Sunday, July 29, 2007

Spider-pig, spider-pig!

Spider-pig, spider-pig!

Does whatever spider-pig does!

Spider-pig...teka, 'di ba si "peter porker, the amazing spider-ham" 'yun?


Hmmnnn, may nakakaalaala ba n'un?

Anyways, okay din naman ang The Simpsons Movie, tawa ako ng tawa, BWAHAHAHAH!

Grabeh talaga si Homer!!!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
The Simpsons Movie

KOMIKON NA!

KOMIKON na naman, maski wala pa 'kong napupuntahan maski isa, huhuhu....

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Friday, July 27, 2007

Panapanahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?...

Medyo sinisipag akong mag-update nitong blog ko, kaya medyo maraming nagiging laman ito, hehehe....minsan lang naman eh, pagbigyan nyo na!

Nahalungkat ko ang mga luma kong litrato at siyet, nakakatawa! Ang dami ko pang buhok n'un at PAYAT pa akoh!!! Ayaw kasing maniwala n'ung iba na nagkaroon ako ng punto sa buhay ko na payat ako, kaya eto ang mga pruweba!

Haay, nakakatuwa, nakakalungkot...daming alaala!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Maniniwala ba kayong ako 'yan? From left to right, ai Ailon (negro), ako, ate Lissa, mama Darls at si Ed (nunal).

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
At ito pa...si ate Lucille, ako, ate Lissa, Nom, Bernz, at Randy (nasaan ka na?)!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ito, sa tambayan 'to...alaalaaaahhhhh....

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ito naman...hmmmnnn, alaala ng mahaba ko pang buhok....

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
N'ung panahong mapagtripan lang naming gumimik, Bjorn, ako, Mina, Monette at Ailon!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sa Batangas 'to...unang gabi sa Taal, hehehe...Mina, ako, Odette, Bjorn at Lala.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
At n'ung naligo kami a Taal lake...Lala, Bjorn, ako, at Mina.


Tapos, n'ung grumadweyt ako, nagpapictorial ako, feeling...ewan!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ang baboy koh!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Feeling!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Isa pah!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Isa pa nga!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
At isa pah...mukhang lalake ah! Well, lalake pa nga ko diyan, hehehe....

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Eto naman, ilang taon ang nakalipas ng magkita-kita uli kami...Ailon, Ed at ako!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sa apartment namin n'un...feeling Alex Ross!


Ito, sa panahon na ng trabaho ko...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sa Agronomy...Agnes, Ana, ako, Ate Neneng....

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sa mga (student assistants) yata 'to...siyet, tumataba na ako nito...sorry, 'di ko na tanda name ng unang girl, si Meg, Lala, Cha, ate Timi, at ako!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
SA gihapon, si Lea (uuuuuuuuy...), ako, Lala, at si Carlo!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Eto, nagsisimula ng rumampah! Ako, ate Lissa, Indihra at si Pam (ehem, bosing ko ito, hehehe)...


At...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Itong pix na ito...memorable...nakunan ito ng gabi ng binasted ako ng huling babaeng niligawan ko sa Luzon, hehehe...and i was never the same again....

Thursday, July 26, 2007

Philippine Madrigal Singers- BOY

whoah!

"of mouse and man", hehehe...

Okay, napanood ko na siya, matagal ko rin siyang inabangan, at okay na okay! Halos lahat nga ng preview eh napanood ko na, at talagang pinilit ko na sa sinehan ko siya mapanood at hindi sa pirated na DVD - at...okay pa rin! HIndi ako nagsawa sa kanya, hehehe!

Halos nababad ang pagkakangiti ko habang nononood ako ng pelikula - bihira lang talaga akong mag-enjoy sa pinapanood ko kasi eh! Hmmmnnn, kailan ba huli akong nakapanood ng ganito? 'di ko na maalala....

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Si Remy!

Okay 'yung ending eh, 'di ko inakala na gan'un, hehehe....panoorin nyo na lang, sigurado akong magugustuhan nyo!

Wednesday, July 25, 2007

Thriller gyud!

Ok 'to ah!

Sa wakas!

Sa wakas ay nakuha ko rin! Well, actually, n’ung isang linggo pa ito, pero ngayon lang ako nagkaroon ng oras na isulat ito. Ang tinutukoy ko eh ang bagong libro ng isa sa mga bago at paborito kong manunulat, si G. BOB ONG!

Eto siya...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ang "Macarthur"...bakit kaya 'yang ang titulo? Basahin nyo na lang!

Ilang linggo rin akong nagpabalik-balik sa National Bookstore sa SM-Davao (uy, plugging!), at ilang linggo ko rin silang pinepeste ng pagsusuplado at tanong kung kailan darating ang kopya nito, at ngayon nga eh meron na ako. Kaya abot-tenga ang ngiti ko ngayon, hehehe. Grabeh, sabi ng attendant d’un, n’ung unang dating, 10 kopya (sampo???!!!), eh ubos daw kaagad. (Siyempre ba naman noh, sa dami ng naghahanap eh, di mauubos kaagad ‘yun!) Kakaunti kasi ang dumating kasi maski daw sa Manila, eh nagkakaubusan…hmmmnnn, gan’un na ba kasikat si G. Bob Ong ngayon?

N’ung makuha ang kopya, habang naghihintay sa linya sa pagbabayad, eh sinimulan ko ng basahin, dahil sa sobrang atat na talaga! At…

Well, kakaiba siya sa mga nauna nyang sinulat, at medyo may pagka-seryoso na siya ngayon…gan’un pa rin ang estilo ng pagkakasulat na nakatawag pansin sa akin n’ung una.

Sa pangkalahatan, ng matapos ko ang pagbabasa, ang masasabi ko eh ito:

1. Maayos pa rin naman ang estilo ng pagkakasulat, sa dating paraan/estilo kung paano siya nakilala.
2. Naging seryoso na (as in seryoso), na ang kwento.
3. Mayaman ang pagkagamit ng mga salita, at talagang, mapapabigkas ka ng mga katagang “shit” at “eeewwww”, habang binabasa mo ang nobela. (Meaning, gan’un siya kalakas humatak ng imahinasyon!)
4. Para sa akin, merong isang bahagi ng kwento na medyo nakalimutan ng manunulat na medyo palawigin o bigyan ng pansin. Maaari sana itong maisama na lamang sa banding hulihan ng kwento na parang tagong kabanata (“lost chapter”). Ika nga eh, mala-“Noli Me Tangere” na estilo, tulad sa kabanata ng buhay ni “Elias”. Medyo “spoiler”, ang binabanggit ko eh, tanong ko lang naman, “Bakit naging paboritong anak?”
5. Sa pangkalahatan, okay naman. Ika nga eh, “worth it” ang paghihintay.

Ito pa pala ang masasabi ko, sa aking pag-aanalisa, wala akong sinisilip na kung ano pa man, ito lang ang nasa isip ko, hindi ako naninira o kung ano man.

Magaling ang ginawang mga hakbangin ng manunulat na si G. Bob Ong sa kanyang career, inuna nya na maglabas ng mga kwentong medyo kakatawanan, base sa mga nangyari sa kanyang buhay, sa mga kaibigan o likhang-isip (malay natin kung alin), bago ang medyo seryoso na kwento. Dito ay nakakuha siya ng mga mambabasa na nakaka-relate sa kanya, at madamdaming sinubaybayan o inabangan ang mga sumunod pa niyang mga likhain.

(Sabagay, para sa akin, kung maglalabas ka ng isang libro sa panahong ito na medyo seryoso kaagad ang tono, medyo mahihirapang makakuha kaagad ng mga debotong mambabasa, dahil sa dami na ng ganitong klase na sa merkado. Ewan ko lang kung ano ang magiging reaksyon ng mga mambabasa kung ang unang librong inilabas ni G. Bob Ong eh ang “Macarthur” sa halip na "ABNKKBSNPL Ako", ganoon pa rin ba ang magiging takbo nito sa popularidad?)

Habang tumatagal, nagiging seryoso, malikhain at higit na may laman na ang kanyang mga sinulat, nagpapatunay lamang sa pagiging henyo ng manunulat. Iba’t-ibang klase ng porma o estilo, ng nilalaman, pero alam mo pa rin na may tatak-Bob Ong!

At sa pinakahuling aklat niya, talagang, seryoso na ang tono. Ewan ko lang sa ibang mambabasa kung ano ang magiging reaksyon nila. Baka kasi mag-expect sila na magiging katawa-tawa uli ang bagong libro, at maging dismayado. Parang katulad ko, akala ko gan’un pa rin, pero laking gulat ko n’ung mabasa ko – pero hindi ako nadismaya, lalo pa nga akong humanga eh!

Para sa akin kasi, bihira ang mga manunulat na nababasa ko na kayang gumawa ng iba’t-ibang estilo ng pagsusulat (Jessica Zafra, Lualhati Bautista, Amado V. Hernandez , Allan Moore), kaya inilalagay ko na si G. Bob Ong sa mga hanay nila (well, actually, matagal na nga eh…).

Kaya, eto na naman ako, aabangan ko na naman ang bago nyang gawa, at kung lumabas na, siguradong kawawa na naman sa akin ang mga tindahan ng libro sa pamemeste o pangungulit ko sa kanila kung kailan sila magkakaroon ng bagong libro ni G. Bob Ong!

Sunday, July 22, 2007

Hmmmnnnn…

Ano balita sa buhay ko nitong mga nagdaang araw? Medyo naging sobrang abala sa trabaho at sa pag-iisip!

Sa trabaho, sa buhay, sa ewan…ano na ba ang kalagayan ko?

Hindi ko rin alam…gusto ko mang ayusin ang buhay ko ngayon…nalilito pa rin ako kung paano….

Pero, iisa ang tinutungo nito na sigurado…GUSTO KO NG AYUSIN ANG BUHAY KO!!!

Siguro, sa mga susunod na araw, isulat ko rito kung anong mga nasa isip ko, pero pansamantala, ganito na muna…

Siyanga pala, medyo napatagal na ang pagpaskil o post ko rito ng mga larawan, malayo kasi ang camera sa opisina eh, kapag nagka-oras, mahihiram ko ‘yun at balik na naman sa normal. Pansamantala eh, ito na munang larawan ng isa sa paborito kong taga-dibuho o artist ang ilagay ko rito. Si Victoria Frances.

Sa unang pagkakakita ko pa lang, siyet, na-in love na kaagad ako sa mga gawa niya, “GOTH” eh! Sa totoo lang, kung hindi lang ako napigilan ng bosing ko dito, siguro GOTH na ako dito sa Mindanao, kaso, naging purong puti na lang ang mga suot ko, ika nga eh, “JOHNNY THE WHITE” ang tawag nila sa akin dito. Parating napapagkamalang pastor, pari o miyembro ng BRAHMA KUMARIS ako dito, tsk, tsk, tsk….siguro, gawa uli ng balbas ko….


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
...isa sa mga gawa ni Victoria Frances...HANEP!

Friday, July 13, 2007

haay kinabuhi....

Buhay-buhay...

N'ung isang gabi, sa 'di inaasahang pagkakataon, nagkaroon ng aksidente sa tapat ng tinutuluyan naming apartment.

Mag-aalas-dose ng gabi..habang akoy gumuguhit ng isang ekstrang pagkakakitaan (lalim 'no?), bigla na lang may dumaan na motorsiklo (well parati namang may dumadaan na motorsiklo d'un sa lugar namin), kaso bigla may kumalabog! hindi ko muna nilabas, baka kako wala lang, wala namang kumakahol na aso...kaso, sobrang tahimik na ang kasunod tapos, medyo kakaiba yata ang ilaw sa daan, patay-sindi na pula...

So, lumabas na ako ng bahay, tapos, ang nakita ko, lalakeng nakahandusay sa daan...medyo natakot ako, kasi baka may patay, kasi medyo napapadalas ang patayan sa lungsod sa panahong ito eh…agad kong nilapitan, humihinga pa siya! Nakataob ang motorsiklo nya sa malayo, tapos ‘yung lalake, nakahandusay at basag ‘yung helmet nya. Kaagad kong tiningnan kung may dugo sa ulo, mabuti at wala naman…tapos maingat kong inalalayan na huwag magalaw ‘yung leeg nya, kaso gumagalaw siya, dumapa at humagok…natulog pa! Lasing pala ‘yung mama! Well, nangangamoy nga sa alak.

Ang nakakapagtaka, malapit lang naman ang aksidente sa mga bahayan, kaso walang lumabas kundi ako lang. Tulog na yata lahat ng tao at walang nakarinig! Eh, hindi ko naman kayang mag-isa lang, ginising ko ‘yung kasama ko sa bahay, at humingi kami ng tulong sa mga kapit-bahay, sa tapat namin...at saka pa lang silang nagsimulang lumabas at nalamang may aksidenteng nangyari. Well, wala namang nag-panic sa amin, nagamit nga namin ang aming kaalaman eh...huwag mag-panic, tingnan kung humihinga pa, huwag galawin ang leeg at katawan, humanap ng pagkakakilanlan (ID), at tumawag sa 911, oh say!

Hindi namin makausap ‘yung naaksidente, kasi ang lalim ng tulog, feeling nya nasa kwarto na siya at nakikipagbuno na siya sa kama niya! Dumating ang pulis, pati 911...at ang nalaman nila, gamit ang stethoscope – lasing ‘yung lalake kaya naaksidente!

Okay, nang medyo nahimasmasan na ‘yung lalake, nakatayo na siya at sumakay sa patrol, hindi na sa ambulansiya, at inihatid na siya ng mga pulis sa kanila….

Kinabukasan, sabi ng kapit-bahay namin, bumalik daw ‘yung lalake, at hinanap ang kapares ng nawawala nyang tsinelas. Nawala daw sa aksidente nya kagabi…hindi nya raw maalala na naaksidente siya n’ung gabi…ah, okay, ang alak nga naman, nakakawala ng kapares ng tsinelas! Tsk, tsk, tsk….

Tapos, n’ung isang gabi naman, nanood kami ng special screening ng “Harry Potter”. Unnhhhh, medyo okay naman ang sine, pero siguro kung uulitin ko siya, mga huling kinse minutos ng palabas, sapat na….

Bago magpalabas, may mga nakalaang upuan para sa mga espesyal na bisita, mga upuang nakalaan para sa bise mayor, sa mga konsehal, alta de sociedad, at iba pa. Nakaupo na kami ng maayos ng kasama ko, kaso umalis muna ako para dyminggel…at pagbalik ko…medyo natagalan ako, kasi biglang may humarang sa akin na lalake. Tinanong ang pangalan ko, at tinanong din kung isa raw ako sa mga piling panauhin…NAKS NAMAN! Hehehe, napagkamalan akong Special Guest!!! Hwehehehehe!!!!!

Naging tapat naman ako, sabi ko hindi…hehehehe!

...siguro dahil sa balbas ko?

Wala lang, hehehe, enjoy lang!

Related Posts with Thumbnails