Tuesday, September 13, 2005

Gimik!

N'ung nakaraang linggo,maykaibigan akong bumisita dito sa Davao, siyempre excited ako sobra dahil matagal ko na siyang hindi nakikita, mga dalawang (2) taon na...at siyempre dahil bibisita siya, inayos ko ang lahat, tutulugan, gimik area at schedule. Dadalhin ko sana siya sa d'un sa mga pinost ko dito na pictures tungkol sa "starfish", kaso mapagbiro ang tadhana, kakaunti lang ang panahon na narito siya, kaya lahat ng binalak ko, walang natuloy - ngek!

Ang nangyari, nagkita lang kami sa Davao at d'un gumimik! Okay naman, worth it naman ang pagkikita namin, super saya pa rin kami! Siguro 'pag-uwi ko na lang diyan sa Luzon ang part 2 ng aming gimik.

Eto nga pala siya, si Ed, grabeh, iba ang mga pinagsamahan namin ng babaeng ito,as in, halos magkadugtong na ang mga bituka namin! Sa hirap at ginhawa, sa saya at tuwa, magkasama kami, sa pag-ibig at...huwag na lang, baka malungkot pa ako eh, alam na n'ya 'yun....

Image hosted by Photobucket.com
Si Ed, 'diko nalang sasabihin kung ano ang code name nya!


At alam nyo ba, baliw din siya, nag-pose ba naman ng ganito!

Image hosted by Photobucket.com
Ed's Sadako's impression!

Kasama naming gumimik din eh ang bakla naming kaibigan sa davao, grabeh, ang galing ng doktor nya, successful ang operation nya para magmukhang babae. Babaeng-babae ang dating nya kaso pumalpak lang sa isang banda 'yung doktor, sa mukha - peace jan-jan, hehehe!

Image hosted by Photobucket.com
Si jan-jan, oy babae 'yan!

Image hosted by Photobucket.com
o, di ba, may pa-pose-pose pa kaming nalalaman!

Image hosted by Photobucket.com
Naka-"Magnum" look si Jan-Jan!

Tapos, okay 'dun sa ginimikan namin kasi ang nagpe-perform eh ang P.L.O - Popong Landero Organization! ang tagal na n'ung huli ko silang napanood, College pa yata ako n'un.

Image hosted by Photobucket.com
Ang P .L.O!

Image hosted by Photobucket.com
Solo ni Ka Popong!

Image hosted by Photobucket.com
Si ka Popong during the break

Image hosted by Photobucket.com
At siyempre, palalampasin ko ba naman ito, me and Ka Popong!

Wahahaha, enjoy talaga! 'Di lang kaibigan ko ang naka-bonding ko, nakita ko pa si Ka Popong!

9 comments:

Jonas Diego said...

Aba at masipag ang lola mag update ngayon. Ha ha ha! :D

Gerry Alanguilan said...

Grabe, di pa ganyan ang itsura ni Popong nung last ko sya nakita. Sabagay 1993 pa yun! Nagbebenta ba sya ng CD?

balbona said...

Jonas,

Medyo napapadalas kasi ang labas ko sa bundok eh, kaya dinadalasan ko nah....

Gerry,

Meron CD, kaso out of stock, magpo-produce pa raw, ewan ko kung aabot diyan sa Luzon, i'll inform you....

hxero said...

wahhh... kaingit... d me nkapunta kadayawan...

jrld said...

uy, johnny. napabalik ako sa post na ito at parang napanin ko na may slight na "bukol" ka pala dun sa huling pic habang katabi mo si ka popong.

na-arrouse/may pagnanasa ka ba sa kanya?

balbona said...

jerald,

tse! bukol king lang talaga akoh!

Arashi-KIshu said...

bah bago!

Raipo said...

Salamat sa libreng plugging!

Oi may manhunter deck na ako sa DC Card game!

puklo said...

yo! ur from Batasan? wow!


i just stumbled upon your blog.... so, yun! i found out na magkapitbarangay lang tayo. hehe.. [what a term!]..

btw, im from kisante.

GOD bless,,

Related Posts with Thumbnails