa wakas...ay nahanap ko na !!!

Hey, tuwang-tuwa ako, kasi sa matagal na panahong nagdaan, ngayon ko lang uli napakinggan at nagkaroon ng kopya ng kantang “Rosas ng digma”. Medyo, mapula (read: rebolusyonaryo) nga lang ang dating nito, pero okay naman sa lyrics! Nakalimutan ko na nga lang kung sinong kumanta nito – may nagsasabi na “Patatag” at may nagsasabi na “Tambisan”, pero alam ko hindi eh…baka may nakakaalam – Jonas, alam ko alam mo ‘tong kanta na ‘to!

Tanda ko pa n’un, 1994 ko yata huling napakinggan ang kanta na ito, kaya ang daming masasayang ala-ala ang nagbalik…nasa college ako n’un, may uhog pa, este, inosente pa, sariwa pa, hehehe.

Tamang-tama rin naman, kasi matagal na akong naghahanap ng panibagong kanta na pampalit sa “Kanlungan” ng Buklod. N’ung una, ‘yun ang paborito kong kanta, kaso n’ung ginamit na sa isang komersyal sa telebisyon, ugh, ayaw ko na! Nababoy ang tunay na kahulugan ng kanta at halos kahit sino na lang ang kumakanta nito, at grabeh pa, may napakinggan pa ako na “dance-mix version” – ick!

Anyways, eto ang lyrics ng kanta (‘di ko alam kung paano i-post ang kanta dito eh), kung sino ang may gustong magkaroon ng mp3 nito, i-email nyo lang ako, buong album pa ang ipapadala ko sa inyo!


Rosas ng Digma

Sumibol sa isang panahong marahas,
bawat pagsubok ay iyong hinarap,
at hanggat laya’y di pa nakakamtan,
buhay mo’y agging laan.

Namumukadkad at puno ng sigla,
tulad mo’y rosas sa hardin ng digma,
at di maiwasan sa iyo ay humanga
ang tulad kong mandirigma

Ako’y nangangarap na ika’y makasama,
taglay ang pangakong iingatan kita.
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa,
hinding-hindi kukupas, ‘di malalanta.

Ang kulay mong angkin, sintingkad ng dugo,
nagbibigay buhay sa bawat puso.
Tinik mo’y sagisag ng tapang at giting,
sa larawa’y kislap ng bituin

Ako’y nangangarap na ika’y makasama,
taglay ang pangakong iingatan kita.
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa,
hinding-hindi kukupas, ‘di malalanta.

Ako’y nangangarap na ika’y makasama,
taglay ang pangakong iingatan kita.
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa,
hinding-hindi kukupas, ‘di malalanta…
gaya ng pag-ibig, na alay ko sinta.

P.S.

Fafa gerry, natanggap ko na po Elmer 2…SALAMAS KAAYO!!!

Saturday, November 04, 2006

Marajao, Karajao, Surigao!!!

Hokay, marami ako kwento ngayon…nanggaling kasi ako sa Surigao City at namalagi ako d’un ng halos isang lingo. Ngayon lang ako medyo okay na ang pakiramdam at nagkapanahon na magsulat. Well, sa totoo lang, magkahalong, saya, pagod, lungkot, kaba at kung anu-ano pa ang naramdaman o naranasan ko sa Surigao - kakaiba na naman!

Actually, naimbitahan lang naman akong pumunta d’un. Ibinigay ang imbitasyon sa bosing ko ng isang partner naming organisasyon, tapos nakasulat d’un na kung pwede raw akong mahiram para sa Mining Conference na gaganapin sa Surigao City. Ako raw ay magiging isang dakilang tagapagsulat o documentor ng conference at magiging G.R.O. o escort service para sa mga delegado na galing pa sa Luzon at ibang bansa (Austria) – language barrier, kaya ako ang interpreter. Hehehe, natuwa yata sa akin ng minsan may mga Austrian na bumisita sa opisina namin at ako ang nag-entertain sa kanila.

So, preparasyon, marami pang mga trabaho sa opisina na medyo tinapos, para kaunti na lang pagbalik galing sa Surigao. ‘tapos, Surigao na…hey!

Sa Davao na muna ako natulog n’ung gabi bago ang araw na aalis kami kasi, masyadong maaga o sa madaling araw ang pag-alis namin dahil mahaba ang oras ng byahe, sampung (10) oras o higit pa, depende sa sasakyan. Eh ‘pag sa Makilala pa ako maghihintay, medyo mahihirapan ako, mahirap ang Skylab sa oras na 'yun - kaya, ay'un, sa Davao na! Siyempre, kapag nasa Davao, gimik na muna, tinawagan ko na naman ang aking partner in crime, si Janjan, at nag-barhopping na naman kami.

N’ung kasama ko si janjan, nagulat pa ko, abah, at nagra-Ramadan ang bruha! Panglimang taon na raw niyang ginagawa ‘yun kahit hindi siya Muslim, wala lang, feel lang nya. Okay, pero tanong ko sa kanya, bawal uminom ng alak (maski beer) kapag Ramadan ah, bakit siya kasama ko? Sabi niya, okay lang daw, gabi naman eh, pwede mong gawin kahit ano kapag gabi na, lumalabas pa rin daw ang sungay nya kapag gabi – bruha ka talaga Janjan!

Kinaumagahan, naghanda na ako sa pag-alis, maski medyo maliyo-liyo pa ako dahil kulang sa tulog – ewan ko ba, hirap pa rin akong matulog kapag hindi ko sariling kwarto, namamahay ang tawag d’un. Maski ilang beses ko ng matulog sa mga hotel, bihira lang ang nakakatulog ako ng husto….

Anyways, balik sa byahe – talagang mahaba nga ang byahe. Pribadong sasakyang ang ginamit namin, nakisabay lang ako sa isa sa mga convenors ng conference. Ang naging ruta namin ay via Mati, kaya sa Davao ako dinaanan. Okay naman ang byahe, kaso sobrang layo nga lang, tapos may mga daan pang ginagawa pa lamang kaya medyo baku-bako. Lalo na sa bahaging Agusan, medyo hindi umasenso ang lugar, may mga plantasyon ng oil palm at mina ng samento na nagpadagdag pa sa kahirapan ng mga tao rito.

Nadaanan din namin ang bantog na Surigao Lake. Malaki nga at maganda. Hanap kami ng restaurant na nagtitinda sana ng inihaw na tilapia, pero nakapagtataka, wala kaming ni isang nakita. Hindi ko alam kung mabuti o masama…nasanay kasi ako sa Luzon na kapag may magandang tanawin sa isang lugar, lalo na kapag may lawa, tiyak na may mga restaurant sa paligid, pero dito wala!

At nagpatuloy ang byahe, maski naglalaway kami sa inihaw na tilapya, at nakarating kami ng Surigao City ng medyo takip-silim na at siyempre, maski nakaupo ka lang sa byahe eh nakakapagod pa rin. Naturingan palang Barbers Country ang lugar na ito dahil dinastiya sa pulitika ng pamilyang Barbers ang lugar na ito. Kilala nga pala ang Surigao City bilang “Gateway of Mindanao” at ang mga beach dito, lalo na ang Siargao.

Gateway dahil kung gusto mong pumunta ng Mindanao ng nakasakay sa Bus eh ito ang lugar na dinadaungan ng mga barge o barko na may karga-kargang mga sasakyan galing sa Leyte, na galing ng Bicol at Luzon. (Kaya totoo pala ‘yung mga signaboard ng bus nakita ko dati sa Davao na “Cubao” at “Pasay”.) Kilala naman ang Siargao dahil sa malalakas na alon nito na tinaguriang “Surfing capital” ng Filipinas. Malimit itong puntahan ng mga turista at parating naipapalabas sa telebisyon.

Sa sobrang pagod namin sa byahe, kumain lang kami ng hapunan pagdating at namahinga sa mga kwarto na itinalaga sa amin. Hindi pa muna namin nagawang maglibot sa paligid, maski excited ang lahat na puntahan ang mga beach dito. Kinaumagahan, as usual, ako ang unang bumangon dahil hindi masyadong nakatulog, naligo kaagad at lumabas ng building. Naisipan kong maglakad-lakad sa labas at nagtanong-tanong kung saan ang magandang lugar, lalo na kung saan ang mga beach. Umarkila ako ng tricycle at sinabihan ko ‘yung driver na ilibot nya ako sa City at dalhin ako sa pinakamalapit na beach at bantog na lugar na malimit puntahan ng mga turista – feeling turista eh! Medyo nga nagkaproblema sa pag-intindi kasi medyo nakakawindang ang lenggwahe sa Surigao – lantay na Bisaya, pero ang “L” o “R” eh ginagawang “Y” at ang “Y” eh ginagawang “G” o “J” at marami pang iba – hence, “buyakyak”, “payopayo”, “waya”, “uyo” – ick, ang hirap!

Iginala naman ako ng driver at kinausap ko na rin siya kung ano pa ang kilala o bantog sa Surigao – medyo aloof nga lang siya, pero okay na rin, para na rin siya ang naging guide ko. Saglit lang kami sa mga lugar, talagang tinandaan ko lang ang pagpunta, para ako naman ang magiging guide ng mga kasama ko. Pagkalipas ng isang oras, balik na uli ako sa lugar namin at kumain ng agahan. Nagtaka sila at nagtanong kung saan ako nagpunta. sabi nila, parang sanay na sanay raw ako sa Surigao ah. Sabi ko, hindi ah, first time ko rin lang, nagkataon lang na mahilig akog maglayas eh - anong gagawin ko eh maaga akong nagising, kaya naggala na lang ako? At sabi ko, ako na ang magiging guide nila. Nagkasundo kami na sa hapon na mag-meeting ang grupo at maggala na muna kami sa umaga.

At ‘yun nga, ako ang naging guide nila at n’ung nasa beach kami nagkataon na dumaong ‘yung mga mangingisda dala-dala ang kanilang mga huli. Nakakatuwa kasi ang dami nilang huli at ang lalaki! SAILFISH ang mga huli nila! Mahigit singkwenta (50) piraso yata ‘yun tapos mga apat hanggang lima (4-5) talampakan (foot) ang laki ng bawat isda. Nagulat ako kasi pwede pa lang kainin ‘yun! Nalimutan ko lang kung ano ang tawag nila d’un, tapos ang mura pa, P65.00 ang bawat kilo! Ang isang isda, wa’y apiy ang uyo (hindi kasama ang ulo) eh tumitimbang ng 3-4 kilos! Sariwang-sariwa! Kaya ang ginawa namin, pinasugba (inihaw) namin at pinakilaw.

Well, masarap ang sinugba pero sa kinilaw, hindi ako nasiyahan, y’ung mga kasama ko lang. Hindi naman ako kumakain n’un eh! Ewan ko, ‘yun ang hindi ko natutuhang kainin. Durian, okay pa, pero kinilaw, hindi kaya ng powers ko. Hindi ko kayang tiisin na nguyain at lunukin ang hilaw na isda eh, ick!

At siyempre, beach ‘yun, kaya rumapa ako, y’un nga lang, walang nagdala ng camera kaya hindi tuloy nakuhanan ang mga pangyayari – suya!

Pagkatapos sa beach, balik na uli sa tinutuluyan namin…kaso ‘di namin makita yung iba naming kasamahan, kaya dumiretso na lang kami sa City mismo para maggala pa at mamili ng mga kailangan pang gamit. Nakakapagtaka, naturingang City, pero kakaunti ang mga establishamento, walang sinehan o mall, kakaunti ang malalaking hotel o inn, may malalaking grocery store, pero kalimitan sarado, kasi Linggo n’ung araw na ‘yun. Parang hindi masyadong na-develop ang lugar, hindi siya mukhang syudad….

N’ug matapos kami sa pagrampah sa syudad, balik nasa tinutuluyan namin at nag-meeting na, tapos sinabi ng isa sa mga convenors ang mga problema. Sa paghahanda pa lamang pala ng pagpunta namin ng Surigao, nagkaroon na ng maraming problema: hindi ma-contact ang mga resource speaker, mga contact person at nagkaproblema pa sa iba logistics. Tapos ang isang medyo kahindik-hindik eh nakatanggap pa kami ng death threat! Sa totoo lang medyo natakot ako. First time kong makabasa at maging isa sa mga recipient ng isang death threat! Eto ang nakasulat…

“God am sir rmnders lang: LAHAT NG ANTI Sa MINING NGAUN PINAPATAY, KAYA KUNG AKO SA INYO I KANCL MUNA ANG INUNG CNFRENCE S SURIGAO CITY ALAM NAMIN ANG LAHAT NG KILOS NINU PARA MAIWASAN WAG MUNA NGAYN. Kung hndi kau maninwla bhala kau wlang cchan bka mag ka PROBLEMA KAU S UMPISA PA LANG sasampulan namin kayo ipasa m s mga kasama m bgo ma huli ang lahat naaawa lang ako slamat CNCRN CITIZEN” – 09067198479

Well, baka kilala nyo ang number na nasa itaas. Isang beses lang naman pinadala ito, kaya alam namin na hindi siya masyadong seryoso, nananakot lang talaga. Tapos, ayun, balik lang kami sa normal sa paghahanda sa conference – registration, ID, training kit, etc.

Kinabukasan, okay naman ang naging daloy ng conference, maski n’ung umaga pa lang eh w’ay klaro ang mga kausap ko na maligo sa beach – ako lang ang gumising ng maaga, kaya hindi natuloy!

Naalagaan naman ang mga pangangailangan ng mga kalahok at imbitadong speakers (MARAMING SALAMAT TALAGA KAY Ms. NETH DAÑO!!!), ‘yun nga lang, hindi maiiwasan ang mga panggulo sa conference – hindi naman nawawala eh, parating mayroon. Mga taong feeling eh matalino sila, mga skeptic, at hinahamon ang kakayahan ng mga resource speaker. Pero naging maayos din naman, bruha lang talaga ‘yung bading na participant na ‘yun – CHAKA siya!

Sa kinabukasan, bumawi naman ‘yung mga kausap ko sa pagpunta sa beach. Natuloy naman kami at rampah galore…at sa pagkakataong ito, handa ang lahat, may baon na camera!

Photobucket - Video and Image Hosting
Hala, rampah…feeling mga model!

Photobucket - Video and Image Hosting
…rampah pah…

Photobucket - Video and Image Hosting
..at isa pah! Maganda ‘yung mga bato eh!


Pagkatapos sa beach, balik na uli sa venue at naghanda para sa trip sa mga mining site sa Surigao. Kami ‘yung maliit na grupo na sight-seeing lang, kasi medyo malayo ang pupuntahan namin at delikado. Limitado lang ang bilang nga tao na pwedeng sumama, samantalang ‘yung isang grupo, sa isang community na apektado ng ibang pagmimina sila pumunta, mas marami silang exposure at nakausap nila mismo ang mga tao d’un.

Pumunta kami sa isang lugar na nagminina ng mineral na bakal (iron mineral) – sa Claver, Surigao del Norte. Hindi kami pwedeng kumuha ng mga litrato ng lantaran dahil maaring ikumpiska o kuhanin ang aming mga camera ng mga armadong tauhan ng kumpanya – patago at palihim lang dapat ang pagkuha. Isa pa, hindi kami dapat magmukhang nagmanman sa lugar, dapat parang dumaan lang dahil medyo sensitibo ang isyu ng mining sa lugar, baka pa kami mapahamak – nagkataon kasi na nasa tabi ng highway ang operasyon nila kaya medyo madaling makita.

Photobucket - Video and Image Hosting
Eto ‘yung nakabandera sa unahan ng municipality nila.


Pagkatapos ng medyo makapanikip-dibdib at makaubos-hiningang paglalakbay sa minahan, dumiretso kami sa isang lokal na port o daungan ng mga bangka papuntang Siargao Islands at d’un medyo nagpahinga. Siargao ang ng pinakabantog na lugar sa Surigao, tt siyempre, rumampah na naman ang lolah!

Photobucket - Video and Image Hosting
Ako at si Cris, bago kong nakilalang kaibigan!

Photobucket - Video and Image Hosting
Ako, Cris, Sister Anne (tunay na sister!) at Kenneth


Tapos, n’un, balik na sa venue at namahinga ng kaunti at nagpatuloy pa uli ang conference. Nagkaroon pa nga ng problema para sa kinabukasan na aktibidad dahil hindi pwedeng dumating ang isang resource person na inanyayahan. Napag-isipan ng solusyon, napagtakpan ang mga pagkukulang at naging maayos naman ang plano para sa susunod na araw. Okay naman kasi ang mga kasama ko, kahit pagod na eh, bigay-puso pa rin sa pagtratrabaho – saluhan na lang kapag medyo alanganin. Kaya bilang pakunswelo, sa halip na mag-solidarity night na lang ang grupo na nakasaad sa programa ng conference, napagkasunduan na dalhin ang lahat ng mga kalahok sa pag-a-island hopping sa Surigao!

At siyempre, dito na kami rumampah ng husto!

Photobucket - Video and Image Hosting
Ang lugar na aming pinuntahan, ‘di ko lang alam ang pangalan niya, pero kilala siya dahil sa mahabang tulay na gawa sa kahoy na nagdudugtong sa dalawang (2) isla!

Photobucket - Video and Image Hosting
At eto na nga ‘yung tulay!

Photobucket - Video and Image Hosting
May mining company din kasi d’un sa lugar, akala namin ‘yung kompanya ang nagpagawa ng tulay na kahoy, ‘yun pala, hindi rin, ‘yung mga tao rin lang ang gumawa nito!

Photobucket - Video and Image Hosting
Pose muna…

Photobucket - Video and Image Hosting
Malalayo ang agwat ng dadaanan mo sa tulay, kaya kailang nakatingin ka talaga sa dadaanan mo, kung hindi, laglag ka!

Photobucket - Video and Image Hosting
May nadaanan kaming nanghuhuli ng isda – pangkain nya lang daw ang huli niya!

Photobucket - Video and Image Hosting
Ewan ko kung anong uri ng isda ito, mahaba ang nguso eh, parang “Gar” na isda na pang-aquarium!

Photobucket - Video and Image Hosting
N’ung una, hanggang tingin lang ako…

Photobucket - Video and Image Hosting
…eh, makakatiis ba naman ako ng hanggang tingin lang? Siyempre hindi, kaya nakipamingwit na rin ako – kaso nakawala ‘yung nabingwit ko!


Pagkatapos n’un, balik na uli sa pagpunta sa iba pang isla…

Photobucket - Video and Image Hosting
Tahimik, malinis at ang ganda ng dagat eh…actually, karagatan, dahil Pacific Ocean na ‘yan!

Photobucket - Video and Image Hosting
Pose muna sa Zaragoza island…(cue music here: “parang ‘di ko yata kaya…”)

Photobucket - Video and Image Hosting
…kasama ang iba pang mga kalahok sa conference!

Photobucket - Video and Image Hosting
Isa sa mga isla na nadaanan namin…

Photobucket - Video and Image Hosting
…at dito kami naligo!

Wala pa ‘yung iba ko pang litrato sa pagrampa ko sa beach eh, hinahanap ko pa…pero nag-enjoy talaga ako ng husto! Nakaka-relax ang tubig at nagbibigay lakas (energizing)!


Pagkatapos ng happenings, balik sa venue pahinga ng saglit at kailangan ng tapusin ang conference. Ako, medyo nakulong ako sa kwarto sa admin, kasi inayos pa ‘yung certificates para sa mga kalahok. Tapos, ‘yung ibang kasamahan naman ang nagpatakbo para tapusin na ang conference.

D’un biglang may naging problema. Hindi namin inaasahan, bigla na lang. Parang napasok kami ng PAW na grupo (Pasukin, Agawin at Wasakin)! Isa pala sa kasamahan namin eh medyo mapula ang paninindigan (read: revolutionary), kaya n’ung siya ang naghawak sa programa, medyo nagkagulo na. Pilit nyang siya ang masunod sa plano para sa grupo, eh umalma ‘yung mga kalahok sa ideya nya. Gusto nyang imaniobra ang grupo at dalhin sa katulad ng pinaggagawa ng grupo nila – rally, sa lansangan, etc. (medyo, iba na kasi ang pananaw ko rito). Hanggang sa nawala na, nasira na ang mga diskusyon sa conference. Kulang na sa oras at pagod na ang lahat – ang ilang araw naming pinagpaguran na maging maayos na conference, nasira na lamang bigla! Napagtakpan namin ang mga pagkukulang n’ung mga nagdaang araw, tapos sa isang iglap, nawala lahat!

Kulang na kami sa oras para ayusin ang lahat, pagod na at pauwi na ang mga tao (may kanyakanyang pang mga appointment) kaya dumiretso na lang sa evaluation ng conference – at lumabas sa evaluation, nagkaisa ang mga kalahok sa pagsulat laban sa isa naming kasamahan, nakasulat ang pangalan niya, ayaw sa kanya ng mga kalahok!

Sumama ang loob ko (at pati na rin ang iba kong kasamahan, bakas sa mukha nila eh!), nagpakapagod kami ng ilang araw, sa byahe pa nga lang eh, tapos, basta gan’un na lang? Ngayon lang ako nakaranas ng gan’un…okay na sana eh, kaso, medyo pumalpak! Walang kaalam-alam ang grupo na gan’un ang kakahinatnan.

Kaya ay’un, kinabukasan, mabigat ang damdamin na umuwi na kami…diskusyon sa sasakyan kung anong nangyari…napagkasunduan na lang na sa susunod na meeting na lang ayusin ang lahat. Kinakailangan na magpahinga at magpalamig muna ang lahat. Sa pag-uwi namin, via Butuan City at Cagayan de Oro naman kami dumaan. Kasi, mas mabilis ng isang oras ang byahe at mas maganda ang daan. Totoo nga at nakakatuwa, kasi coastal ‘yung dinaanan namin, kaya talagang nasa gilid o edge kami ng Mindanao n’ung panahon na ‘yun!

Pagdating sa opisina, report kaagad sa boss ko ng mga pangyayari, ayu'n, okay lang daw, pinayuhan ako na huwag masyadong isipin. Basta ang mahalaga, nagawa ko raw ang parte ko, sapat na 'yun. Hindi naman daw sa akin nanggaling ang problema eh. Well, totoo nga...ang problema ko na lang ngayon eh paano tapusin ang documentation ng buong conference...hehehe, mahirap-hirap din 'yun..

Kaya a’yun, ‘yun ang naging karanasan ko sa Surigao City…ewan ko kung babalik pa ko d’un…ang hirap magbyahe eh, ang layo!
Related Posts with Thumbnails