Well, medyo huli na ito, pero ipo-post ko lang mga kuha o pictures namin n'ung nagkaroon ng oras (sa wakas!) ang mga Komikero na mag-swimming.
Totoo nga na sa mga gala o happening, kapag plinano ng maigi, ayaw matuloy, pero kapag basta-basta lang, natutuloy...well, game kasi naman ang lahat at SABIK na SABIK sa paglangoy.
Mas maganda sana kung sa beach ang happening, pero sa malapit na muna (sa palagay ko eh sa mga nalalapit na araw eh may part 2 ito at siguradong sa beach na nga hane...), kaya sa Villa Greogoria sa Nagcarlan, Laguna. Okay naman ang resort, maganda, malinis, maayos at higit sa lahat mura! 'yun nga lang, medyo may kalamigan...lalo na sa shower room, mapapahiyaw ka sa lamig ng tubig nila.
...group shot muna pagkarating...medyo nakakapagod ang byahe maski malapit lang...
...tapos, siyempre, kainan na!
...maski umiinom, gustong naka-pose pa (rampadorah talaga!)...
...ako at si fafah Gerry...ang lakih!
...si Kevin 'yung nasa likod...na medyo balot na balot...
...eto nga pala 'yung pool, medyo marami kaming naging kasabay n'ung panahon na 'yun, pero enjoy pa rin naman...kasi sa medyo malalim na parte, kakaunti lang ang mga tao...
...group shot uli habang namamahinga, second round na ito ng kainan...
...kasama ang Super Machong si Neil...
...well, focus pa...nagpakita na si Kevin...
...kain pa...
...at kain pa...
...close-up..oh, ha, marunong akomg magkamay!
...at ito pa, kasama sina Hazel at Geoff...
Well, naka-dalwang set lang yata kami ng paglusong sa pool, pagkatapos n'un, ayaw na...malamig nga kasi...pero super enjoy naman...can't wait para sa susunod!
...dito nga pala galing ang mga litrato, pakibisita na lang at marami pang iba....:D
Big Ape Design Studio and JONASDIEGO.COM in cooperation with Super Debil Robot Comics and Kawalo Concepts and Designs presents: The 1st Cebu Comic Book Convention happening on the 25th of September 2010, 10:00 AM to 7:00 PM at the Activity Center in Ayala, Cebu.
Ang on-line diary ng pakikipagsapalaran sa buhay ng isang taong medyo kakaiba, o kalimitang taliwas sa normal na taga-Luzon, na nagkaroon ng pagkakataon na mapapunta at manirahan ng maikli, ngunit makabuluhang panahon sa bagong daigdig at lupang pinagpala na kapuluan ng Mindanao...at ngayo'y muli na namang napabalik sa Luzon, para sa mga panibagong pagkakataon o oportunidad, at ipamahagi o ibalita sa lahat ang likas na kagandahan ng buhay.
Sa kasalukuyang buhay na ito, ayon sa may akda, ay hindi kailanman makakalimutan ang kapuluang Mindanao!
Para sa madaliang pagkuha sa atensyon ng may akda (naks naman!), eto ang address ng sulat na pang-dagitab: johnny_danganan@yahoo.com at para naman sa gustong mapudpod ang daliri sa pagpindot ng mga letra sa selulang telepono: (0927) 531-1680!