Wednesday, February 07, 2007

Gan’un pala ‘yun!

Marami na naman akong naging karanasan nitong mga nagdaang araw at sa lahat ng ito, ang masasabi ko lang ay “gan’un pala ‘yun!”.

Una, nakaranas ako ng isang pangyayari (masyadong personal o pribado, kaya pahapyaw lang ang pagsambit ko), na malimit ko lang mabasa at mapanood sa tv, kaya n’ung naranasan ko ‘yun, kakaiba talaga…nakakakaba sa una, pero kapag naroon ka na, ‘yun talaga ang nasambit ko – “gan’un pala ‘yun!”.

Pangalawa, pagdating sa lovelife…may naranasan na naman akong bago…’pag nga mahal mo ang isang tao, totoo pala ‘yung kasabihan na “hahamakin ang lahat, masunod ka lamang”, grabeh, totoo nga, hahamakin mo pala talaga lahat-lahat – at nasambit ko na naman ang “gan’un pala ‘yun!”.

LAB YU 'GA!!!

Pangatlo, medyo madrama naman na karanasan, malungkot na masaya, may panghihinayang, konting inggit, pero ang pinakamahalaga, kapayapaan para sa kanya (wala siyang dapat ikatakot dahil naiintindihan ko) at pagkamalaya…o kaya’y respeto…’yun, mas bagay ang salitang respeto! Kaya mo pala talagang magbigay ng daan para sa isang minamahal mo, pero pagmamahal na may respeto…sana lang huwag siyang tuluyang lumayo…sa ganitong karanasan, nasa isip ko talaga at nabanggit ko naman sa sarili ko na “GAN’UN PALA ‘YUN!!!”

Sunday, February 04, 2007

belated sa lahat...

Haaaay, sa dami ng ginagawa ko ngayon, ang pag-update nitong blog, medyo nahihirapan na ako...ayaw pa kasing lagyan 'yung computer ko sa office ng internet eh...matagal pa raw at galing pa sa manila ang technician.

Sa sobrang tagal, ang dami ng okasyon ang dumaan...belated na lang po sa lahat, sa bagong taon na nagdaan at sa mga nag-celebrate ng kani-kanyang mga may birthday na hindi ko na nabati, pasensiya na po...well, aabot pa naman sa chinese new year, kaya... KUNG HEI FAT CHOI!

...which reminds me of my...LAB YU GYUD 'GA!!!

Ako, eto, hindi magkandaugaga sa sobrang pagkaabala...nasa Davao na ako ngayon naka-base at nakakatawa, hinihiritan ako ng mga kasama ko sa trabaho. Kasi, n'ung nasa Makilala pa ako, tumatakas ako papuntang Davao para gumimik, halos ayawa umuwi ng lugar namin...ngayon namang nasa Davao na ako, hindi naman ako makagimik!

Marami na namang mga nangyari sa buhay ko, sa ikalawang taon ko rito, medyo significant na naman. N'ung unang taon ko kasi, sa selebrasyon ng isang taong paglagi dito sa mindanao, lumabas ang pagmumukha ko sa mga tv at pahayagan...at ngayon naman, medyo, naulit muli. Napataon na nagbukas kami ng tindahan dito sa Davao at medyo big event...ako rin ang napiling medyo magpatakbo at sa pagbubukas eh, nag-organize kami ng presscon, 'yung bosing ko naman ang naging bida, pero, ako medyo napasingit, may nag-phone interview, at medyo maganda ang lumabas na resulta, maganda ang pagkakasulat sa mga pahayagan dito sa Davao at ang mga customer namin eh pumupunta sa tindahan namin dahil nabasa raw nila kami sa dyaryo...tapos n'ung isang araw, tv interview naman, shucks, na camera-shy ako!

Enjoy naman ako sa stay ko rito sa Davao, ang daming nami-meet na mga tao, at mga bagong kaibigan...kahit busy naman kaayo...well, bago palang naman, mag-a-adjust pa...sa susunod na mga araw, mas marami na akong isusulat tulad ng dati, na 'yung bumabasa naman ang nagrereklamo sa haba ng nakasulat...

Okay, yun na lang muna...at medyo, mabigat na ang aking mga mata...

Related Posts with Thumbnails