Saturday, December 31, 2005

Mga huling sandali ng 2005!

Whoah, ilang oras na lang at bagong taon na! Kay bilis talaga ng panahon! Ito na siguro ang huling entry ko sa 2005, at siyempre, okay kung medyo balikan ko ang mga magagandang nangyari sa buhay ko dito sa Mindanao!

...bilang ganap na taga-Mindanao, kaya ko ng umubos ng isang buong durian!

...nagpakasasa ako dito sa mga eat all you can restaurant, mga seafoods ang handa at average lamang ng P99.00!

...natuto akong mag-swimming at rumampa sa bawat beach na pinupuntahan ko!

...nakapunta ako sa iba't-ibang lugar dito sa Mindanao, at nakakilala ng mga bagong kaibigan.

...naka-attend ako ng iba't-ibang festival dito sa Mindanao!

...ilang beses akong nagplanong umuwi pero ni isa, walang natuloy!

...ilang beses akong bumalik sa Talikud Island, parang Boracay sa ganda!

...opisyal na nakasisid na ako sa tubig! hehehe...

...na-feature ako sa tv, newspaper at radio dito sa Davao!

...nakilala ko uli ang Diyos!

...at higit sa lahat, nakilala ko ang isang babaeng nagpasaya, nagpapasaya at magpapasaya na naman sa buhay ko!

Ahahaay! okay na okay ang buhay! Sana sa mga susunod pang araw eh mas okay pa...positive na ngayon ang tingin ko sa buhay!


...kaya sa inyo, HAPPY NEW YEAR!!!!!

6 comments:

joemiller4377 said...

I read over your blog, and i found it inquisitive, you may find My Blog interesting. My blog is just about my day to day life, as a park ranger. So please Click Here To Read My Blog

Raipo said...

Oi! bumalik ka na d2 sa Luzon!!!

Gerry Alanguilan said...

At last! Lalake ka na!! :)

azrael said...

oi johnny!!

hapi new year!!!
isa naman putok dyan oh

hahahahaha

Jonas Diego said...

Buh-buh...BABAE!? :)

michelbencon7778 said...

I read over your blog, and i found it inquisitive, you may find My Blog interesting. So please Click Here To Read My Blog

http://pennystockinvestment.blogspot.com

Related Posts with Thumbnails