Sound trip lang...isa sa mga paborito kong banda, at ito ang pinakapaborito kong kanta nila!
No A-Ha - You Are The One
Haaay, kaka-miss din sila...A-ha: Morten Harken, Pal Waaktaar-Savoy at Magne Furuholmen.
Ewan ko, pero parang kamukha ni Patrick Swayze si Morten Harket, no?
Thursday, December 28, 2006
Sunday, December 24, 2006
Malipayong Pasko sa Tanan!
Hey, hey, hey!
Kakagaling ko lang sa beach, d'un medyo gumimik...inaantok pa nga ako eh, sunog pa ang mukha...kaso pasko na, kaya kailangan ko magsulat dito para mabati ko ang mga kaibigan ko, kaya...
MALIPAYONG PASKO SA TANAN!!!!
Eto nga pala ang paborito kong kanta na pamasko...ang daming kasing papah eh! Duran Duran, ahaaay! Spandau Ballet, Ahaaaay uli!
Band Aid

Sunday, December 17, 2006
Balita Part 2
Naimbitahan pala kaming kaming mag-exhibit ng aming mga produkto (well, bigas lang naman) sa Glorietta, sa Makati, kaya medyo nakaapak uli ako sa Luzon. Sa totoo lang hindi naman kailangan namin pang mag-exhibi d’un, hindi naman namin market ang Manila eh, malulugi lang kami sa mahal ng pamasahe papunta d’un, kuntento na kami dito sa Mindanao. Napilitan lang kami, inabutan ng hiya, kasi malimit kaming iniimbita, parating tumatanggi, ngayon hindi na kami makahindi, kaya pagbigyan!
Napagkasunduan ng mga bosing ko na isama ako sa pag-exhibit sa Luzon, kasi raw, sanay daw ako sa Manila. Ang mga kasama kasi eh ‘yung isang boss ko lang, si Kuya Nono at ang marketing officer namin, si Ronnie. Okay lang si kuya na lumuwas mag-isa, kaso si Ronnie, unang pagkakataon nyang aapak ng Luzon, Manila pa, kaya kinailangan daw na ako ang maging butihing giya o guide niya – oh say!
So, plinano naming mabuti kung ano ang aming gagawin d’un sa Luzon –habang nasa serye ng mga pagpupulong ang bosing namin, kami naman ni Ronnie eh abala sa pagsasaayos ng aming ie-exhibit sa Glorietta at kasama na rin d’un ang pamamasyal sa mga piling lugar sa Manila, para sa susunod na pagluwas daw, alam na ng kasama ko ang gagawin. Kaya, isang lingo pa lang, pinadala na namin ang mga produkto sa barko, para tamang-tama sa pagdating namin d’un, tiyak and’un na rin mga produkto namin.
Gan’un sana ang mangyayari, okay na okay sana, kaso, puro kabaligtaran ang nangyari…bigla naman akong siningil ng bosing ko sa isang trabaho na medyo matagal ko ng hindi natatapos (hindi ko rin naman siya masisisi). Kaya ang naging deal, hindi ako sasama kung hindi ko matatapos ‘yun! Okay naman ang deal, ginawa ko ang kayang gawin, kaso minalas naman ako…hindi ko natapos, kaya sa umaga ng pag-alis, tanggap ko na sa sarili ko na hindi ako makakasama.
Siyempre, medyo madrama, n’ung ibinigay ko na ‘yung plane ticket nila (ako kasi ang nag-asikaso sa pagkuha eh), bigla akong hiniritan ng bosing ko na padrama-drama pa ako, kasama raw ako. Siyempre, biglang ngiti at nagmadali sa pag-empake ng mga gamit. Tinext kaagad ang mga kaibigan para makapag-meet kahit saglit…lahat okay na sana, nasa plano ang lahat, kaso….
Pagdating sa airport, may hindi magandang nangyari...medyo nahuli kami ng check-in, kaya ang nangyari, nasaraduhan kami. Sa totoo lang, maaga pa’yun, kaso kupal 'yung management, mukhang pera...pinauna ang mga chance passengers, kaya naubusan kami ng upuan. Sa pila sa check-in. may nakauna pa nga sa amin, lima sila, ang available lang na upuan ay dalawa (2), kaya binitiwan na nila. Kami naman, tatlo (3), dalawa lang ang puwede, ang isa maiiwan – ack! Sabi ko maski kandong na lang ako, o kaya ay sa isle na lang ako, basta makasama lang ako, kaso hindi raw talaga pwede.
Namputsa, para akong binuhusan ng mainit na tubig, pulang-pula ako sa inis…tapos, nag-usap na lang kami kung sinong maiiwan…hindi pwede ang bosing ko ang maiwan, lalo hindi pwede na si Ronnie ang maiwan dahil hindi nya alam ang lugar pagdating sa airport…kaya napagkasunduan, ako ang maiiwan, sa susunod na flight na lang daw ako sasakay! Icks, 'pag minamalas nga naman...nag-init talaga ang ulo ko d’un sa airport eh, sabi ko huli ko ng sakay sa Cebu Pacific na ‘yan! Wala akong magawa, init lang ng ulo na lalo pang umiinit ng malaman ko na kailangan magpa-rebook pa ng flight at hindi pa sigurado kung may bakante sa susunod na flight, kaya kailangang bilisan…11:40 am ang dapat na flight, ang susunod eh 5:40pm pa, napakahabang panahon na paghihintay! Kung walang bakante, baka sa kinabukasan pa ang susunod …AAAAAARRRRRGGGHHH, sira lahat ang plano ko!
Halos murahin ko nga ‘yung agent sa booking center eh…tapos, n’ung nakakuha ako ng ticket, ang problema, ang mahabang paghihintay, naisipan ko na lang na pumunta sa SM Davao, at d’un nagpalipas ng oras. Mabuti pa pala, and’un pa ‘yung ibang kasamahan namin sa opisina, mga naghatid sa amin, sinamahan ko na lang silang mamili pampalipas ng oras.
Pinilit kong maing maaga sa pag-check-in, takot baka maiwan na naman, at naging okay naman…star sighting, kasabay ko sa eroplano, si Nanding Josef!
Pagdating sa Manila airport, mga 8:00 pm na ako nakarating, diretso sa Malate, check-in sa may Pension Natividad at d’un namalagi, kasi…heps, lovelife ko na ‘to eh, kaya hindi ko na lang muna ikukuwento….LAB YU ‘GA!!!
Tapos ‘yun, kinabukasan nagkita kami ng mga kasama ko, sa Quezon City sila stay, ako sa Malate, ang exhibit namin, sa Makati…parang magkakalayo yata kami sa isa’t-isa. Tapos, doon na dumating ‘yung mga medyo hindi maganda na mga pangyayari.
Hindi dumating sa oras ang pinadala naming bigas, kaya hindi kami nakapag-exhibit. Lunes hanggang Biyernes ang exhibit pero kami hanggang Huwebes lang. Lunes inaabangang dumating para makahabol sa grand opening sa Martes, kaso Miyerkules ng madaling araw dumating. Sa proseso ng paghihintay, ilang beses naming tinawagan ang kompanya, FASTPAK (dapat nga SLOW FUCK ang pangalan nila eh!), at ilang beses sila na nangako, ay siyet, d’un na talaga ako nagmura, sa manager pa nila! Ang daming naapektuhan at nasirang skedyul…as in, lahat sira! Pati mga personal na lakad ko, hindi ko napuntuhan, dahil sa paghihintay…haaay, kinabuhi!
Una pa lang ‘yun…’yung sumunod…medyo personal na….
Nakakuha ako ng pagkakataon na makabisita sa bahay…at dahil sa mga positibong nangyari sa aking lovelife, nagkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihan ang pamilya ko kung ano ako.
Una kong sinabihan ang dalawa (2) kong kapatid na babae, ‘yung parehong kasundo ko…kaso sa pagkakataong ‘yun, medyo nag-iba ang ihip ng hangin, hindi kami nagkasundo! Medyo masakit ang mga narinig kong salita mula sa kanila. Iba sa inaasahan ko, kasi ‘pag nagbibiruan kami tungkol d’un, kwela sila…pero sa pagkakataong ito, hindi na, dumating pa sa punto na hindi nila matanggap. Iyak talaga ako, kasi ‘yun ang kinatatakutan ko…sa mga kaibigan ko, nalampasan ko, pero pagdating sa pamilya ko, ‘yun pa ang nangyari. Nagkasundo na huwag sabihan ang nanay ko dahil may sakit sa puso ‘yun, baka mabigla at baka kung ano pa ang mangyari.
Nakakalungkot, kasi ni isang beses, ng inamin ko na sa mga kapatid ko, hindi na nilang nagawang tumitig sa akin…talagang ayaw nila, takot sa iskandalo! Sa lahat ng ayaw kong marinig na salita, ‘yun pa ang narinig ko, at mula pa sa kanila – “Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?” Sa sama ng loob ko, sabi ko na lang, huwag silang mag-alala, walang eskandalong mangyayari, sa Mindanao na lang ako…sabi ko hindi ko kayang humarap kay inay na pugto ang mata, magtataka ‘yun! (Nasa isa pang ate ko kasi ang nanay ko ngayon.)
Kaso, kailangan, dahil lalong magtatampo ang nanay ko, alam na bumista ako sa San Pablo, tapos hindi nagpakita sa kanya…sinamahan ako n’ung isa kong ate, at panay pa rin ang usap naming. N’ung nagkita kami ng nanay ko, parang nakahalata, pero wala lang, usap na lang kami…tapos nagpaalam na ako.
Sa jeep, paluwas na uli ako, nag-text ako sa isang ate ko (‘yung kasama ng nanay ko, nasa meeting kasi kaya wala siya d’un n’ung bumisita ako), sabi ko, nagladlad na ako d’un sa dalawang ate ko, at hindi nila tanggap, sabi ko, siya kung anuman ang isipin niya, bahala na…nag-reply, na ikinagulat ko…okay lang daw sa kanya, naiintindihan nya daw…siya na daw bahala, kumausap sa iba ko pang ate at pati na rin kay inay, didiskartehan nya daw ng hindi mabibigla. Nakakatawa ang buhay, sa totoo lang, siya ‘yung ate ko na parati kong kaaway n’ung mga bata pa kami, tapos siya pa pala ‘yung magiging kakampi ko at makakaintindi sa akin. Mabuti na lamang madilim ‘yung jeep na sinasakyan ko, kaya hindi pansin ng ibang pasahero na lumuluha ako (well, eh ano naman kung makita nila?).
Nakipagkita muna ako sa isa kong kaibigan sa Los Baños, at d’un ako naglabas ng sama ng loob, medyo matagal kaming nag-usap at medyo gumaan ang pakiramdam ko. Pagkatapos n’un, diretso na sa Manila, sa mga kasama ko, nag-text kasi ako na medyo may hindi magandang nangyari sa bahay kaya medyo mahuhuli ako sa usapan naming. Sabi nila okay lang daw, naiintindihan nila. Hindi na nga ako nakadaan sa isa ko pang kaibigan, and’un pa naman at mag-overnight si fafa gerry, ‘di ko tuloy nakita – kulang na kulang kasi sa oras eh, tapos sa mga pangyayari pa!
N’ung nagkita na kami ng mga kasama ko, unang hirit, lunurin ko daw sa alak ang problema ko at pumili lang daw ako ng anong klaseng lason…sabi ko sira, tatalon na lang ako sa Manila Bay! Ay’un, inom ng kaunti at gimik, kahit mabigat ang damdamin…tapos uwi sa hotel at natulog.
Pagkagising, may text ako, galing sa ate ko. Kabadong binasa, at nagulat na naman ako, sabi niya, alam na raw ni inay at naiintindihan niya ako…sabi ko ‘yung ang okay na balita…sabi ko sa sarili ko, parang aalis ako ng Luzon na medyo malungkot na masaya…tapos mayamaya lang, nag-text naman ‘yung isang ate ko, humihingi ng patawad, nabigla lang daw sila kaya nila nasabi ‘yun….
Naghanda na kami para sa flight pauwing Mindanao…halo-halong karanasan…masaya, magulo, malungkot….
Ay’un, medyo madramah ang naging pagbisita ko ‘di ba? Ngayon, eto ako…masaya na uli!

Christmas Wishlist
well...makikiuso...kung mapagbibigyan, bakit tatanggi, hehehe...
1. ABSOLUTE KINGDOM COME
2. Outsiders tpb vol.3
3. ABSOLUTE KINGDOM COME
4. Identity crisis tpb
5. ABSOLUTE KINGDOM COME
6. Teen titans tpb: Life and Death
7. ABSOLUTE KINGDOM COME (...ang kulet!)
8.... WORLD PEACE

ZATURNNAH, ZSAH ZSAH!!!
Hey, hey, hey!
Can't wait for this!!!
...hikbi, 'yun nga lang, wala na yata akong pag-asa na mapanood 'yung play nito...unless, pumunta ang production dito sa Davao....
CONGRATULATIONS PAPA CARVER!!!
ZsaZsa Zaturnnah Full Trailer

Tuesday, December 12, 2006
Balita Part 1
Hokey…medyo matagal-tagal akong nawala…kasi, abala sa pahinga, trabaho, lamyerda, at hada! Hehehe…
Pahinga, trabaho, lamyerda at hada kanyo? Halos magkakasamang nangyari eh, nagkasunod-sunod pa! Puro kasayahan pero…sa bandang huli, may kaunting hinagpis…pero okay naman sa pangkabuuan…gan’un naman ang buhay eh, hindi naman puro kasayahan na lamang.
Una, dumating ‘yung isa sa mga funder namin kaya kailangan naming i-entertain siya sa pagtigil nya dito, kaya ayun, napagkasunduan na ang pinakamabilis na paraan eh swimming! Game din naman siya kaya enjoy kami lahat. Ang pangalan nya nga pala eh Sonja (read: Sonya), isang Austriyanong mataas at magandang babae. Dinala muna namin siya sa conventional na swimming pool sa Le Reve kung saan kami eh lingo-lingo na lumalangoy, at duon, kasama siya ay nag-enjoy (nakakatawa nga eh, sa tangkad niya, ‘yung malalim para sa amin na malunod-lunod kami, samantalang sa kanya, nakatayo lang siya!)…
Okay, ang grupo muna, roster...Bangbang, Lanie, Lucia, Sonja, Kuya Nono, Ate betsy... at ako (behind camera, 'yung kumukuha ng pix!)
Si Sonja, ang bisita...
Siyempre, ako...
...at kami ni Lucia!
Ang sumunod naman eh sa pinagmamalaki naming hot spring at waterfalls kami pumunta, na talaga namang ikinasaya ng lahat (n’un rin na lang kami nakabalik d’un, kaya pati kami nagulat sa pagbabago – abah, at maganda na ulit!)…
Ako, si kuya Nono at Sonja...enjoy gyud!
...okay reaction ni Bangbang!
...rumampah kami ni kuya!
...kuyaw!
...medyo relax...mainit...halos maging balut ang...;-)
At panghuli eh, sa beach naman, snorkeling lang sa mga kakaunting korales…hindi na kami nakapag-SCUBA diving dahil kulang na sa oras – sayang talaga! D’un kami nagpalipas ng gabi sa Punta del Sol, isa sa mga magandang resort sa isla ng Samal. Mga 15 minutong paglalakbay sa barge galing sa Davao papunta sa Samal – abot-tanaw nga lang ang isla eh!
Dumating kami sa resort ng medyo madilim na, malakas ang alon sa dagat kaya medyo mahirap maligo kaagad, naghanda lang ng pagkain at kwentuhan…well, ‘yung mga kasama ko, n’ung kati na at medyo okay na ang mga alon, naligo pa rin sila…ako, wala sa mood eh, sabi lang ako ng sabi ng “don’t take chances”, kaso wala namang nakinig, kaya nahiga na lang ako at nagbasa. D’un lang ako naglagi sa veranda ng cottage, okay na sana kaso, mali pala, kasi sa madaling araw, dumadaan ‘yung mga nanghuhuli ng alimasag, kaya dinig ko ang lakas ng mga huntahan nila habang nanghuhuli ng mga alimasag…tapos dumadaan din ang mga motorboat ng mga mangingisda, kaya para ka pa ring nasa highway!!!
Kinabukasan, maaga akong gumising para tingnan ang dagat, pati na rin ang lugar, ‘di kasi makita sa gabi eh…maganda pala, at maraming isda! Tapos, ‘yun, buong umaga lang kami langoy at kuha ng mga litrato, okay na okay…may dumaan pa ngang mga Badjao na nagbebenta ng mga tunay at iba’t-ibang perlas pati na rin malalaki at mamahaling mga kabibe at iba pang klaseng seashells – aliw talaga! A’yun, bago magtanghalian, umalis na rin kami, kasi may iba pang skedyul ‘yung bisita namin….
Eto 'yung sa barge na sinakyan namin...
...maski sa barge pa lang, rumarampah na...
...kami ni Lucia, kasama sa pagrampah...
...at eto na ang pagrampah sa tubig...
si Bangbang muna...
...si 'ter Lanie
...si Sonja...
...ehem...ako....
...si Lucia...'di pa marunong sumisid eh...
...si ate Betsy...
...si kuya Nono at 'ter Lanie...
...at ang mga susunod na litrato eh mga pagrampah ko (na naman!)...
...smile!
me, sa harap ng resort...
...nanghiram muna ng mga seashell sa mga Badjao...
...abala sa pagpili ng mga perlas...
...oy, mga tunay 'yan!
...at siyempre, group picture naman!
Hokey, pangalawa, pagkatapos ng kasiyahan, sa ‘di inaasahang pangyayari, nakaiskedyul naman na operahan ang butihin naming bosing, si Ate Betsy. Nakakainis nga kasi, napataon naman na may trip ako sa Dumaguete, kaya hindi rin ako nakapaglagi sa ospital para sana siya pagsilbihan…pero ‘buti naman at okay na siya ngayon.
Pangatlo, sa trip ko naman sa Dumaguete…nakakatawa nga eh, ilang beses akong nagplano na pumunta rito, kaso laging napupurnada, nakakasama lang ng loob, kaya ipinasya ko na huwag na lang, tapos bigla pa dumating ang pagkakataon na makapunta ako d’un! Medyo kinabahan pa nga ako sa byahe eh, kasi unang pagkakataon na magbyahe lang ako mag-isa papuntang Dumaguete. Tapos, ‘yun nga lang, medyo nakakapanghinayang din kasi wala akong mahiraman ng camera sa opisina, lahat nasa field, ginagamit – sayang, wala tuloy ako mga litrato sa lugar!
Dati na akong nakapunta sa Dumaguete, kaso saglit lang at grupo kami n’un, kaya medyo pampered, eh ngayon, ako na lang! Ngayon, ang ginawa kong paghahanda, nag-text ako sa lahat ng mga kaibigan ko na nakapunta na d’un, at nagkataon naman, may isang tagaroon mismo, kaya madaling nakakuha ng mga impormasyon ng mga gagawin sa byahe. Byaheng Davao-Cebu-Dumaguete ang naging ruta ko, gan’un na rin pabalik. Sumakay ako eroplano papuntang Cebu, pagbaba sa airport, hanap ng barato na taxi, sa labas na mismo ng airport, maski medyo malayo, kasi kapag d’un ka mismo sa airport kumuha ng taxi, marami din daw nanaga sa presyo na mga taxi driver tulad sa Manila…okay naman ‘yung nakuha ko, bootan si manong.
Habang nagbyabyahe papunta sa terminal ng Bus papuntang Dumaguete, kwento si manong na parang guide ko – kwento siya sa magandang puntahan at iwasan na lugar. Pagdating naman d’un sa terminal, naiwan ako ng bus papuntang Dumaguete, hindi ko kasi alam ang skedyul ng trip kaya ay’un, nalaman ko kakaalis lang. Sa sumunod na trip na lang ako pwede sumakay, walang magawa, kinailangang maghintay ng dalawang (2) oras – ‘buti nalang may malapit na Mall, maski maliit at kakaunti ang makikita, kahit paano nakapagpalipas din ng aliw, este ng oras pala!
Pagbyahe ko sa bus, medyo matagal-tagal na paglalakbay – tatlong (3) oras, malayo pala! Nadaanan ko uli ‘yung mga nadaanan ko n’ung huling punta ko d’un. Pareho lang ang ruta, kaya nagbalik sa akin ang mga magagandang alaala, naks! Isa pa, medyo mabait ‘yung naging katabi ko, medyo chika kami at okey na pagtanungan ng mga direksyon. Tatlong oras ang aming naging byahe papunta sa pier na papuntang Dumaguete. Isinakay sa barge ang bus at naglakbay pa ito ng 45 na minuto. Pagdating naman ng pier sa Dumaguete, mga 15 minuto pa na byahe nasa syudad ka na mismo. Pagdating sa terminal, byahe ng tricycle papunta sa hotel na tutuluyan ko.
Sa hotel naman, na-bad trip pa ako pagdating ko, kasi puno na ang mga kwarto! Extra bed na lang daw ang tutulugan ko, tapos naubusan din ng pagkain…ack, pagod, gutom at inis, ‘di ko pa makita ‘yung organizer, wala akong makausap na matino…suya talaga!
Sa gutom ko, pumunta na lang ako sa café n’ung hotel, kaso puno naman, wala akong maupuan kaya hindi rin ako maka-order, (inis na naman!) kaya lumabas na muna ako ng hotel at naghanap ng makakainan. Kaso wala naman akong makita, halos lahat ng restaurant na malapit, puro karne ang tinitinda, inihaw, lechon, liempo, etc. – icks, wala choice, tubig na lang ang pwede, kaya balik ako sa hotel, balak magpahinga na lang at naisipang magpa-reserve at umorder sa café nila. Mabuti na lang, pagdating ko sa lobby ng hotel, and’un na ‘yung organizer, Hazel ang pangalan niya, at nakapag-usap kami…medyo nabawasan ang inis ko (mabait at sweet kasi siya eh) kahit pagod at gutom pa rin ako. Pasok na ako sa kwarto namin, eksakto kakababa ko lang ng gamit ko, tumawag ang café, pwede na raw at ready na ‘yung pagkain ko…haay, saka ko pa lang nakuhang ngumiti.
N’ung gabi naman, hindi pa rin okey, grabeng humilik ang mga kasama ko kwarto, hindi rin ako nakapagpahinga ng husto, waaaaahhhhh!
Kinabukasan, dating gawi (maagang nagising dahil kulang sa tulog), punta sa reception area at nagtanong, saan ang pinakamalapit na beach at balak rumampah! Mayroon daw, mga isang (1) kilometro ang layo, pwedeng lakarin. Handa ako sa lahat ng gamit, trunks at goggles, naglakad ako, alas-5 ng umaga, medyo madilim pa at medyo walang tao…n’ung medyo malayo na ang nalakad ko at tahimik talaga ang lugar, saka ko pa lang naiisip na baka maholdap ako o kung anuman – hindi nga pala Davao ‘yung lugar, masyadong kampante eh! May napagtanungan din naman ako kahit papa’no, maski nag-aalangan pareho, ‘buti na lang mabait sila, kahit nagkandligaw-ligaw ako sa direksyon!
Pagdating naman sa beach, Silliman Beach ang tawag nila d’un…turn-off, malapit mismo sa mga komunidad kaya, medyo ‘di okey, may naabutan pa akong naglilinis ng koral nya at diretso sa dagat ang dumi….ick!
Lakad-lakad na lang ako, tapos nakasalubong ko pa ‘yung isa sa mga kasama ko sa kwarto, rampah din pala sa beach ang trip niya, at katulad ko, ‘di rin naingganyong maligo, lakad-lakad na lang. N’ung pauwi na kami, nagsakay na kami sa tricycle at nagtanong pa rin ako sa driver kung saan ‘yung mga dinarayong beach. Meron naman daw, at sabi ko pagkahatid sa hotel n’ung kasama ako, dalhin nya ako d’un, ‘di ako makukumpleto ang araw ko kung hindi ako makakapaligo sa beach!
Pagdating sa hotel, kasama ko pala sa activity namin ang mga dati kong kasamahang magsasaka at kaibigan sa Los Baños, kaya parang naging reunion namin. Pero maaga pa rin n’un kaya pumunta pa rin ako d’un sa beach, sumama ‘yung isang kaibigan ko at kwento na lang kami papunta d’un sa beach. Sa beach na pinuntahan namin, okay naman, low tide...maraming sea grass kaya medyo nakakatakot. May phobia na kasi ako sa mga seagrass, malimit sea snakes ‘yung nakikita ko eh, takot pa naman ako d’un!
Ako lang ang rumampah at naligo talaga, ‘yung kaibigan ko, sa beach lang mismo, palakad-lakad at patanaw-tanaw lang, samantalang ako sa dagat talaga at naghanap ng mga korales. Okay naman kahit paano, kaso n’ung umahon na ako, saka ko pa lang napansin, marami ‘nung mga parang ahas o bulate sa dagat, mahaba na may stripe tapos sa bandang dulo eh, may mga galamay na maliliit…natakot na naman ako, pero okay lang, nag-enjoy din naman!
Pagdating sa hotel, naligo, nag-ayos at naghanda para sa seminar, trabaho na muna. Okay naman ang naging takbo, ako na naman ang pinutakte ng mga tanong, pero nasagot ko naman – o ayan ha, sulit naman para sa organizer ang pagpunta ko d’un, hindi na sila lugi! Pagkatapos ng oras ko, umalis na muna ako, nagpalipat ng skedyul sa eroplano. Ang orihinal kasi eh dalawang (2) araw ako maglalagi sa Dumaguete, kaso nagmamadali ang lahat ng participants kaya natapos ang activity ng isang araw lang. Gusto ko mang maglagi sa Dumaguete kaso, nag-text na sa opisina sa amin at pinaaalalahanan ako sa mga trabahong naiwan at deadline, wala kasi si Ate, kaya medyo kailangan ako sa opisina.
Inubos ko lang ang oras ko sa pag-ikot at gala sa syudad mismo kahit kainitan dahil ‘yun lang ang oras ko…at du’n ko masasabi, bihira lang akong humanga eh, sa Dumaguete ko nakita ang pinakamagandang tindahan o branch ng Jollibee! Kakaiba siya, pinagsamang luma (karaan) at makabagong disensyo ng gusali, pero mas lamang pa rin ang makalumang estilo. (Tiningnan ko lang naman sa labas, hindi na ako pumasok, tama na hanggang tingin lang – binoboykot ko kasi ang mga ganitong uri ng establisyamento eh!) Sabagay, sa Dumaguete naman kasi, okay ang ibang gusali dahil pinahahalagahan nila ang mga luma o sinaunang gusali, lalo na sa mga hotel at restaurant. Isa pang nakakapagtaka sa Dumaguete eh, mahilig yatang magbasa ang mga tao rito. Kasi naman, sa bawat kanto o eskinita na madaanan ko eh hindi nawawalan ng tindahan ng mga magazine, dyaryo, libro at pocketbook! Kakaiba, as in…bukod pa sa mga convenience shop o malalaking tindahan na nagtitinda nng mga babasahin, marami talaga kahit saan – y’un nga lang, WALA pa rin akong nakitang KOMIKS!
N’ung natapos na ang paglilibot ko at medyo naliliyo na ako sa init ng araw, nagpasya na akong umuwi sa hotel at nagpahinga. ‘yun nga lang, mainit sa labas, aircon sa kwarto, nahiga ng basa ang likod at natulog – kaya ay’un, pagkagising, mabigat ang katawan, engots! Pero, kinaya pa rin, sa labas kasi kami nakaeskedyul maghapunan at gimik…kaya medyo okay lang. Okay ang naging mga pagkain, seafoods galore! ‘yun nga lang, medyo mahal na rin, parang Manila price na rin – iba pa rin talaga sa Mindanao! Pagkatapos ng medyo mahabahabang hapunan, habang ang iba (read: mga tigulang!) eh nagpasyang umuwi na sa hotel at magpahinga (mga KJ gyud!), kami naman na medyo bata-bata pa eh nagpasyang gumimik – siyempre!
Libot muna sa may “baywalk” nila, hanap ng magandang café at napagkasunduang disco ang maging tirada! Hanap kami ng lugar at may nakuha naman, mga game lahat eh, kaya pagpasok pa lang, hanap lang ng lamesa, order at rampah na kaagad! Maraming tao sa loob, pero kakaunti lang ang mga sumasayaw, kalimitan eh mga nagtratrabaho (read: buring or fokfok) – marami kasing mga dayuhan (foreigner) eh! Pero wala kami paki, sayaw lang kami ng sayaw! Natapos kami, mag-a-alas-tres, enjoy kaayo! Hah, masama pa ang pakiramdam ko n’un ha!
Kinabukasan, a’yun, nilalagnat at sira ang tiyan! Ang masama pa nito, nalimutan kong magbaon ng mga anthromed (anthroposophic medicine – ‘yun na ang gamot ko nga ‘yun!), kaya no choice, napainom na naman ako nga mga conventional na gamot – ick!
Nagpasya na lang ako na ibang ruta pabalik sa Cebu, dahil hindi pwede sa bus, matagal na nga ang byahe, wala pang C.R. na mapupuntahan kahit anong oras, mahirap na, sira ang tiyan ko! Nagpasya na lang ako na Fastcraft (barko na maliit) ang sakyan ko, byahe ng Tagbilaran (Bohol), saka mag-Cebu. Halos kapareho lang ang haba ng byahe kung mag-bus ako, pero ang kahalagahan may C.R. naman at tsaka, mas relax, masama na nga ang pakiramdam ko eh. Medyo may kamahalan nga lang (halos doble ang presyo ng pamasahe), pero kailangan eh, tsaka…at least, makakadaan ako sa Bohol, hindi pa ako nakakapunta d’un eh!
Okay din naman ang byahe kasi may mga kasabay ako na participants kaya may ka-chicka…tapos n’ung dumaong na sa Tagbilaran, maski saglit, bumaba ako at bumili ng pasalubong…at tsaka officially, nakaapak ako ng Bohol, hehehe…in fairness, ang ganda ng pier nila ha!
Saglit lang ang stopover, nagbababa at nagkarga lang ng pasahero, tapos byahe na uli, papunta na sa Cebu. Gabi na ng dumating ako sa Cebu at tsaka masama pa rin ang pakiramdam kaya diretso na lang sa hotel. Sabi ko d’un a driver, sa downtown at sa medyo barato na hotel o pension house. Okay naman ang pinagdalhan sa akin n’ung driver. Sa hotel, kain lang at tulog na diretso ang ginawa ko, medyo nagkasala na naman ako kasi napilitan akong uminom ng sleeping pills, kaso hanggang alas-tres lang ang naging epekto ng gamot, maaga pa rin akong nagising, well, at least nakapagpahinga ng kaunti.
N’ung umaga, medyo okay-okay na pakiramdam ko, ginala ko kaagad ang downtown, at pinagplanuhan kung saan-saan pupunta pagbukas ng mga mall. Sakay ako ng taxi at nagpalibot sa downtown, mga simbahan, pati na nga Magellan’s cross, at kapitolyo…tapos sa Tabuan, sikat na lugar kung saan ang bilihan ng mga danggit at iba pang bulad (daing)! Pagkapamili, balik sa hotel dahil mahirap bitbitin ang nangangamoy na bulad.
Labas ng hotel at sa pagkakataong ito, nilakad na lang ang downtown, mas okey eh, para matingnan maigi ang paligid. Okay din naman ang downtown, marami pa ring makalumang gusali, pati mga sinehan nila, mga luma pa rin pero malalaki at maayos pa. Sa mga mall naman, Gaisano pala ang marami sa Cebu, well tagarito nga pala ang may-ari n’un. Hanap ako ng mga makakainan, kaso puro fastfood at food court lang, wala akong makita na mga tunay na restaurant. Ang gusto ko kasi eh ‘yung mga restaurant na kung kailan ka lang umorder eh saka pa lang lulutuin ang pagkain mo, para mainit talaga ang pagkain at hindi pinainit lang.
Wala akong makita, at mag-a-alas-diyes na n’un, nagpasya na lang ako sa Ayala Center pumunta, alam ko maraming restaurant d’un, at hindi nga ako nabigo, kaso kalimitan sa kanila, alas-onse nagbubukas – ick, antay na naman ako! Naglibot-libot muna ako, hanap ng libro at komiks, may nakita namang komiks, kaso kakaunti na, mahal pa – ‘di na lang. N’ung nakakita ako ng bukas na restaurant, saka palang ako nakakain at medyo nakuntento.
Pagkakain, balik sa hotel at naghanda para sa flight pauwing Davao, maski nagmamadali at kulang ang oras sa Cebu, nag-enjoy din naman ako kahit papaano, balak kong bumalik dito.
Pagdating sa terminal ng Cebu, medyo mahal din ang terminal fee, kapareho sa Manila, pero maganda naman ang facilities, ‘di tulad sa domestic airport sa Manila. Tama lang ang pagdating ko, dahil saglit lang ako naghintay, boarding na. Maaga akong nakarating sa Davao, kaso byahe pa ng dalawang (2) oras sa van para makarating sa amin, well, kahit papaano, nakatulog at pahinga din naman ako ng mahabahaba sa sa van.
Pagdating sa opisina, balik na naman sa trabaho…at nakapagpahinga na uli…hindi na masyadong nagkasakit tulad ng huli kong byahe na talagang naospital pa ‘ko…
Pang-apat, pagkalipas ng isang lingo, nagkaroon na naman akong makapagbyahe…sa Luzon naman! Nakakatawa uli, kasi natanggap ko na sa sarili ko na hindi ako makakuwi ngayong taon dahil hindi ako nakapag-ipon ng pamasahe, tapos eto na naman ang pagkakataon. Siyempre, tuwang-tuwa ako, makakabisita ako sa amin at magkikita na rin kami ng aking…’LAB YU ‘GA!!
Wait…ang haba na…tigil na muna..

Subscribe to:
Posts (Atom)