Medyo maraming naging involve para sa project or activity na ito. Siyempre ang Komikero para sa fund-raising campaign ng Lapis at Papel...'yung grupo ng kaibigan ko na United Architect of the Philippines (UAP) - San Pablo City Chapter, sila ang sumagot sa renovation at pagpapintura n'ung feeding/health centers ....ang isang Non-Profit Organization (NPO) na SUHAY, samahan ng mga ginang/asawa ng empleyado ng isang kumpanya, ang umampon at namamahala sa paghanap ng tulong sa mga bata sa lugar na nabanggit...at isang student organization sa UPLB, na nag-volunteer tumulong sa pag-aasikaso ng mga nakuhang gamit para maibigay sa mga bata, ang University of the Philippines Society of Agronomy Major Students (UPhilSAMS).
Dalawang (2) Barangay na may tig-25 kabataan (TOTAL: 50) ang nabigyan ng konting gamit para sa pasukan, ito ang laman ng bawat kit na ibinigay sa mga bata na umabot sa P60.00/set (TOTAL: P3,000.00):
1 pc. plastic envelop
2 pcs. pang-grade 1 na lapis (Amspec)
1 pc. pad na pang-grade 1 na papel
1 pc. notebook pang-grade 1
1 pc. crayola (8 colors)
1 pc. pantasa (sharpener)
1 pc. pambura (eraser)
1 pc. plastic na gunting (scissors)

Ito na 'yung mga school supplies...

...eto 'yung isang set na matatanggap ng isang estudyante.

Busy-busy sa pag-eempake ang UPhilSAMS...

...last-minute na paglalagay ng mga kulang pa....

...posing muna!
Tapos, pumunta kami sa SUHAY para i-turn-ver ang mga gamit para sa mga bata. Si Mrs. Judy Buresh ang nakausap namin, siya ang pinaka-head para dito.

Piktyur, piktyur!
T'yak na sa pasukan, may 50 mag-aaral ang magiging masaya dahil sa konting biyaya na ito...at muli po, SALAMAT PO SA LAHAT.
P.S.
Sa LAPIS at PAPEL na fundraising ay nakakuha ng P20,000.00...P3,000.00 para sa 2 feeding centers na ito at ang natirang P17,000.00 ay ipinadala ko na po sa taong in-charge para sa LAPIS AT PAPEL sa Mindanao, kay Ate EMMA LINDA OCAMPO.

...eto 'yung bank receipt...

...Ayan, para mas klaro!
