Friday, March 09, 2007

aaaah, sige na nga!

...papatulan ko si fafa Gerry sa tag nya.

...hihirit muna ako, nakita nya pala si Cesar Montano, well, hirit ko lang, n'ung napanood ko 'yung mananabas, tawa ako ng tawa, 'yung character kasi ni Johnny Delgado, si fafa Gerry ang naaalala ko, hehehe!

...eto na...

10 Weird/Little Known Things About Me

1. Madali akong mapaiyak sa mga pelikula...Schindler's List, umagos ang luha ko...weird nga 'no?
2. Idolo ko si Jessica Zafra.
3. Kaibigan ko si Mr. Gerry Alanguilan - Gerry who?
4. Crush ko hanggang ngayon, at lalo pa yata, si Mr. Eddie Gutierez, Ahaaay!
5. 80's music pa rin ang paborito kong pakinggan.
6. Homophobic ako sa mga gay parlors or drag queens.
7. I hate my high school years (pwera lang sa totoo kong mga friend n'un)
8. Super-takot ako sa linta!
9. Napingkaw ang kaliwa kong braso dahil sa aksidente sanhi ng katangahan ko n'ung grade six ako!
10. Lampas na dalwang taon na ako dito sa Mindanao, konti pa lang alam kong bisayang salita.

oh, sino naman i-tag ko?...uhmmn...kung sino po makabasa nito na may blog!

3 comments:

Raipo said...

Ako tag mo ako!!!

Gerry Alanguilan said...

Raipo... o diba nga na tag na kita? :D

Jonas Diego said...

You're alive again, Johnny! :D

Related Posts with Thumbnails