Wednesday, December 01, 2004

si Alex Ross naman!

...ahahahaha....kung na-idisplay ko si Druuna at nabanggit ang kanyang tagapaglikha na si Paolo Eleuteri Serpieri...siyempre, hindi pahuhuli ang isa pa sa mga dinidiyos ko sa larangan ng pagguhit...si Alex Ross naman!

...eto ang isa sa mga guhit niya...



...kakaiba talaga ang estilo nya sa pagguhit...buhay na buhay!...para kang nanonod ng sine kapag binasa mo o tinitigan mo man lang ang mga gawa niya...parang mga kuha sa litrato...mahusay talaga...

...siya yung ang estilo ay pinupuno ang kakulangan ng isang espasyo sa pamamagitan lamang ng isang stroke ng brush na ginagamit...ang LUPET!!

...bonus pa rito eh 'pag nakita no 'yung mga sketches nya, lapis pa lang ang ginamit, buhay na rin...sanay na sanay siya d'un sa pag-manipulate ng source ng liwanag...ewan, nakakabaliw malaman kung paano nya natutuhan 'yun...

...nakilala ko siya sa mga librong (komiks) na MARVELS ng Marvel Comics at KINGDOM COME ng DC Comics, magmula noon, nagbago na ang mundo ko...nakakabaliw ang mga pinaggagawa niya d'un...simula lang 'yun... at nasundan pa ng nasundan ang mga kabaliwan niya...grabe, at ang nakakatakot pa nito, patindi ng patindi pa lalo ang kagalingan niya...haaaay, kakainggit...diyos talaga siya!


No comments:

Related Posts with Thumbnails