okay, panahon na siguro para magsulat uli ako sa blog na ito at ipaalam sa mga kaibigan ko na dito lang nalalaman kung anu-ano na ang mga pinaggagawa ko ng mga nakaraang araw o linggo....
una, nagbagong taon ako sa lugar namin, sa bundok, masaya naman siya kasi nakahanap ako ng pagdarausan ng bagong taon...kakaiba dito, tahimik, maraming pagkain...
pagkatapos n'un, balik na uli sa trabaho at nag-meet na uli kami ng mga boss ko...akala ko katapusan ko na kasi inassess nila ako...okay naman pala, magtatagal pa raw ako dito, haaaaay, buti naman! ops, huwag mag-react na ayaw ko ng umuwi...kundi para makapag-ipon pa...
balik trip na naman ako kung saan-saan sa pag-i-interview ng mga farmers, tapos buti na lang n'ung napapunta ako sa Midsayap, nagkataon na Halad Festival, pagkakataon kong mapanood, 'di naman ako nadismaya, okay na okay...para din tuloy akong nasa San Pablo, street dancing at showdown, ang galing ng mga nag-perform!!!
kaso, lahat ng kasarapan, may kapalit na medyo hindi masarap...ayun, sa sobrang pagpapasarap ko, nanibago naman ang katawan ko sa lugar na iyon, medyo mainit kasi sa Midsayap, eh sanay ako sa Makilala na lugar namin na malamig, ayun, namaga ang lalamunan ko...kaya naisipan kong umuwi muna at magpahinga...kaso, dinemonyo naman ako, tumawag 'yung aking special friend dito, magkita raw kami...hindi ako makahindi...pinuntahan ko siya... sa Davao, apat na oras na byahe tapos ang nasakyan ko pa eh aircon na bus, ayun, lalong sumama ang pakilasa ko, nagkasinat na nga ng tuluyan...pero nagkita pa rin kami at iyon... mahirap tanggihan ang tawag ng laman eh...vegetarian ako 'di ba? kaso ibang laman 'yung tumawag, ayun, magdamag naming pinagsaluhan ang gabi...enjoy!
pag-uwi ko, ayun, nilalagnat...pahinga, tapos ngayon, medyo okay na, trabaho na ulit...'tangina, kanina ulan ng ulan dito...kapag umuulan, walang byahe, walang skylab, eh kailangan kong pumunta sa M'lang, ayun, nilakad ko hanggang sa labasan namin, mga 2 km din ang layo n'un, nasa ulanan na naglalakad, parang kakagaling ko lang sa sakit ah... tapos, tsaka ako nakasakay papuntang terminal...haaay, ang hirap kumita ng pera!!!
ngayon lang ako nagkaroon ng oras na makaharap sa computer...masyadong abala, ang daming ginagawa...ayun, marami ring na-miss na mga activity ng mga kaibigan...siyet, nakaligtaan ko pang batiin 'yung isang papa ko, kaya ngayon na lang, kahit huli na...HAPPY BIRTHDAY MANONG GERRY!!!!
isa pang papa, si PAPA CARVER, bukas naman siya, HAPPY BIRTHDAY din!!!
aaaahhhh, ayun na muna....;)
Monday, January 24, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
"...mahirap tanggihan ang tawag ng laman eh...vegetarian ako 'di ba? kaso ibang laman 'yung tumawag, ayun, magdamag naming pinagsaluhan ang gabi..."
Classic! :) Ay grabe Johnny, ala na ako masabe. he.he.
Edi may lagnat na rin sya? Nagkalat ka pa ng germs! Wag mo kalilimutan ang protection Johnny! Protection mula sa taga ng kung sino man ang magseselos! ha! ha!
'Tay ka Johnny kay Jrld 'pag uwi mo dito!
Aminin mo na na carnivore ka... : )
Aba! At umarangkada na naman ang bakla! Wag ka kasing masyadong mag-deep throat. Kaya namamaga ang mga tonsils mo eh. :)
Aba, e nakakagaling ba yang pinaggagawa mo o nakakalala? ;)
Post a Comment