Monday, April 11, 2005

Update muna....

Uuuy, medyo matagal-tagal din pala akong hindi nakapag-update dito ah…sige na nga!

Sa mga nakalipas na buwan, ano bang mga pinaggagawa ko? Ahhh, medyo marami-rami pala…naging abala ako sa pagsusulat, siyempre, ayun ang trabaho ko eh, na hanggang ngayong ay hindi pa tapos, dahil maraming gustong idagdag at palagi pang nasisira ang mga computer na ginangamit ko…ano bang kamay meron ako at palagi na lamang nakakasira ng computer?!!

Nakapunta nga rin pala ako sa General Santos City, mga anim yatang probinsiya ang nalampasan naming bago makarating d’un, kaso saglit lang kami d’un, gabi pa n’ung umalis kami kaya hindi ko masyadong napagmasdan ang paligid….babalikan ko iyon talaga!

Ahhh, teka, ano pa ba? Training seminar siyempre, medyo maramirami…swimming, tapos, nagkasakit pa ako, na-infect ang tenga ko…masama pala ang cotton buds, napasobra ang linis ng tenga ko, ayun namaga! Putsa, masaket! Dinala ko sa espesyalista, mahal ang bayad, sana naipang-gimick ko na lang ‘yung pera….kasi, engot maglinis ng tenga, ayan tuloy!

Uy, eto nga pla ang itsura ko ngayon….hehehe, medyo humarap na ‘ko sa katotohanan tungkol sa buhok ko…ganito na lang siguro palagi ang buhok ko!

Image hosted by Photobucket.com
okay ba?

Eto nga pala mga bago kong kaibigan, mga officemate ko…at siyempre, ‘tulad ko, mga maldita at bading na rin ang ,mga ‘yan…medyo contagious ako dito eh!

Image hosted by Photobucket.com
eto si Lotlot!

Image hosted by Photobucket.com
eto naman si mama ‘son! Gerson ang fangalan niya

Haaay, okay na ‘ko dito…medyo, matatagalan pa talaga ang pagbisita ko sa Luzon…konting tiis nga lang talaga….

At saka nga pala, salamat sa ‘king papa!! PAPA GERRY ALANGUILAN, SALAMAS, este SALAMAT TALAGA!!!! Ang ganda ng T-shirt, siyempre ako lang ang meron n’un dito!!! Tapos, may babasahin na uli ako, okay talaga ‘yung Lastikman. Medyo huli na talaga ako ngayon, pagdating sa komiks, ang hirap humanap dito sa Mindanao eh!

4 comments:

Gerry Alanguilan said...

Walang anuman, Johnny. Basta pag bumisita ka sa bahay, wag ka gumamit ka ng computer ko...baka masira. he.he.

Jonas Diego said...

Nag update na rin sa wakas! Ha ha ha! :D

Sayang Johnny ala ka nung swimming. Ang saya! :)

hxero said...

Hi Johnny... buti namn @ nagparamdam ka din...

rene said...

hey dude! bring your hairy bod here!

Related Posts with Thumbnails