Thursday, June 21, 2007

a divine moment has happened to me!

hahaha, nakakatawa kanina!

nasa sm ako, may inayos lang...tapos, biglang may tumawag sa akin...

sabi niya, "johnny, johnny balbona!"

ako nagulat, sabi ko..."yeap, ako nga, and you are....?"

sa isip ko, sino 'tong mamang ito, wala namang tumatawag sa akin nag gan'un dito sa davao sa akin...isa ba siya sa mga naka-SEB ko?

sabi niya, "ako si steven!"

stephen pa nga ang pakinig ko, eh ang alam ko lang na stephen eh monicker ni jonas sa webcomics nya...

tapos 'yun, nagkamay kami, nagkumustahan, tapos tinanong apelyido ko kung balbona ba talaga, sabi ko hindi naman, tapos, siyempre tinanong ko rin apelyido nya, saka pa lang naging klaro ang lahat!

sabi nya, "pabalinas, steven pabalinas."

eyng, bigla ako nabigla, "ESTEVEN PABALINAS, as in THE ESTEVEN PABALINAS!" sambit ko...

"'yung nagdro-drowing ng Divine Comedy?" bulalas ko...

yeap, siya raw.


pagkarining n'un, ayun, saka pa lang ako natauhan, ako na talaga nakipagkamay sa kanya ng husto! Usap kami ng maayos maski saglit, ako pa ang nakilala nya, hahaha, gawa raw sa blog ni fafa gerry, malimit nya raw bisitahin, kaya namukhaan nya ako, naks naman, hehehe...

dito rin pala siya sa davao...at hinirit ko sa kanya, sayang at hindi ko dala libro nya para nagpa-autograph ako, eh idol ko siya eh! Okay 'yung mga gawa nya, lalo na humor nya!

tapos eto, bata pa pala siya, 29 years old lang!

eh matanda pa ako ng isang taon sa kanya eh...sabi ko nga, hindi ko akalain na gan'un siya kabata kasi, depiction nya sa comics mukhang 40ish na siya...

well, okay na experience yun ah! only in DAVAO, hehehe....

No comments:

Related Posts with Thumbnails