at isa pah!
Monday, August 20, 2007
Saturday, August 18, 2007
Pahibalo sa tanan: Minyo na gyud!
Lahat ng anumang transaksyon sa kanya na nagpapatungkol sa pagiging binata niya ay pawang kasinungalingan at ganap na walang katotohanan lamang. Sa totoo lang, habang sinusulat ko ang anunsiyo na ito ay ilang oras lamang ang nakalipas sa kanilang pag-iisang dibdib (AUGUST 18, 2007) ng isang babaeng lubos nyang minahal, minamahal, at mamahalin pa, na nagngangalang Bb. MAUREEN PASCUAL. Naway pagpalain sila ng Poong Maykapal ng sagana, tahimik at punong-puno ng pagmamahal na buhay.
Muli po, pinapaalalahanan ang publiko, lalo na ang mga kababaihan (well, pwede rin naman ang mga kalalakihan, alam mo naman sa panahong ngayon…) na ang lalakeng nabanggit ay ganap na pong may asawa, kaya pinapag-ingat po ang lahat, huwag po kayong magpapagoyo sa taong nabanggit! Lahat ng karapatan ng pagiging binata ay ipinagkait na sa kanya dahil siya ay ganap na ngayon na may-asawa!
MAAYONG PAGMINYO AILON at MAU!!!!!
Friday, August 17, 2007
Makalagot oi!
Ilang linggo ko ring binalik-balikan 'yun, 'di man lang kasi sila nag-anunsiyo kung kailan sila magbubukas. Natuwa na kasi ako kasi sa wakas, magkakaroon na rin ng tindahan ng comics dito, kaso nga lang...
Kanina, pagpasok, nakita ko na bukas na ang FILBARS, tuwang-tuwa na ako, kaso pagpasok ko, puro magazines lang ang naka-display, maraming magazines...maraming magazines...at maraming magazines....
Tinanong ko 'yung attendant, sabi ko, "Asa'n ang comics?"
Itunuro ako sa isang tumpok ng comics na luma, puro sticker pa at guso't-gusot, tapos may mga ilang tpb, kaso ang mahal naman, hindi ko gusto na mga title, at halatang hindi inaalagaan...nyah!
Sabi, ko okey, walang comics, magazines na lang...hinanap ko at tinanong kung may "Heavy Metal Magazine" o kaya ay "Wizard magazine"...pareho ang sagot nila, wala raw!
Tinanong ko kung kailan darating ang ibang stock, at baka sakaling may comics na maligaw...hindi raw nila alam kung kailan at kung mayroon...
Ako pa ang tinanong nila kung bakit daw ang mahal ng mga tpb, hindi pa rin nila alam kung ano ang tpb....
Haaaayyyy, makalagot oi!
Friday, August 10, 2007
Wednesday, August 08, 2007
Kadayawan na!!!
Kadayawan na naman pala, ang bilis ng panahon ah! Patatlo ko na palang Kadayawan ito, kaya medyo excited na naman ako! Masaya kasi kapag Kadayawan eh!
Noong una, sa Makilala ako nakatira, lumuluwas pa ako ng Davao (2 oras na byahe) para lang panoorin ang Kadayawan, kaya ubod ako ng saya kapag dumarating ang araw na ito. Pero ngayon, iba na, dahil dito na ako nakatira sa Davao ngayon, inaasahan ko na magiging mas masaya ito para sa kin nitong mga nagdaang Kadayawan.
Pero parang kakaiba yata ngayon, parang hindi ko yata ramdam ang saya ng Kadayawan. Hindi mabongga tulad ng mga nagdaang Kadayawan. Kakaunti ang mga gayak sa lansangan, kakaunti ang mga establishimento na may gayak patungkol sa Kadayawan, kakaunti ang "hype"...ewan ko lang, parang tahimik, parang balewala lang, parang ordinaryong araw lang...ewan ko lang ha, pero ito ang nararamdaman ko eh...'di tulad ng dati. Well, sanay kasi ako, lalo na sa Luzon na kapag fiesta eh,mabongga! Na-miss ko tuloy bigla ang "Mardi Gras" ng San Pablo City - d'un, talagang masaya at mabongga 'yun!
Eh ngayon, dito ako sa lungsod mismo, pero 'di ko ramdam ang kasayahan, ang tagline pa naman nila eh "mother of all festivals", parang hindi yata kayang panindigan....
Ang pinakaaabangan ko lang ngayon eh, ang pagbubukas ng PTA grounds, na inayos at pinaganda nilang mabuti at maraming mga rebulto ngayon d'un na nakagayak na gawa ng isang kilalang esklutor dito sa Davao, si KUBLAI! Kapag ganap ng tapos at okay na 'yun, kukunan ko ng litrato at ipapakita ko dito...