Thursday, October 07, 2004

‘di ko na siya papa…

sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon ako ng libreng oras kahapon…naging malaya ako kahit saglit, at ang kalayaang ito ay aking tinamasa ng lubos…ako’y nagpakaligaya…lalim no?

…hindeee…ibang ligaya…nagpakaligaya ako sa panonood ng sine..ehe…medyo malaswa pa rin ang dating n’un dahil may mga kababalaghang nangyayari rin nga pala sa loob ng sinehan, hehehe…ang ibig kong sabihin ay nanood lang ako ng sine…’yun lang!

…galing tagaytay, daang short cut sa may calamba, byaheng bungo ang dinaanan namin kahapon…pagbaba ko ng calamba…ay waltermart na!


...and’un na rin lang ako ay naisip ko na makapaggala na rin at makapanood ng sine kung may magandang palabas…ilang buwan na rin ako ‘di nakakapanood ng sine…ang huling napanood ko yata ay…teka…uhmmm..spider-man 2…matagal-tagal na rin nga…

…nagkataon naman na palabas ang “the punisher”, ni hindi ko nga napanood ang rebista nito, pero nabalitaan ko na maganda raw ito, so, sinubukan ko na rin…medyo may alam naman ako ng kaunti sa mythos ng the punisher sa comics kaya okay na rin na panoorin…

…at pinanood nga…well, okay naman…hehehe, gore galore, slugfest pa…okay din naman yung gumanap na frank castle…maraming cool moments…tapos si…BIG DADDY COOL and’un, wohooh!

…tapos…’yung papa ko na, si papa john travolta..ayaw ko na pala sa kanya kasi…kasi, well, papa kasi ang tawag ko sa isang artistang lalaki na hinahangaan ko, yung magaling umarte ha? hehehe…

…balik tayo kay john travolta, okay naman yung pag-arte nya kaso nung pinapanood ko na siya, hindi tumatak sa akin ‘yung karakter na inaarte niya…ang naaalala ko ay yung karakter nya sa pelikulang “swordfish”…uhoy, pumalpak siya para sa akin…kasi ang hinahangaan ko ay yung artista na kayang paghiwalayin ang bawat karakter na ginagampanan nya…ibang karakter sa bawat pelikula nila…tulad nina papa robert de niro, papa anthony hopkins, papa al pacino, at iba pa…

…pero, okay pa rin naman siya, kaso nga lang, ‘di ko na siya papa…hehehe…

…maiba tayo, siguro may nakakapansin din nito…nakakainis, as in, sobrang nakakainis manood sa sinehan kapag may katabi kang kinukwento kung anong mangyayari sa pinapanood mo, lintek, nawala tuloy ang suspense…sira!

…isa pa, yung nanonood ka, tapos ring ng ring yung cellphone ng katabi mo, ascending pa, naririnig na yata ng lahat ng nanonood yung cellphone nya kesa sa kanya, tapos sinagot nga, ang lakas namang makipag-usap, walandyo, ang sarap itapon sa labas ng sinehan…bakit may mga taong ga’nun? kakainis!

…teka, nag-enjoy ba ako..well, nagpumilit mag-enjoy…palipat-lipat ng upuan para lang makalayo sa mga ganoong klaseng taong manonood…haaay…

5 comments:

Gerry Alanguilan said...

Sana binungian mo.

jonasdiego said...

O nag-ala-Balbona ka (in true Johnny Balbona fashion) at pinagsasabunutan at tadyakan mo sila. :)

Raipo said...

oo, tapos may kasamang clothesline tsaka mag-asawang sampal na may mga anak pa!

jactinglim said...

aaay! jombag galore!

Arashi-KIshu said...

Bakla nakita kita sa blog ni Raipo...pa-link. isa ka ngang...

"WEIRDO!"

Related Posts with Thumbnails