Thursday, December 23, 2004

isa pa uli...

andito ako ngayon sa SM Davao...dito kasi ako magpapasko sa kaibigan ko...walang tao ng pumunta ako sa kanila kanina kaya nagpalipas muna ako ng oras dito...

okay naman pala dito...nakatikim na uli ako ng simoy ng syudad, medyo natagalan ako d'un sa bukid eh...

n'ung pagpasok ko ng SM, magazine stand kaagad ang bumulaga sa akin, siyempre, ako na sabik na sabik sa komiks, nagtanong kaagad kung meron sila, eh meron daw, madami, P10 lang isa...aysus! jackpot! ang dami kong nabili! hahahaha, marami na uli akong babasahin d'un sa bahay ko, 40 piraso yata 'yung nabili ko, hahahahahahahahahahahaha!

kaya 'yun, nakangiti na uli ako...merry christmas sa inyong lahat!!!

1 comment:

Jonas Diego said...

Jackpot nga! Ano-ano ang mga nabili mo? Siyanga pala, diyan daw magpapasko si Henry. Baka puwede kayong mag meet up para hindi masyadong malungkot ang Christmas mo.

Hitad! Bakit di ka sumasagot sa e-mail at text? Wala bang signal diyan?

Miss na miss ka na namin.

E-mail ko sa yo ang bagong number ni Henry. Ingat, pare. :)

Related Posts with Thumbnails