Saturday, January 29, 2005

tatalikuran kita, aaaaay!!

eto na 'yung mga kuha ko n'ung pumunta at nag-snorkeling kami sa Talikud or Talikod(?) Island...

siyempre, ubod ng saya, bago pa lang ako sa opisina namin pero sandamakmak na gimik na kaagad ang ginawa namin, marami akong nakilalang bagong kaibigan at sa unang pagkakataon, nakakita ako ng tunay, buhay at malapitang mga korales!!!...nakakita rin ako ng lionfish, wowoweeeee na karanasan!!!

ululitin ko 'to!!!


sa Pearl Farm....dumaan lang, hehehe


ako, para may ebidensiya...


ako ulit...hehehe, shyet, ang bangs ko!


kamay ko 'yan!


kami ng mga kasama ko...


bago kong nakilala d'un na dive master namin...hehehe, siya dive master, ako maninisid, hehehe...


siyempre, n'ung nag-i-snorkeling na 'ko, actually, nalulunod na ako nito eh, kaya 'di nakaharap sa camera!





Libo-libong liempo, daang-daang pige...

kung pamilyar sa inyo ang titulo sa itaas, malamang kilala nyo ang Datu's Tribe, namimi-miss ko na kasi sila eh, hehehe...

ito 'yung nakita ko sa Davao, sa malayo, akala ko kung ano lang, n'ung nilapitan ko, aba, eh mga baboy pala, at buhay sila!!

ito pala ang paraan nila ng pagde-deliver ng mga baboy, kung titingnan mo parang napaka brutal naman, pero sa totoo lang, pinakamaayos na daw 'to...'yung saha ng saging ang nagsisilbing pampalamig sa mga baboy laban sa init, tapos, nakataling maiigi para daw hindi mahirapan, hmmmmn, tama ba 'yun? "hindi mahihirapan"?...'yung maliliit na baboy, iyon ang bibinibili para alagaan, 'yung medyo malalaki ng konti, para daw ilitson...pinoy nga naman!


mga baboy sila mga kafatid!!

malapitang pagtingin sa mga kafatid

first class delivery!!!

another closeup ng mga kafatiid!!


Monday, January 24, 2005

okay, okay...

okay, panahon na siguro para magsulat uli ako sa blog na ito at ipaalam sa mga kaibigan ko na dito lang nalalaman kung anu-ano na ang mga pinaggagawa ko ng mga nakaraang araw o linggo....

una, nagbagong taon ako sa lugar namin, sa bundok, masaya naman siya kasi nakahanap ako ng pagdarausan ng bagong taon...kakaiba dito, tahimik, maraming pagkain...

pagkatapos n'un, balik na uli sa trabaho at nag-meet na uli kami ng mga boss ko...akala ko katapusan ko na kasi inassess nila ako...okay naman pala, magtatagal pa raw ako dito, haaaaay, buti naman! ops, huwag mag-react na ayaw ko ng umuwi...kundi para makapag-ipon pa...

balik trip na naman ako kung saan-saan sa pag-i-interview ng mga farmers, tapos buti na lang n'ung napapunta ako sa Midsayap, nagkataon na Halad Festival, pagkakataon kong mapanood, 'di naman ako nadismaya, okay na okay...para din tuloy akong nasa San Pablo, street dancing at showdown, ang galing ng mga nag-perform!!!

kaso, lahat ng kasarapan, may kapalit na medyo hindi masarap...ayun, sa sobrang pagpapasarap ko, nanibago naman ang katawan ko sa lugar na iyon, medyo mainit kasi sa Midsayap, eh sanay ako sa Makilala na lugar namin na malamig, ayun, namaga ang lalamunan ko...kaya naisipan kong umuwi muna at magpahinga...kaso, dinemonyo naman ako, tumawag 'yung aking special friend dito, magkita raw kami...hindi ako makahindi...pinuntahan ko siya... sa Davao, apat na oras na byahe tapos ang nasakyan ko pa eh aircon na bus, ayun, lalong sumama ang pakilasa ko, nagkasinat na nga ng tuluyan...pero nagkita pa rin kami at iyon... mahirap tanggihan ang tawag ng laman eh...vegetarian ako 'di ba? kaso ibang laman 'yung tumawag, ayun, magdamag naming pinagsaluhan ang gabi...enjoy!

pag-uwi ko, ayun, nilalagnat...pahinga, tapos ngayon, medyo okay na, trabaho na ulit...'tangina, kanina ulan ng ulan dito...kapag umuulan, walang byahe, walang skylab, eh kailangan kong pumunta sa M'lang, ayun, nilakad ko hanggang sa labasan namin, mga 2 km din ang layo n'un, nasa ulanan na naglalakad, parang kakagaling ko lang sa sakit ah... tapos, tsaka ako nakasakay papuntang terminal...haaay, ang hirap kumita ng pera!!!

ngayon lang ako nagkaroon ng oras na makaharap sa computer...masyadong abala, ang daming ginagawa...ayun, marami ring na-miss na mga activity ng mga kaibigan...siyet, nakaligtaan ko pang batiin 'yung isang papa ko, kaya ngayon na lang, kahit huli na...HAPPY BIRTHDAY MANONG GERRY!!!!

isa pang papa, si PAPA CARVER, bukas naman siya, HAPPY BIRTHDAY din!!!

aaaahhhh, ayun na muna....;)
Related Posts with Thumbnails