Friday, December 03, 2004

haaay....

...haaay, andito ako ngayon sa may Malate, sa tabi nga manila bay...board walk ba tawag dito?...naglalakad...kakatapos ko lang makipag-meeting sa mga bago kong bossing...ngayon, pinag-isa na 'ko, maglakad-lakad daw ako...maggala....magliwaliw....

...pagkakaton ko na sanang makita ang famous sunset, kadalasan kasi sa litrato ko lang 'yun nakikita...kaso, maulap naman, 'ala rin....

...nagpapalipas ng oras...naghihintay ng umaga...mag-isa...malungkot...samantalang ang mga tao rito, partner-partner...ako wala...haaaaay....kakainggit...wala bang lalapit sa akin?...babae?...lalaki?...kahit sino...papatulan ko...maibsan lang ang kalungkutan koh...hehehe, well, kung nakaka-shock, maglaladlad na ako rito...try-sexual po kasi ako...i'll try anything! hehehe....

bukas nga umaga ang flight...papuntang davao...panibagong mundo...masaya...malungkot...excited...haaaay...ano kaya ang kinabukasan ko r'un?

...haaay talaga, buti nakakita ako ng computer shop...para maibsan ng konti ang pangugulila ko...ayan, medyo okay na ako...balik na uli ako hotel...malayo-layo rin 'yun, pero okay lang, para malibang din ako....

....;)

4 comments:

Gerry Alanguilan said...

Hay Johnny....dala mo ba ang phone mo? Sana makahanap ka ng Internet sa pupuntahan mo para makapagcommunicate pa rin tayo...

Gerry Alanguilan said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Raipo said...

Oy! Sulatan mo kami! We'll miss u! PAsalubong!

Jac said...

Hoy hitad mag-text ka naman ;)

Related Posts with Thumbnails