Wow, naka-dalawang lingo na ako dito sa Mindanao, ang bilis ng mga araw…konting tiis na lang!
N’ung Lunes, nagsimula na ang pag-ratsada ko sa mga bukid na hawak ng aming opisina…siyempre, dahil baguhan daw ako sa lugar kaya sasamahan muna nila ko, pero sa susunod, ako na lang daw mag-isa, at mag-isang magbyabyahe…kaya, ayun, may dala kaming sasakyan at pumunta na kami sa mga bukid…
Unang pinuntahan naming ‘yung mga bukid sa Kabacan, North Cotabato…grabe, malayo siya…mula Kidapawan City papuntang Kabacan, mga isang oras na byahe…isang oras nga, pero mabilis iyon at walang trapik kaya talagang malayo…tapos, yung bukid, mga 15km ang layo sa sa main highway, lubak-lubak pa ang daan…pero grabe, kahit saan ka tumingin, puro palayan ang makikita mo, daang-daang ektarya…
…unang pagkakataon din na makakita ako ng tagak sa ilang ng malapitan, sanay kasi sila sa tao na hindi hinuhuli o binabaril kaya okay lang lapitan, ‘di kaagad lumilipad…’di tulad n’ung nasa Laguna pa ako, malayo ka pa’t napakiramdaman nila, lumilipad na kaagad palayo…dito, maski 1 metro ang layo mo sa kanila, okay lang, mapagmamasdan mo silang mabuti…
Okay ang tanawin, maganda, kaso…sa bawat barangay na aming madaanan, may mga kampo ng sundalo sa bawat unahan…checkpoint…grabe daw kasi ang digmaan d’un sa lugar na iyon n’ung una…mga kalagitnaan ng 80’s, at simula ng 90’s, medyo ngayon lang daw medyo tumahimik…labanan daw ng mga Muslim at Kristiyano…mga MILF at sundalo…nakakalungkot…kaya sa mga magsasakang nakapanayam ko, bawat isa sa kanila may mga karanasan sa digmaan na maikwe-kwento…natuwa nga ako sa mga taong nakapanayam at mga bukid na napuntahan ko, kaso sa kabila nito, may mga kaguluhan pa rin palang nangyayari…kahit anong oras daw, pwedeng magkagulo uli, at ‘pag nangyari ito, mapipilitan na naman silang lisanin ang mga ukid at tahanan nila…kaya pala gan’un ang itsura ng mga bahay d’un, walang permanente o konkretong nakatayo, puro pawid lang…kasi, wala silang kasiguruhan sa sitwasyon…
…at grabe, kapag pala ako nagbyaheng mag-isa papunta d’un, tinanong ko na kung paano…kailangan alas-otso nasa Kabacan na ‘ko, pupunta sa paradahan ng tricycle, tapos, maghihintay ng pasahero, para mapuno, tapos, kalimitan mga alas-onse na nakakaalis...tricycle na ‘yun ha, mga walo lang anag kapasidad, pero matagal mapuno…gan’un kadalang ang taong pumunta sa lugar na iyun…tapos, ‘pag naroon na ako sa lugar na iyun, alas-dos ang huling byahe papuntang bayan, kaya limitado ang oras ng pagtigil ko d’un kung sakali man…patay!
Natapos kami ng alas-singko, buti na lang may dala kaming sasakyan kaya walang naging problema…nakauwi kami sa opisina ng alas-siyete…siyet, ang sakit ng katawan ko!
…pagdating ko opisina, nagkataon walang kuryente, black-out ang buong Mindanao…ang galing ng pagkakataon, alas-siyete na kami dumating, madilim na madilim na sa paligid…may generator lang ‘yung opisina kaya maliwanag…natakot na tuloy akong tumuloy d’un sa tinitirhan ko, siguradong madilim at isa pa, puro kawayanan ‘yung dadaanan ko at lahat sinabihan ako na may “lumalabas” d’un sa tinitirhan ko, ‘di ko pa lang talaga sila nakikita…kaya ayun, natakot na rin akong umalis, mabuti na lang may dormitoryo kami, d’un na lang ako nagpalipas ng gabi…marami naman akong kasama nu’ng gabing ‘yun kasi may assessment ang opisina…kaso, n’ung natulog ako d’un, may nagparamdam naman sa akin…dalawa lang kami sa kwarto at magkabukod kami ng higaan, magkalayo pa…pero n’ung gabing ‘yun, may katabi ako sa higaan, pakiramdam ko babae ‘yun eh…haaaay, ang hilig talagang may tumabi sa akin na hindi nakikita…
Maaga akong gumising at bumalik d’un sa king tinitirhan kinabukasan para makapaghanda, kasi may ibang lugar pa uli kaming pupuntahan…sa Midsayap naman at d’un kami magpapalipas ng gabi, kasi masyadong malayo at matagal ang byahe…sayang ang oras kapag nag-uwian kami…
Papunta d’un, buti na lang dala ko ‘yung mga tapes ko, VST at Hotdog…para hindi kami antukin at ng mapagmasdan kong mabuti ang kapaligiran…maganda nga ang aming nadaanan…kaso pagdating namin d’un sa may Pikit, North Cotabato, medyo hindi na maganda ‘yung tanawin…nadaanan naming ang resettlement area ng mga Muslim…d’un sila itinaboy ng pamahalaan natin dahil sa digmaan, mga biktima ng digmaan…at ang daan, baku-bako, hindi dahil sa dala ng panahon kun’di, dahil sa digmaan…nakakaawa….naghihirap sila dahilsa digmaan…sabi ng mga kasama ko, kung ano ‘yung nababasa ko sa dyaryo na digmaan, dito sa Pikit ‘yun, kaya harap-harapan kong nakita ang sitwasyon…
Nakarating kami sa Midsayap ng mga dalawa’t kalahating oras…malayo talaga, pero laking gulat ko, para na rin siyang lungsod!
…maganda ang Midsayap, masarap pa sigurong magtagal du’n…medyo mabilis lang ang tigil namin sa bayan, kasi kalimitan sa mga bukid kami naglalagi…d’un naman sa mga pinuntahan naming lugar…mas grabe ang lawak ng palayan…mas daang-daang ektarya ng palayan ang nakita namin…’yun daw kasi ang “rice bowl” ng Mindanao kaya gan’un kalawak ang palayan…
…biro mo, sa nakita kong iyon, d’un ko talaga napatunayan na hindi nagkukulang ang Pilipinas sa bigas…ang mga produkto sa Mindanao kung maaayos ng husto ang distribusyon, ay kayang-kaya pakainin ang buong Pilipinas at labis-labis pa!
…pero hindi nangyayari iyon, kagagawan kasi ng ating pamahalaan…mas mura pa kasi para sa pamahalaan natin na mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa kaysa galing sa Mindanao…ang totoo, mas kikita, mas malaki ang kurakot o maibulbulsa ng mga namamahala natin kaya gan’un ang sitwasyon…samantalang ang mga produkto o ani sa Mindanao, nabubulok lang… sa Luzon, walang makain…sa Mindanao, labis ang pagkain..wala ngang mapagbentahan eh…ewan, nakakalito!
…haaay, lumabas tuloy ang aking pagka-makabayan…ganun talaga ang buhay, nakakalito….
Sa isang linggo uli ang lakad namin, marami pang ibang lugar kaming pupuntahan, saka ko na uli isusulat dito….
Saturday, December 18, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
gay porno
Post a Comment